JANINA MARIENang tumayo at lumayo sa akin si Xavier habang kausap niya si Tommy ay kinabahan ako. Ang kilos kasi ng asawa ko ay kaduda-duda. Hindi kasi niya ginagawa ang mga ganoong bagay kahit sino pa ang kausap niya. Unang beses na umiwas siya na marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Hindi ko siya agad sinita para makapag-usap sila ng maayos pero sa isip ko ay nagbabanta na ako. Habang naghihintay akong pumasok ulit si Xavier sa silid namin ay naisip kong mag-abang sa may pintuan. Nakahalukipkip ako at nakasandal sa dingding. Naiinip man ay nanatili ako roon hanggang sa pumasok ang aking mister. “Ano ang pinag-usapan ninyo ni Tommy?” usig ko agad sa kaniya pagbukas niya ng pintuan. “I almost have a heart attack!” sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Baklang-bakla ang itsura niya kaya hindi ko napigilan ang tumawa. “Ayan, napatawa rin kita. Selos ka kasi nang selos.”“Ano nga?” pangungulit ko. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang sinabi ni Tommy. Ala
JANINA MARIE Sa panahon na kailangan kong maging matatag ay hindi ako nagpakita ng kahinaan kahit kanino. Ngunit deep inside ay para akong pinapatay knowing na ang mga bata ay posibleng dumaan sa matinding trauma dahil sa nangyaring pamamaril ng kung sino sa tinutuluyan nila sa Baler. “How is it going there? I want a report as soon as possible!” parang bomba sa lakas ang boses ni Xavier. “Call the pilot. Lilipad kami ngayon papuntang Baler.” “Sir, under maintenance daw po ang chopper," natatakot na sabi ni Gemma. “Dámn! What kind of employees are they? Bakit hindi nila tinapos agad ang pag-aayos sa sasakyan na iyan?” Habang nagagalit si Xavier ay nagpapalakad-lakad siya sa harapan ko. Nahihilo na ako dahil sa kaniya kaya bigla ko siyang hinila sa kamay. “Calm down, please,” pakiusap ko sa kaniya. “Gemma, tawagan mo ang personal assistant ko. Sabihin mong magpadala siya ng chopper na maghahatid sa amin ng Sir mo sa Baler.”“I’m so sorry, Loves. Nag-aalala ako para sa mga bata.
JANINA MARIEPara kaming pinaglalaruan ng tadhana. Nakakapanlumo ang ibinalita ng mga police na nakatakas daw si Rhian pero sugatan ito. Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay tila walang katapusan ang mga problema. “Don’t worry, Loves, lahat ng ito ay matatapos din. I believe that everything in this world happens in its own time. All we have to do now is wait for the ideal moment. God established a timetable for the resolution of each problem.” Alam kong pinakakalma lang ako ni Xavier dahil batid niyang pinanghihinaan na naman ako ng loob pero pinili ko pa rin na pakinggan siya. Tama si Xavier na lahat ng nangyayari ngayon ay may katapusan. Kung kailan man iyon, hindi ko na alam. Ang mahalaga ngayon ay maayos ang pamumuhay namin sa kabila ng mga panganib. Isang araw, umattend kami ni Xavier ng isang napakaimportante na business conference sa isang sikat na hotel sa Pasay. Dahil limited lang ang mga taong pwedeng pumasok sa venue kaya hindi kami pwedeng magsa
JAKE ADMERSONHalos paliparin ko ang kotse sa express way. Panay ang tili ni Rhian habang ako naman ay panay ang mura. Sunod-sunod ko rin na sinusuntok ang manibela. We both wanted to explode and ruin those who will block our way. I wasn't expecting na darating bigla ang mga tauhan ni Xavier or maybe tauhan iyon ni Janina. I don't care anyway. Sira na rin naman ang mga plano ko for today. Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang babaeng kinausap ko para sirain sana ang reputation ni Xavier sa event na dinaluhan nila. "Sir, iyong bayad ko, akala ko ba ay ibibigay ninyo agad pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko. Nasaan na kayo?" tanong ng babae. "Fûck you! Huwag kang umasa na babayaran pa kita pagkatapos mong hindi gawin ng maayos ang trabaho mo!""Pero, sir, hin-"Inis na pinatay ko ang cellphone at ibinalibag iyon sa dashboard ng sasakyan. "What are we gonna do next?" tanong ni Rhian. "I still do not know," singhal ko kay Rhian. "May naiisip ka ba? Bwisit na Xavier na iyon, pina
JANINA MARIEDahil sa incident sa may pool area kaya nagdesisyon na rin si Xavier na kausapin si Yna tungkol sa kaniyang ina. Walang inilihim ang aking asawa sa kaniyang anak. Panay ang iyak ng bata pero sa tulong ni Jude ay tumahan din ito kinalaunan. “I hate her. She didn’t love me at all,” sabi ni Yna. “Siya pa rin ang ina mo, Yna. Maaaring may mga pagkakamali si Rhian pero hindi mo siya dapat kasuklaman. Ang Mommy mo ang nagluwal sa iyo sa mundong ito,” sabi ko. “Ah, basta! I don’t want to see her again. She’s bad, mama.”Hindi ko na pinilit pa si Yna na huwag magalit sa kaniyang ina. At one point ay tama rin naman kasi siya. Subalit ayaw ko rin masabi ng ibang tao na nilason ko ang utak ng bata. Matuling lumipas ang mga araw. Muling dumating ang kaarawan ni Jude. Dahil gusto ng mga bata na mamasyal kami kaya nagdesisyon kami ni Xavier na dalahin sila sa isang sikat na pasyalan sa Hongkong. Sikretong inayos ng aking personal assistant ang lahat na kailangan namin. Mahigpit ang
JANINA MARIEHalos liparin ko ang papuntang Cavite. Habng nakasakay ako sa mamahalin na sasakyan ay panay ang dasal ko na sana ay walang mangyaring masama kay Xavier. Sa bawat intersecion na dinadaanan namin ay gusto ko nang magmakaawa sa mga ilaw para magpalit na sila ng kulay. "Xavier, hindi mo ako pwedeng iwan. Humanda ka talaga sa akin," banta ko habang nasa biyahe. Paraan ko iyon para mawala ang kabang nararamdaman ko. "JM, magpakahinahon ka. Wala pa naman sinasabi ang mga doctor kaya kumalma ka muna," payo ni Nanay Elsa. Napalingon ako sa mga bata. Si Yna ay abala sa kaniyang cellphone habang si Jude ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng makita ni Jude na nakakaramdam ako ng matinding nerbyos. Pinilit kong umupo ng tuwid at nagdasal na lang. Nang marating namin ang Tanza, pinahatid ko muna ang mga bata sa bahay namin ni Xavier. Naroon na si Althea na tinawagan ko bago pa man kami dumating. Siya na muna ang bahala sa mga bata
JANINA MARIEHindi ako makilala ni Xavier. Buong akala niya ay si Rhian pa rin ang karelasyon niya. Ito ang hinahanap niya, ito ang iniisip niya, at ito ang madalas bukang-bibig niya. Ang higit na nakapagtataka ay ang pagbabago rin ng kaniyang kilos. Ang pilantik ng kaniyang mga kamay, ang hinhin ng kaniyang tinig at ang kagustuhan niyang magsuot ng mga pambabae kaysa panlalaki ay talagang nakapagtataka. “Ito ba ang epekto ng ginawang operasyon sa kaniya, Mommy?” tanong ko kay Ma’am Levy. Napatango ang ginang. Nakayuko siya at hindi halos makatingin sa akin. “Please pardon me, Janina. I didn’t know what to tell or how to tell you about these sudden changes. Iyon ang dahilan kaya hindi muna kita pinapapasok sa loob. Ayaw ko kasing makitang masaktan ka,” paliwanag niya. “Sana sinabi n’yo na lang po ang totoo.”Nanghihina na umupo na lang ako sa isang bakanteng upuan na nasa likuran ko. Hindi na ako nagsalita pa. Sa halip ay hinayaan ko na lang ang aking sarili na ilabas ang lahat n
RHIAN HOFREYI was over the moon nang nalaman ko na ako ang hinahanap ni Xavier pagkatapos ng operasyon nito. Dahil sa sobrang saya kaya hindi ko napigilan na halikan nang halikan ang mga labi ni Jake na alam kong ikinakainis naman niya. Thankful kasi ako na dahil kay Jake ay mukhang magiging madali ang lahat ngayon. Habang ginagawa ng parents ni Jake ang lahat para linisin ang pangalan niya ay kumakapit ako sa kaniya dahil wala na talaga akong pwedeng asahan pa. Syempre, mas magiging masaya ako kung sa halip na si Janina ay ako na ang nasa puso niya. Mahirap ang aking sitwasyon ngayon. Gusto kong makibahagi sa yaman ng mga Montefona pero hindi ako malaya na tulad ng dati. Wala na rin pwedeng tumulong sa akin bukod sa aking sarili. Why? I couldn’t contact my mom after she left home. I don’t know where she is right now at wala rin akong balak pang alamin dahil baka maging kargo ko pa siya. Si Yna nga na sariling dugo at laman ko ay gusto ko nang itapon, siya pa kayang matanda na at