Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama ko ngayon ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa oras ng breaktime kaya naman iilan ang makikitang estudyante rito sa cafeteria, and as expected lahat sila ay nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko na lang iyon pinansin at ininom ang inabot na inumin sa akin ni Jiro kanina.
“Okay lang ba kung kukunin ko ‘yung memory card? Baka kasi makita mo ‘yung picture na kinuha ng lalaking ‘yon,” Medyo naiilang pa ako nang sabihin ko iyon sa harapan niya. Hindi pa naman kasi kami gaanong close at baka kung ano ang isipin niya. Wala siyang isinagot sa akin at basta lang inilapag sa mesa ang hinihingi ko. Nahihiya ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ang blazer ko. “Salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”
“Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Literal akong natamaan. Hindi naman kasi langad sa kaalaman ko na mali talaga ang mga naging desisyon ko simula kahapon. Naturingan akong Keen pero hindi ko inisip ang mga pwedeng mangyari bago ko kinalaban si Thunder.
Ayan tuloy, lumalala ang mga pangyayari. Dalawang araw pa lang pero ang dami ko nang naranasang kamalasan mula sa kanya. Literal na may sumpa talaga ang lalaking iyon pero naumpisahan ko na ang banggain siya kaya simula ngayon, hindi ko na palalagpasin ang kademonyohan niya. Hindi ako tutunganga at panunuorin lang siyang gumawa ng masama sa akin o sa kahit na sino pa. Kailangan maputol ang sungay ng Thunder na iyon.
“Bakit natahimik ka? Don’t worry, hindi ikaw ang tinutukoy ko. That guy earlier, he’s a Keen pero hindi niya inisip na para na siyang insolent dahil sa ginawa niya sa’yo.” Cold na sabi ni Jiro sabay inom sa kapeng hawak niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon, akala ko kasi ay ako ang tinutukoy niya. Ngumiti na lamang ako ng tipid at napahigpit ng hawak sa laylayan ng palda ko mula sa ilalim ng lamesa.
“Uhm… Hindi ka ba hahanapin ng mga kagrupo mo? Baka nag-aalala na sila sa’yo.” Tumawa siya ng bahagya sa sinabi kong iyon, first time kong Makita siyang tumawa pero halatang sarcastic iyon at peke.
“Alala? Hindi ‘yon uso sa grupo namin.” Tinignan ko lang siya at naghintay pa sa susunod niyang sasabihin pero mukhang wala na pa lang kasunod kaya dead air na naman. Ang tipid-tipid niyang magsalita. Wala na rin naman akong maisip na topic na pwedeng i-open sa kanya para lang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap naming, hindi ko rin naman pwedeng itanong kung may girlfriend siya dahil sobrang nakakahiya iyon.
“Need to go, baka nasa na hideout silaㅡhere!” Tumayo na siya kaya naman napatingala ako sa kanya, napansin ko pa na may inaabot siya sa aking papel kaya marahan ko iyong kinuha sa kamay niya. “That’s my contact number. Call me when you need help.”
“T-thank you.” Tipid lang siyang tumango at naglakad na palayo. Hindi ako makapaniwalang Insolent ang iyon dahil sa mga ipinapakita niya sa akin, and to think na binigay niya ang number niya sa taong hindi pa naman niya ganoon kakilala? Masasabing kong malayo ang ugali niya kay Thunder. Mabait siya pero hindi lang halata dahil sa blangkong ekspresyon ng mukha niya.
Tinignan ko ang papel na ibinigay niya sa akin bago iyon itago at magpunta sa locker area para kuhain sana ang mga notebook ko para sa next subject, pero nang makarating ako roon ay nakita ko na lang na may nakadikit sa pinto ng mismong locker ko. Tinignan ko ang paligid at hindi maiwasang magtaka habang tinitignan ako ng mga estudyanteng narito, ang iba pa sa kanila ay pilit na umiiwas at nagmamadali sa pagkuha ng mga gamit sa locker nila.
Ibinalik ko ang tingin sa itim na papel at kinuha iyon bago basahin ang nakasulat na “Bully her.” Gamit ang puting tinta at sa ilalim noon ay nakalagay ang salitang “From: Devil And Real Kings.”
DARK?
“Look, may dark note siya,”
“Akala ko ba itinigil na nila ang pagbibigay ng note na ‘yan?”
“I don’t know. Tara na, baka madamay pa tayo.”
