JAKE ADMERSONHalos paliparin ko ang kotse sa express way. Panay ang tili ni Rhian habang ako naman ay panay ang mura. Sunod-sunod ko rin na sinusuntok ang manibela. We both wanted to explode and ruin those who will block our way. I wasn't expecting na darating bigla ang mga tauhan ni Xavier or maybe tauhan iyon ni Janina. I don't care anyway. Sira na rin naman ang mga plano ko for today. Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang babaeng kinausap ko para sirain sana ang reputation ni Xavier sa event na dinaluhan nila. "Sir, iyong bayad ko, akala ko ba ay ibibigay ninyo agad pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko. Nasaan na kayo?" tanong ng babae. "Fûck you! Huwag kang umasa na babayaran pa kita pagkatapos mong hindi gawin ng maayos ang trabaho mo!""Pero, sir, hin-"Inis na pinatay ko ang cellphone at ibinalibag iyon sa dashboard ng sasakyan. "What are we gonna do next?" tanong ni Rhian. "I still do not know," singhal ko kay Rhian. "May naiisip ka ba? Bwisit na Xavier na iyon, pina
JANINA MARIEDahil sa incident sa may pool area kaya nagdesisyon na rin si Xavier na kausapin si Yna tungkol sa kaniyang ina. Walang inilihim ang aking asawa sa kaniyang anak. Panay ang iyak ng bata pero sa tulong ni Jude ay tumahan din ito kinalaunan. “I hate her. She didn’t love me at all,” sabi ni Yna. “Siya pa rin ang ina mo, Yna. Maaaring may mga pagkakamali si Rhian pero hindi mo siya dapat kasuklaman. Ang Mommy mo ang nagluwal sa iyo sa mundong ito,” sabi ko. “Ah, basta! I don’t want to see her again. She’s bad, mama.”Hindi ko na pinilit pa si Yna na huwag magalit sa kaniyang ina. At one point ay tama rin naman kasi siya. Subalit ayaw ko rin masabi ng ibang tao na nilason ko ang utak ng bata. Matuling lumipas ang mga araw. Muling dumating ang kaarawan ni Jude. Dahil gusto ng mga bata na mamasyal kami kaya nagdesisyon kami ni Xavier na dalahin sila sa isang sikat na pasyalan sa Hongkong. Sikretong inayos ng aking personal assistant ang lahat na kailangan namin. Mahigpit ang
JANINA MARIEHalos liparin ko ang papuntang Cavite. Habng nakasakay ako sa mamahalin na sasakyan ay panay ang dasal ko na sana ay walang mangyaring masama kay Xavier. Sa bawat intersecion na dinadaanan namin ay gusto ko nang magmakaawa sa mga ilaw para magpalit na sila ng kulay. "Xavier, hindi mo ako pwedeng iwan. Humanda ka talaga sa akin," banta ko habang nasa biyahe. Paraan ko iyon para mawala ang kabang nararamdaman ko. "JM, magpakahinahon ka. Wala pa naman sinasabi ang mga doctor kaya kumalma ka muna," payo ni Nanay Elsa. Napalingon ako sa mga bata. Si Yna ay abala sa kaniyang cellphone habang si Jude ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng makita ni Jude na nakakaramdam ako ng matinding nerbyos. Pinilit kong umupo ng tuwid at nagdasal na lang. Nang marating namin ang Tanza, pinahatid ko muna ang mga bata sa bahay namin ni Xavier. Naroon na si Althea na tinawagan ko bago pa man kami dumating. Siya na muna ang bahala sa mga bata
JANINA MARIEHindi ako makilala ni Xavier. Buong akala niya ay si Rhian pa rin ang karelasyon niya. Ito ang hinahanap niya, ito ang iniisip niya, at ito ang madalas bukang-bibig niya. Ang higit na nakapagtataka ay ang pagbabago rin ng kaniyang kilos. Ang pilantik ng kaniyang mga kamay, ang hinhin ng kaniyang tinig at ang kagustuhan niyang magsuot ng mga pambabae kaysa panlalaki ay talagang nakapagtataka. “Ito ba ang epekto ng ginawang operasyon sa kaniya, Mommy?” tanong ko kay Ma’am Levy. Napatango ang ginang. Nakayuko siya at hindi halos makatingin sa akin. “Please pardon me, Janina. I didn’t know what to tell or how to tell you about these sudden changes. Iyon ang dahilan kaya hindi muna kita pinapapasok sa loob. Ayaw ko kasing makitang masaktan ka,” paliwanag niya. “Sana sinabi n’yo na lang po ang totoo.”Nanghihina na umupo na lang ako sa isang bakanteng upuan na nasa likuran ko. Hindi na ako nagsalita pa. Sa halip ay hinayaan ko na lang ang aking sarili na ilabas ang lahat n
RHIAN HOFREYI was over the moon nang nalaman ko na ako ang hinahanap ni Xavier pagkatapos ng operasyon nito. Dahil sa sobrang saya kaya hindi ko napigilan na halikan nang halikan ang mga labi ni Jake na alam kong ikinakainis naman niya. Thankful kasi ako na dahil kay Jake ay mukhang magiging madali ang lahat ngayon. Habang ginagawa ng parents ni Jake ang lahat para linisin ang pangalan niya ay kumakapit ako sa kaniya dahil wala na talaga akong pwedeng asahan pa. Syempre, mas magiging masaya ako kung sa halip na si Janina ay ako na ang nasa puso niya. Mahirap ang aking sitwasyon ngayon. Gusto kong makibahagi sa yaman ng mga Montefona pero hindi ako malaya na tulad ng dati. Wala na rin pwedeng tumulong sa akin bukod sa aking sarili. Why? I couldn’t contact my mom after she left home. I don’t know where she is right now at wala rin akong balak pang alamin dahil baka maging kargo ko pa siya. Si Yna nga na sariling dugo at laman ko ay gusto ko nang itapon, siya pa kayang matanda na at
JANINA MARIEKahit alam kong hindi tunay na magkapatid sina Xavier at Rhian ay iyon ang ginamit kong alas laban kay Rhian. Hindi dapat malaman ng babae na iyon na ampon lang siya. Sa ngayon, gagamitin ko munang sandata ang kasinungalingan na iyon para maipanalo ko ang laban. Saka ko na iisipin ang kahihinatnan ng action na ginawa ko. Buong akala ko kaya ako pinabalik ni Xavier sa mansion nila ay dahil may naalala na siya, subalit gusto lang pala niyang sabihin sa akin na umalis na raw ako sa bahay naming mag-asawa. Hinintay kung magsalita si Ma’am Levy para mapigilan ang anak n'ya sa gusto nito pero wala man lang siyang sinabi na kahit ano. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang pinaplano niya o ni Xavier.Ang isip ko ay sinasabing kalaban din ang mommy ni Xavier pero sa tuwing tumitingin naman ako sa mga mata niya ay iba ang nakikita ko. Madalas din siyang humingi ng tawad sa akin. Isang araw ay muli akong dumalaw sa mansion ng mga Montefona. Tulog daw si Xavier at ayaw pa-isto
JANINA MARIENalungkot ako sa mga laman ng text ni Rhian para sa anak niya. Halang talaga ang kaluluwa niya. Dahil sa pag-amin niya sa text kay Yna na sila ni Jake ang may kagagawan ng nangyari kay Xavier, nagdesisyon akong kausapin ulit ang aking asawa. Inihanda ko na ang aking sarili dahil posibleng palayasin na naman ako ng masungit na lalaking iyon. Minabuti kong puntahan na lang siya sa Montefona Electronics Company para hindi niya ako magawang ipagtabuyan. Mahihiya kasi siyang gumawa ng eskandalo sa harapan ng mga empleyado. Hindi kasi siya tulad ng dati na walang pakialam. Ewan ko ba, ang daming nagbago sa kaniya.“Good morning, ma’am,” bati agad sa akin ng guards sa guardhouse nang nakita nila ako. Agad din nilang binuksan ang malaking gate para makapasok ako ng kumpanya. Habang naglalakad ako sa malawak na bakanteng space na nasa harapan ng kumpanya ay parang naninibago ako. Medyo matagal na rin kasi nang huli akong nakapunta roon. Minabuti kong sa production area dumaan pa
JANINA MARIEAgad kong tinawagan si Xavier at tinanong ko s'ya kung naaalala na ba niya ako subalit sininghalan niya lang ako. Hanggang sa bigla kong naisip ang isang bagay na nakapagtataka. "Xavier, ang sabi mo ay ikakasal ka na pero bakit ka pa nagpalagay ng billboard sa labas ng Economic Zone? Ibig sabihin ba noon ay 'di mo pa talaga nakikita si Rhian?" "Miss, I don't have to explain to you my actions. Disregard the text. It was not meant for you. It's for Rhian." "Xavier, huwag mo naman akong kaabusuhin dahil baka wala ka nang balikan kapag bumalik na ang alaala mo," pakiusap ko sa kaniya. Panay pa ang salita ko ngunit wala na pala si Xavier sa kabilang linya. Inis na ibinaba ko ang cellphone. Nang mga sumunod na araw ay nabatid kong wala si Rhian sa lugar na sinabi nito kay Yna. Ilang beses na sinuyod iyon ng mga taong binayaran ko pero wala talaga. Tama ang hinala ko. Isang pain lang ang lugar na iyon para malaman niya kung alam ko na ba na kausap niya ang anak niya. Isang