Hinayaan na niya si Ivan na mag-asikaso ng mga ipinamili niya dahil tutal wala itong ginawa kundi sirain ang araw niya. Kahit alam naman niya na may kasalanan din siya. Dahil mukha naman wala itong masamang intensyon sadyang dahil hindi lang siguro siya sanay sa kinikilos nito maging ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Ivan. Katulad na lang ng nag-aalala, naghihintay at nagseselos? ’Yon lang naman ’yong mga sinabi niya kay Celine na hanggang ngayon ay nanatili pa rin palaisipan kay Celine. Natapos na lang niya ang pagligo ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Ivan mismo sa mga mata niya. Hindi ba dapat ay matuwa siya? Pinilit na lang alisin ni Celine ang isipin na ’yon. Pagkatapos niyang mag-ayos ay muli na siyang bumaba para kumain ng almusal. Gano’n na lang kabilis na gumuhit ang gulat at pagtataka sa kaniya dahil sa naabutan niya pagkababa niya ng hagdan. Agad niya kasing naamoy ang napakabango niluluto na hindi siya puwedeng magkamali na
“Salamat sa mga pagkain, Celine. Ang galing pa lang magluto ng asawa mo kaya ’yong iba nasubrahan na sa luto...” agad siyang pinaglakihan ng mata ni Celine. “Kapag narinig ka no’n at ’yon tinopak dahil sa ’yo. Lagot ka talaga sa akin!” seryosong usal ni Celine sa kaniya. Ngumisi naman sa kaniya ang binata. “Nakakatuwa na nasa maayos na kayong dalawa.” Inirapan siya ni Celine, “May balak ka ba’ng batiin?” “Hanggang ngayon nagdududa ka pa rin sa kaniya?” “Hindi sa gano’n, okay? Hindi ko gusto na pagdudahan siya pero hindi ko rin talaga maiwasan.” “Hindi naman siguro kailangan na madaliin mo agad-agad. Lalo na’t may proseso naman ang lahat. Hindi ba’t kung sakali na totoo lahat ng ipinapakita niya sa ’yo ay napakaganda ng balita ’yon?” seryoso pang usal niya na ikinatango ni Celine. “Kaya huwag ka ng mag-alala. Isipin mo na lang kung paano kayo magsasama niyan ni Sir ivan.” Iyon na lamang ang kanilang naging pag-uusap bago ito tuluyang umalis. Tanghali na rin ang tagpong ’yon. Ka
Niligpit niya na ang mga plato na pinaggamitan nilang dalawa habang si Ivan ay abala sa kaniyang cellphone. Nasa sala ito habang nakaupo sa sofa. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kaniyang cellphone. Hilig din kasi nito ang paglalaro ng mobile legends. Isang sikat na laro na kinakaadikan ng mga nakararami ngayon. Nang matapos niya na ang gawain niya mabilis siyang nagtungo ng kuwarto. Naligo na. Tanging naka-oversize shirt lang na kulay gray at maong na kulay white ang sinuot niya. Bago bumaba para tumambay sa sala. “Iniimbitahan tayo ni Mommy, Celine.” Napatingin siya kay Ivan nang sabihin niya ’yon matapos nitong tumabi sa kaniya. “Gano’n ba? Ano’ng oras para makapagbihis na rin ako...” Suminghap siya, “For dinner, so please be ready.” Tumayo siya at naglabas ng susi. “Saan ka naman pupunta?” “Saan tayo, pupunta? Secret.” “Ha? Ano’ng tayo?” “Let's go,” Kinuha niya ang kamay nito dahilan para mabitawan niya ang remote. Mabilis niya ’yon ginawa bago pinatay ang TV. “T
“SIGURADO ka ba talaga, Ivan. Na maganda tignan sa akin 'to?” naguguluhan at nagdududang usal ni Celine habang ang mata ay nakaharap sa salamin. Habang si Ivan ay nasa upuan at pinagmamasdan siya. Gusto kasi nito na mag-date muna sila. Dahil tapos na sila sa paglalaro, at pagkain ngayon naman ay nasa pamilihan na sila. Tapos na nga silang pumunta ng Calvin Klein, SheIn, Gucci at ilan pang branded na damit, at sapatos sa loob ng yayamanin na mall na ’to. Bago pa sa paningin niya ang lahat ng mga nakikita niya. Ang iba rito ay hindi siya makapaniwala na nag-e-exist talaga ang isa na ro’n ang mga presyo, hindi kapani-paniwala! Napakamahal ng mga ito. Malabong ma-afford na kagaya niya. Gusto na lang niya tuloy isipin na Sugar Daddy niya ang kasama niya ngayon. “Well, you looked really great in those dress...” usal ni Ivan habang nakatingin pa sa hawak ni Celine na mga dress. Napataas balikat na lang siya at hindi na sinagot si Ivan. Masaya siyang umikot sa salamin at hindi nagawa
