Share

Chapter 04 :

Author: Yazuakie
last update Last Updated: 2022-03-14 17:18:44

Mayroon kaming bisita ngayon na mensahero mula sa Aeron Empire na kausap ngayon ng mga magulang ko sa drawing room. Hindi ko alam kung bakit ito nandito ngayon. At wala rin naman akong balak na alamin ang dahilan ng pagpunta nito sa Norweinz Duchy.

Lumabas ako at pumunta sa malawak na hardin. Nasa aking likuran si Maria na tahimik lang na sinusundan ako. Wala na 'yung seven knights na laging nakabuntot sa akin dahil busy na rin ito sa kanilang training. Nalalapit na ang war na pinangungunahan ni Kuya Ashulet kaya kailangan ko ng maibigay sa kanya ang amulet na pinabili ko.

Nilibot ko ang aking tingin at buong paghanga kong tinitingnan ang paligid na punong-puno ng mga bulaklak. Para itong isang paraiso na hindi ko akalain na personal kong makikita ng dalawang mata ko. Higit na mas maganda ito kaysa sa mga napuntahan kong pasyalan sa South Korea.

Napahinto ako sa paglalakad at pumitas ng isang puting rosas. Masaya ko itong tiningnan at inamoy.

“My Lady?” aniya ng tao na nasa likuran ko.

Imbes na lingunin ko siya ay nakita ko sa hindi kalayuan si Kuya Ashulet. Nakaupo ito sa isang upuan na kasya ang tatlong tao. Sa likod niya ay may poste ng ilaw na nakatayo roon. Nakapikit ito at tahimik na namamahinga habang nakasuot ito ng kanyang uniporme. Parang isang prinsipe na hulog ng langit ang aura niya ngayon.

“Uh, Maria,” tinawag ko ang pangalan niya sa mahinang tono ng boses ko. Baka kasi magising ko si Kuya Ashulet.

“Ano po iyon, My Lady?” narinig kong tugon niya na hindi ko pa rin nilingon.

Dahan-dahan akong humarap at iniunat ang kanang kamay kong may hawak na puting rosas.

“Maaari ka ng bumalik sa loob at ipapatawag nalang kita kapag kailangan na kita. Nais kong mapag-isa at makausap si Kuya Ashulet ng kami lang dalawa.” paliwanag ko matapos na ilagay sa kamay niya ang puting rosas.

Gulat itong napatingin sa akin at bahagya pang nakabuka ang kanyang bibig. Yumuko siya sa akin, “Masusunod, My Lady.” mabilis nitong tugon kasabay ng mabilis na paglalakad palayo sa lugar.

Humarap na ako sa direksyon na kinaroroonan ni Kuya Ashulet. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pumuwesto sa kanyang likuran.

Pigil akong ngumiti sa naiisip kong gawin kay Kuya Ashulet. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at dahan-dahang tinakpan ang kanyang magkabilang mata.

“Hulaan mo kung sino ako?” natatawa na tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang kanyang mga mata.

Naramdaman ko ang pag-singhap niya kaya napa-hagikgik ako. Nagitla ako nang hawakan niya ang kanan kong wrist na medyo may pwersa.

“Ouch!” nasasaktan kong reaksyon sa kanyang ginawa. Kitang-kita ko ang pagbakat ng kanyang kamay sa wrist ko na pulang-pula.

“Rineah?” gulat na tawag ni Kuya Ashulet sa pangalan ko. Tinanggal niya na ang dalawa kong kamay sa kanyang mata at mabilis na kinalas ang kanyang kamay na nakahawak sa wrist ko.

“Masakit ba? Pasensya ka na, ginulat mo kasi ako at hindi ko naramdaman ang iyong pagdating.” May pag-aalala sa tono ng boses niya dahil literal na nasaktan niya ang kanan kong wrist.

Ngumiti ako at ikinulong ang kanang wrist ko gamit ang kaliwa kong kamay. Umiikot ako papunta sa kanyang harapan at tahimik na umupo sa tabi niya.

Saglit akong tumawa ng mahina, “Hindi ka pala pwedeng biruin, Kuya Ashulet.” sabi ko habang tinitingnan ang nasaktan kong wrist. “Pero kasalanan ko rin naman.” pag-amin ko na mali rin ang ginawa ko kahit na gusto ko lang makipag-biruan at makipag-kulitan sa kanya.

Inabot at itinaas ni Kuya Ashulet ang kanang kamay ko at hinalikan ito habang nakatingin sa aking mga mata.

Nanlalaki ang dalawa kong mata kasabay ng pag-singhap ko. Hindi ko inaasahan na magagawa niyang halikan ang kamay ko. Kung hindi lang kami magkapatid ay iisipin mong mag-kasintahan kaming dalawa.

Hindi ito maaari, ang pangit tingnan na parang incest ito. Although, normal ito sa mga Royal blood na nagpapakasal ang magkapatid. Wala naman akong ibang gusto kay Kuya Ashulet bukod sa hindi siya mamatay kasi napakabait niyang kuya sa akin na hinding-hindi ko mahahanap sa iba.. sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaharap ko.

Walang malisya ang anumang treatment na ipinapakita ko sa kanya kaya nakakaramdam na ako ng pagkailang. 

“Masakit pa ba?” tanong niya na puno ng guilt sa kanyang mukha.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Kamot ulo akong tumingin sa kanya kahit medyo nakakaramdam na ako ng awkward sa pagitan naming dalawa.

“Malayo ito sa bituka, Kuya Ashulet!” ngingiti-ngiting sabi ko habang nagha-hand gesture na wala lang talaga sa akin iyon.

Kumunot ang kanyang noo. “Anong malayo sa bituka?” naguguluhan niyang tanong sa akin.

Napatakip ako ng aking bibig gamit ang dalawa kong kamay.

Wala bang ganoon na kasabihan dito kapag nasaktan ka ay sasagot ka ng malayo ito sa bituka para hindi mag-alala 'yung kausap mo?

Bigla kong naalala ang amulet na itinago ko sa secret pocket ng suot kong dress. Pinagawa ko pa ang pocket na iyon kay Maria sa mga damit kong susuotin ngayong linggo. Para sa kahit ano man na oras ay maibibigay ko ito kay Kuya Ashulet. Isang taon na rin ang nakalipas ng hindi ko man lang namamalayan pero hindi ko pa rin ito naibibigay sa kanya.

Palaisipan din sa akin kung bakit lagi ko itong nakakalimutan ibigay. Siguro dahil hindi pa talaga time para ibigay ko ito sa kanya nakaraan.

“Ah, Kuya Ashulet, gusto ko sanang ibigay ito sa iyo.” pag-iiba ko ng usapan habang inilalagay sa kamay niya ang amulet.

“Para saan ito, Rineah?” tanong niya na puno ng pagtataka.

I clear my throat. At umupo na rin ng maayos. Araw-araw akong nag-eensayo ng sasabihin ko sa kanya.

“Pang-proteksyon mo at gabay na rin dahil nag-aalala talaga ako sa 'yo, Kuya Ashulet. Alam mo ba na nagkaroon ako ng masamang panaginip na kahit nanalo kayo sa pananakop ay may hindi inaasahan na pangyayari na may biglang papana sa 'yo ng hindi mo namamalayan…” mangiyak-ngiyak na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha kong nag-uunahan na bumagsak. “Tingnan mo, hindi mo nga ako nararamdaman na papalapit ako sa 'yo, eh.” pagpapatuloy ko na mabilis na tinakpan ang mukha ko.

May kaunting pagitan sa mga daliri kong nakatakip sa mukha ko para makita ang kanyang reaksyon. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya maging pamumula ng kanyang mukha. Bakas ang guilt sa kanyang mukha na para bang may malaking kasalanan na nagawa na pinagsisihan nito ngayon.

“Shh.. Huwag ka ng umiyak, Rineah. Lagi ko itong isusuot para hindi ka mag-alala at babalik ako ng ligtas. Kaya huwag ka ng umiyak, huh?” Pagpapatahan niya sa akin habang ikinukulong ako sa kanyang mga bisig.

Amoy na amoy ko ang mabangong amoy ni Kuya Ashulet maging ang kanyang mainit na yakap.

Ang sarap palang makulong sa yakap ng taong nagmamahal sa 'yo.. sabi ko sa aking isip.

Inayos ko na ang sarili ko at tinuyo ang pisngi ko.

“Sigh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa 'yo, Rineah. Ayokong makita kang umiiyak kasi mas nasasaktan ako.” Mahinang dinampi niya ang kanyang kanang kamay sa mukha ko. Para itong iiyak pero pinipigilan nito ang luhang gusto ng bumagsak.

Tumayo ako. Hindi ko na gusto 'yung nararamdaman ko kasi nagi-guilt ako sa ginawa kong pagdra-drama. Hindi pa rin pala nawawala ang galing ko sa pag-arte kasi dalang-dala si Kuya Ashulet. Feeling ko kapag umiyak siya ay bigla akong magsasalita ng ‘It's a prank’ pero baka isipin na nasisiraan na ako.

“Kung ayaw mo akong umiyak uli dapat samahan mo akong mag-tea time ngayon. Ang ganda ng panahon ngayon at masarap uminom ng tea kapag ganito kaaliwalas ang paligid.”

Pinilit ko siyang tumayo na agad namang sumunod. Napangiti ako ng suotin niya ang amulet sa harapan ko kaya todo ang ngiti ko.

“May pakinabang din pala ang acting sa ganitong sitwasyon.” Mahina kong sabi sa sarili ko.

May pagtataka na tiningnan ako ni Kuya Ashulet.

“Tara na?” Pagyaya ko na kumapit na sa kanyang kaliwang braso.

“Dati ay hindi ka naman ganito, ah!” Biglang sabi niya habang tinitingnan akong nakapulupot sa kanya.

“Gusto ko lang sulitin ang araw na pwede kong gawin ito. Nasa marriageable age ka na, Kuya, at sigurado akong maraming noble lady ang gustong maikasal sa 'yo. Lalo na at gwapo ka, hindi lang iyan napakakisig mo pa na kaya mong ipaglaban araw-araw ang taong mahal mo..” bungisngis na sabi ko.

Bigla itong umiwas ng tingin sa akin pero huling-huli ko ang pamumula ng kanyang mukha maging ng kaliwang tainga.

Tahimik kaming naglakad papasok sa loob ng mansion at pinatawag si Maria sa butler.

“Oh, nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap na dalawa!” sabi ng isang tinig na papalapit sa amin.

“Araneiah,” tawag ni Kuya Ashulet sa taong papalapit sa aming kinatatayuan.

Hinawi nito ang kanyang buhok na tumatakip sa kanan niyang mata.

Mabilis naman akong kumalas mula sa pagkakahawak sa kaliwang braso ni Kuya Ashulet.

“May nangyari ba?” Mabilis na tanong ni Kuya Ashulet at lumapit kay Araneiah.

“Wala naman pero may invitation tayong natanggap mula sa palasyo,” sagot nito at bumaling na sa akin. “Hindi puwedeng hindi ka sasama, Rineah. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin ni Kuya Ashulet.” aniya na mataman akong tiningnan.

“Ano bang mayroon?” biglang tanong ko habang nagpa-process sa isip ko ang mga sinabi niya.

Ano bang mayroon ngayon? Hindi ko alam at wala akong idea. Kahit na isang taon na ako sa mundong ito ay hindi ko alam ang mga mangyayari. Dahil ang timeline na ito ay wala sa scripts na binasa ko. Kaya 'yung mga kaunting detalye lang ang alam ko na nakasulat sa first chapter. Katulad ng isang taon na ang nakalipas ng mamatay ang panganay na kapatid ng female lead sa battlefield at sa ika-labing-walong taon ni Rineah ay nakatanggap siya ng edict mula sa Aeron Empire na siya ang napili bilang Crowned Princess.

Sa pagkakatanda ko ay alam ni Rineah na siya ang nakatakdang maging Crowned Princess noong ika-labing-isang taon gulang niya. Kaya nga palihim siya nagpa-practice ng mga etiquette ng mga Royal. At kapag sobrang stress na siya ay nagpupunta siya sa countryside. 

Nang araw na mag-reincarnate ako dito ay nakasakay siya sa kabayo at nahulog mula roon. Siguro ay nag-aaral siya ng horse riding lalo na't uso ang hunting sa mga Royals at Aristocrat bilang libangan nila.

“Coming of age celebration ng Crowned Prince apat na araw mula ngayon. At inaanyayahan tayong pumunta sa kanyang kaarawan.” sabi ni Araneiah sa seryoso nitong tono.

Napasinghap ako at bahagyang napaatras. “Crowned Prince?”

“Oh, makikita mo pala ang lalaking hinahangaan mo, Rineah..” Pabirong sabi ni Kuya Ashulet na napa-bungisngis pa ng mukha.

Crush ni Rineah ang Crowned Prince? Bakit hindi ko iyon alam, wala naman gano'n na nakasulat sa novel, ah!

Hindi nalang ako nagsalita at nanatiling walang kibo.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang pagdaan ng araw. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa isang lugar na maraming tao. Kitang-kita ko ang naggagandahang kasuotan ng mga naroon.

“Rineah? Okay ka lang ba?” tanong ng isang tao na nasa tabi ko.

Mabilis akong lumingon at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng Kuya Ashulet ko.

“Nasaan tayo?” biglang tanong ko.

Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere at hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Para bang nasa isang panaginip ako o nasa mundo ng isang ilusyon.

“Ilang araw ko ng napapansin na tila wala ka sa sarili mo, Rineah, may problema ba?” Kumunot ang kanyang noo at may pag-aalala na tiningnan ako.

Ibinuka ko ang aking bibig para sana magsalita ng biglang may tumunog na parang pinto na binuksan.

“His Majesty the Emperor has arrived!”

“His Majesty the Crowned Prince Ishid Aeron has arrived.”

Napatingin ako sa dalawang taong center of attention ngayon. This is my first time seeing a real royal, ibang-iba ang naiisip ko sa nakikita ko ngayon.

Hindi na ako magtataka kung totoo nga na crush ng real Rineah ang Crowned Prince dahil napaka-gwapo nito. 

Napaiwas ako ng tingin nang mapansin kong tumingin sa direksyon ko ang Crowned Prince.

Teka lang, bakit siya tumingin sa akin? Kilala niya ba ang real Rineah?

Umiling ako at muling ibinalik ang atensyon sa kanila na mabilis ko rin na pinagsisihan dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-ngiti ng Crowned Prince.

Related chapters

  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 05 :

    “Anong ginagawa mo riyan sa likuran ko, Rineah?” puna ni Kuya Ashulet sa akin ng magtago ako sa likuran niya dahil sa nakita kong pagsulyap at pagngiti sa akin ng Crowned Prince. Magkakilala na ba sina Rineah at Crowned Prince bago pa man ako mag-reincarnated sa mundong ito? Parang wala naman sa scripts na binasa ko at kahit noong nagpalitan kami ng mga lines ng casts ay wala naman nabanggit na nagkita na sila. Kahit noong namatay si Rineah ay hindi naman nasabi na nagkita na sila dati. Basta ang natatandaan ko ay palihim na nag-aaral si Rineah na maging qualified na Crowned Princess. 'Yung tipong perfect niya na ang Royal Etiquette. Kaya nga niya nakilala ang kanyang kababata na isa sa mga assassins na pumatay sa kanya. Shen Dan ang name ng commoner na naging friend niya and assassin at the same time. "Saklap naman pala ng story na ito. 'Yung tinuring mong kaibigan ang siyang papatay pala sa 'yo?" pabulong kong sa

    Last Updated : 2022-03-31
  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 06 :

    Itinaas ko ang aking kanan na kamay na parang inaabot ko ang ulap na gumagalaw pa kanan. Natatakpan ng ulap ang araw kaya naman hindi masyadong tirik ang araw ngayon kahit na tanghaling tapat na.Hindi dahil sa ulap kaya nakataas ang aking kanan na kamay. May pagtataka ko itong pinagmamasdan dahil simula kagabi pag-uwi namin galing Aeron Empire ay ramdam ko pa rin ang labing dumampi sa kanan kong kamay.The soft lips of the male lead of the novel, Crowned Prince Ishid Aeron.“Hindi ko rin masisisi kung bakit marami ang nagkakagusto sa male lead. Pero, hanggang ngayon ba ay may feelings pa rin ba sa kanya ang totoong Rineah?” tanong ko sa hangin.Minsan ay iniisip ko na baka isang araw ay hindi na ako magising pa, na baka bumalik ang totoong Rineah. Minsan natatakot ako matulog baka sa ibang lugar na ako mapunta. Pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong manatili sa mundong ito. I wan

    Last Updated : 2022-04-15
  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 01 :

    “Ugh!” Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Unti-unting iminulat ko ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang kulay gintong kisame na may kakaibang disenyo na ngayon ko lang nakita. Maganda ang disenyong nasa kisame na para bang pinaglaanan ito ng maraming pera dahil parang totoong ginto ang naroon. Parang isang bulaklak ang disenyo na hindi mo maintindihan dahil may kung ano pang hugis ang nasa paligid nito. Napabalikwas ako ng bangon na mabilis ko rin na pinagsisihan. Dahil sa gumuhit na sakit sa ulo ko na para bang tinutusok ito. “Geez! Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ko habang sapo ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko na epekto siguro ng pananakit ng ulo ko. Parang nayanig ang buong mundo ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko na parang turumpo. Hilong-hilo ako ngayon habang pumipintig ang sentido ko. Nakarinig ako na may bumagsak na bagay kaya napatingin ako sa kung saan habang iniinda ko ang pagkahilo na nararamdaman

    Last Updated : 2022-02-12
  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 02 :

    Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o epekto lang ng car accident ko? Pero, kahit anong gawin ko ay nandito pa rin ako.I even hurt myself by jumping on the lake where I almost died. Luckily, Elder Brother Ashulet saved me from drowning myself.Napatingin ako sa paligid ko habang nakalumbaba ako. Kitang-kita ko ang tense sa mga mata ng pitong knights na nasa paligid ko. They were assigned by my Elder Brother to look after me while he was in the palace. He has a meeting with the Emperor as the General of a Royal Knights who fought in a war.Maganda na sana ang paligid ko dito sa garden kaya lang panira sa view ang mga knights. Daig pa nila ang mga bodyguards ko na binigyan ako ng space to be alone with myself. Pero sila kulang na lang ay maging human CCTV.I know they didn't like to look after me. After all, they trained themselves to fight in a war not to be like a bodyguard. Medyo nakakahiya ng kaunt

    Last Updated : 2022-02-12
  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 03 :

    “Kuya Ashulet!” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papalapit sa akin. I was in the garden and having my tea time again with the seven knights around me while my personal maid was currently serving me a cake. Tumayo ako sa upuan at tumakbo palapit sa kanya. Para akong bata na sumalubong sa kanyang kuya. Mabilis akong yumakap sa kanya nang mahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa pagkagulat dahil sa ginawa ko. Pero ginantihan naman niya ako ng yakap. “Naging malambing ang kapatid ko, ah!” Natatawang sabi niya matapos kumawala sa yakap ko. “Eh, ilang araw ka rin na hindi umuwi.” nakangusong sabi ko. Tatlong araw na hindi umuwi si Kuya Ashulet dahil may mga inasikaso pa siya after the meeting with the Emperor. “Sigh. Rineah, hindi ko namalayan na lumalaki ka na. Parang kailan lang pasan pa kita sa balikat ko.” sabi ni Kuya Ashulet

    Last Updated : 2022-02-12

Latest chapter

  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 04 :

    Mayroon kaming bisita ngayon na mensahero mula sa Aeron Empire na kausap ngayon ng mga magulang ko sa drawing room. Hindi ko alam kung bakit ito nandito ngayon. At wala rin naman akong balak na alamin ang dahilan ng pagpunta nito sa Norweinz Duchy.Lumabas ako at pumunta sa malawak na hardin. Nasa aking likuran si Maria na tahimik lang na sinusundan ako. Wala na 'yung seven knights na laging nakabuntot sa akin dahil busy na rin ito sa kanilang training. Nalalapit na ang war na pinangungunahan ni Kuya Ashulet kaya kailangan ko ng maibigay sa kanya ang amulet na pinabili ko.Nilibot ko ang aking tingin at buong paghanga kong tinitingnan ang paligid na punong-puno ng mga bulaklak. Para itong isang paraiso na hindi ko akalain na personal kong makikita ng dalawang mata ko. Higit na mas maganda ito kaysa sa mga napuntahan kong pasyalan sa South Korea.Napahinto ako sa paglalakad at pumitas ng isang puting rosas. Masaya ko iton

  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 03 :

    “Kuya Ashulet!” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papalapit sa akin. I was in the garden and having my tea time again with the seven knights around me while my personal maid was currently serving me a cake. Tumayo ako sa upuan at tumakbo palapit sa kanya. Para akong bata na sumalubong sa kanyang kuya. Mabilis akong yumakap sa kanya nang mahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa pagkagulat dahil sa ginawa ko. Pero ginantihan naman niya ako ng yakap. “Naging malambing ang kapatid ko, ah!” Natatawang sabi niya matapos kumawala sa yakap ko. “Eh, ilang araw ka rin na hindi umuwi.” nakangusong sabi ko. Tatlong araw na hindi umuwi si Kuya Ashulet dahil may mga inasikaso pa siya after the meeting with the Emperor. “Sigh. Rineah, hindi ko namalayan na lumalaki ka na. Parang kailan lang pasan pa kita sa balikat ko.” sabi ni Kuya Ashulet

  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 02 :

    Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o epekto lang ng car accident ko? Pero, kahit anong gawin ko ay nandito pa rin ako.I even hurt myself by jumping on the lake where I almost died. Luckily, Elder Brother Ashulet saved me from drowning myself.Napatingin ako sa paligid ko habang nakalumbaba ako. Kitang-kita ko ang tense sa mga mata ng pitong knights na nasa paligid ko. They were assigned by my Elder Brother to look after me while he was in the palace. He has a meeting with the Emperor as the General of a Royal Knights who fought in a war.Maganda na sana ang paligid ko dito sa garden kaya lang panira sa view ang mga knights. Daig pa nila ang mga bodyguards ko na binigyan ako ng space to be alone with myself. Pero sila kulang na lang ay maging human CCTV.I know they didn't like to look after me. After all, they trained themselves to fight in a war not to be like a bodyguard. Medyo nakakahiya ng kaunt

  • Marrying The Second Male Lead   Chapter 01 :

    “Ugh!” Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Unti-unting iminulat ko ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang kulay gintong kisame na may kakaibang disenyo na ngayon ko lang nakita. Maganda ang disenyong nasa kisame na para bang pinaglaanan ito ng maraming pera dahil parang totoong ginto ang naroon. Parang isang bulaklak ang disenyo na hindi mo maintindihan dahil may kung ano pang hugis ang nasa paligid nito. Napabalikwas ako ng bangon na mabilis ko rin na pinagsisihan. Dahil sa gumuhit na sakit sa ulo ko na para bang tinutusok ito. “Geez! Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ko habang sapo ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko na epekto siguro ng pananakit ng ulo ko. Parang nayanig ang buong mundo ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko na parang turumpo. Hilong-hilo ako ngayon habang pumipintig ang sentido ko. Nakarinig ako na may bumagsak na bagay kaya napatingin ako sa kung saan habang iniinda ko ang pagkahilo na nararamdaman

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status