Muli akong napalingon sa mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid. Ano naman itong dark note na ‘to? Bago pa dumami ang tanong sa isip ko ay may lumipad ng bato sa direksyon, mabuti na lang ay sa pinto iyon tumama at hindi sa ulo ko. Agad kong hinanap ang may gawa noon at nakita ang isang insolent sa likuran.
“Bakit mo ginawaㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko dahil sunod-sunod akong binato ng mga estudyanteng nakapaligid sa akin. Mga insolent at robust. Itinakip ko ang magkabilang braso sa mukha dahil sa ginagawa nila pero may bigla na lang yumakap sa akin para mag silbing panangga.
“Takbo!” Sigaw niya at mabilis niya kong hinatak palayo sa lugar na iyon.
“Liam.” Iyon lang ang tanging nasabi ko paghinto nami sa field dahil hingal na hingal kaming pareho. Bukod doon ay parang nawala rin ako sa sarili. What did just happened?
“Nasaktan ka ba?” Tanong niya at umiling lang ako kahit sa totoo lang ay nasaktan talaga ako. Ang sakit ng mga ibinato nila sa akin, holen, bato at kung ano pang matigas na bagay pero mabuti na lang ay dumating si Liam. Kung hindi, baka nasa hospital na ako ngayon at agaw buhay. Ano ba kasing problema ng mga taong iyon? Kaasar!
“May mga saltik ba sila? Bakit bigla-bigla na lang silang nananakit?” Tanong ko at itinuro naman niya niya ang papel na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.
“Yung papel na ‘yan. Pagmamay-ari ‘yan ng dark, binibigay nila ‘yan sa mga estudyante na gusto nilang ibully. Ang alam ko ay hininto na nila ‘yan dahil doon sa babaeng muntik mag-suicide pero bakit binalik nila ang pagbibigay n’yan?” Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay. Halatang naiinis siya kaya papapikit ako ng mariin at nilukot ang papel.
“Saan ‘yung hideout ng dark?” Tanong ko dahil naalala ko ang sinabi ni Jiro kanina bago siya umalis, malamang ay naroon din si Thunder ngayon.
“Sa loob ng hell’s gate. Malapit sa lumang function hall. Bakit?” Hindi ko na sinagot ang tanong ni Liam at agad na kumaripas ng takbo papunta roon. Hindi na rin niya ako nagawang pigilan pa.
Kahit natatakot ako dahil sa sinabi ni Ayesha na kuta iyon ng mga gangster ay wala na akong pakialam. Mabilis akong pumasok sa loob ng gate nang marating ko iyon, kinilabutan pa ako nang humanging malakas at makita ang ilang sira-sirang upuan at mesa sa bawat ilalim ng malalaking puno. Umiling-iling ako at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makita ko iyong lumang function hall na sinasabi ni Liam. Sa hindi kalayuan naman ay natanaw ko ang hideout ng dark, sure ako na iyon nga ‘yon dahil wala nang ibang establishment ang narito bukod doon.
Kinakabahan man ay itinuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang sa tuluyan kong marating ang hideout nila at walang pagdadalawang isip na pumasok doon kahit na hindi kumakatok.
“Si Thunder?” Tanong ko kay Matthew na nakaupo sa sofa at halatang nagulat dahil napaitig siya sa akin at hindi nagawang sumagot. Napailing ako bago lumapit kay Axel at Jasper na naglalaro ng darts.
“Oh, tapang mo, ah. Ba’t ka nandito?” Tanong ni Jasper nang hindi ako nililingon at patuloy lang sa pagbato ng dart stick.
“Si Thunder?” Pag-ulit ko sa tanong ko kanina.
“Nasa kwarto, bakit?” Tanong ni Axel at hindi na ako nag-abalang sumagot pa. Umakyat na lang ako sa hagdan at pumasok sa nag-iisang kwarto rito sa itaas pero pagpasok ko ay agad din akong napatalikod dahil sa nakita. Shit! Bakit may babae rito? At bakit sila naghahalikan? Ugh.
“Who’s that bitch?” Rinig kong tanong ng babae. Aba’t! Pasalamat siya at hindi ako makaharap sa kanila dahil ayaw kong mabahiran ng kasalanan ang mga mata ko.
“Emerald, lumabas ka muna. Tuloy na lang natin ‘to mamaya.” Sabi ni Thunder at agad naman siyang sinunod noong babae dahil lumabas siya, pero bago ‘yon ay tinignan niya muna ako ng masama na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya.
“Bakit ka nandito? Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo nang makipagㅡ” Isinubo ko sa kanya ang papel na nilukot ko kanina, dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin at mapatayo siya. Wala na akong pakialam kung topless pa siya sa mga oras na ito. Iiwasan ko na lang tumingin sa katawan niyang aaminin ko na talaga namang hot tignan.
“Woah!” Napalingon ako sa likuran nang marinig iyon at nakitang nakasilip sina Axel, Matthew at Jasper sa pintuan. Kumunot ang noo ko ngunit agad din iyong nawala nang magsipasukan sila rito sa loob dahil sa pagsipa sa kanila ni Jiro papasok.
“Anong nangyari?” Tanong niya pero hindi ko magawang sumagot. Nadidistract ako dahil naka-sando lang siya sa mga oras na ito, mabuti na lang ay nagsuot na ng t-shirt si Thunder kaya sa kanya na lang ako humarap since siya naman talaga ang ipinunta ko rito.
“Hoy ikaw! Hindi ako natatakot sa’yo, ah at saka ‘yung note na binigay mo sa’kin. Kung may galit ka, Ikaw mismo ang humarap sa’kin, hindi ‘yung gagamitin mo pa ang ibang estudyante para bullyhin ako!” Sigaw ko at lahat sila ay natahimik, maging si Thunder ay ang tagal bago magsalita.
“Anong note? Tekaㅡbinigyan mo siya ng dark note?” Tanong ni Jiro kay Thunder at tumango naman ito kahit labag sa kalooban.
“Eh ano kung bigyan ko siya ng card? She deserves it.”
“Rain lumabas ka muna.” Malamig na utos ni Jiro kaya pinasadahan ko sila ng tingin at nang marealize ko na kailangan nila ng privacy para mag-usap ay lumabas muna ako at piniling mag-stay sa ibaba.
Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang hindi mainggit. Napakaunfair ng grupo na ‘to. Bakit ganito kaganda ang hideout nila? Vintage ang datinong nito parang cabin, kumpleto ang furnitures. May malaking flat screen T.V, billiards at airconditioned pa. Pinayagan talaga sila ng school’s management para magkaroon ng ganito? Iba talaga ang nagagawa ng pera, kung tutuusin ay para na itong malaking bahay considering na meron itong kwarto.
Hindi nagtagal ay nakita ko nang bumaba si Jiro, nakasuot na rin siya ng uniform.
“Let’s go.” Aya niya nang tuloy-tuloy siyang maglakad at wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
“Anong pinag-usapanㅡ”
“None of your business, Rain. Wag ka na ulit babalik sa lugar na ‘to. Delikado.” Malamig na sabi niya at tumango lamang ako pero bigla siyang huminto sa kalagitnaan ng paglalakad sa gubat nang may ilang kalalakihan kaming nakasalubong. Mga insolent at mukhang mga 3rd year na sila. Sa hindi malamang dahilan naman ay agad akong itinago ni Jiro sa likuran niya na para bang pinoprotektahan niya ako. Mukhang gulo na naman ang mangyayari.
“Woah. Bago ‘yan, ah. Chicks mo?” Tanong ng lalaking nasa gitna. Gwapo man siya tignan ay hindi noon maitatago na manyak siya. Nandidiri ako sa tingin na ibinibigay niya sa akin, para siyang aso na nakakita ng butong kakainin.
“Hindi.” Hinawakan ako ni Jiro at lalagpasan na sana niya ang mga lalaking iyon pero humarang pa rin sila na tila nang-aasar.
“Jiro.” Tawag ko dahil natatakot na talaga ako sa pwedeng mangyari. Ayoko ng ganitong sitwasyon. May trauma na ako sa ganito. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at halos maluha pa ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Natatakot man ay lumingon pa rin ako para Makita kung sino iyon.
“Bumalik ka sa loob ng hideout.” Utos ni Thunder sa akin pero naroon ang tingin niya sa mga lalaking kaharap ni Jiro sa mga oras na ito.
“Dude, bakit mo naman pinapaalis ‘yung chicks? I want to try her. Sharing is caring, you know?” Sabi ulit nang nasa gitna, dahilan para ngumisi si Thunder, nakakatakot na pagngisi.
“You really want to try her?” Tanong niya at tumango naman iyong lalaki sa kabilang grupo. Nabigla pa ako nang marahas akong hawakan ni Thunder, dahilan para mabitawan ako ni Jiro.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Jiro pero walang isinagot si Thunder sa kanya. Hindi ko na rin nagawang magsalita dahil sa takot. Obvious naman na ibibigay niya ako sa mga third year dahil malaki ang galit niya sa akin. Of course, what else could it be.
“Oh!” Mabilis akong itinulak ni Thunder sa mga lalaking iyon pero nanatili ang paghawak niya sa kamay ko. Napapikit ako sa takot hanggang sa maramdaman ko na hinatak niya ako pabalik at hinawakan ang ulo ko. Nasa dibdib niya ang mukha ko ngayon habang nakikipagsuntukan siya gamit ang free hand niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga oras na ito, buong akala ko ay ibibigay niya talaga ako sa lalaking iyon.
“Tumakbo ka na pabalik sa loob ng hideout.” Bulong niya at mabilis niya akong binitawan. Hindi ko na rin nagawang lumingon at nagmadali sa pagtakbo para makalayo sa gulong nangyayari. Hindi ko mabasa kung ano talaga ang iniisip ng Thunder na iyon, aaminin ko naiinis ako sa kanya pero not this time. Gustong-gusto niya lang siguro akong takutin pero in the end, nililigtas niya pa rin ako.
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.Flashback/Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.Tumakbo n
“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihinta
“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko
“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b
Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganoon din kami ni Jiro. Subukan ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari noong ipakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko magawa, naging mailap kasi siya sa akin at tanggap ko na galit siya sa akin.Nalaman ko kasi na mas lalong napabilis pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na iyon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arranged marriage ni Jiro at hindi siya iiwas sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.“Oo, may iniisip lang ako.” Sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko ang habang nakangiti.“I know you’re not okay, ilang araw ka nang matamlay pero kung ano man ‘yan. Magiging okay rin ang lahat,” Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at maya-maya lang ay binitawan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa b
“Uy cutie pie. Ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Matthew kahit na nasa kalagitnaan kami ng klase. Kahapon pa niya ako kinukulit about doon sa pagiging date niya sa party. Bakit na kasi puro party itong school na ito?“Wag ka nga magulo!” Bulong ko pero nakaharap pa rin siya sa akin kaya naman halatang nag-uusap kami. Bumalik na kasi kami sa dating pwesto. Kahit naman kasi lumayo ako sa dalawa ay magk-krus at magk-krus pa rin ang mga landas naming. “Humarap ka sa prof! Kapag tayo napagalitㅡ”“Sir!” Biglang sigaw niya nang itaas nito ang kamay niya. Nagsalubong na lamang ang kilay ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nasisiraan na talaga ang lalaking ito.“Yes Mr. Sandoval?”“Lalabas kami ni Celvero,” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon kaya sinipa ko ang upuan niya.“And why?”“Kukuha kami ng libro sa library,” Kaswal na sagot niya at bigla na lang ngumiti si Sir na para bang good news iyong sinagot ni Matthew sa kanya. Talaga bang naniniwala si
Inangat ko ang aking ulo dahil sa huling sinabi ni Thunder. Tila ba bumilis ang tibok ng puso ko na para ba akong kinakabahan kahit sure naman akong niloloko niya lang ako. Imposibleng magugustuhan niya ako sa ganoong kaigsing panahon, at isa pa may girlfriend siya.“A-anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong nang lingunin ko siya. Nakatitig lamang siya sa akin habang natatakpan ng bangs ang kaliwang mata nito. Nakangiti rin siya sa mga oras na ito, ngiti na ngayon ko lang nakikita. Alam kong isa lang iyon sa mga pakulo niya ngunit iba pa rin ang epekto nito sa akin.“Oh bakit? Naniwala ka ba? Eh di pinansin mo rin ako,” Natatawang sabi niya kaya naiyukom ko ang mga kamao ko. Expected ko naman na iyon pero naiinis pa rin ako na lumabas iyon sa bibig. “Asa ka namang magugustuhan kita.”Iniwas ko ang tingin sa kanya at saka tumayo para ma-ikalma ang sarili ko. Pinagmumuka niya akong tanga dahil sa mga ginagawa’t sinasabi niya, bakit ba kasi hindi pa ako nadadala? Hindi
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama