Share

Chapter 10: Girl for rent

Penulis: Hikikomori
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.

“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.

“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?

“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.

“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.

“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko. Kahit hindi niya ipaliwanag ng buo ay na-gets ko na kung ano ang gusto niyang mangyari. “Please?”

Tinignan ko siya at nabigla pa nang sa unang pagkakaton ay nagkaroon ng emesyon ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siya ganoon ka-cold tignan ngayon at ngumiti rin siya ng tipid sa akin. Sana ay ganiyan na lang siya palagi.

“Ikaw lang kasi ang babaeng kakilala ko na hindi takot sa’kin, at isa pa kahit paano ay malapit ka naman sa’kin.”

“Gano’n ba?” Nahihiya paa ko kunwari kahit na sa totoo lang ay okay lang naman talaga sa akin ang gusto niyang mangyari.. Ilang beses na niya akong iniligtas tuwing napapahamak ako kaya pwede na siguro ito maging bayad sa utang na loob ko sa kanya. “Sige, pumapayag ako.”

“Really? Then it’s settled. See you later!” Binitawan niya ang kamay ko para humawak sa magkabilang balikat ko. Magsasalita pa sana ako ngunit tumakbo na siya palayo. Hit and run? Pagtapos niyang mahit ang puso ko sa pagiging paasa niya ay tatakbuhan na lang niya ako ng gano’n?

Nanghiram ulit ako ng dress kay Ayesha dahil wala naman akong maayos na damit, at isa pa kahit pagpapanggap lang ay gusto ko pa rin magmukhang disente sa harapan ng mga magulang ni Jiro.

Since weekend bukas, binibigyan ng oras ang mga estudyante para lumabas ng campus pero since Friday ngayon, hindi ko alam kung paano kami makakalabas ni Jiro. Tinignan ko ang orasan at nakitang 3:45 na ng hapon, ang usapan namin ay mamayang 4:00 kami aalis kaya minadali ko na ang pag-aayos.

Mabuti na lang at naitago ko iyong papel na binigay niya sa akin noon sa cafeteria kaya nagawa ko siyang ma-contact. Hindi naman kasi niya ipinaliwanag sa akin ang details kanina at basta na lang umalis matapos akong mapapayag sa request niya.

“Okay na ba ang istura ko?” Tanong ko kay Ayesha nang humarap ako sa kanya. Nakasuot lamang ako ng simpleng eyelet white dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba, bukod doon ay sinuot ko rin ang paborito kong nude ankle sandals na saktong bumagay sa suot ko. Itinali ko rin ang buhok ko sa isang small bun at naglagay ng kaunting make up.

“Saan ka ba kasi talaga pupunta?” Ngumuso si Ayesha na tila nagtatampo dahil kanina pa siya nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta.

“May blind date ako,” Pagsisinungaling ko na lang dahil baka kapag sinabi ko ang totoo ay kung ano lang ang isipin niya, at isa pa baka magwala siya ‘pag nalaman niya kung kanino talaga ako makikipagkita. Kinuha ko na ang cross body bag ko sa mesa at isinabit iyon sa balikat ko. “Mauna na ako, ah? Salamat ulit dito sa dress.”

Tumango lamang si Ayesha kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto at naisipang tawagan si Jiro para malaman kung saan kami saktong magkikita. Nakalimutan ko kasi iyong itanong kanina habang napapalitan kami ng message.

“Hello? Saan tayo pala tayo magkikita?” Tanong ko nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko matapos iyong mag-ring ng ilang beses. “Palabas na ako ng dorm.”

“Nandito ako sa tapat ng hell’s gate, dito ka na dumiretso.”

“Okay.” Ibinaba niya ang tawag kaya naman napatingin ako sa cellphone ko. Akala ko pa naman kanina ay bumait na siya pero mukhang mabait lang siya dahil may kailangan siya. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na si Jiro. Mabuti na lang at walang masiyadong nag gagalang estudyante rito sa campus, malamang ay nagpapahinga na sila.

“H-hi.” Nahihiyang bati ko nang tuluyan akong makalapit kay Jiro. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang putting polo at brown na pantalon. Bukod doon ay ang cool niya pang pagmasdan dahil sunglass na suot-suot niya.

“Bagay sa’yo ‘yung suot mo.” Puri niya sa akin at pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang sinabi niya ngayong araw. First time niya akong purihin. “Tara na?”

Pagka-aya niya ay tumango lamang ako. Gaya kanina ay nauna siya sa paglalakad kaya nakasunod lang ako mula sa likuran niya pero bago iyon ay nahagip muna ng paningin ko si Thunder sa loob ng hell’s gate. Those eyes and the way he looked at me, bakit kinilabutan ako?

“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro nang lumingon siya sa akin at tumabi sa gilid ko para sabay na maglakad. Tipid akong tumango at hindi kumibo hanggang sa mapunta kami ng parking lot kung saan tumambad sa akin doon ang pagkarami-raming kotse. Mayroong Chevrolet, Lamborghini, Porsche at kung ano pa, halatang mayayaman talaga ang mga estudyante rito.

“This way!” Sigaw ni Jiro at doon ko lang na-realize na wala na siya sa tabi ko at ang layo na niya sa akin. Ano ba siya ninja? Tumakbo na lamang ako palapit sa kanya kung saan nakatayo siya sa isang kulay pulang Mustang. Ngumiti ako ng pilit bago niya ako pagbuksan ng pinto.

“Thank you.” Pagsakay sa kotse ay agad niyang sinara ang pinto at sumakay na rin sa driver’s seat. “Paano nga pala tayo makakalabas? Hindi pa weekend,”

“Trust me and don’t forget to fasten your seat-belt.” Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya kaya medyo napaiwas ako. Siya na rin ang nagsuot sa akin ng seat-belt, dahilan para maramdaman ko ang pagkalabog ng puso mula sa dibdib ko. “Hey! Are you listening? Sabi ko aalis na tayo.”

Agad akong bumalik sa sarili nang tapikin ni Jiro ang balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya, napatango na lamang at nag-iwas ng tingin. Matapos noon ay binuhay na niya ang makina ng kotse at marahang umalis pagkaka-park. Okay naman lahat sa una ngunit nang makarating sa kalsadang walang ibang kasabay na kotse ay biglang bumilis ang takbo naming. Sa sobrang bilis ay halos dumikit na ang ulo ko sa sandalan ng inuupuan, halos mapasigaw pa ako nang makitang malapit na kami sa gate.

Sunod-sunod siyang bumusina habang papalapit kami ng papalapit kaya naman pinikit ko ang isang mata sa pag-aakalang babangga kami ngunit mabuti na lang ay bumukas iyon bago pa man tuluyang tumama sa gate. Agad akong napalingon sa likuran at nakita kung paanong mag-gesture ang guard na bantay roon na para bang badtrip dahil sa nangyari.

“Thuglife.” Iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ko nang ibaling ang tingin kay Jiro na tila manghang-mangha.

“Natakot ka ba?” Tanong niya at ilang segundo bago ko magawang makatango. Akala ko ay katapusan ko na. Napaka-reckless niyang mag-drive pero hindi ko maitatanggi na ang galing niya roon, medyo nawala na rin ang takot ko dahil naging maingat na siyang magneho pagkalabas ng campus.

“Sure ka ba rito? I mean, hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam kung paano aartesa harapan ng magulang mo, baka mabuko tayo,” Pag-uumpisa ko nang usapan dahil naging tahimik sa loob ng kotse. Ayokong maging awkward sa pagitan namin kaya lahat ay gagawin ko para lang maging magaan sa pakiramdam ang pagiging magkasama namin ngayong araw.

“Seriously? Hindi ka pa nagka-boyfriend?” Nakangising tanong niya na para bang isang biro ang sinabi ko at first time niyang maka-encounter ng gaya ko na NBSB.

“Well oo, mas inuuna ko kasi ang pag-aaral kaya wala akong oras para sa mga gano’ng bagay.” Sagot ko at hindi na siya sumagot pa, may kung ano kasi siyang tinitignan sa side mirror na para bang hinahabol kami ng sino.. Nagbago rin bigla ang mood at ang aura niya. Bakit pakiramdam ko ay ka-aura niya si Thunder sa mga oras na -to?

“Okay ka lang ba JirㅡTHUNDER?!” Sigaw ko dahil bigla na lang siyang sumulpot sa labas ng bintana sa side ni Jiro. Nakasakay siya sa motor habang nakatingin sa amin. Kahit may suot pa siyang helmet ay alam kong siya nga iyon dahil natatandaan ko ang suot niya kanina noong mahagip siya ng paningin ko sa loob ng hell’s gate. “Hoy! Tumingin ka sa daan!”

Hindi ko alam kung bakit idinagdag ko pa iyon, nagmukha tuloy akong concern sa kanya. Dahil doon ay napatingin sa akin si Jiro na para bang nabingi siya sa pagsigaw ko. Mabilis akong nag-peace sign ako at ngumiti ng pilit pero bigla na lang niyang isinara ang bintana.

“Anong ginagawa ng kumag na ‘yon? Saan siya pupuntㅡ”

“Let’s not talk about him, Rain. You’re my girlfriend as of the moment, remember? So focus on me..” Malamig na sabi ni Jiron nang hindi ako tinitignan, nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay nasa manibela. Nakatitig lamang ako sa kamay naming dalawa. Ang usapan ay harapan ng magulang niya kami magpapanggap, at isa pa parang lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko. Masiyadong malakas ang epekto niya sa akin.

“Relax. Akong bahala, hindi tayo mabubuko,” Sabi niya nang ituloy ang naudlot na usapan naming kanina.

Ilang minuto ang lumipas at huminto na kami sa tapat ng isang malaking gate. Kusa naman iyong bumukas nang bumusina si Jiro. Kinakabahan ako, tama ba itong pinasukan ko? Mas lalo lang akong natatakot habang palapit ng palapit ang kotse sabay nila.

“Rain. Relax.” Paalala ni Jiro nang tuluyan kaming huminto at tanggalin ang suot na seat-belt. Pagbaba namin ng kotse ay agad siyang lumapit sa akin para hawakan  ulit ang kamay ko, huminga muna ako ng malalim bago sumabay sa kanya sa paglakad papasok sa bahay. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng dugo sa nangyayari ngayon. Hawak-hawak niya ang mga kamay ko at ipakikilala niya pa ako sa mga magulang niya. Kahit pagpapanggap lang ay hindi ko pa rin maiwasang hindi sumaya.

Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganito, bagay na hindi ko sinubukang gawin dahil mas pinili ko ang mag-focus sa pag-aaral.

“Oh sonㅡwho’s this beautiful lady?” Tanong ng magandang babae na sumalubong sa amin, mukha pa itong bata at parang nasa late thirties lang. Binitawan ni Jiro ang kamay ko para mahawakan niya ako sa baywang, bahagya pa akong nagulat pero hindi ko iyon pinahalata at nagdasal na lang na sana ay hindi ako mukhang tensyonado sa mga oras na ito. Pakiramdam ko kasi namumutla na ako at pinagpapawisan.

“Mom, this is Rain…” Tinignan niya ako bago ibalik ulit ang tingin sa Mommy niya na naghihintay sa susunod niya pang sasabihin. “My girlfriend.”

“Hello po,” Ngumiti ako ng matamis at ngitian naman ako nito pabalik, mayroon pa dapat siyang sasabihin ngunit hindi niya nagawa nang dumating ang Dad ni Jiro. I guess? Kagaya ng Mommy niya ay mukhang bata rin ito at nasa early forties na siguro. Nakakatakot siyang tignan at masasabi ko sa unang tingin pa lang na sa kanya nagmana si Jiro.

“What? Girlfriend?” Tanong niya, dahilan para kabahan ako. Halatang napaka-estrikto nito, tindig ang boses pa lang ay talaga namang matatakot ka na.

“Yes Dad,” Tipid na sagot ni Jiro at napangisi naman ang kanyang ama na tila hindi naniniwala.

“Really? Then prove itㅡkiss her.” Literal na nanlaki ang mata ko matapos iyong marinig. Ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ni Jiro kaya nilingon ko siya at nakitang umayos siya ng pagkakatayo para makaharap sa akin. Tipid siyang ngumiti habang tinititigan ako na nagsasabing siya ang bahala.

Hindi na lamang ako kumibo dahil kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Dahan-dahang niyang itinaas ang kamay niya para hawakan ang baba ko at marahan iyong i-angat. Wala ito sa usapan naming kaya naman napapikit na lang at hinayaan siya sa binabalak gawin. Ramdam ko ang bahagyang paglapit ng mukha niya sa akin ngunit agad kong naimulat ang mga mata nang marinig ang marahas na pagbukas pinto sa gilid namin. Halos mapaatras pa ako nang Makita kung sino ang may gawa noon.

“Thunder?” Tawag ko sa kanya at napansin ang paghahabol nito sa hininga na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro. Inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang leather jacket bago lumapit sa direksyon kung nasaan ako. Wala akong ka-ide-ideya kung ano ang nangyayari hanggang sa hawakan niya ang palapulsuhan ko at balak na sanang hilahin ngunit hindi niya iyon nagawa nang hawakan din ni Jiro ang isa ko pang kamay.

“Thunder, what do you think you’re doing?” Nagtitimping tanong ni Jiro na para bang iniiwasan niya na marinig iyon ng magulang niya.

“Dad, stop controling Jiro’s life. Hindi na siya bata!” Giiti ni Thunder nang tignan niya ang Daddy ni Jiro na tinawag niyang Dad. Wait! Magkapatid sila? Pero magkaiba sila ng apelyido. Naguluhan ako ng bahagya pero naisip din ang posibilidad na ang isa sa kanila ay anak sa labas, I mean pareho sila ng nanay pero magkaiba ang tatay.

“Thunder, stop intruding! This is our personal business. You’re out of it!” Sigaw na daddy nila, and now it all make sense. Mukhang si Thunder iyong anak sa labas, hindi ko tuloy maiwasang mapakagat sa labi dahil sa sitwasyon na kinakalagyan ko ngayon. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa kanya.

“Yeah, I’m out of it! Pero hindi lahat ng tao mapapasunod mo sa personal mong kagustuhan. Mukha kang pera!” Nabigla ako sa isinigaw ni Thunder ngunit mas nagulat ako nang hatakin niya ako. Walang nagawa si Jiro kung hindi ang pabayaan kami kaya naman bago tuluyang makalabas ng pinto ay nilingon ko muna siya.

“Stop looking back.” Utos ni Thunder kaya naman itinuon ko ang atensyon sa dinaraanan at nakitang nakabulagta ang dalawang gwardya malapit sa gate. Hindi ko na rin nagawang mag-react pa nang huminto siya at suotan ako ng helmet bago binuhat pasakay sa motor niya. “Humawak kang maigi.”

Marahas niyang tinapakan ang kick start ng motor at mabilis na nagmaneho kaya naman awtomatiko akong napayakap sa baywang niya sa takot na baka anytime ay tumilapon ako. Gusto ko pa sana siyang pagsabihan na magdahan-dahan ngunit hindi ko iyon nagawa nang maramdaman kong may tumulong tubig sa braso ko. Hindi naman umuulan, ah? Don’t tell me…

“Thunder? Okay ka lang ba?” Tanong ko ngunit bigla na lamang siyang huminto sa isang tahimik na park. Walng sabi-sabi, mabilis siyang bumaba ng motor kaya naman hinubad ko na ang suot na helmet at bumaba na rin. “Umiyak ka ba?”

Sinundan ko siya nang maglakad siya patungo sa wooden bench na narito. Tahimik siyang naupo roon kaya naman naupo na rin ako. Balak ko pa sanang tignan ang mukha niya para makumpirma kung umiyak ba siya o ano pero hindi ko inaasahan na hahatakin niya ako at yayakapin ng mahigpit. Sinubukan ko pang kumalas ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin na tila iniiwasan niyang makita ko ang itsura niya sa mga oras na ito.

“Just stay still and let me hug you.”

Bab terkait

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 11: Robust vs. Amiable

    Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 12: If I stay

    Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganoon din kami ni Jiro. Subukan ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari noong ipakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko magawa, naging mailap kasi siya sa akin at tanggap ko na galit siya sa akin.Nalaman ko kasi na mas lalong napabilis pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na iyon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arranged marriage ni Jiro at hindi siya iiwas sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.“Oo, may iniisip lang ako.” Sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko ang habang nakangiti.“I know you’re not okay, ilang araw ka nang matamlay pero kung ano man ‘yan. Magiging okay rin ang lahat,” Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at maya-maya lang ay binitawan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa b

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 13: Invisible

    “Uy cutie pie. Ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Matthew kahit na nasa kalagitnaan kami ng klase. Kahapon pa niya ako kinukulit about doon sa pagiging date niya sa party. Bakit na kasi puro party itong school na ito?“Wag ka nga magulo!” Bulong ko pero nakaharap pa rin siya sa akin kaya naman halatang nag-uusap kami. Bumalik na kasi kami sa dating pwesto. Kahit naman kasi lumayo ako sa dalawa ay magk-krus at magk-krus pa rin ang mga landas naming. “Humarap ka sa prof! Kapag tayo napagalitㅡ”“Sir!” Biglang sigaw niya nang itaas nito ang kamay niya. Nagsalubong na lamang ang kilay ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nasisiraan na talaga ang lalaking ito.“Yes Mr. Sandoval?”“Lalabas kami ni Celvero,” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon kaya sinipa ko ang upuan niya.“And why?”“Kukuha kami ng libro sa library,” Kaswal na sagot niya at bigla na lang ngumiti si Sir na para bang good news iyong sinagot ni Matthew sa kanya. Talaga bang naniniwala si

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 14: Fool

    Inangat ko ang aking ulo dahil sa huling sinabi ni Thunder. Tila ba bumilis ang tibok ng puso ko na para ba akong kinakabahan kahit sure naman akong niloloko niya lang ako. Imposibleng magugustuhan niya ako sa ganoong kaigsing panahon, at isa pa may girlfriend siya.“A-anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong nang lingunin ko siya. Nakatitig lamang siya sa akin habang natatakpan ng bangs ang kaliwang mata nito. Nakangiti rin siya sa mga oras na ito, ngiti na ngayon ko lang nakikita. Alam kong isa lang iyon sa mga pakulo niya ngunit iba pa rin ang epekto nito sa akin.“Oh bakit? Naniwala ka ba? Eh di pinansin mo rin ako,” Natatawang sabi niya kaya naiyukom ko ang mga kamao ko. Expected ko naman na iyon pero naiinis pa rin ako na lumabas iyon sa bibig. “Asa ka namang magugustuhan kita.”Iniwas ko ang tingin sa kanya at saka tumayo para ma-ikalma ang sarili ko. Pinagmumuka niya akong tanga dahil sa mga ginagawa’t sinasabi niya, bakit ba kasi hindi pa ako nadadala? Hindi

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 15: Water splash festival

    Ayesha’s POVIlang araw ang lumipas at water splash festival na. Ang event kung saan nagbabasaan ang mga tao. That’s one of the best event here at Monstrous Academy, dahil bukod sa malaya kang basain ang kahit na sino ay after noon ay may party kinagabihan kung saan mamimili ang organizer ng prince and princess of the night. Sana nga lang ay si Liam ang maging date ko sa party na iyon dahil may dinner date ang kung sino mang mananalo.Nakakahalata na ako pero ayoko na lang masiyadong isipin. Sana lang talaga at mali ang hinala ko na may gusto si Liam kay Rain.“Beb, gising na,” Tinapik ko si Rain at agad naman itong nagising. “Mag asikaso na tayo, malapit nang magstart 'yung water splash festival.”“Anong oras na ba?” Tanong niya nang bumangon at magkusot ng mata.“10:00 a.m.” Tipid kong sagot habang tinatali ko ang buhok ko. Maya-maya lang ay tumayo na rin siya at dumiretso sa banyo para mag-asikaso.Hindi naman nagtagal ay

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 16: Night with the devils

    “Tingin mo ba maniniwala ako? Ibaba mo na ako.” Sapilitan akong umalis sa pagkakabuhat niya inayos ang sarili bago nagmadaling bumalik ng dorm para maligo. Alam ko namang pinagtitripan lang ako ng lalaking iyon. Sanay na sanay na ako sa mga panggagago niya sa akin. I’m not going to fall for it, not again.Inis kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin ni Ayesha ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko si Thunder. Umaakyat lang naman siya sa balkonahe gamit ang sangang malapit doon.“H-hoy! Anong ginagawa mo?!” Tanong ko nang lapitan ko siya. Hindi niya ako sinagot at basta na lang pumasok ng kwarto. “B-bawal ka dito! Lumabas ka!”Pilit ko siyang tinutulak palapit sa pintuan pero masiyado talaga siyang malakas kaya hindi man lang siya gumalaw nang itulak ko siya.Ano bang ginagawa niya rito?! Sino ba siya? Si Naruto at halos sabay lang kaming nakarating dito kahit mas nauna akong umalis? Saka bakit ba kasi nandito itong kumag na ito?!“Pwede ba

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 17: Jealous

    Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang party and so far ay wala namang mali sa paligid, maliban na lang sa sarili ko.Oo may mali sa akin, mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na maalis si Thunder sa isipan ko. Para siyang tumor na bigla na lang tumubo sa utak ko nang walang pasabi.Gusto niya akong protektahan? Dahil lang sa salitang iyon ay hindi ko na maalis sa isip ko kung totoo ba talaga ang sinabi niyang may gusto siya sa akin o baka way niya lang iyon para pagtripan na naman ako.“Ulaaaaaaaaaan!” Sigaw niya sa akin. Bakit kasi siya pa ang naging kagrupo ko ngayon?!“Sinabi ko nang wag mong tatagalugin ang pangalan ko, eh!” Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero simula din noong gabing iyon ay nag-iba na siya sa akin.“Eh bakit kasi lutang ka?! Kanina pa kita kinakausap. Sino bang iniisip mo?!”“IkaㅡYung activity!”“Excuse me Mr. Cross and Ms. Celvero. Hindi lang

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 18: The plan

    “Ano?” Iyon lang ang nasabi ko matapos mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Oo keen ako, pero hindi gumagana ang utak ko sa ganitong sitwasyon. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok noon.“Let’s talk some other time. 'Yung tayong dalawa lang.” Sabi nito habang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko kung saan siya nakatitig at nang lumingon ako, nakababa na ulit si Thunder. May hawak siyang papel at ballpen.“Rain tara.” Aya niya sa akin at agad naman akong lumapit doon kung saan sila nakapwesto. Nagkumpulan kaming anim na para bang isa kaming team ng basketball at ang nagsisilbing coach ay si Thunder.“Ganoon ba talaga kaseryoso ang gagawin natin?” Hindi ko naiwasang itanong, dahilan para bigla na lang akong pitikin ni Matthew sa ilong “Aw! Ang sakit no'n, ah!”“Saglit, kausapin ko lang si Rain,” Sabi nito at bigla na lang niya akong hinatak palayo doon sa apat.“Bakit?” Tanong ko nang sa wakas ay kami na la

Bab terbaru

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Last chapter

    Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Special chapter

    Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 60: Gangster's love

    [1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 59: I love you

    Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 58: Sacrifice

    “Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 57: It's not yet over

    Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 56: Before it's too late

    Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 55: Message

    Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus

  • Monstrous Academy 1: Gangster's Love   Chapter 54: Missing

    Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama

DMCA.com Protection Status