KASALUKUYAN nag-i-iscroll si Celine sa f******k ng makarinig siya ng sunod-sunod na busina sa labas. Wala siyang nagawa kundi ang magtungo sa main door ng mansion na ’to para makita kung sino ito. Panigurado si Ivan na 'to. Napa-iling siya nang makita niya kung ano’ng oras na. Mag-aala una na rin ng umaga pero ito siya, kauuwi lang. Hinintay niya talaga ito matapos kasi nilang mag-away kanina ay nakita niya na umalis ito agad. “Vinz?” iyon agad ang nasambit ni Celine nang makita niya itong dala-dala si Ivan. Pilit na ngumiti sa kaniya ang lalaki, “Pasensiya ka na, Celine. Ito kasi kaibigan ko masiyadong nag-enjoy sa kakainom doon sa party ng pinsan ko. Ilang beses ko ng sinabi na doon na lang siya matulog pero ayaw naman niya. Kilala ko na rin ang isang ’to, hindi talaga ’to papayag na roon ko siya patulugin.” “Kung gano’n salamat, Vinz. Mabuti at hindi kayo napahamak sa byahe lalo't lasing ka na.” “Hindi pa naman, hindi ako makakainom kapag kasama ko ’yan at hindi ’yan papapig
“Ang sakit ng ulo ko,” rinig niyang saad ng kaniyang asawa matapos niyang umupo sa upuan dito sa dining area. Dahilan para patago tumikhim si Celine at tinignan siya. Kinuha niya ang plato na nasa hapag kainan na may laman na kanin at nilagyan ang plato ng asawa, “Lasing na lasing ka kagabi. Saglit, kukunan kita ng maiinom para maibsan ’yang sakit ng ulo mo.” Hindi sumagot si Ivan kaya naman nagtungo na si Celine ng kusina upang kumuha at pagtimplahan ng tsaa ang asawa. “Ano’ng nangyari?” Natigilan siya nang marinig niya ang tanong ni Ivan ngunit mas pinili niya maging pormal. “Nangyari? Ano’ng ibig mong sabihin? Pinagbuksan kita kagabi at basta ka na lang, nagpagewang-gewang na naglakad kaya inalalayan kita papasok sa kuwarto mo. Pasensiya na kung sinuway ko na naman ’yong sinabi mo na hindi ako puwedeng pumasok d’yan sa kuwarto mo.” Bumuntong-hininga si Celine bago niya ito lapitan at ilapag ang basong hawak niya sa tapat nito. “Hindi mo na kasi kaya pang maglakad sa sobr
“Sir Ivan, gising!” “What?” “Umaga na po, Sir,” “Then? Sino ka ba para gisingin ako? Hindi mo ba nakikita ang sarap-sarap ng tulog ko rito sa kama– Wait! Bakit ako nandito?” Wala sa katinuan usal ni Ivan habang tinitignan pa ang puwesto na tinulugan niya. “Nakakainis, kaya pala ang sakit ng likod ngayon. Because of this, fucking table! And the hell? Natulog akong naka-upo? Damn it! Nasaan ba si Celine? Hindi man lang niya akong ginising at niyaya umuwi kagabi? Hinayaan niya akong makatulog dito sa kalasingan?” bulong niya. Kahit kailan wala siyang kuwenta! Maid pa 'ha?! Inis niyang hinampas ang lamesa. Agad na napasigaw ang babaeng gumising sa kaniya na ngayon ay naroon pa pala sa tabi niya. “Where’s Celine? Call her, please!” She quickly nodded and walked away. Mabilis niya na iniharap ang isang lalaki na nakasuot ng itim. “Timplahan mo nga ako ng tsaa.” blankong utos nito rito. But he still standing and doing nothing na lalong ikinainit ng ulo ni Ivan. Akmang sis