“T-Teka! Saan naman dito ang banyo? Bakit kasi ang hilig nila sa malalaking bahay? Hindi naman nila siguro mapapasok lahat ng ’to sa dami ng rooms!” inis na bulong niya. Patuloy lang siya sa paghahanap ngunit napatigil siya ng mayroong humarang sa mga mata niya gamit ang kamay nito. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako, sino ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo?” galit niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa mga mata niya. “Hulaan mo...” “Puwede ba? Wala akong oras para makipag-biruan!” Kusa naman siyang tumigil at inalis ang kamay niya sa mga mata ni Celine. Dahilan para magkaroon siya ng tyansa para tignan ito. “Arvin?” “The one and only!” usal niya na may malawak na ngiti sa labi. “Bakit naman ang sungit mo ah? Palala ng palala ’yan, panigurado mas mauuna ka pa magmukhang matanda sa akin pag palagi kang gan’yan!” bumungisngis pa ito na ikinairap ni Celine. “Sino ba naman kasi ang hindi magpapanik? Bigla-bigla kang nangtatakip ng mata.” “I'm just kidding, okay? A
CELINE'S POINT OF VIEW ILANG linggo na nga ang nakalipas at katulad pa rin ng dati. Wala naman nagbago bukod sa hindi na siya sinusungitan ni Ivan, pinakita at pinararamdam niya naman na kay Celine na mahal niya ito at hindi niya na dapat pang kwestunin ’yon. Day by day, nag-e-effort ito kay Celine. Pinaghahandaan ng almusal, at sinasamahan manood ng paborito nito k-drama sa T.V.. Hindi niya tuloy din maiwasan na matuwa sa mga pinaggagawa ni Ivan sa kaniya. Minsan pa nang magkaroon sila ng movie marathon at nakatulog si Celine sa sofa, nagising na lang siya na nakahiga na sa sofa at may kumot. Hindi na kasi ito nag-abala pang abalahin ang tulog niya para gisingin siya at ipalipat sa kama niya. Siya tuloy ang unang hinanap ng mga mata ni Celine pag gising niya. Ngunit agad din nawala ang lungkot sa mata niya dahil nakita niya itong natutulog na mayroong sapin at nasa baba lamang niya. Mahimbing itong doon natutulog. Hindi niya maiwasang mapangiti matapos niya itong masaksihan.
“IVAN?” sambit ni Celine kay Ivan matapos niya itong makitang maglakad paalis. Hindi niya maiwasan ang mapatanong sa sarili niya. Hindi kasi nito nagawang humarap sa kaniya. Tanging sa cellphone lamang nakatutok ang atensiyon nito. Tila balisa pa ang asawa niyang si Ivan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa cellphone nito. May hindi ba ako nalalaman? HIndi ko alam kung bakit bigla ko naramdaman`to ni hindi ko alam kung ano`ng nangyayari sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Seryoso ngunit kabadong sunod-sunod na pagkuwestyon ni Celine sa sarili. Pero mas nanaig kay Celine ang pagtataka at ayaw niya itong ipagpatuloy, ayaw niya ang ganitong pakiramdam lalo na kung si Ivan na ang usapan. Ilang buwan na rin silang nagsasama rito kaya unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Minamahal na niya ito. Ngunit isa ’yon kalokohan, dahil magkaiba sila. ’Yon ang napagtanto ni Celine matapos niyang sundan ito. Napagtanto niya na lubhang magkaiba sila ng nararamdaman. Na
“Nathalia, please,” “Please what, Ivan?” “Come back to me, Nathalia...” “Come back? Gusto mo akong bumalik sa ’yo, Ivan? Have you forgotten? You're married now, and I don't even know why I showed up with you.” “Because you love me, Nathalia. So please let me handle this.” “You're now married because you choose her, right? Because of what? Because you don't want to lose your wealth, right?” “Pero hindi tayo puwedeng magsama, Nathalia kung mawawala lahat sa akin ’yon. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lahat ng ’yon, Nathalia.” Sa kabilang banda, makikitang nag-uusap sina Ivan at ang dati nitong kasintahan. Kung saan makikita ang tila hindi magkaunawaan ng dalawa. Taas bagang tumingin kay Ivan ang tinutukoy nitong nathalia bago sarkastikong tumawa. “Kaya mas pinili mong ikasal sa kaniya? Kaya ba ang dali sa ’yo bitawan lahat ng pinagsamahan natin? So ako? What about me? W-Wala ba akong h-halaga sa ’yo, Ivan?” “You know it wasn't easy for me, Nathalia. But I have to d
“MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng
“CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na
“Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma
“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar
Hindi inaasahan ni Celine ang bumungad na pakiramdam niya sa kaniya ngayon. Sobrang sakit ng ulo niya. Muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Napasabunot na lang siya sa sarili. She cleared her throat. Masakit din ang lalamunan niya, kakasuka. Naparami rin kasi ang inom niya.“Ano’ng nagawa ’ko?!” Inis niyang hinila ang kumot niya at itinapal iyon sa mukha niya. Hindi siya labis na natutuwa, lalo na alam niyang huli niyang naalala na si Kean ang huling taong nakita niya bago niya isara ang mga mata niya. At maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga inusal niya rito matapos na mag-sink iyon ng sunod-sunod sa isip niya.“G-Gising ka na pala,” Napaangat siya ng tingin ng may pamilyar na boses ang nagsalita. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“M-medyo masakit ang ulo ’ko,” nakasimangot na niyang sagot dito at hindi pa rin makatingin sa mata nito. “A-Ano ba’ng nangyari? May n-nagawa ba ako?” nauutal pa rin tanong niya kahit alam niya na ang sagot dito. “Sorry, nadala lang ako sa—” “Hind
“ANONG oras na hanggang ngayon wala pa rin siya.” Sa kabilang banda walang sawa pa rin na naghihintay ang binatang si Kean sa labas ng bahay nito. Ano’ng oras na rin kasi hindi kagaya ng inaasahan ni Kean na oras ng uwi nito ay hindi na umangkop ’yon sa madalas na oras ng uwi ni Celine ngayon.Hindi man kasi siya rito tumutuloy napakadalang lamang iyon mangyari. Lalo na ngayon mayroon na itong iba't ibang negosyo sa ibang lugar sa Manila hindi lamang dito sa Nueva Ecija. Wala naman akong nagawa kundi ang sumagot ng totoo at ikuwento sa kaniya lahat.“HANGGANG ilang oras pa ba ang hihintayin mo para kay Celine? Napakarami ng lamok rito sa labas, pero nand'yan ka pa rin.”Natigilan lang ako nang may magsalita sa likod ko dahilan para pagbilingan ko iyon ng tingin. "Kahit gaano pa 'ho katagal ay willing ako."Natigilan si Kean nang mayroong magsalita mula sa likod niya dahilan para ibaling niya rito ang paningin. “Kahit gaano pa naman po siya katagal, ay willing po akong maghintay.” s
“Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan.Narito lang naman siya sa mansion nila noon.Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal.Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na posib
“Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?”“Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.”Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.”“Really? What about your ex?”Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?”Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya.Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito.She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya."Tumigil ka
“Celivean!”Mabilis niya itong niyakap matapos niyang itong makita na hawak-hawak na ng guard. Agad itong lumapit sa puwesto niya. Kaya hindi niya mapigilan ang maluha, at mawalan ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Anak, naman pinag-alala mo si Mommy!” naluluha saad ni Celine at hinawakan ang pisngi nito. “I'm sorry, Mommy. I didn't mean it, Mom.”“Huwag mo nang uulitin iyon 'ha?”“Yes, Mommy! I'm promise.”“Thank you, Sir!” wika ni Celine sa tumulong sa anak niya at tumawag sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang walet niya sa harap nito at agad na kumuha ng one thousand roon. “This, take this po... PKahit pang-meryenda niyo po or what. Pasensiya na po kung ganitong halaga lang ang mabibigay ko—”“Naku, hindi na po!” Pagtanggi nito kay Celine.Ngunit ibinalik niya muli rito ang pera at ibinigay iyon sa matanda ng patago, “Tanggapin niyo na po ito, kulang pa po ito sa ginawa niyo. Hindi ko ho alam kung anong puwedeng mangyari sa anak ko kung hindi niyo siya nakita, a