CELINE'S POINT OF VIEW ILANG linggo na nga ang nakalipas at katulad pa rin ng dati. Wala naman nagbago bukod sa hindi na siya sinusungitan ni Ivan, pinakita at pinararamdam niya naman na kay Celine na mahal niya ito at hindi niya na dapat pang kwestunin ’yon. Day by day, nag-e-effort ito kay Celine. Pinaghahandaan ng almusal, at sinasamahan manood ng paborito nito k-drama sa T.V.. Hindi niya tuloy din maiwasan na matuwa sa mga pinaggagawa ni Ivan sa kaniya. Minsan pa nang magkaroon sila ng movie marathon at nakatulog si Celine sa sofa, nagising na lang siya na nakahiga na sa sofa at may kumot. Hindi na kasi ito nag-abala pang abalahin ang tulog niya para gisingin siya at ipalipat sa kama niya. Siya tuloy ang unang hinanap ng mga mata ni Celine pag gising niya. Ngunit agad din nawala ang lungkot sa mata niya dahil nakita niya itong natutulog na mayroong sapin at nasa baba lamang niya. Mahimbing itong doon natutulog. Hindi niya maiwasang mapangiti matapos niya itong masaksihan.
“IVAN?” sambit ni Celine kay Ivan matapos niya itong makitang maglakad paalis. Hindi niya maiwasan ang mapatanong sa sarili niya. Hindi kasi nito nagawang humarap sa kaniya. Tanging sa cellphone lamang nakatutok ang atensiyon nito. Tila balisa pa ang asawa niyang si Ivan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa cellphone nito. May hindi ba ako nalalaman? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Seryoso ngunit kabadong sunod-sunod na pagkuwestyon ni Celine sa sarili. Ngunit mas nanaig kay Celine ang pagtataka at ayaw niya itong ipagpatuloy, ayaw niya ang ganitong pakiramdam lalo na kung si Ivan na ang usapan. Ilang buwan na rin silang nagsasama rito kaya unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Minamahal na niya ito. Ngunit isa ’yon kalokohan, dahil magkaiba sila. ’Yon ang napagtanto ni Celine matapos niyang sundan ito. Napagtanto niya na lubhang magkaiba sila ng nararamdaman. Na siya lang ang umasa, na siya lang ang nagmahal. Matapos niyang masaksihan ang lahat kay Iv
“Nathalia, please,” “Please what, Ivan?” “Come back to me, Nathalia...” “Come back? Gusto mo akong bumalik sa ’yo, Ivan? Have you forgotten? You're married now, and I don't even know why I showed up with you.” “Because you love me, Nathalia. So please let me handle this.” “You're now married because you choose her, right? Because of what? Because you don't want to lose your wealth, right?” “Pero hindi tayo puwedeng magsama, Nathalia kung mawawala lahat sa akin ’yon. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lahat ng ’yon, Nathalia.” Sa kabilang banda, makikitang nag-uusap sina Ivan at ang dati nitong kasintahan. Kung saan makikita ang tila hindi magkaunawaan ng dalawa. Taas bagang tumingin kay Ivan ang tinutukoy nitong nathalia bago sarkastikong tumawa. “Kaya mas pinili mong ikasal sa kaniya? Kaya ba ang dali sa ’yo bitawan lahat ng pinagsamahan natin? So ako? What about me? W-Wala ba akong h-halaga sa ’yo, Ivan?” “You know it wasn't easy for me, Nathalia. But I
“Good morning, love!” agad siyang nilapitan ni Celine at niyakap. “Good morning too, Love,” may ngiting usal ni Ivan pabalik dito. “Lasing na lasing ka kagabi sa venue, hindi na tayo tuloy pinauwi dahil mahirap nang bumbyahe. Gano’n din kasi ang mga bodyguards nin’yo, lasing na lasing din halos lahat.” Napahawak siya sa ulo niya at tinignan si Celine, “I'm sorry, Love. I even lost my time for you dahil sa kalasingan ko kagabi.” seryosong kunong sambit ni Ivan. Na alam niyang hindi naman iyon ang rason. Sinadya niyang uminom ng madami dahil hindi niya gustong magkipagplastikan dito. Ngumiti na lamang si Celine, “Ano ka ba?Hindi na ’yon mahalaga! Nga pala nag-prepared pala ako ng breakfast natin sa baba,” muli saad ni Celine bago ngumuso sa gilid ng kabinet ng kama na pinagtulugan niya. “Pinagtimpla rin kita ng kape para mawala ’yang hang-over mo.” “Ang bait talaga ng mahal ’ko! Halika nga rito!” Nagulat si Celine sa mabilis nitong kilos. Hinila kasi siya ni Ivan papalapit sa
“DAD? What are you doing here?” gulat na bungad ni Ivan ng maabutan niya itong nasa sala. Kagigising niya lamang at hindi rin niya maintindihan ang nangyari sa kaniya kagabi. Sa sobrang dami niyang nainom sa inuman nila dahil kagagaling niya lang ng nueva ecija kung saan inabot siya ng ilang linggo. Nasobrahan ang dapat isang linggo niya lamang na pag-stay ro’n iyon ay dahil sa kadahilanan na kagagaling lamang ng kaibigan niya from USA. Sa sobrang pagkamiss nila sa isa’t isa ay hindi niya nagawang matanggihan ito ng patuluyin siya nito sa kanila. Doon ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsaya sa ilang bar nito doon. Napakamot ng ulo si Ivan dahil sa naabutan niya pagkababa galing sa kaniyang kuwarto. Randam pa rin niya ang sakit ng ulo ngunit hindi niya ito pilit na ininda. Ano ba’ng nangyari kagabi? Gano’n ba kalala ang alak na nainom ko? Fundador lamang ’yon ah? Sunod-sunod ang naging tanong ni Ivan sa sarili habang naka-upo sa sofa sa kawalan. Habang ang kaniyang Ama na
“Ang dami-dami ng kasambahay ang puwede mong maging kasambahay, gano’n pa talagang uri ng babae?” Napahinto si Celine sa narinig niya. Bago pa man kasi siya makaalis ay saglit siyang natigilan dahil sa inusal ng babaeng kasama nito. “Sabagay, if you're going to ask me. Mas mabuti na rin na kagaya niya ang makakasama mo rito sa bahay dahil sa malabo mong patulan... right, Babe?” Hindi na niya nagawa pang pakinggan ang sasabihin nito. Mabilis niyang tinahak ang daan patungo sa kuwarto niya. Umakyat siya at wala sa sariling isinara ang pinto ng kuwarto niya. Doon ay mabilis niyang nabitawan ang mga luhang kanina pa nagpipigil dahil gusto ng bumagsak. Sa gilid ng kama niya, ay doon siya napasandal. Iniharang niya ang kaniyang braso sa mukha niya para matakpan ’yon. Doon ay malaya niyang inilabas ang tunay na emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Alam niyang sa kuwartong ’to ay wala ng huhusga sa kaniya. Nagsisi siya, ’yon naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili
Wala pa ang araw nang magising si Celine. Kaya agad niyang naisipan na maghanda ng almusal nilang dalawa. Pinangatawan niya na ang pagiging kasambahay niya. Nagluto siya ng ilang hotdogs, bacon, at sinangag. Kilala niya si Ivan at nakuha na rin niya ang gusto nitong kainin sa kinaumagahan. Kaya ito ang mas pinili niyang ihanda ngayon. Wala naman siyang pakialam sa gusto ng kasama nito, dahil maari naman itong magluto kung sakaling hindi nito magustuhan ang luto niya. Kung ano man ’yon ay wala ng pakialam si Celine. Hindi na niya hinintay pang magising ang mga ito. Lalo't alam ni Celine na pagod ang mga ito sa ginawa nilang mukbangan buong gabi. Mas pinili niyang mag-iwan ng isang sticky notes sa tabi ng tabi ng pagkain na inihanda niya. Iniipit niya ito upang masigurong mababasa iyon ni Ivan. Doon kasi niya inilagay ang pamamaalam niya na mamimili siya ng groceries nila. Kahit ang totoo ay may barya na lang siyang dala at hindi talaga siya mamimili ngayong araw. Ngunit may maha
“FUCK!” Napamura sa inis si Ivan bago malakas na inihagis ang mga bagay sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Kasalukuyan na siyang nasa loob ng kaniyang kuwarto—hindi na ininda pa ang isipin na halos magkatapatan lang sila ng kuwarto ni Celine at maari nitong marinig ang ingay niya. Hindi niya na alam ang dapat pa niyang maramdaman sa mga oras na ’to matapos niyang makipag-usap kay Celine. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito ngayon. Kung bakit sa tuwing nakikita niya ito kasama o inihahatid ng ibang lalaki sa kanilang mansion ay gusto niya itong saktan sa pakiramdam na niloloko siya nito. Na alam ni Ivan na hindi niya dapat maramdaman sa halip ay dapat matuwa siya lalo't maari niya itong gamiting rason sa Ama niya para sa pag-a-annul ng kanilang kasal. Kailangan lang naman niya itong bigyan ng patunay na ang babaeng napili nito ipakasal sa kaniya ay isang manloloko, na niloloko siya nito. Para hindi na ito paniwalaan pa ng kaniyang Ama. Ang siraan ito sa harap ng kaniyang
“Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal
PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang
“Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala
“Ano ’to, Celine? Ano ’tong pinasok mo?” Napahilamos ng mukha si Celine.Kasalukuyan na siyang nasa loob ng cubicle. Tapos na rin ang meeting pero tila ngayon ay naroon pa siya. Para ba’ng nasa loob pa rin siya ng kuwartong iyon. Ni hindi pa rin mawala sa kaniya ang mga nangyari doon.Muli siyang naghilamos ng muli rin nagflashback sa kaniya ang lahat ng eksena sa loob ng meeting na ’yon.“Before we begin, let me introduce Miss Celine Smith, who will lead this company into the future as our next CEO.” “What do you think you're doing, Dad?”“Mind my own bussiness Ivan,”“Really?”“Well, masiyado na akong tumatanda. Kailangan ko ng taong maasahan, mapapagkatiwalaan ko pagdating sa bagay na matagal ko rin pinundar. I think, there's nothing wrong with it. The sooner we begin this process, the better.”“But Dad, I'm your son! This company it's supposed to be my legacy!”“As CEO, it is my prerogative to select the individual best suited to lead this company—someone I deem both capable and
“MS. SMITH,” Celine nodded immediately when the guard read her last name. She was currently in the large building, where she would be working. “Welcome, Ms. Smith. Mr. Guiterrez has been waiting for you...” "Mr. Guiterrez?" “Yes, Ms—” he couldn't finish what he was saying when someone suddenly came up and interrupted their conversation. “Ms. Celine Smith? Nandito na po pala kayo, halika na po sumama po kayo, ako po ang magtuturo kung saan po kayo mag-i-istay.” Mabilis siyang napakunot-noo sa iniusal nito. Pansin na niya ang ganda at lawak ng kompaniya na ito. She couldn't stop smiling. Excited na siya sa mga maari niyang masaksihan, maranasan, at matutunan dito. Sanay maging maganda ang simula niya rito. ’Yon lang naman ang gusto niya. “Ma’am, nandito na po tayo. Pumasok na po kayo. Kanina pa po may nahihintay sainyo.” Waiting for me? Bumuntong-hininga siya, bago pihitin ang door knob na nasa harapan niya. Napakaraming tanong ang unting-unti nabubuo sa kaniya. Nang t
“MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng
“CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na
“Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma
“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar