JANINA MARIENalungkot ako sa mga laman ng text ni Rhian para sa anak niya. Halang talaga ang kaluluwa niya. Dahil sa pag-amin niya sa text kay Yna na sila ni Jake ang may kagagawan ng nangyari kay Xavier, nagdesisyon akong kausapin ulit ang aking asawa. Inihanda ko na ang aking sarili dahil posibleng palayasin na naman ako ng masungit na lalaking iyon. Minabuti kong puntahan na lang siya sa Montefona Electronics Company para hindi niya ako magawang ipagtabuyan. Mahihiya kasi siyang gumawa ng eskandalo sa harapan ng mga empleyado. Hindi kasi siya tulad ng dati na walang pakialam. Ewan ko ba, ang daming nagbago sa kaniya.“Good morning, ma’am,” bati agad sa akin ng guards sa guardhouse nang nakita nila ako. Agad din nilang binuksan ang malaking gate para makapasok ako ng kumpanya. Habang naglalakad ako sa malawak na bakanteng space na nasa harapan ng kumpanya ay parang naninibago ako. Medyo matagal na rin kasi nang huli akong nakapunta roon. Minabuti kong sa production area dumaan pa
JANINA MARIEAgad kong tinawagan si Xavier at tinanong ko s'ya kung naaalala na ba niya ako subalit sininghalan niya lang ako. Hanggang sa bigla kong naisip ang isang bagay na nakapagtataka. "Xavier, ang sabi mo ay ikakasal ka na pero bakit ka pa nagpalagay ng billboard sa labas ng Economic Zone? Ibig sabihin ba noon ay 'di mo pa talaga nakikita si Rhian?" "Miss, I don't have to explain to you my actions. Disregard the text. It was not meant for you. It's for Rhian." "Xavier, huwag mo naman akong kaabusuhin dahil baka wala ka nang balikan kapag bumalik na ang alaala mo," pakiusap ko sa kaniya. Panay pa ang salita ko ngunit wala na pala si Xavier sa kabilang linya. Inis na ibinaba ko ang cellphone. Nang mga sumunod na araw ay nabatid kong wala si Rhian sa lugar na sinabi nito kay Yna. Ilang beses na sinuyod iyon ng mga taong binayaran ko pero wala talaga. Tama ang hinala ko. Isang pain lang ang lugar na iyon para malaman niya kung alam ko na ba na kausap niya ang anak niya. Isang
JANINA MARIE Namutla si Nanay Elsa nang nagsalita na ako sa likuran n’ya. Agad niyang pinatay ang tawag at nagkunwari na para bang walang nangyari. Subalit wala akong planong palampasin ang lahat. Galit na kinompronta ko ang matandang pilit na ngumingiti sa harapan ko. “JM, huwag mo akong husgahan dahil lang sa narinig mo,” pakiusap sa akin ni Nanay Elsa. “Kung ayaw ninyong mag-isip ako ng hindi maganda, magiging honest po kayo sa akin. Gusto kong malaman kung sino ang kausap mo at bakit kailangan mo pang sabihin sa kaniya ang lahat ng tungkol sa amin ng mga bata.” Pinipilit kong maging mahinahon dahil kahit paano ay alam kong marami na rin ang naitulong sa akin ni Nanay Elsa. “JM, pasensya na pero wala akong masamang intensyon sa pakikipag-usap sa iba tungkol sa inyo ng mga bata. Ang totoo ay si Ma’am Levy ang kausap ko.” Nang narinig ko ang pangalan ng mommy ni Xavier ay hindi na ako kumibo. Pumasok ako sa silid namin ng mga bata at tinawagan ko ang aking biyenan na babae
RHIAN HOFREY Jealousy is killing me inside. Iyon ang dahilan kaya bigla ko na lang sinalubong si Janina ng isang malakas na sampal. Pagbaba niya pa lang ay nakita ko na agad kung paano siya tingnan ni Jake at kung paano hawakan ni Yna ang mga kamay niya. Love! Iyon ang nakita ko sa kanila. Isang bagay iyon na gustong-gusto kong maranasan mula kina Jake at Yna. I knew how Jake despised me. Ginagamit niya lang ako for fun. Yna never loved me at all. Wala siyang ibang bukang bibig kung hindi ang ama niya. “Hindi ko ba talaga deserve ang mahalin? Bata pa lang ako ay hindi ko na kasi naramdaman o nakita ang pagmamahal na sinasabi nila,” tanong ko sa aking sarili habang pinupunas ang mga luha na dumadaloy sa aking namamagang pisngi. Hindi mapakali si Jake habang inaasikaso niya si Janina at ang anak nito. Inggit na inggit ako sa kanila dahil hindi ko naranasan na tratuhin ng ganoon ng lalaking mahal ko. Para makapaghiganti, tinawagan ko si Xavier. May usapan na kami ng lalaking iyon a
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe