"Ahm?" nasambit na lamang ni Keirah habang nakatitig sa kotse niya. Katabi niya si Davidson, nakapamewang ito at nakatitig din sa kotse niya. Nakalimutan nilang pareho na hinatid nga lang pala sila nito pauwi at wala itong dalang kotse. "Ahm paano ka babalik sa concert?" maya-mayang tanong niya. Nang sulyapan niya ito, nagtitipa ito sa cellphone. "Hmm, hindi na ako babalik do'n. Si Sandra na lang ang bahala sa lahat," sagot nito habang sinusuksok ang cellphone sa blazer coat na suot. "Ihatid na lang kita? Saan ka ba uuwi?" "Sa condo." Napalunok ng laway si Keirah nang marinig ang condo nito. Dun pa rin kaya ang condo nito? Kung saan unang- 'hays, 'wag na nga lang isipin' saka niya pinutol ang takbo ng isipan. "Doon pa rin?" umiiwas ang tinging tanong niya. "Oo, kaso baka nandun na naman si Alexander. Sa office na lang ako dederetso." Bakas na si hitsura ang pagod ni Davidson. Nangangalumata na rin ito, at pasimple-simpleng humihikab. Napapansin yun ni Kei
"Chocolates," kaagad na bawi ni Keirah at tinago ang pagka-pahiya. Hindi niya inaasahan ng dahil sa sagot niya ay aasarin siya ni Davidson. "Ikaw ha? Sex pala ha," tumatawa ito. Nawala yata ang antok ng loko. "And I didn't expect that question, mister!" singhal niya rito. Ramdam niyang nangangapal ang pisngi niya. She's blushing. "Okay ako naman," aniya. "Alcohol or cigarettes?" "Alcohol. My turn. Did I hurt you that much?" Muntik mai-preno ni Keirah ang kotse, buti na lang at nasa huwisyo siya. Saan yun nanggaling? Kahit na nagmamaneho ay tumingin siya kay Davidson. Nagsalubong ang mga paningin nila. Seryoso na itong nakatitig sa mga mata niya na naghihintay ng sagot. "W-we're just playing right?" sinisigurado niya kung naglalaro pa ba sila ng Q and A. "Yeah. That is a part of this game." "And why do you asking me, if nasaktan mo ako? Kung alam mo naman yung sagot?" "Why did you leave?" At bakit parang kasalanan niya pa yata na umalis siya? "Because I
Three days later... "Akira, kanina ka pa tulala r'yan." Tiningnan lang ni Keirah ang kanyang yaya Lolly. 'Three days na akong tulala, yaya' gusto niyang isagot sa yaya niya, ngunit baka mag-taka ito at baka isipin pa nitong wirdo siya. "Ahm may mga naiisip lang, 'ya," kunwari ay naka-focus ang paningin niya sa mga bulaklak sa hardin nila. Nasa garden kasi siya kanina pa. Naisipan niyang magtambay sa rattan swing na nakakabit roon. Gusto niyang ma-refresh ang utak niya. Akala niya kapag humarap siya sa mga bulaklak ay mare-refresh siya. Pero hindi pala! Shuta! Mababaliw na yata siya kakaisip. Ngayon palang unti-unting nagsi-sync in sa utak niya na confession nga ang ginawa ni Davidson no'ng nakaraang gabi. Tapos hinalikan pa siya nito. Nakakailang halik na 'to sa kanya ah. Ibig sabihin ba no'n mahal pa rin siya nito? 'Oh Keirah, 'wag masyadong marupok baka masaktan ka na naman' "AKIRA!" "Ay yaya! Bakit po?" "Kanina pa kita tinatanong. Ngingiti k
“CJ, can you please give this dish to Mr. Benavidez?” sosyal na utos ni Mrs. Liu kay CJ. Sumimangot si CJ, nananahimik siya na nakahiga sa sofa at nag-iisip ng iko-choreo na sayaw, ay nakita pa rin talaga siyang utusan ng kanyang ina. “Mom, can’t you see? Nag-iisip ako. Bakit hindi na lang ikaw?” “Anong nag-iisip? Tulala ka lang naman r’yan?” “Exactly. I’m thinking,” umikot ang mga eyeball ni CJ. Magma-matigas pa sana siya ngunit nabatukan na siya ng kanyang ina. “Ouch, that’s hurt!” “Tumayo ka dyan!” Tumayo naman na agad ang binata at nakasimangot na sumunod kahit naiinis. Baka hindi lang batok ang abutin niya sa Mommy niya. Nakadalawang-beses siyang nag-doorbell sa bahay ng mga Benavidez. See, ang weird. Hindi naman siguro maghihirap sa ulam ang mga Benavidez eh, bakit kailangan pa nilang bigyan? “Yes?” Maang na napatitig si CJ sa magandang mukha na dumungaw sa kanya. Si Keirah yun, ang babaeng may utang pa sa kanya. Matamis siya nitong nginitian.
"Do you really mean it? Kakalabas mo lang ng kulungan, gagawa ka na ng kalokohan." Sa isang coffee shop. Nag-krus ang landas ni Maureen at Cassidy. Naging mag-kaibagan na sila ni Cassidy kaya pamimsan-minsan ay dinadalaw siya nito noon sa kulungan. At ngayong, malaya na siya, natutuwa siya sa isiping kakampi niya pa rin si Cassidy. "Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cassidy. Nababahala siya sa kaibigan at baka bumalik ito sa kulungan ng wala sa oras. Balak ni Maureen na sirain ang imahe ni Keirah sa publiko. Yun lang ang alam niya, hindi na ito nag-spoil ng kung ano pa. "I think, you should stop this, Maureen," pigil ni Cassidy kay Maureen. Tumatawa lang ng mapakla si Maureen. Kahit ano pang sabihin ni Cassidy, gagawin niya pa rin ang plano niya. Nabawasan tuloy ang pagka-bilib ni Maureen sa babae, akala niya kasi ay napakatapang nito at kayang harapin ang lahat. Ngunit hind pala. Duwag pala ito. "Hindi ako titigil
Bawat sulok at bawat bagay na kanilang madaanan ay hindi maiiwasang hindi masasagi. “Uhhmmm,” maririnig ang mga ungol ni Keirah at Davidson habang magkadikit ang mga labi. Balyahan ba kamo, heto na yun. Hindi maiwasang mapasabunot ni Keirah sa batok ni Davidson habang pinupupog siya nito ng marahas na halik. Nasa kotse pa lamang sila ay ramdam na nila ang ang init ng kanilang mga katawan na gusto ng kumawala. Nagliliyab silang pareho sa bawat halik ng isa’t isa. Dinala sila ng mainit na pagnanasa sa condo ni Keirah. Wala ng sabi-sabi, sinunggaban na siya ni Davidson ng halik, sa labas pa lamang pinto ng condo unit. “You’re so hot,” ani Davidson habang hinahalik-halikan nito ang kanyang leeg. Hindi niya tuloy mabuksan ng maayos ang pintuan ng unit niya. “W-wait lang kasi-” “I can’t,” hindi man lang nito binitiwan ang leeg niya. Labis-labis na ang kiliting nararamdaman ni Keirah na nagdudulot ng panginginit ng kanyang katawan. Sa loob ng limang taon, ngayon niya lang
Walang mapag-sidlan ang kaligayahan sa puso ni Keirah. Hanggang sa bahay ay hindi niya maiwasang kiligin. Habang naliligo, nakangiti siya. Kumakain, nakangiti siya. Kahit nga sa pag-tae, nakangiti siya. Mababaliw na siya sa tuwa. Nag-yes ba talaga siya kay Davidson? Formal proposal na lang ba ang kulang? Hindi na siya tuloy makapag-hintay na mag-propose ang binata. Eh kung siya na lang kaya ang mag-propose dito? Nangingiti na naman siya sa ideya. Hays, kinikilig talaga siya, ano ba?! "Keirah, heto na ang mga damit mo," pukaw ni Yaya Lolly sa pagde-daydream niya. Pumasok ito sa kwarto niya na may dala-dalang basket na may laman na malilinis ng damit. "Sige yaya, ako na mag-aayos. Labhan ko kaya ulit," alam niyang wala siya sa sarili nang sabihin niya yun. Natutuwa lamang talaga siya. "Ano? Naloloka ka ba? Malinis na yan ah," nakapamewang na wika ng Yaya. Hindi niya ma-gets ang alaga. "Kumain lang kayo ng kumain, Yaya. Ako na mag-huhugas," nakangiting nagpagulong-gul
Natapos ang kwentuhan nilang dalawa. Wala naman siyang masyadong ganap kaya naisipan niya na lang mag-shopping at pumunta ng salon. Tutal next day pa naman ang next meeting nila ng client niyang si Mrs. Liu. Makikipag-laro din sana siya kay Matmat, but unfortunately, nasa school ang bata. "Ma'am, treatment only?" tanong ng staff ng salon. "Hmm what if, mag-pagupit kaya ako, above shoulder," aniya at nangisi sa ideyang pumasok sa isip. "Hala ma'am, kay-haba na po ng buhok niyo. Sayang naman po," pigil ng barbera sa kanya. "Hmm, sige." Hindi ito maaari, nabo-bored lang siya. Inilihis ni Keirah ang isipan para mawala sa isipan ang mag-pagupit. But several minutes later... "Woah, ang ganda mo naman pala, Ma'am kapag short-haired." Sinisipat-sipat niya na ang sarili sa salamin at namamangha na sa kanyang 'new look'. 'You can't defeat your boredom' sermon niya sa sarili. Pero okay na rin yun, parang bumata siya ng five years, haha. Ganito ang gupit niya nang magkak
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah
"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa
Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag
"Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L