“IVAN?” sambit ni Celine kay Ivan matapos niya itong makitang maglakad paalis. Hindi niya maiwasan ang mapatanong sa sarili niya. Hindi kasi nito nagawang humarap sa kaniya. Tanging sa cellphone lamang nakatutok ang atensiyon nito. Tila balisa pa ang asawa niyang si Ivan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa cellphone nito. May hindi ba ako nalalaman? HIndi ko alam kung bakit bigla ko naramdaman`to ni hindi ko alam kung ano`ng nangyayari sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Seryoso ngunit kabadong sunod-sunod na pagkuwestyon ni Celine sa sarili. Pero mas nanaig kay Celine ang pagtataka at ayaw niya itong ipagpatuloy, ayaw niya ang ganitong pakiramdam lalo na kung si Ivan na ang usapan. Ilang buwan na rin silang nagsasama rito kaya unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Minamahal na niya ito. Ngunit isa ’yon kalokohan, dahil magkaiba sila. ’Yon ang napagtanto ni Celine matapos niyang sundan ito. Napagtanto niya na lubhang magkaiba sila ng nararamdaman. Na
“Nathalia, please,” “Please what, Ivan?” “Come back to me, Nathalia...” “Come back? Gusto mo akong bumalik sa ’yo, Ivan? Have you forgotten? You're married now, and I don't even know why I showed up with you.” “Because you love me, Nathalia. So please let me handle this.” “You're now married because you choose her, right? Because of what? Because you don't want to lose your wealth, right?” “Pero hindi tayo puwedeng magsama, Nathalia kung mawawala lahat sa akin ’yon. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lahat ng ’yon, Nathalia.” Sa kabilang banda, makikitang nag-uusap sina Ivan at ang dati nitong kasintahan. Kung saan makikita ang tila hindi magkaunawaan ng dalawa. Taas bagang tumingin kay Ivan ang tinutukoy nitong nathalia bago sarkastikong tumawa. “Kaya mas pinili mong ikasal sa kaniya? Kaya ba ang dali sa ’yo bitawan lahat ng pinagsamahan natin? So ako? What about me? W-Wala ba akong h-halaga sa ’yo, Ivan?” “You know it wasn't easy for me, Nathalia. But I have to d
“Good morning, love!” agad siyang nilapitan ni Celine at niyakap. “Good morning too, Love,” may ngiting usal ni Ivan pabalik dito. “Lasing na lasing ka kagabi sa venue, hindi na tayo tuloy pinauwi dahil mahirap nang bumbyahe. Gano’n din kasi ang mga bodyguards nin’yo, lasing na lasing din halos lahat.” Napahawak siya sa ulo niya at tinignan si Celine, “I'm sorry, Love. I even lost my time for you dahil sa kalasingan ko kagabi.” seryosong kunong sambit ni Ivan. Na alam niyang hindi naman iyon ang rason. Sinadya niyang uminom ng madami dahil hindi niya gustong magkipagplastikan dito. Ngumiti na lamang si Celine, “Ano ka ba?Hindi na ’yon mahalaga! Nga pala nag-prepared pala ako ng breakfast natin sa baba,” muli saad ni Celine bago ngumuso sa gilid ng kabinet ng kama na pinagtulugan niya. “Pinagtimpla rin kita ng kape para mawala ’yang hang-over mo.” “Ang bait talaga ng mahal ’ko! Halika nga rito!”.Nagulat si Celine sa mabilis nitong kilos. Hinila kasi siya ni Ivan papalapit sa kaniy
“DAD? What are you doing here?” gulat na bungad ni Ivan ng maabutan niya itong nasa sala. Kagigising niya lamang at hindi rin niya maintindihan ang nangyari sa kaniya kagabi. Sa sobrang dami niyang nainom sa inuman nila dahil kagagaling niya lang ng nueva ecija kung saan inabot siya ng ilang linggo. Nasobrahan ang dapat isang linggo niya lamang na pag-stay ro’n iyon ay dahil sa kadahilanan na kagagaling lamang ng kaibigan niya from USA. Sa sobrang pagkamiss nila sa isa’t isa ay hindi niya nagawang matanggihan ito ng patuluyin siya nito sa kanila. Doon ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsaya sa ilang bar nito doon. Napakamot ng ulo si Ivan dahil sa naabutan niya pagkababa galing sa kaniyang kuwarto. Randam pa rin niya ang sakit ng ulo ngunit hindi niya ito pilit na ininda. Ano ba’ng nangyari kagabi? Gano’n ba kalala ang alak na nainom ko? Fundador lamang ’yon ah? Sunod-sunod ang naging tanong ni Ivan sa sarili habang naka-upo sa sofa sa kawalan. Habang ang kaniyang Ama na
“Ang dami-dami ng kasambahay ang puwede mong maging kasambahay, gano’n pa talagang uri ng babae?” Napahinto si Celine sa narinig niya. Bago pa man kasi siya makaalis ay saglit siyang natigilan dahil sa inusal ng babaeng kasama nito. “Sabagay, if you're going to ask me. Mas mabuti na rin na kagaya niya ang makakasama mo rito sa bahay dahil sa malabo mong patulan... right, Babe?” Hindi na niya nagawa pang pakinggan ang sasabihin nito. Mabilis niyang tinahak ang daan patungo sa kuwarto niya. Umakyat siya at wala sa sariling isinara ang pinto ng kuwarto niya. Doon ay mabilis niyang nabitawan ang mga luhang kanina pa nagpipigil dahil gusto ng bumagsak. Sa gilid ng kama niya, ay doon siya napasandal. Iniharang niya ang kaniyang braso sa mukha niya para matakpan ’yon. Doon ay malaya niyang inilabas ang tunay na emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Alam niyang sa kuwartong ’to ay wala ng huhusga sa kaniya. Nagsisi siya, ’yon naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili
Wala pa ang araw nang magising si Celine. Kaya agad niyang naisipan na maghanda ng almusal nilang dalawa. Pinangatawan niya na ang pagiging kasambahay niya. Nagluto siya ng ilang hotdogs, bacon, at sinangag. Kilala niya si Ivan at nakuha na rin niya ang gusto nitong kainin sa kinaumagahan. Kaya ito ang mas pinili niyang ihanda ngayon. Wala naman siyang pakialam sa gusto ng kasama nito, dahil maari naman itong magluto kung sakaling hindi nito magustuhan ang luto niya. Kung ano man ’yon ay wala ng pakialam si Celine. Hindi na niya hinintay pang magising ang mga ito. Lalo't alam ni Celine na pagod ang mga ito sa ginawa nilang mukbangan buong gabi. Mas pinili niyang mag-iwan ng isang sticky notes sa tabi ng tabi ng pagkain na inihanda niya. Iniipit niya ito upang masigurong mababasa iyon ni Ivan. Doon kasi niya inilagay ang pamamaalam niya na mamimili siya ng groceries nila. Kahit ang totoo ay may barya na lang siyang dala at hindi talaga siya mamimili ngayong araw. Ngunit may maha
“FUCK!” Napamura sa inis si Ivan bago malakas na inihagis ang mga bagay sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Kasalukuyan na siyang nasa loob ng kaniyang kuwarto—hindi na ininda pa ang isipin na halos magkatapatan lang sila ng kuwarto ni Celine at maari nitong marinig ang ingay niya. Hindi niya na alam ang dapat pa niyang maramdaman sa mga oras na ’to matapos niyang makipag-usap kay Celine. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito ngayon. Kung bakit sa tuwing nakikita niya ito kasama o inihahatid ng ibang lalaki sa kanilang mansion ay gusto niya itong saktan sa pakiramdam na niloloko siya nito. Na alam ni Ivan na hindi niya dapat maramdaman sa halip ay dapat matuwa siya lalo't maari niya itong gamiting rason sa Ama niya para sa pag-a-annul ng kanilang kasal. Kailangan lang naman niya itong bigyan ng patunay na ang babaeng napili nito ipakasal sa kaniya ay isang manloloko, na niloloko siya nito. Para hindi na ito paniwalaan pa ng kaniyang Ama. Ang siraan ito sa harap ng kaniyang mga
KASALUKUYAN nag-i-iscroll si Celine sa f******k ng makarinig siya ng sunod-sunod na busina sa labas. Wala siyang nagawa kundi ang magtungo sa main door ng mansion na ’to para makita kung sino ito. Panigurado si Ivan na 'to. Napa-iling siya nang makita niya kung ano’ng oras na. Mag-aala una na rin ng umaga pero ito siya, kauuwi lang. Hinintay niya talaga ito matapos kasi nilang mag-away kanina ay nakita niya na umalis ito agad. “Vinz?” iyon agad ang nasambit ni Celine nang makita niya itong dala-dala si Ivan. Pilit na ngumiti sa kaniya ang lalaki, “Pasensiya ka na, Celine. Ito kasi kaibigan ko masiyadong nag-enjoy sa kakainom doon sa party ng pinsan ko. Ilang beses ko ng sinabi na doon na lang siya matulog pero ayaw naman niya. Kilala ko na rin ang isang ’to, hindi talaga ’to papayag na roon ko siya patulugin.” “Kung gano’n salamat, Vinz. Mabuti at hindi kayo napahamak sa byahe lalo't lasing ka na.” “Hindi pa naman, hindi ako makakainom kapag kasama ko ’yan at hindi ’yan papapig