Kamusta po kayong lahat? Sana ay ayos lang po kayo. Gusto ko lang po magpasalamat sa inyong pagsuporta sa kwento ni Alexandros at Elaine. Sana ay magustuhan nyo din ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men's Club. Malapit na po sya!
"Sir, sigurado po ba kayo na hindi nyo sasabihin kay Miss Elaine ang tungkol sa kapatid nya?" Nilingon nya si Elliot na nasa likuran nya. Seryoso ang mukha nito pero mababakas ang pag-aalala sa boses. Huminto sya sa paglalakad at humarap dito. Nasa may helipad na sila at inaantay na sya ng helicopter na syang magdadala sa kanya sa manila. "Hindi na muna sa ngayon, Elliot. Hindi pa maganda ang kalagayan ni Elaine at ayaw ko mai-stress sya. Ako na lang muna ang bahala sa lahat. Basta bantayan nyo sya ng mabuti at siguraduhin nyong hindi sya mapapahamak. Wag nyo din hahayaan na malaman nya ang tungkol kay Sabrina. Ako ang magsasabi sa kanya kapag okay na ang lahat." Nakakaintindi tumango ito sa kanya. Tinapik-tapik nya ito sa balikat. "Call me kapag may kailangan si Elaine o may nangyari, okay? Salamat, Elliot. Kayo na muna bahala ni Joe kay Elaine." Naglakad na ulit sya at tuluyan ng sumakay sa loob ng helicopter. Binati pa sya ng piloto at tumango lang sya dito. Unti-u
Ilang araw na din mula ng makalabas sya sa clinic ng isla. Dito agad sya idiretso sa main villa dahil sa utos raw ni Alexandros. Ayaw sana nya dahil mas komportable sya kung sa staff cabin sya magpapahinga. Pero mapilit ang si Mama Lenie, mas maaasikaso raw sya kung nasa main villa sya. Wala na syang nagawa, totoo naman na mas makakapag pahinga sya kung sa kwarto nila ni Alexandros. Bigla tuloy nya naalala ito. Asan na kaya si Alexandros? Hindi man lang sya tawagan nito para kamustahin o kaya ang baby nila na nasa sinapupunan nya. Para tuloy pakiramdam nya, wala na itong pakialam sa kanya. Baka ayaw na nito sa kanya kasi buntis na sya? O baka nagpapakasaya na ito sa tinatawag nitong Honey. Agad naman nyang pinunasan ang luha pumatak sa kanyang mga mata ng bigla may kumatok sa pintuan. Hindi pa man sya nakakasagot ay agad ng pumasok ang kumakatok. "Are you okay, Elaine? Bakit namumula yung ilong mo? Umiiyak kaba?" nag-aalalang tanong sa kanya nito. Agad naman itong lumapit
"Kuya Alexandros!" agad syang niyakap ni Raven pagkakita pa lang sa kanya. Tinapik tapik naman nya ang likod nito para kahit paano gumaan-gaan ang pakiramdam nito. Kababalik lang ulit nya ng hospital, kinailangan kasi nyang puntahan ang isang ka business meeting dapat ni Marcus, pinasuyo na nito sa kanya na sya na ang kumausap kay Mr Suarez dahil sya naman ang may gusto na magkaroon ng maliit na pharmacy sa loob ng Isla. Dahil kasi sa nangyari kay Elaine, gusto nya na mag extend ang clinic na nasa isla at patayuan ng sarili nitong pharmacy. Mas maganda na 'yong kumpleto halos ang gamot na meron sila o ang iba pang pangangailan sa clinic. Para naman 'yon sa mga member, staff, at pati na ang guest. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya dito pagkatapos nitong humiwalay ng yakap sa kanya. Buti na lamang at agad nyang natapos ang deal sa ka-meeting kanina. Sakto kasi na tumawag ang isa sa tauhan nya na nagbabantay sa mga ito. Inilipat sa ICU si Sabrina dahil hindi padin umaayos
''Elaine! Gumising kana dyan at late kana sa trabaho!'' sigaw ng kanyang Nanay Merlina. Nagmamadaling bumangon sa kama si Elaine at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata nya nang makita mag aalasais na pala ng umaga! Alas otso ang pasok nya at bbyahe pa sya. Paniguradong magagalit sa kanya ang manager nila kapag nalate sya. May special occasion pa naman ngayon araw sa Escusina de Restaurant kung saan sya nagttrabaho bilang waitress. ''Ay kung sinuswerte ka nga naman! Bakit ba hindi gumana ang alarm ko sa cellphone!?'' Hinanap nya ito sa kama pero hindi nya makita. ''Asan na ba kasi yun!?'' naiiritang sabi nya. ''Elaine, etong telepono mo tumutunog,'' ani ng kanyang ina na pumasok sa loob ng kanyang kwarto habang hawak hawak neto ang cellphone nya na nag aalarm. ''Saan nyo po nakita?'' tanong nya at kinuha dito para patayin ang alarm. ''Naiwan mo yung bag mo kagabi sa sala. Siguro eh sa sobrang pagod mo di mona naalala at nakatulog ka kagabi ng hindi k
Itinaas nya ang bondpaper na may sulat ng pangalan nito. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki na naka shade. ''Elaine, right?'' tanong nito. ''Yes Sir! You must be, Robert?'' nakangiting tanong nya dito. Tumango ito sa kanya. ''Tulungan ko na po kayo sa gamit nyo.'' Kinuha nya ang isang maleta na hawak nito. ''Wag na, mabigat ang gamit ko.'' Sinubukan nito kunin sa kanya ang maleta pero itinaas nya ang isang kamay na parang sinasabi dito tumigil. ''Kaya ko naman Sir, hihilahin lang naman ito. Tara na po at naghihintay sa inyo ang Tita nyo.'' Nauna na sya maglakad habang nakasunod ito sa likod nya. Hindi nya nakita ang pagngiti ni Robert sa likod. Pumara na sya ng taxi at sumakay sa likod. Pagkatapos maiayos lahat ng gamit sa likod ng compartment ng taxi ay tumabi sa kanya si Robert at nagpahatid na sila sa Escusina De Restaurant. ***''Amari?'' ''Yes sir?'' ''Find out kung sino yung babae kanina. Alamin mo lahat about her.'' Utos nya dito habang n
Napakagat labi na lamang si Elaine at medyo yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Napatitig naman si Alexandros sa mga labi ng dalaga. Dahil dun napahawak sya ng mahigpit sa mesa. He's stopping himself not to grab and kiss her! Biglang may lumapit sa kanilang lalaki at hinawakan sa balikat ang dalaga na ikinagulat ng huli at napatingin dito. Mula sa labi ng dalaga ay masamang tiningnan nya ang kamay na nakapatong sa balikat nito. Hindi nya gusto yung nararamdaman nya. Kailangan n'ya kumalma or else baka masuntok n'ya ang nag mamay-ari ng kamay na iyon. ''Is there's any problem here, Elaine?'' tanong ng bagong dating na lalaki. Tumingin pa ito sa kanya. Tinaasan nya lang ito ng isang kilay at bored na sumandal sa upuan. ''Wala po, Sir Robert! Nagulat lang po ako kanina.''sagot ng dalaga dito. ''I'm hungry, can we order already?'' agaw nya sa atensyon sa mga ito. Dali-dali naman inilabas ni Elaine ang maliliit na notebook at ballpen nito para makuha ang order nila. Pagkatapos isula
Sakay ng helicopter ay tanaw na ni Alexandros ang kabuuan ng islang pag mamay ari nila kung saan nakabase ang Millionaire Men's Club. Hindi sila nagsisisi na ginawa nila itong exclusive club dahil nakikita nya ang potensyal nito. Marami na pinagbago mula nung huli sya nakapunta dito, may mga villa syang nakikita na nakatayo sa may bundok at meron din naman nasa harap ng dagat. Mukhang inasikaso talaga ito ng nakakatanda nyang kapatid. ''Amari, what is my schedule for today?'' tanong nya sa secretary nya pagka lapag nila sa helipad ng club. Lumakad sya papunta sa golf cart at sumakay dito. Sumunod naman sa kanya si Amari at sumakay sa likod. Pinaandar na ito ng nakaabang na staff sa kanila. ''You have a meeting with the manager of the floating restaurant in 15 minutes, after that you need to visit the new cafe that's gonna operate soon. That's it, the rest of your day is free.'' dere-deretsong sabi nito habang nakatingin padin sa Ipad. Tumango tango lang sya at inilibot ang mata sa
''We're here.'' Napatingin sya sa gilid nya kung saan may nakatayong malaking Villa, may apat na palapag ito at kulay puti ang pintura. Maganda ang pagkaka desenyo ng Villa, may pagka touch na modern style. Nakaharap ito sa dagat at may malawak na garden na puno ng bulaklak. Wala itong gate katulad ng ibang Villa na napansin nya kanina. ''Ano ginagawa natin dito?'' tanong nya kay Alexandros. Bumaba na ang binata at kinuha ang maleta nya at nagumpisa na maglakad. ''Hoy teka!'' sigaw nya dito at nagmamadaling sinundan ito.''Bakit ba kanina kapa tahimik? tsaka bitawan mo nga yang maleta ko!'' sinubukan nya kunin dito ang maleta nya pero iniiwas lang ng lalaki sa kanya. Huminto ito sa harap ng malaking pintuan at humarap sa kanya. ''You're going to stay here.'' Ani nito at binuksan ang pintuan. ''WHAT!?''gulat nyang sigaw at nag echo pa sa buong bahay ang boses nya. Napapikit naman ang binata at humarap ulit sa kanya. Hinawakan sya nito sa balikat at ngumiti. Huh? May sayad ba