“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.
“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog
“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko. Hindi ko tuloy maiwasang isubsob ang mukha ko sa unan dahil sa hiya. That was my first.
“Uy, anong nangyari sa’yo? Okay ka lang?” Ramdam kong lumapit sa akin si Ayesha kaya naman naupo ako at niyakap ang unan ang hawak.
“Nahalikan ka na ba?” Tanong ko at bigla na lang siyang ngumiti ng wagas. Naupo pa siya sa kama ko na tila may nakakagulat akong sinabi.
“Oh my god! Don’t tell me may humalik sa’yo sa lights off kanina?” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at naghihintay sa isasagot ko. Paano naman niya nalaman iyon?
“Ah....ano kasiㅡ”
“Alam mo ba na kung sino raw ang hahalik sayo sa light’s off, siya ang makakatuluyan mo?” Sa hindi malamang dahilan ay napatayo ako dahil sa sinabi niya. Sure naman ako na pamahiin lang iyon dito sa eskwelahan nila pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang. “So may humalik nga sa’yo, tell me who?”
“W-wala.” Dali-dali akong tumakbo at pumasok sa banyo para magpalit ng damit. Imposibleng totoo ang sinabing iyon ni Ayesha pero pagharap ko sa salamin ay hindi ko maiwasang hindi hawakan ang labi ko. ‘Yung first kiss ko. Maganda sana kung mas romantic iyon, eh.
ㅡ
Kinabukasan ay Friday at masasabi ko na sobrang nakaka-stress ang unang lingo ko rito sa Academy. Tinignan ko ang schedule habang nagt-toothbrush at napansin na oras at building lang ang nakalagay roon, walang naka-include na subject. Nakakapagtaka.
“Ayesha saan ‘tong Keen’s laboratory?” Tanong ko nang idura ko ang laman ng bibig at magmumog. Sinilip ko naman siya mula sa pintuan habang nag-aayos siya ng buhok.
“Oo nga pala. Tuwing friday kasi ay nag-gagather lahat ng estudyante dipende sa kind na kinabibilangan nila. Bali puro keen lang ang mga makakasalamuha mo tuwing friday.” Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-aasikaso. Maigi na iyon, ayoko muna kasing makita ang mukha ni Thunder. Naiinis ako na naiilang, parang pag nakasalubong ko siya sa daan ay kusa na lang ako magpapakain sa lupa. Hindi pa ako handing harapin siya matapos ng nangyari kagabi.
Lumipas ang ilang minuto at tinatahak ko na ang daan papunta sa sinabing direksyon sa akin ni Ayesha papunta sa keen’s lab. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil kulay asul iyong building. Obvious na obvious na ito nga ang hinahanap ko, at isa pa nakita ko na ito noon nung unang dating ko rito sa Academy.
Bago makapasok sa loob ng building ay humarang sa aking gwardya. Tinanong nito kung ano pakay ko kaya naman ipinakita ko sa kanya ang schedule ko. Tipid itong ngumiti bago ako pinagbuksan ng pinto. Pagtapa na pagtapak sa loob ay agad kong napansin na airconditioned ang buong paligid, sa unang palapag pa lang ay makikita mo na ang mahabang hallway. Karamihan din ng gamit dito ay gawa sa salamin at kulay asul, habang tinitignan ang paligid ay hindi nakatakas sa paningin ko ang tingin na ibinibigay ng mga Keen gaya ko.
“Siya ‘yung pabidang babae sa party last night ‘di ba?”
“Oo, ‘yung exchange student. Keen pala siya?”
Huminga ako ng malalim at piniling wag na lang silang panansin. Bakit pa kasi sila bumulong? Sana kinausap na lang nila ako kasi ang lakas din naman ng boses nila, not to mention na nasa harapan lang nila ako. Nilagpasan ko na lamang sila at lumapit sa front office desk.
“Hi. Apelyido?” Tanong ng babae nang mapansin nito ang paglapit ko. Lumabas pa siya roon para lang mas makalapit sa akin.
“Celvero.” Tipid na sagot ko at may kung ano siyang pinindot sa tablet na hawak niya. Pinanuod ko lang siya sa ginagawa hanggang sa huminto siya at ngumiti sa akin.
“Follow me,” Utos niya nang mag-umpisa siyang maglakad patungo sa mahabang hallway, maraming pinto ang makikita sa magkabilang gilid at marami din paintings ang nakasabit. Ang iba ay litrato ng tao at ang iba ay litrato ay mga laboratory equipment gaya ng microscope, bunsen burner, balance scale at kung ano pa. “Ms. Celvero?”
Napatingin ako sa babaeng kasama at nakitang naghihintay ito na pumasok ako sa pintuang binukan niya, napangiti ako ng tipid at humingi ng tawad. Masiyado yata akong nabilib sa ganda nitong Keen’s lab. Pagpasok naman sa loob ng kwarto ay inabutan ako ng isang blue na lab gown ng babae, sinuot ko iyon at doon napansin ang apat na Keen na kaklase ko at iba pang estudyante na hindi ko na kilala.
“Magtanong ka na lang sa kanila kung ano ang gagawin.” Bilin sa akin ng babae at nagpasalamat naman ako sa kanya bago ito lumabas. Tinignan ko ang mga narito sa loob at balak na sanang lapitan ang mga kaklase ko ngunit parang ayaw nila akong kasama kaya lumayo na lang ako at nagpunta sa gilid. Pinanuod ko lang kung paano silang maglipat ng likido at sa erlenmeyer flask at pakuluin iyon.
Napalingon naman ako pintuan nang bumukas iyon at laking gulat nang makitang iniluwa noon si Axel na nakasuot din ng lab gown na katulad ng akin.
“A-anong ginagawa mo rito? Insolent ka, ah.” Puna ko sa kanya, dahilan para makuha namin ang atensyon ng mga kasama rito sa kwarto. Lumapit naman siya kung saan ako naroon at bumulong.
“Shh.. hindi naman ako pure insolent, at isa pa naboboring ako roon kaya rito muna ako,” Medyo naguluhan ako sa sinabi niyang iyon kaya hindi muna ako nagtanong, alam ko rin naman na may sasabihin pa siya. “70% Insolent, 30% Keen.”
“I see.” Tumango lang ako at tinignan siya, kaya pala hindi siya ganoon kasama dahil hindi siya pure Insolent. Eh, si Thunder kaya? Sure akong 200% insolent ang isang iyon. No doubt.
“Cool right?” Tanong niya nang may kuhain siya sa cabinet na nasa likuran namin. Mukhang hindi ito ang unang pagkakataon niya sa kwartong ito. “May alam ka na ba sa gagawin dito?”
Nagpunta siya sa mismong harapan ko at isinuot sa kamay ko ang gloves na kinuha niya. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon kaya binawi ko ang kamay ko at pinagpatuloy mag-isa ang pagsusuot ng gloves. Ayokong madagdagan pa ang dahilan para pagtinginan kami.
“Ah eh wala. Bago lang ako rito, remember?” Naiilang na sagot ko nang bahagya akong lumayo sa kanya.
“Tara.” Aya niya matapos niyang makapagsuot din ng gloves. Sinundan ko naman siya kung saan pumasok siya sa isang connecting door at napunta kami sa kwartong walang estudyante. Tanging isang malaking flat screen TV lang ang narito at mga upuan. Mukha itong isang modernong classroom. “Dito sa Keen’s lab, malaya kang gawin ang kahit anong gusto mong gawin as long as magagamit mo ang pagiging Keen mo.”
Paliwanag ni Axel kaya naman napalingon ako sa kanya at tumango-tango. Doon ko na-realize na mas attractive siyang tignan kapag lumalabas ang Keen side niya. “Eh sa insolent ba? Anong ginagawa niyo?”
“Sa Insolent? Kung ano-ano lang ang mga activities doon hindi gaya rito sa Keen’s lab na mayroon kang matututunan.. Dito kasi pwede ka mag-experiment ng kung ano,” Sagot niyo at hindi ko maiwasang mamangha, ibang iba ang dating niya ‘pag tungkool sa keen ang pinag-uusapan.
“Did you know that you can sense when someone’s staring at you even when you’re not looking directly at them?” Biglang sabi ni Axel nang hindi tumitingin sa akin, dahilan para mapaiwas na ako ng tingin sa kanya.
“A-alam ko,” Nauutal kong sabi bago makita mula sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin. Dahil doon ay ibinalik ko ang tingin sa kanya.
“Did you know that if a man spots a woman he finds attractive, he holds his stare for an average of 8.2 seconds?” Tanong ko at bigla naman siyang ngumisi.
“Yeah, I really find you attractive.” Sabi nito at saka niya binuksan ang monitor na narito. Lumabas doon ang isang documentary about sa Science and technology.
Sa ilang oras na ilinagi ko sa loob ng keen’s lab ay masasabi kong may mga bago akong natutunan sa tulong ni Axel. Halatang marami na siyang experience sa mga gawain ng keen kaya naman sa buong schedule ngayong araw ay siya ang kasama ko.
“Parang mas gusto na Friday na lang araw-araw.” Komento ko nang hubarin namin ang lab gown at isabit iyon sa clothes rack. Hinubad din namin ang gloves na suot at itinapon iyon sa basurahan. Marami pa siyang inexplain sa akin habang naglalakad sa mahabang hallway gaya na lang na may iba’t ibang leader ang bawat kind at kung ano pa.
“Maiwan muna kita, oras na para bumalik sa kuta ng mga Insolent,” Paalam niya nang makalabas kami ng building. Tinignan ko siya at saka tumango habang nakangiti.
“Sige. Thank you, ah.” Nag-thumbs up siya sa akin bago maglakad palayo, medyo natanaw ko rin ang sinasabi niya na kuta ng Insolent. May kulay itim kasi na building sa tinatahak niyang daan at nasa bandang likuran lang iyon ng pulang building.
Nang mapag-isa ay naisipang kong pumunta na lang ng cafeteria, nagbabakasakali na naroon na rin sila Ayesha, pero wrong move. Bakit sa dami ng pwede kong makasalubong ay ang lalaki pang ayaw kong makita sa mga oras na ito? Nanandya ba ang tadhana o trip niya lang kaming pagtagpuin?
“Aaaah, ang sakit ng tiyan ko!” Hinawakan ko ang tiyan ko at nagpanggap na namimilipit sa sakit bago dali-daling tumaliwas ng direksyon.
“Hoy Rain!” Hindi ako nag-abalang huminto o lumingon man lang nang isigaw ni Thunder ang pangalan ko. Alam ko naman kasi na sisirain niya lang ang araw ko.
“Ulan!” Sigaw niya ulit, dahilan para mapahinto na ako. Ano bang problema niya? Inis ko siyang nilingon at nakitang tumatakbo siya palapit sa akin. Mabuti na lang at walang tao rito sa hallway dahil malamang, mapag-uusapan na naman ako.
“Hoy kulog! Wag mo ngang tinatagalog ang pangalan ko!” Reklamo ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ako kaya naalala ko na naman iyong ginawa niya kagabi. “Ah! Aray! Ang sakit ng tiyan ko. Kailangan ko na bumalik sa dorm.”
Muli akong humawak sa tiyan ko at patalikod na sana ngunit laking gulat ko na lang nang buhatin niya ako na para bang bagong kasal. “Yah! Ibaba mo nga ako! Ano bas a tingin mo ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?!”
“Masakit tiyan mo ‘di ba? Dadalhin kita sa infirmary,”
“Ano? Umaacting lang ako! Ibaba mo na ako!” Saktong pagkasabi ko noon ay bigla na lang niya akong ibinaba kaya naman nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. Agad kong tiningala at tinignan ng masama bago tumayo habang pinapagpag ang suot na palda.
“Tell me, are you avoiding me?” Tanong niya nang isuksok niya ang parehong kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon.
“Oo.Simula kasi nang makilala kita ay palagi na akong nalalapit sa gulo, at isa pa.. a-no,” Nautal ako sa pagsasalita nang mapansing palapit siya ng palapit sa akin hanggang maglapit na ang mukha naming dalawa. Konting hakbang na lang niya ay tiyak na magdidikit na mga mukha namin.
“Rain?” Boses ni Liam kaya naman para akong nabunutan ng tinik. Hindi na ako nag-aksya ng oras at dali-daling tumakbo papunta kung saan siya naroon.
“Uy! Kanina pa kita hinahanap. Buti dumating ka, tara kain na tayo?” Hinawakan ko siya sa balikat at marahang itinulak papasok ng cafeteria. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang saw akas ay makatakas ako kay Thunder.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam nang humarap siya sa akin.
“I’m okay. Si Ayesha nasaan?”
“Wala pa, eh. Hmm ang ganda mo pala ngayon,” Sabi niya pag-upo namin sa usual spot naming tuwing breaktime. Namula naman ang mga pisngi ko dahil doon. Ganoon ba talaga siya ka-honest at saka bakit bigla-bigla siyang namumuri?
“Talaga? Bakit? Pangit ba ako kahapon?” Pabiro kong tanong at agad naman siyang umiling kaya napangiti ako.
“Hindi ko nga nasabi sa’yo na nakakainlove ka kagabi, ang cool lang ng dating mo. You’re wearing a red dress in the middle of fight. Isn’t it amazing?” Nakangiting tanong niya, at sa hindi malamang dahilan ay nailing ako na pag-usapan iyon kaya sinubukan kong ibahin ang topic pero hindi ko nagawa dahil may sinabi pa siya. “Bakit mo nga pala kasama si Thunder kanina? Hindi k aba natatakot sa kanya, Rain?”
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil palaisipan din iyon sa akin, dapat ay natatakot ako kay Thunder dahil delikado siyang tao pero habang lumilipas ang araw na nakakausap ko siya o nakakasama, nag-iiba ang pagtingin ko sa kanya. I mean, hindi ko naiisip na gangster siya. Para sa akin ay isa lang siyang kupal na mahilig mang-asar at manira ng araw.
“Ah nagkasalubㅡ” Hindi ko nagawang tapusin ang pagpapaliwanag nang may boses ang pumutol sa sasabihin ko sana.
“Maistorbo ko muna kayo,” Sabay kaming napatingin ni Liam sa taong iyon at laking gulat ko nang makita ang blangkong ekspresyon ni Jiro habang nakatingin sa akin. “Rain, can I talk to you?”
“Uhm, Liam.Okay lang ba kung iwan muna kita?” Tanong ko at kahit hindi sabihin ay halatang nag-aalala siya. Nakakatuwa lang isipin na sa maigsing panahon ay alam ko na agad ang ekspresyon nila ni Ayesha tuwing nag-aalala. “Don’t worry, I’m okay.”
Labag man sa kalooban ay tumango pa rin siya kaya naman tumayo na rin at sinundan si Jiro nang mauna ito sa paglalakad. Paglabas naman namin ng cafeteria ay agad siyang sumandal sa pader dito sa hallway habang pinaglalaruan niya ang hawak na cellphone. Hinintay ko siyang magsalita dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin, may kinalaman kaya iyon sa nangyari sa party o mayroon akong nagawa na hindi nagustuhan?
Ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko ay nawala nang saw akas ay magsalita na si Jiro habang nakatingin sa akin at pinapaikot pa rin ang cellphone sa kamay niya.
“Can you be my girl?”
“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b
Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganoon din kami ni Jiro. Subukan ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari noong ipakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko magawa, naging mailap kasi siya sa akin at tanggap ko na galit siya sa akin.Nalaman ko kasi na mas lalong napabilis pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na iyon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arranged marriage ni Jiro at hindi siya iiwas sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.“Oo, may iniisip lang ako.” Sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko ang habang nakangiti.“I know you’re not okay, ilang araw ka nang matamlay pero kung ano man ‘yan. Magiging okay rin ang lahat,” Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at maya-maya lang ay binitawan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa b
“Uy cutie pie. Ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Matthew kahit na nasa kalagitnaan kami ng klase. Kahapon pa niya ako kinukulit about doon sa pagiging date niya sa party. Bakit na kasi puro party itong school na ito?“Wag ka nga magulo!” Bulong ko pero nakaharap pa rin siya sa akin kaya naman halatang nag-uusap kami. Bumalik na kasi kami sa dating pwesto. Kahit naman kasi lumayo ako sa dalawa ay magk-krus at magk-krus pa rin ang mga landas naming. “Humarap ka sa prof! Kapag tayo napagalitㅡ”“Sir!” Biglang sigaw niya nang itaas nito ang kamay niya. Nagsalubong na lamang ang kilay ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nasisiraan na talaga ang lalaking ito.“Yes Mr. Sandoval?”“Lalabas kami ni Celvero,” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon kaya sinipa ko ang upuan niya.“And why?”“Kukuha kami ng libro sa library,” Kaswal na sagot niya at bigla na lang ngumiti si Sir na para bang good news iyong sinagot ni Matthew sa kanya. Talaga bang naniniwala si
Inangat ko ang aking ulo dahil sa huling sinabi ni Thunder. Tila ba bumilis ang tibok ng puso ko na para ba akong kinakabahan kahit sure naman akong niloloko niya lang ako. Imposibleng magugustuhan niya ako sa ganoong kaigsing panahon, at isa pa may girlfriend siya.“A-anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong nang lingunin ko siya. Nakatitig lamang siya sa akin habang natatakpan ng bangs ang kaliwang mata nito. Nakangiti rin siya sa mga oras na ito, ngiti na ngayon ko lang nakikita. Alam kong isa lang iyon sa mga pakulo niya ngunit iba pa rin ang epekto nito sa akin.“Oh bakit? Naniwala ka ba? Eh di pinansin mo rin ako,” Natatawang sabi niya kaya naiyukom ko ang mga kamao ko. Expected ko naman na iyon pero naiinis pa rin ako na lumabas iyon sa bibig. “Asa ka namang magugustuhan kita.”Iniwas ko ang tingin sa kanya at saka tumayo para ma-ikalma ang sarili ko. Pinagmumuka niya akong tanga dahil sa mga ginagawa’t sinasabi niya, bakit ba kasi hindi pa ako nadadala? Hindi
Ayesha’s POVIlang araw ang lumipas at water splash festival na. Ang event kung saan nagbabasaan ang mga tao. That’s one of the best event here at Monstrous Academy, dahil bukod sa malaya kang basain ang kahit na sino ay after noon ay may party kinagabihan kung saan mamimili ang organizer ng prince and princess of the night. Sana nga lang ay si Liam ang maging date ko sa party na iyon dahil may dinner date ang kung sino mang mananalo.Nakakahalata na ako pero ayoko na lang masiyadong isipin. Sana lang talaga at mali ang hinala ko na may gusto si Liam kay Rain.“Beb, gising na,” Tinapik ko si Rain at agad naman itong nagising. “Mag asikaso na tayo, malapit nang magstart 'yung water splash festival.”“Anong oras na ba?” Tanong niya nang bumangon at magkusot ng mata.“10:00 a.m.” Tipid kong sagot habang tinatali ko ang buhok ko. Maya-maya lang ay tumayo na rin siya at dumiretso sa banyo para mag-asikaso.Hindi naman nagtagal ay
“Tingin mo ba maniniwala ako? Ibaba mo na ako.” Sapilitan akong umalis sa pagkakabuhat niya inayos ang sarili bago nagmadaling bumalik ng dorm para maligo. Alam ko namang pinagtitripan lang ako ng lalaking iyon. Sanay na sanay na ako sa mga panggagago niya sa akin. I’m not going to fall for it, not again.Inis kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin ni Ayesha ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko si Thunder. Umaakyat lang naman siya sa balkonahe gamit ang sangang malapit doon.“H-hoy! Anong ginagawa mo?!” Tanong ko nang lapitan ko siya. Hindi niya ako sinagot at basta na lang pumasok ng kwarto. “B-bawal ka dito! Lumabas ka!”Pilit ko siyang tinutulak palapit sa pintuan pero masiyado talaga siyang malakas kaya hindi man lang siya gumalaw nang itulak ko siya.Ano bang ginagawa niya rito?! Sino ba siya? Si Naruto at halos sabay lang kaming nakarating dito kahit mas nauna akong umalis? Saka bakit ba kasi nandito itong kumag na ito?!“Pwede ba
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang party and so far ay wala namang mali sa paligid, maliban na lang sa sarili ko.Oo may mali sa akin, mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na maalis si Thunder sa isipan ko. Para siyang tumor na bigla na lang tumubo sa utak ko nang walang pasabi.Gusto niya akong protektahan? Dahil lang sa salitang iyon ay hindi ko na maalis sa isip ko kung totoo ba talaga ang sinabi niyang may gusto siya sa akin o baka way niya lang iyon para pagtripan na naman ako.“Ulaaaaaaaaaan!” Sigaw niya sa akin. Bakit kasi siya pa ang naging kagrupo ko ngayon?!“Sinabi ko nang wag mong tatagalugin ang pangalan ko, eh!” Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero simula din noong gabing iyon ay nag-iba na siya sa akin.“Eh bakit kasi lutang ka?! Kanina pa kita kinakausap. Sino bang iniisip mo?!”“IkaㅡYung activity!”“Excuse me Mr. Cross and Ms. Celvero. Hindi lang
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama