“T-Teka! Saan naman dito ang banyo? Bakit kasi ang hilig nila sa malalaking bahay? Hindi naman nila siguro mapapasok lahat ng ’to sa dami ng rooms!” inis na bulong niya. Patuloy lang siya sa paghahanap ngunit napatigil siya ng mayroong humarang sa mga mata niya gamit ang kamay nito. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako, sino ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo?” galit niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa mga mata niya. “Hulaan mo...” “Puwede ba? Wala akong oras para makipag-biruan!” Kusa naman siyang tumigil at inalis ang kamay niya sa mga mata ni Celine. Dahilan para magkaroon siya ng tyansa para tignan ito. “Arvin?” “The one and only!” usal niya na may malawak na ngiti sa labi. “Bakit naman ang sungit mo ah? Palala ng palala ’yan, panigurado mas mauuna ka pa magmukhang matanda sa akin pag palagi kang gan’yan!” bumungisngis pa ito na ikinairap ni Celine. “Sino ba naman kasi ang hindi magpapanik? Bigla-bigla kang nangtatakip ng mata.” “I'm just kidding, okay? A
CELINE'S POINT OF VIEW ILANG linggo na nga ang nakalipas at katulad pa rin ng dati. Wala naman nagbago bukod sa hindi na siya sinusungitan ni Ivan, pinakita at pinararamdam niya naman na kay Celine na mahal niya ito at hindi niya na dapat pang kwestunin ’yon. Day by day, nag-e-effort ito kay Celine. Pinaghahandaan ng almusal, at sinasamahan manood ng paborito nito k-drama sa T.V.. Hindi niya tuloy din maiwasan na matuwa sa mga pinaggagawa ni Ivan sa kaniya. Minsan pa nang magkaroon sila ng movie marathon at nakatulog si Celine sa sofa, nagising na lang siya na nakahiga na sa sofa at may kumot. Hindi na kasi ito nag-abala pang abalahin ang tulog niya para gisingin siya at ipalipat sa kama niya. Siya tuloy ang unang hinanap ng mga mata ni Celine pag gising niya. Ngunit agad din nawala ang lungkot sa mata niya dahil nakita niya itong natutulog na mayroong sapin at nasa baba lamang niya. Mahimbing itong doon natutulog. Hindi niya maiwasang mapangiti matapos niya itong masaksihan.
“IVAN?” sambit ni Celine kay Ivan matapos niya itong makitang maglakad paalis. Hindi niya maiwasan ang mapatanong sa sarili niya. Hindi kasi nito nagawang humarap sa kaniya. Tanging sa cellphone lamang nakatutok ang atensiyon nito. Tila balisa pa ang asawa niyang si Ivan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa cellphone nito. May hindi ba ako nalalaman? HIndi ko alam kung bakit bigla ko naramdaman`to ni hindi ko alam kung ano`ng nangyayari sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Seryoso ngunit kabadong sunod-sunod na pagkuwestyon ni Celine sa sarili. Pero mas nanaig kay Celine ang pagtataka at ayaw niya itong ipagpatuloy, ayaw niya ang ganitong pakiramdam lalo na kung si Ivan na ang usapan. Ilang buwan na rin silang nagsasama rito kaya unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Minamahal na niya ito. Ngunit isa ’yon kalokohan, dahil magkaiba sila. ’Yon ang napagtanto ni Celine matapos niyang sundan ito. Napagtanto niya na lubhang magkaiba sila ng nararamdaman. Na
“Nathalia, please,” “Please what, Ivan?” “Come back to me, Nathalia...” “Come back? Gusto mo akong bumalik sa ’yo, Ivan? Have you forgotten? You're married now, and I don't even know why I showed up with you.” “Because you love me, Nathalia. So please let me handle this.” “You're now married because you choose her, right? Because of what? Because you don't want to lose your wealth, right?” “Pero hindi tayo puwedeng magsama, Nathalia kung mawawala lahat sa akin ’yon. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lahat ng ’yon, Nathalia.” Sa kabilang banda, makikitang nag-uusap sina Ivan at ang dati nitong kasintahan. Kung saan makikita ang tila hindi magkaunawaan ng dalawa. Taas bagang tumingin kay Ivan ang tinutukoy nitong nathalia bago sarkastikong tumawa. “Kaya mas pinili mong ikasal sa kaniya? Kaya ba ang dali sa ’yo bitawan lahat ng pinagsamahan natin? So ako? What about me? W-Wala ba akong h-halaga sa ’yo, Ivan?” “You know it wasn't easy for me, Nathalia. But I have to d
“Good morning, love!” agad siyang nilapitan ni Celine at niyakap. “Good morning too, Love,” may ngiting usal ni Ivan pabalik dito. “Lasing na lasing ka kagabi sa venue, hindi na tayo tuloy pinauwi dahil mahirap nang bumbyahe. Gano’n din kasi ang mga bodyguards nin’yo, lasing na lasing din halos lahat.” Napahawak siya sa ulo niya at tinignan si Celine, “I'm sorry, Love. I even lost my time for you dahil sa kalasingan ko kagabi.” seryosong kunong sambit ni Ivan. Na alam niyang hindi naman iyon ang rason. Sinadya niyang uminom ng madami dahil hindi niya gustong magkipagplastikan dito. Ngumiti na lamang si Celine, “Ano ka ba?Hindi na ’yon mahalaga! Nga pala nag-prepared pala ako ng breakfast natin sa baba,” muli saad ni Celine bago ngumuso sa gilid ng kabinet ng kama na pinagtulugan niya. “Pinagtimpla rin kita ng kape para mawala ’yang hang-over mo.” “Ang bait talaga ng mahal ’ko! Halika nga rito!”.Nagulat si Celine sa mabilis nitong kilos. Hinila kasi siya ni Ivan papalapit sa kaniy
“DAD? What are you doing here?” gulat na bungad ni Ivan ng maabutan niya itong nasa sala. Kagigising niya lamang at hindi rin niya maintindihan ang nangyari sa kaniya kagabi. Sa sobrang dami niyang nainom sa inuman nila dahil kagagaling niya lang ng nueva ecija kung saan inabot siya ng ilang linggo. Nasobrahan ang dapat isang linggo niya lamang na pag-stay ro’n iyon ay dahil sa kadahilanan na kagagaling lamang ng kaibigan niya from USA. Sa sobrang pagkamiss nila sa isa’t isa ay hindi niya nagawang matanggihan ito ng patuluyin siya nito sa kanila. Doon ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsaya sa ilang bar nito doon. Napakamot ng ulo si Ivan dahil sa naabutan niya pagkababa galing sa kaniyang kuwarto. Randam pa rin niya ang sakit ng ulo ngunit hindi niya ito pilit na ininda. Ano ba’ng nangyari kagabi? Gano’n ba kalala ang alak na nainom ko? Fundador lamang ’yon ah? Sunod-sunod ang naging tanong ni Ivan sa sarili habang naka-upo sa sofa sa kawalan. Habang ang kaniyang Ama na
“Ang dami-dami ng kasambahay ang puwede mong maging kasambahay, gano’n pa talagang uri ng babae?” Napahinto si Celine sa narinig niya. Bago pa man kasi siya makaalis ay saglit siyang natigilan dahil sa inusal ng babaeng kasama nito. “Sabagay, if you're going to ask me. Mas mabuti na rin na kagaya niya ang makakasama mo rito sa bahay dahil sa malabo mong patulan... right, Babe?” Hindi na niya nagawa pang pakinggan ang sasabihin nito. Mabilis niyang tinahak ang daan patungo sa kuwarto niya. Umakyat siya at wala sa sariling isinara ang pinto ng kuwarto niya. Doon ay mabilis niyang nabitawan ang mga luhang kanina pa nagpipigil dahil gusto ng bumagsak. Sa gilid ng kama niya, ay doon siya napasandal. Iniharang niya ang kaniyang braso sa mukha niya para matakpan ’yon. Doon ay malaya niyang inilabas ang tunay na emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Alam niyang sa kuwartong ’to ay wala ng huhusga sa kaniya. Nagsisi siya, ’yon naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili
Wala pa ang araw nang magising si Celine. Kaya agad niyang naisipan na maghanda ng almusal nilang dalawa. Pinangatawan niya na ang pagiging kasambahay niya. Nagluto siya ng ilang hotdogs, bacon, at sinangag. Kilala niya si Ivan at nakuha na rin niya ang gusto nitong kainin sa kinaumagahan. Kaya ito ang mas pinili niyang ihanda ngayon. Wala naman siyang pakialam sa gusto ng kasama nito, dahil maari naman itong magluto kung sakaling hindi nito magustuhan ang luto niya. Kung ano man ’yon ay wala ng pakialam si Celine. Hindi na niya hinintay pang magising ang mga ito. Lalo't alam ni Celine na pagod ang mga ito sa ginawa nilang mukbangan buong gabi. Mas pinili niyang mag-iwan ng isang sticky notes sa tabi ng tabi ng pagkain na inihanda niya. Iniipit niya ito upang masigurong mababasa iyon ni Ivan. Doon kasi niya inilagay ang pamamaalam niya na mamimili siya ng groceries nila. Kahit ang totoo ay may barya na lang siyang dala at hindi talaga siya mamimili ngayong araw. Ngunit may maha