“Hey, are you okay?” Marahan kong iminulat ang mata nang maramdaman ang ilang pagtapik sa balikat ko. Agad ko namang kinusot ang mga mata ko bago bumangon para sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan. Nabigla pa ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya ang isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.
“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” Utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blangko pa rin ang naging ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman siya kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya pinili kong magtanong na lang.“Anong nangyarㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Ang walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan na ginawa niya sa akin kanina! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na matagal ko nang nakalimutan.“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Jasper ng i-abot niya sa akin ang tubig na inutos sa kanya ni Jiro kanina. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako.“Ah wala. Anong oras na?” Tanong ko habang pilit pinupunasan ang luha sa pisngi ko.“1:00 na. Dismiss na ‘yung klase.” Nanlaki na lang ang mata ko sa isinagot niya. Unang araw ko pa lang sa klase ay nag-cut na agad ako sa tatlong subject. Hindi ako makapaniwalang ang daming kamalasan na ang nangyari sa akin sa loob ng eskwelahan na ito. To think na mag-iisang araw pa lang ako? Mukhang totoo na may sumpa talaga ang lumapit sa isang insolent.“Okay na siya, tara na. May gang fight pa tayo.” Aya ni Jasper kay Jiro at bigla na lang silang umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Malapit na akong maniwala na hindi lahat ng insolent ay masasama kaso, kahit ilang beses ko isipin na mabait sila. Wala eh, parang napakaimposible.May mga time lang siguro na hindi sila ganoon kasama pero hindi pa rin nawawala ang pagiging arogante nila. Typical bad boys.ㅡ“Oh Rain, bakit hindi ka na bumalik sa cafeteria kanina? Nag-alala kami ni Liam sa’yo.” Hinatak ako ni Ayesha pagbukas na pagbukas ko ng pintuan. Mukha talaga siyang nag-aalala dahil halatang hinintay niya ang pagbalik ko rito sa dorm. Nakonsensya tuloy ako.“Sorry. May nangyari lang kasi. Hmm, may itatanong pala ako sa’yo. Kanina kasi may nakita akong gate. Hell’s gate?ㅡ”“Oh my god! Wag na wag kang lalapit sa gate na ‘yon, No. Wag kang papasok sa loob. Mukha lang siyang paradise on the outside pero sa likod ng mga puno roon ay kuta ng mga gangster. Isang suicide ‘yon kapag pumasok ka sa loob...” Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko na para bang isa siyang nanay na pinagsasabihan ang anak niya.“..May isang lumang function hall sa loob noon at doon nagaganap ang mga gang fights ng mga gangster dito sa Academy.” Dagdag niya pa at napatango na lang ako. Hindi ko akalain na may gano’n sa paaralan na ito. Ang creepy. Wala bang gagawing aksyon ang management ng school para sa ganoong bagay? I mean hindi naman yata angkop iyon para sa isang eskwelahan.“Teka. Kiss mark ba ‘yang nasa leeg mo?” Tanong bigla ni Ayesha habang nakatingin sa leeg ko. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinawakan iyon bago humarap sa salamin. Wtf?!“K-kagat ng lamok.” Pagsisinungaling ko at dali-daling nagpunta ng banyo para maligo. Napakademonyo talaga ng lalaking iyon! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa kanya, hindi ko siya aatrasan. Wala na akong pakialam kung ano pang gawin niya sa akin, kakalabanin ko siya kahit siya pa ang pinakagwapongㅡeste pinakademonyong leader ng Dark!ㅡP.E ang unang subject ko tuwing Tuesday, kamusta naman iyon? Umpisa pa lang ng araw ay mahahaggard na agad kami. Napailing ako at inayos ang pagkakasuot ng choker para hindi makita ang kiss mark sa leeg ko, buti na lang ay hindi iyon ganoon kalaki kaya madali lang takpan.“Ayesha, ibabalik ko na lang ‘tong choker mamaya after class, ah? Una na ako.” Nagmadali na akong lumabas ng kwarto matapos magpaalam at nagpunta sa gym. Kulay gray ang P.E uniform namin mula sa t-shirt hanggang sa jogging pants, at gaya roon sa regular uniform namin ay naka-indicate pa rin kung anong color ang sini-symbolize ko which is ‘Keen’“Rain!” May tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad sa field. Lumingon ako at nakitang tumatakbo si Liam palapit sa akin. Kagaya ko ay naka-P.E uniform din siya. “P.E niyo rin? Saan kayo?”“Ah sa gym, anong nilalaro niyo? Soccer?” Tanong ko nang sumulyap ako sa likuran kung saan naroon ang mga kaklase niya.“Oo, sige balik na ako. Gusto ko lang sabihin na bagay sa’yo ‘yung choker na suot mo.” Sabi niya at saka tumakbo pabalik. Napailing na lamang ako dahil nag-abala pa siyang puriin ako, kung alam niya lang kung ano ang sikreto sa likod ng choker na ‘to.Hindi ko alam pero nangingiti akong pumasok sa gym kung saan naroon na ang mga kaklase ko. Agad ko namang napansin na hindi pa kami kumpleto. Wala pa ‘yung dark.“Anong nangyari sa kamay mo?” Tanong ni Tymee nang maupo ako sa tabi niya. Tinignan ko naman iyong kamay kong may band aid bago siya sagutin.“Ah nasugatan ako kahapon.” Biglang marahas na bumukas ang double door ng gym kaya naman nag-echo iyon dito sa loob. Lahat kami ay napatingin, pero agad din akong umiwas nang magtama ang paningin namin ni Thunder.“Okay. Since kumpleto na tayo, please kindly pick your opponents. Maglalaro tayo ng basketball, pero shooting lang. 1v1, the winner will have 100 points for today’s activity.” Sabi ni coach Andrei, well I guess that his name dahil iyon ang nakalagay sa bandang dibdib ng T-shirt niya.“Pano ‘yon? 25 kami rito?” Tanong ni Tymee.“Then ako ang magiging opponent ng walang kapartner.” Sabi ni coach at nag-umpisa nang mamili ang mga kaklase ko ng makakalaban nila para sa activity. Balak ko na sanang kausapin si Tymee ngunit nagpunta sa harapan ko si Thunder. Tinignan ko siya ng masama at iniwasan.“Si Celvero ‘yung partner ko.” Biglang sabi niya ng itaas niya ang kaliwang kamay niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko at hindi na nakapagreklamo dahil nagsalita na si Coach.“Okay. Lumapit kayo sa’kin..” Sinunod naming ang instruction ni coach at lahat ay nagsilapitan kung saan siya naroon. Naglabas din siya ng barya habang nakatingin sa magkakapartner. “First two. Mr. Villaruel and Mr. Sevilla. What’s your choice?”“Heads.” Sagot ni Jiro kaya automatic na tails ang mapupunta kay Axel. Hinagis na si Coach ang hawak na barya at heads ang lumabas doon kaya naman si Jiro ang mauuna. May one minute lang din para makashoot ng ilang points. Ganoon ang rules na ibinigay kaya parang ang unfair sa side dahil ako lang ang may lalaking kalaban.
Pumwesto na si Jiro sa harapan ng ring at nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mag-umpisa siyang mag-shoot ng bola sa hudyat ni Coach. Tahimik ko siyang pinapanuod pero bigla na lang akong nakaramdam ng black aura sa paligid. Nakalimutan kong may nakatayo nga pa lang demonyo sa gilid ko kaya lumayo ako ng kaunti kay Thunder, dahilan para masagi ng balikat ko si Matthew.Tinignan niya ako at kininditan. Eh? Bakit ba ang hilig nilang kumindat? Umabante na lang ako para makaiwas sa kanila ngunit laking gulat ko na lang nang may biglang humila ng buhok ko. Sisigaw sana ako pero hindi nagawa nang maramdaman kong may dumaang bola malapit sa mukha ko. Kung hindi hinila ng taong iyon ang buhok ko, malamang ay natamaan na ako ng bola.“Ano? Mag rereklamo ka? I just saved your life.” Bored na sabi ni Thunder mula sa likuran. Saved my life? Napaka-oa niya. Mamamatay ba ako sa bolang iyon para masabi niya na iniligtas niya ang buhay ko?! At isa pa pwede naman niyang sabihin na umiwas ako, bakit kailangan niya pang hatakin ang buhok ko? Makakahanap at makakahanap tlaga siya ng paraan para masaktan ako. Bwisit!“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro nang lumapit siya sa direksyon ko para kuhain ‘yung bola. Tumango naman ako ng marahan at ngumiti. Akala ko ay masasabihin pa siya pero agad din siynang umalis para i-abot ang bola kay Axel.“Mr. Cross and Ms. Celvero.” Tinawag na ang apelyido naming matapos ang turn ni Axel kaya nagpunta na kami sa harap ng ring. Tails ang pinili ni Thunder kaya siya ang nauna. Bago siya mag-umpisa ay nilingon niya pa ako.“One-on-One ‘to. Kapag natalo ka, magiging slave kita.” Sabi niya at hindi ko na iyon pinansin pa. Wala akong pakialam sa sinasabi niya. Bahala siyang mamumiti ang mga mata niya kakahintay na pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Baka akala niya ay nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin kahapon.Narinig ko ang pagpito ni Coach kaya naman nawala ang iniisip ko, napairap na lang ako habang pinapanuod ang sunod-sunod na pagpasok ng bola sa bawat pagbato ni Thunder, hindi na rin ako nabigla nang 25 ang naging score niya. Mayabang niya pang binato sa akin ang bola na mabilis ko namang nasalo.
“You can’t beat that.” Pagyayabang niya pa kaya pumwesto na ako at nag-umpisa maghagis ng bola sa ere, bato lang ako nang bato at kahit paano naman ay may pumapasok. Unti-unti akong napapangiti dahil nakakarami na rin ako, pero hindi pa rin iyon sapat. 16 points lang ang nakuha kong score.
“Paano ba ‘yan? You’re my slave now.” Sabi ni Thunder pero nilagpasan ko lang siya at dumiretso na sa locker room para magpalit ng regular uniform. Sabi naman ni Coach ay pwede nang magpalit once na matapos ang turn sa activity.“You’re my slave now. Lul, asa ka!” Kinausap ko na ang sarili ko sa sobrang pagkairita dahil sa lalaking iyon. Kung makaasta siya ay parang hindi niya ako minanyak kahapon, nakakaasar. Karmahin sana siya!Habang nagbibihis ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas, parang may bumagsak na ewan.“May tao ba d’yan?” Tanong ko habang narito sa isang cubicle. Walang sumagot sa tanong kong iyon pero nakakarinig pa rin ako ng kaluskos mula sa labas. Binilisan ko na lang ang pagbibihis ngunit bigla na lang may nag-flash mula sa itaas. Nagmadali akong ibutones ang uniform ko para lumabas ng cubicle. Sure akong sa camera galing ang flash na iyon.“S-sorry na.” Paglabas ko ng locker cr ay nakita ko na lang na hawak-hawak ni Jiro sa leeg ang isang lalaki na may bitbit na dlsr. Sinulyapan ako ni Jiro nang mapansin niya ako pero ibinalik niya din ang atensyon sa lalaki at laking gulat ko nang walang awa niyang sinira ang camera nito at kunin iyong memory card. Halos maiyak pa ang lalaki habang pinagmamasdan ang wasak-wasak niyang camera sa sahig. Hindi ko na rin magawang kumilos dahil sa mga pangyayari.“Wala ka na bang naiwan sa loob?” Tanong ni Jiro nang lapitan niya ako. Tumango lamang ako ng dahan-dahan at hindi inaasahan na hahawakan niya ako para hatakin palabas.Lahat ng mga kaklase kong nadaanan namin ay nakatingin sa aming dalawa. Maging ang ibang miyembro ng dark ay tila gulat na gulat din sa nakita, si Jiro naman ay patuloy lang sa paghila sa akin na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Na parang kami lang ang tao sa mundo.Bago kami tuluyang makalabas ng gymasium ay nahagip ng paningin ko si Thunder. Those death glare, bakit parang mas nakakatakot na siyang tumingin ngayon?Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama ko ngayon ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa oras ng breaktime kaya naman iilan ang makikitang estudyante rito sa cafeteria, and as expected lahat sila ay nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko na lang iyon pinansin at ininom ang inabot na inumin sa akin ni Jiro kanina.“Okay lang ba kung kukunin ko ‘yung memory card? Baka kasi makita mo ‘yung picture na kinuha ng lalaking ‘yon,” Medyo naiilang pa ako nang sabihin ko iyon sa harapan niya. Hindi pa naman kasi kami gaanong close at baka kung ano ang isipin niya. Wala siyang isinagot sa akin at basta lang inilapag sa mesa ang hinihingi ko. Nahihiya ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ang blazer ko. “Salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”“Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Literal akong natamaan. Hindi naman kasi la
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.Flashback/Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.Tumakbo n
“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihinta
“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko
“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b
Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganoon din kami ni Jiro. Subukan ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari noong ipakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko magawa, naging mailap kasi siya sa akin at tanggap ko na galit siya sa akin.Nalaman ko kasi na mas lalong napabilis pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na iyon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arranged marriage ni Jiro at hindi siya iiwas sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.“Oo, may iniisip lang ako.” Sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko ang habang nakangiti.“I know you’re not okay, ilang araw ka nang matamlay pero kung ano man ‘yan. Magiging okay rin ang lahat,” Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at maya-maya lang ay binitawan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa b
“Uy cutie pie. Ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Matthew kahit na nasa kalagitnaan kami ng klase. Kahapon pa niya ako kinukulit about doon sa pagiging date niya sa party. Bakit na kasi puro party itong school na ito?“Wag ka nga magulo!” Bulong ko pero nakaharap pa rin siya sa akin kaya naman halatang nag-uusap kami. Bumalik na kasi kami sa dating pwesto. Kahit naman kasi lumayo ako sa dalawa ay magk-krus at magk-krus pa rin ang mga landas naming. “Humarap ka sa prof! Kapag tayo napagalitㅡ”“Sir!” Biglang sigaw niya nang itaas nito ang kamay niya. Nagsalubong na lamang ang kilay ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nasisiraan na talaga ang lalaking ito.“Yes Mr. Sandoval?”“Lalabas kami ni Celvero,” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon kaya sinipa ko ang upuan niya.“And why?”“Kukuha kami ng libro sa library,” Kaswal na sagot niya at bigla na lang ngumiti si Sir na para bang good news iyong sinagot ni Matthew sa kanya. Talaga bang naniniwala si
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama