Natigil ang paghahampas nya kay Alexandros ng bigla sya nitong yakapin ng mahigpit. Halos hindi sya makagalaw at tanging tunog lang ng aircon sa silid na kinaroroonan nila ang maririnig.Gustuhin man nya itulak ito, para bang walang lakas ang kanyang mga kamay. Nanlambot sya bigla ng maamoy ang paboritong pabango nito.Ang bilis ng tibok ng puso nya.Isang linggo.. halos isang linggo nyang hindi nakikita ito.Kahit pa nga galit sya dito, dapat ay gumagawa ito ng paraan para suyuin sya. Buti pa ang mga kaibigan nito at kaibigan nyang si Melody. Nabibisita sya mula ng maconfine sya dito. Pero ito? ni anino hindi nya nakikita!Tapos ngayon, papasok sa kwarto nya habang may kausap na ibang babae! Honey pa talaga ang tawag!Sinubukan nyang kumawala sa loob ng bisig nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa kanya kaya sumobsob nanaman sya sa dibdib nito.“Let me hug you.. kahit limang minuto. Sobrang miss na miss na kita, Elaine k-ko.” narinig pa nyang gumaralgal ang boses nito.
"Sir, sigurado po ba kayo na hindi nyo sasabihin kay Miss Elaine ang tungkol sa kapatid nya?" Nilingon nya si Elliot na nasa likuran nya. Seryoso ang mukha nito pero mababakas ang pag-aalala sa boses. Huminto sya sa paglalakad at humarap dito. Nasa may helipad na sila at inaantay na sya ng helicopter na syang magdadala sa kanya sa manila. "Hindi na muna sa ngayon, Elliot. Hindi pa maganda ang kalagayan ni Elaine at ayaw ko mai-stress sya. Ako na lang muna ang bahala sa lahat. Basta bantayan nyo sya ng mabuti at siguraduhin nyong hindi sya mapapahamak. Wag nyo din hahayaan na malaman nya ang tungkol kay Sabrina. Ako ang magsasabi sa kanya kapag okay na ang lahat." Nakakaintindi tumango ito sa kanya. Tinapik-tapik nya ito sa balikat. "Call me kapag may kailangan si Elaine o may nangyari, okay? Salamat, Elliot. Kayo na muna bahala ni Joe kay Elaine." Naglakad na ulit sya at tuluyan ng sumakay sa loob ng helicopter. Binati pa sya ng piloto at tumango lang sya dito. Unti-u
''Elaine! Gumising kana dyan at late kana sa trabaho!'' sigaw ng kanyang Nanay Merlina. Nagmamadaling bumangon sa kama si Elaine at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata nya nang makita mag aalasais na pala ng umaga! Alas otso ang pasok nya at bbyahe pa sya. Paniguradong magagalit sa kanya ang manager nila kapag nalate sya. May special occasion pa naman ngayon araw sa Escusina de Restaurant kung saan sya nagttrabaho bilang waitress. ''Ay kung sinuswerte ka nga naman! Bakit ba hindi gumana ang alarm ko sa cellphone!?'' Hinanap nya ito sa kama pero hindi nya makita. ''Asan na ba kasi yun!?'' naiiritang sabi nya. ''Elaine, etong telepono mo tumutunog,'' ani ng kanyang ina na pumasok sa loob ng kanyang kwarto habang hawak hawak neto ang cellphone nya na nag aalarm. ''Saan nyo po nakita?'' tanong nya at kinuha dito para patayin ang alarm. ''Naiwan mo yung bag mo kagabi sa sala. Siguro eh sa sobrang pagod mo di mona naalala at nakatulog ka kagabi ng hindi k
Itinaas nya ang bondpaper na may sulat ng pangalan nito. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki na naka shade. ''Elaine, right?'' tanong nito. ''Yes Sir! You must be, Robert?'' nakangiting tanong nya dito. Tumango ito sa kanya. ''Tulungan ko na po kayo sa gamit nyo.'' Kinuha nya ang isang maleta na hawak nito. ''Wag na, mabigat ang gamit ko.'' Sinubukan nito kunin sa kanya ang maleta pero itinaas nya ang isang kamay na parang sinasabi dito tumigil. ''Kaya ko naman Sir, hihilahin lang naman ito. Tara na po at naghihintay sa inyo ang Tita nyo.'' Nauna na sya maglakad habang nakasunod ito sa likod nya. Hindi nya nakita ang pagngiti ni Robert sa likod. Pumara na sya ng taxi at sumakay sa likod. Pagkatapos maiayos lahat ng gamit sa likod ng compartment ng taxi ay tumabi sa kanya si Robert at nagpahatid na sila sa Escusina De Restaurant. ***''Amari?'' ''Yes sir?'' ''Find out kung sino yung babae kanina. Alamin mo lahat about her.'' Utos nya dito habang n
Napakagat labi na lamang si Elaine at medyo yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Napatitig naman si Alexandros sa mga labi ng dalaga. Dahil dun napahawak sya ng mahigpit sa mesa. He's stopping himself not to grab and kiss her! Biglang may lumapit sa kanilang lalaki at hinawakan sa balikat ang dalaga na ikinagulat ng huli at napatingin dito. Mula sa labi ng dalaga ay masamang tiningnan nya ang kamay na nakapatong sa balikat nito. Hindi nya gusto yung nararamdaman nya. Kailangan n'ya kumalma or else baka masuntok n'ya ang nag mamay-ari ng kamay na iyon. ''Is there's any problem here, Elaine?'' tanong ng bagong dating na lalaki. Tumingin pa ito sa kanya. Tinaasan nya lang ito ng isang kilay at bored na sumandal sa upuan. ''Wala po, Sir Robert! Nagulat lang po ako kanina.''sagot ng dalaga dito. ''I'm hungry, can we order already?'' agaw nya sa atensyon sa mga ito. Dali-dali naman inilabas ni Elaine ang maliliit na notebook at ballpen nito para makuha ang order nila. Pagkatapos isula
Sakay ng helicopter ay tanaw na ni Alexandros ang kabuuan ng islang pag mamay ari nila kung saan nakabase ang Millionaire Men's Club. Hindi sila nagsisisi na ginawa nila itong exclusive club dahil nakikita nya ang potensyal nito. Marami na pinagbago mula nung huli sya nakapunta dito, may mga villa syang nakikita na nakatayo sa may bundok at meron din naman nasa harap ng dagat. Mukhang inasikaso talaga ito ng nakakatanda nyang kapatid. ''Amari, what is my schedule for today?'' tanong nya sa secretary nya pagka lapag nila sa helipad ng club. Lumakad sya papunta sa golf cart at sumakay dito. Sumunod naman sa kanya si Amari at sumakay sa likod. Pinaandar na ito ng nakaabang na staff sa kanila. ''You have a meeting with the manager of the floating restaurant in 15 minutes, after that you need to visit the new cafe that's gonna operate soon. That's it, the rest of your day is free.'' dere-deretsong sabi nito habang nakatingin padin sa Ipad. Tumango tango lang sya at inilibot ang mata sa
''We're here.'' Napatingin sya sa gilid nya kung saan may nakatayong malaking Villa, may apat na palapag ito at kulay puti ang pintura. Maganda ang pagkaka desenyo ng Villa, may pagka touch na modern style. Nakaharap ito sa dagat at may malawak na garden na puno ng bulaklak. Wala itong gate katulad ng ibang Villa na napansin nya kanina. ''Ano ginagawa natin dito?'' tanong nya kay Alexandros. Bumaba na ang binata at kinuha ang maleta nya at nagumpisa na maglakad. ''Hoy teka!'' sigaw nya dito at nagmamadaling sinundan ito.''Bakit ba kanina kapa tahimik? tsaka bitawan mo nga yang maleta ko!'' sinubukan nya kunin dito ang maleta nya pero iniiwas lang ng lalaki sa kanya. Huminto ito sa harap ng malaking pintuan at humarap sa kanya. ''You're going to stay here.'' Ani nito at binuksan ang pintuan. ''WHAT!?''gulat nyang sigaw at nag echo pa sa buong bahay ang boses nya. Napapikit naman ang binata at humarap ulit sa kanya. Hinawakan sya nito sa balikat at ngumiti. Huh? May sayad ba
Pagka dating nila ng Villa ay agad din naman umalis si Keith. Nagpa tawag nadin ng nurse si Alexandros sa clinic para macheck at malinis na ang mga sugat nya. Binuhat sya nito at dinala sa isang kwarto sa pangalawang palapag. Dahan dahan sya nito binaba sa kama at yumuko para tanggalin ang sapatos nya. ''Ako na, kaya ko naman.'' awat nya dito. Bumuntong hininga lang ito at tumingin sa kanya. ''Sabi ko nga tatahimik na lang ako.'' Dahan- dahang tinanggal ni Alexandros ang sapatos nya at tumabi ng upo sa kanya. Walang nagiimikan sa kanila dalawa, pinapakiramdaman ang bawat isa. Napalunok na lang sya dahil bigla ata lumiit ang kwartong kinaroroonan nila kahit malaki naman ito. ''Sorry.'' ''Asan -'' Sabay nila sabi at nagkatingin pa, Bigla na lang sila natawa dalawa. ''I'm sorry.'' hingi ng paumanhin ng binata. ''Hmmm.. Para saan?'' pinagmasdan at iginalaw nya ang kaliwa nyang paa. Napahingi sya sa sakit. Nakita ng binata na nasaktan sya, tumayo ito at nagpa uli u