Share

CHAPTER 72: Escape

JANINA MARIE

Nalungkot ako sa mga laman ng text ni Rhian para sa anak niya. Halang talaga ang kaluluwa niya. Dahil sa pag-amin niya sa text kay Yna na sila ni Jake ang may kagagawan ng nangyari kay Xavier, nagdesisyon akong kausapin ulit ang aking asawa. Inihanda ko na ang aking sarili dahil posibleng palayasin na naman ako ng masungit na lalaking iyon.

Minabuti kong puntahan na lang siya sa Montefona Electronics Company para hindi niya ako magawang ipagtabuyan. Mahihiya kasi siyang gumawa ng eskandalo sa harapan ng mga empleyado. Hindi kasi siya tulad ng dati na walang pakialam. Ewan ko ba, ang daming nagbago sa kaniya.

“Good morning, ma’am,” bati agad sa akin ng guards sa guardhouse nang nakita nila ako. Agad din nilang binuksan ang malaking gate para makapasok ako ng kumpanya.

Habang naglalakad ako sa malawak na bakanteng space na nasa harapan ng kumpanya ay parang naninibago ako. Medyo matagal na rin kasi nang huli akong nakapunta roon. Minabuti kong sa production area dumaan pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nagkunwari lang siguro SI Xavier na may amnesia
goodnovel comment avatar
Rita Klilah Ellana
si xavier yan panggap kang sya pra lumabas si rhian at jake...
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Naku baka hindi yan si Xavier janina
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status