Maingay na tunog ng cellphone ang nagpagising sa akin. Kinapa ko ang aking ulunan habang nakapikit pa rin. Nagtaka ako nang wala akong mahawakan. Tamad kong iminulat ang aking mga mata. I was so sure that I always put my phone under my pillow, but why it wasn't in there? Pumikit-pikit ako. Pilit ginigising ang natutulog ko pang diwa. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang mapagtanto ang lahat. Shit! I cursed inside my head. Napabalikwas ako ng bangon. Gumalaw naman ang aking katabi. Napabaling sa kaniya ang aking atensyon. Our eyes met. "Good mor—" I did not let him finish his sentence. Hinampas ko siya ng unan na una kong nahawakan. "Bakit nandito ako? Bakit magkatabi tayo?" I was hysterical. Patuloy pa rin ako sa paghampas dito habang siya naman ay iwas nang iwas sa ginagawa ko. "Hey, hey. Relax. . ." he said. Umiling ako at hindi nakinig. I kept on hitting him with the pillow. Naramdaman kung gumalaw ang kama. That was the same time my back landed on the bed. Napapikit ako. Na
“I'm sorry." Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang kumalma mula sa pag-iyak. Magkatabi kami ni Marcus sa kama nito habang nakaupo. "Wala ka namang kasalanan," sagot niya. "Ako nga dapat ang mag-sorry dahil sa nangyari sa 'yo." Umiling ako. Marahil sa nangyari sa akin may karapatan akong magalit sa kaniya. He kept on insisting that it was his fault why we had an accident. Masyado raw kasing mabilis ang pagmamaneho niya. Pero naisip ko, sa nangyari sa kaniya, pareho lang kaming may kasalanan. Blaming was not the best option for us in the meantime. Wala rin namang magbabago. Nangyari ang mga nangyari at hindi na maibabalik pa."We were both at fault, Marcus. So stop saying sorry," nasabi ko na lang. Tumango siya. He smiled at me. "Hindi ka pa rin nagbabago kahit nawala ang alaala mo. Mabait ka pa rin."I smiled shyly. Itinaas ko ang paningin at nakita ang bata na may-ari ng bola kanina. She was playing on the flour with her barbie dolls. Nagsasalita ito nang mag-isa, alam ko. Kita k
Tulad ng inaasahan ko, malaki ang mansion ng mga Trinidad sa Forbes Park. Umaga pa lang ay sinundo na ako ng driver dahil na rin sa gusto ni Marcus na sabay kaming kumain ng breakfast ng araw na iyon. Nagtampo kasi ito sa akin dahil hindi ako nagpakita nang lumabas ito ng hospital. At hindi rin ito dinalaw nang sumunod na araw. Ang totoo, gusto kong mapag-isa sa mga nakalipas na araw. I wanted to console myself from the things I have been experiencing. And to be ready for what would come to me after. Hindi naman ako nabigo. Habang iniisip ko ang bagong responsibilidad kay Marcus, pagbibigay ng pagkakataon sa sarili na makakilala ng ibang tao, at pakikipagsalamuha sa iba, napagtanto ko na ang dating sarili kong malayo at takot ay nawala at unti-unting nagbabago. Matagal ko ring ikinulong ang sarili ko at ngayon ko lang naramdaman ang pagiging malaya. Not that it was because of Marcus, but because of my choices. "Good morning, ma'am." I snapped my thoughts when someone greeted me. Na
"Huy, Apple, may problema ka ba? Napapansin ko nitong mga nakaraan, ang tahimik mo? Wala kang ganang kumain? Suicidal ka na ba?" Umiling ako sa tanong na iyon ni Nylen. Binalik ang atensiyon sa pinapanood na palabas at tumahimik. "Snob mo na rin ako. Tell me, ano ba ang problema?" dagdag nito. Hindi pa rin ako sumagot. Bakit ako sasagot kung hindi rin niya masagot ang mga tanong ko?Pagkatapos ng sinabi sa akin ni Doña Henrietta sa mansion ng mga Trinidad, hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa condo ni Nylen nang matiwasay. Umiyak ako sa dahilan na hindi ko alam. Nangangapa at nasasaktan sa mga salitang hindi ko alam kung totoo. Naging masama ba ako? Iyon ba ang rason kung bakit ramdam ko sa puso na may itinatago sila sa akin? Pero kung iyon nga, bakit ayaw nilang aminin sa akin ang totoo?Bakit nila pinaparamdam na wala akong karapatang malaman ang nakaraan?I deserved to know. "Nylen. . ." I called Nylen and looked at her straight to the eyes. Nagsusumamo ang aking mga mata.
Tama ba ito? Tama ba ang gagawin ko?Habang nararamdaman ko ang pagdausdos ng palad ni Condrad sa aking balat upang abutin ang laylayan ng aking t-shirt, inuusig ako nang hindi maipaliwanag na konsensiya. Mainit ang kaniyang mga kamay at nakakadarang ang kaniyang mga halik pero may damdamin sa puso ko na hindi maipaliwanag. Mali ito. Maling-mali. Tinulak ko si Condrad. Habol ang hininga na tinitigan ko siya sa mga mata. Nanlalabo pa rin ang aking paningin mula sa pag-iyak ngunit klaro kong nakita ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Bakit?Umiling ako at humugot nang malalim na paghinga. "A-Ako ang kabit mo, hindi ba?" He did not speak. I felt frustrated. "Answer me, dammit!""Oo!" sigaw niya. Natahimik ako. Lumayo nang bahagya. That was the confirmation I was waiting for, but why did it hurts? 'Di ba, inasahan ko na ito kanina pa lang? Masakit pa rin pala masampal ng katotohanan. Masakit tanggapin na naging kabit ako noon. O, kaya ko bang tanggapin? My tears streamed down my chee
"When are you coming home?" A soft voice got my attention. Ngumiti ako at tiningnan ito. She was so beautiful in my eyes that I couln't help but to touch her chubby cheeks. Her geniune smile was glowing. Her sparkling eyes were like a reflection of my soul. Bagay na bagay rito ang suot na namumukadkad na bestidang kulay ube habang isinasayaw ng hangin ang kulot at umaalon nitong buhok. Napahagikhik ito sa ginawa ko. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. "I am home," sagot ko. Umiling ito. Biglang Lumamlam ang mga mata. Nasaktan ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin ngunit hindi ko na lamang binigyang pansin. It was better that way. Sometimes, you just have to keep your feelings by yourself. Enduring it alone no matter how hard or suffocating it was. "You don't belong here," mahinang wika nito. "You belong to somewhere else." May itinuro ito. "There!"I shifted my gaze and saw endless clouds in front of me. It was so white and looked fluffy. Parang ang sarap humiga roon at m
I woke up feeling heavy. My head is aching too bad and my body seemed numb. Kinalma ko ang isip at unti-unting ibinuka ang mga mata. The usual white ceiling greeted me. Halos masilaw ako sa kaputian niyon. Napakurap hanggang sa masanay na rin sa liwanag. Inikot ko ang tingin at nakita ang katabing aparato. It was ticking and the sound of it made me wanted to scream for help. Hindi ako sanay. Nasasaktan ako. Gusto kong magsalita ngunit mabigat ang aking bibig at tila barado ang aking paghinga. I felt suffocated. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam!"T-tubig. . ." I mumbled. The place was too quiet. Nagsalita muli ako ngunit mahina pa rin ang aking boses.I whispered for water again to ease my thrist but no one came. Nanubig ang mga mata ko. Sumakit ang dibdib.I felt so alone. Weak and helpless. I felt miserable. Mas lalo akong nasaktan. Pumikit at humikbi kahit nahihirapan. Bakit pa ako nagising kung pawang kahungkagan lang ang sasalubong sa akin? Bakit pa ako bumalik kung alam kong
Pareho kaming nanatiling tahimik ni Marcus. Matagal. Mariin ang bawat titig niya sa akin. Nang-aarok. Maybe, he was weighing things on his own understanding. Ako naman ay tanggap ko na ang lakat nang salitang matatanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko na kailangan pang magkunwari dahil alam ko naman na mali ako. We both did wrong. Mas malala nga lamang ang akin dahil sinira ko rin ang relasyon ng ina niya at ni Condrad. I have been thinking about my mistakes while healing. I have been thinking about all my regrets. Pero kahit gaano ko pa isipin, humahantong pa rin sa katotohanan na hindi ko na maibabalik ang lahat. May mga nasaktan ako na hindi naman dapat, dahil naging makasarili ako. "Sorry for deceiving you." Si Marcus ang unang pumutol sa katahimikan. Tumango ako. Wala naman akong dapat na sabihin o hinanakit dito dahil pareho naming niloko ang isa't isa. "Sorry for hiding the truth from you and your family. Sa maniwala ka man o hindi, I don't have any idea that Angeline is your m