Share

CHAPTER 68: Remember Me

JANINA MARIE

Halos liparin ko ang papuntang Cavite. Habng nakasakay ako sa mamahalin na sasakyan ay panay ang dasal ko na sana ay walang mangyaring masama kay Xavier. Sa bawat intersecion na dinadaanan namin ay gusto ko nang magmakaawa sa mga ilaw para magpalit na sila ng kulay.

"Xavier, hindi mo ako pwedeng iwan. Humanda ka talaga sa akin," banta ko habang nasa biyahe. Paraan ko iyon para mawala ang kabang nararamdaman ko.

"JM, magpakahinahon ka. Wala pa naman sinasabi ang mga doctor kaya kumalma ka muna," payo ni Nanay Elsa.

Napalingon ako sa mga bata. Si Yna ay abala sa kaniyang cellphone habang si Jude ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng makita ni Jude na nakakaramdam ako ng matinding nerbyos. Pinilit kong umupo ng tuwid at nagdasal na lang.

Nang marating namin ang Tanza, pinahatid ko muna ang mga bata sa bahay namin ni Xavier. Naroon na si Althea na tinawagan ko bago pa man kami dumating. Siya na muna ang bahala sa mga bata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
may amnesia SI Xavier?
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
My amnesia ka Xavier???
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
sakit sa ulo nito ah Janina kumilos ka kailangan me bantay kang di nila alam na nakabantay ke Xavier habang ala ka
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status