NAKALIMUTAN na kita O, nakalimutan na nga ba talaga kita? Sa tuwing pinipikit ko ang aking mata, Mukha mo lang ang unang nakikita. Mga alaala nating dalawa noong tayo'y magkasama pa? Mahal pa ba kita? O, nanghihinayang na lang ako sa kahapon nating dalawa? Na hindi na kailanman maibabalik pa, Dahil tapos na, Tapos na. Matagal na. Kaya dapat kalimutan na kita, At ang ating nakaraan, ay tutuldukan ko na. Tatalikuran ko na. At hahakbang na palayo sa mga alaala nating tapos na. Handa ng buksan ang mga bagong pahina, Papunta sa kasalukuyan, Kung saan, wala ka na. Wala ng tayong dalawa. Napapikit si Celine at marahan nilukot ’yon at itinapon sa basurahan matapos niyang basahin ang ginawa niya na tula. Hindi siya marunong nito noon na kahiligan niya lang ngayon dahil sa mga nababasa niya sa F******k. Isang linggo na nga pala ang lumipas. Wala na siyang kahit anong balita pa sa kung ano’ng nangyari sa kaarawan nila ni Keithleen at Kitty. Maging kay Ivan at Mr. Loren
“Angganda naman rito, Kean!” Napangiti si Celine habang tinitignan ang kabuohan set up ng buong restaurants ng binata dahil narito na sila ngayon sa nueva ecija. Masarap sa pakiramdam ang atmosphere ng buong lugar. Madalas na magtungo rito ang mga mag-asawa, na may anniversary o ’di kaya bagong kasal at minsan pa ay mag-nobyo at nobya pa lamang. Ang ganda ng lugar na ’to dahil napakaromantic ng disenyo, “Mabuti at nagustuhan mo. Alam mo ba’ng ilang buwan rin bago mabuo sa isipan ko ang plano kong itayo rito sa Nueva icija. Pero ito tignan mo dahil sa wakas, nagawa ko rin.” Muli siyang tinignan ni Celine. Tunay nga nakakahanga ang lugar na ’to. Halatang pinaghirapan niya, at talaga namang hindi biro ang sinaktripisyo niya para mabuo ito. “Ano naman maitutulong ko rito?” “Wash some dishes?” “Sure!” agad siyang ngumiti. Wala kasi itong kaso sa kaniya. Kung tutuusin napakaganda na nitong trabaho at kahit papaano ay makakapaghinay-hinay siya. “Saan na pala ’yong kusina? At kaila
"LOVE? Nandito na ako, nasaan ka ba?" Hindi alam ni Ivan kung saan siya napunta dahil ito ang lokasyong pinuntahan sa kaniya ni Nathalia. Gusto niyang sunduin siya nito dito. Buti na lang at may mga app na magagamit niya para hindi siya mahirapan sa paghahanap sa lugar na ito. “Wait lang mahal,” text nito. Kahit naiinip na si Ivan ay mas pinili niyang manatili pa rin sa pagkakasandal sa kotse nito. “Love?” Natigilan siya nang marinig niya ang boses na ’yon kaya kaagad niya itong tinignan. “You look good, Love!” ani nito tukoy nito sa kabuohan na suot ni Ivan. Napatingin naman siya sa sarili niya. He was just wearing a neck black sweater, belt and black slacks. Napangiti siya dahil namiss niya ang bagay na ito. Siya kasi lang kasi ang taong nakilala niya na mahilig purihin o ma-appreciate ’yong mga bagay na katulad nito. “Thank you, Nathalia,” naiusal niya. Inalalayan siya ni Ivan papasok sa kotse nito, “Let's go?” nakangiting aniya niya pa at tinignan siya. Mas lal
“MA'AM Celine...” Tila nabalik siya sa reyalidad ng marinig niya pagtawag sa kaniya. Doon ay mabilis niyang binitawan ang hawak niyang ballpen. Kasalukuyan kasi siyang nag-i-invertory ng order nila ngayon sa restaurants ng maisip niyang gumawa ng tula. Tula na ngayon ay halos lahat nasa basurahan na lalo't hindi niya nagugustuhan ang mga kinalalabasan ng mga gawa niya. “Bakit mo pala ako tinawag, Cristy?” “Ang tahimik n’yo po kasi at kanina pa po rin kami nag-aabot rito pero hindi po kayo sumasagot.” “P-Pasensiya na, masama lang ang pakiramdam ko,” tama kanina pa sumasakit ang ulo niya sa hindi niya maintindihan na dahilan. “Napapansin ko na po ’yan sainyo, Ma’am Celine. Ilang araw na po masama ang pakiramdam niyo. Hindi niyo rin po nagugustuhan ang amoy ng mga ulam na iniluluto rito.” Napatango siya sa sinabi nito. “Pero siguro ay hindi lamang ako sanay sa mga amoy rito lalo't galing ako sa probinsiya...” “Sigurado po ba kayong dahil lang po ’yon doon?” “Ano'ng ibig mong sabi
“HELLO?! Kean 'to, Celine kamusta ka naman d'yan?” “Okay lang ako, Kean. Ano'ng oras ka pa ba uuwi?” “Maya-maya nandyan na ako,” wika nito sa video call. Kasalukuyan kasi siyang nag-dri-drive, “Ahm—” pinutol ni Celine ang sasabihin niya at wala sa sariling napayuko kahit nakatapat pa sa kaniya ang camera ng cellphone niya dahil ka-video call niya ito. "May gusto ka ba’ng ipasabay na mabili ko na?" “Gusto ko sana ng jollibee, Kean—” “Okay, wait. Parating na ako, dadaan muna ako sa jollibee para bilhan ka no’n huwag masiyadong malikot, Celine ha? Baka kung ano'ng mangyari sa ’yo, madulas ka pa r'yan.” “Napakaliit pa ng tiyan ko, Kean pero kung umakto ka parang ang laki na.” “Malaki man, o maliit hindi tayo puwedeng maging kampante. Kailangan mong mag-ingat, at mahirap na. Sa paglalakad–” Hindi siya pinatapos ni Celine at siya na ang tumuloy ng sasabihin nito. “Kailangan palaging mag-i-ingat sa paglalakad at baka madulas, maging sa pagkilos, sa panood ng TV, maaga ka dapat matut
“Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal
PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang
“Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala
“Ano ’to, Celine? Ano ’tong pinasok mo?” Napahilamos ng mukha si Celine.Kasalukuyan na siyang nasa loob ng cubicle. Tapos na rin ang meeting pero tila ngayon ay naroon pa siya. Para ba’ng nasa loob pa rin siya ng kuwartong iyon. Ni hindi pa rin mawala sa kaniya ang mga nangyari doon.Muli siyang naghilamos ng muli rin nagflashback sa kaniya ang lahat ng eksena sa loob ng meeting na ’yon.“Before we begin, let me introduce Miss Celine Smith, who will lead this company into the future as our next CEO.” “What do you think you're doing, Dad?”“Mind my own bussiness Ivan,”“Really?”“Well, masiyado na akong tumatanda. Kailangan ko ng taong maasahan, mapapagkatiwalaan ko pagdating sa bagay na matagal ko rin pinundar. I think, there's nothing wrong with it. The sooner we begin this process, the better.”“But Dad, I'm your son! This company it's supposed to be my legacy!”“As CEO, it is my prerogative to select the individual best suited to lead this company—someone I deem both capable and
“MS. SMITH,” Celine nodded immediately when the guard read her last name. She was currently in the large building, where she would be working. “Welcome, Ms. Smith. Mr. Guiterrez has been waiting for you...” "Mr. Guiterrez?" “Yes, Ms—” he couldn't finish what he was saying when someone suddenly came up and interrupted their conversation. “Ms. Celine Smith? Nandito na po pala kayo, halika na po sumama po kayo, ako po ang magtuturo kung saan po kayo mag-i-istay.” Mabilis siyang napakunot-noo sa iniusal nito. Pansin na niya ang ganda at lawak ng kompaniya na ito. She couldn't stop smiling. Excited na siya sa mga maari niyang masaksihan, maranasan, at matutunan dito. Sanay maging maganda ang simula niya rito. ’Yon lang naman ang gusto niya. “Ma’am, nandito na po tayo. Pumasok na po kayo. Kanina pa po may nahihintay sainyo.” Waiting for me? Bumuntong-hininga siya, bago pihitin ang door knob na nasa harapan niya. Napakaraming tanong ang unting-unti nabubuo sa kaniya. Nang t
“MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng
“CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na
“Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma
“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar