“Anong ginagawa mo riyan sa likuran ko, Rineah?” puna ni Kuya Ashulet sa akin ng magtago ako sa likuran niya dahil sa nakita kong pagsulyap at pagngiti sa akin ng Crowned Prince.
Magkakilala na ba sina Rineah at Crowned Prince bago pa man ako mag-reincarnated sa mundong ito? Parang wala naman sa scripts na binasa ko at kahit noong nagpalitan kami ng mga lines ng casts ay wala naman nabanggit na nagkita na sila.
Kahit noong namatay si Rineah ay hindi naman nasabi na nagkita na sila dati. Basta ang natatandaan ko ay palihim na nag-aaral si Rineah na maging qualified na Crowned Princess. 'Yung tipong perfect niya na ang Royal Etiquette. Kaya nga niya nakilala ang kanyang kababata na isa sa mga assassins na pumatay sa kanya. Shen Dan ang name ng commoner na naging friend niya and assassin at the same time.
"Saklap naman pala ng story na ito. 'Yung tinuring mong kaibigan ang siyang papatay pala sa 'yo?" pabulong kong sabi habang nasa likuran pa rin ni Kuya Ashulet.
Hinawakan ko ang tela ng damit niya sa likod at mahinang hinihila-hila ito ng paulit-ulit. Napapa-pout na ako habang ginagawa ko iyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang ngumingiti sa akin ang Crowned Prince.
Aaminin ko na talagang gwapo talaga siya, as in gwapo talaga. Walang-wala sa kagwapuhan niya ang gaganap sa role niya na si Park Haensil. Ang hirap i-describe 'yung kagwapuhan niya. Pero kahit na ganoon ay hindi ko siya type. Parang walang sparks or kilig akong nararamdaman hindi kagaya sa mga oras na nakikita ko ang crush ko noong nasa South Korea pa ako.
“Uhm, alam mo, Kuya Ashulet. Kahit pala nakatalikod ka ang gwapo mo pa rin. Ang taas talaga ng level ng charisma mo, ano?” pagdadahilan ko.
Inangat ko ang aking tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay may nakatutok na matulis na bagay sa lalamunan ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Halatang hindi siya naniniwala sa dahilan ko.
“Anong level ng charisma ang sinasabi mo?”
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya Ashulet pati ang naguguluhan na expression ng kanyang mukha.
Napatakip ako ng labi gamit ang kanang kamay ko.
Wala bang word na charisma sa mundong ito? Seryoso ba? halos hindi makapaniwala na tanong ko sa isipan ko.
“Uh, ang ibig kong sabihin ay kahit sinong noble lady ay kayang mabihag ng iyong kagwapuhan, Kuya Ashulet.” ngiti ko pang sabi.
"Ren——” naputol ang pagsasalita ni Kuya Ashulet ng may kamay na biglang dumapo sa kanang balikat niya.
Napaatras ako ng makilala ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon.
Bakit siya nandito? tanong ko na naguguluhan sa isipan ko dahil hindi ko inaasahan na magtatagpo ang landas namin ngayon.
“Young Duke Norweinz.” ngiting sabi ng Crowned Prince na nakatingin kay Kuya Ashulet.
“Greeting to the Crowned Prince of Aeron Empire!” sabi ni Kuya Ashulet na yumuko pa rito.
Mabilis akong umatras at naglakad palabas sa lugar na iyon. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Kuya Ashulet sa pangalan ko.
“Haa! Finally, makakahinga na rin ako nang maluwag.” sabi ko ng makarating ako sa garden ng palasyo.
Tumingin muna ako sa paligid kung mayroon bang tao bukod sa akin sa garden ng palasyo pero mukhang lahat ng tao ay nasa loob ng party hall. Kahit na walang tao sa paligid ay hindi naman ako nakakaramdam ng takot dahil sa mga poste ng ilaw na nasa graden. Kung ako ang tatanungin ay magandang lugar ito sa mag-partner na gustong mag-date habang namamasyal sa garden.
Umupo ako sa damuhan at tinanggal ang suot kong sandals. Hindi komportable sa pakiramdam ang sandals na suot ko ngayon dahil pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng kalyo sa aking paa.
Minasahe ko ang aking paa at hindi pinansin na nagmumukha akong batang nagtatago sa pagitan ng dalawang halaman na hanggang balakang ko kung nakatayo ako. Tahimik akong naupo sa damuhan. Sigurado na kapag may nakakita sa akin ay tiyak na pinagtatawanan ako dahil sa akin itsura. 'Yung tipong isang noble lady ang naglalaro ng tagu-taguan sa garden pa mismo ng palasyo ng Aeron Empire.
“Siguro, kung 'yung tunay na Rineah ang nandito ay tuwang-tuwa iyon. Lalo pa sabi ni Kuya Ashulet na crush iyon ni Rineah, pero ako bilang Rineah ay hindi ko siya crush. Hindi ko talaga crush ang Crowned Prince kahit na gwapo ito in person.” mahinang sabi ko na patuloy pa rin sa pagmasahe ng paa ko. Unti-unti na rin ako nakakaramdam ng ginhawa habang patuloy pa rin sa pagmasahe ng paa ko.
Sa novel na 'The Crowned Prince Love' ang makakatuluyan talaga ng Crowned Prince ay ang kapatid kong si Araneiah. Kaya dapat masunod ang story na iyon na sila ang magkakatuluyan sa huli kahit pa na sa timeline ngayon ay titiyakin kong hindi ako mamamatay.
“I need a man who can protect me and be my shield. Para kapag nangyari nga ang kinakatakutan kong assassination ay may magtatanggol at magliligtas sa akin.” mahinang sabi ko. Parang baliw na rin ako kung titingnan dahil sa pag-kausap ko sa sarili ko.
Iisang tao lang ang iniisip ko na makakagawa ng bagay na iyon, ito ay ang second male lead. He is strong, kaya ka talaga niyang ipaglaban ng patayan kagaya ng ginawa niya sa novel.
“Kapag ba mas nauna niya akong makilala kaysa kay Araneiah, pwede kaya na sa akin siya unang ma-develop? Hmm?!” malalim akong napaisip kung may posibilidad bang mangyari iyon.
Hindi naman siguro masamang kunin ang second male lead sa totoong female lead na si Araneiah. Dahil mas papabor pa nga iyon sa kanya ng walang second male lead siyang masasaktan.
“Deserve naman din ng second male lead ang happy ending dahil sila ang character na mas nagmamahal ng sobra-sobra. Tapos sa huli ay sila 'yung sobrang masasaktan at maiiwan na mag-isa. Worst is, sila pa 'yung nagsa-sacrifice for the female lead. Ang sakit sa puso, lalo na 'yung tinatawag nilang second male lead syndrome.” sabi ko na patuloy pa rin sa pag-kausap sa sarili ko.
A second lead syndrome is when the readers feels more love and sympathy for the parallel lead or the second lead as opposed to the main lead.
For me, mostly sa mga koreanovela ngayon sa South Korea puro mas gwapo ang second male lead kumpara sa mismong bida. Kahit kasi ako na korean actress ay may second male lead syndrome. Kaya siguro mas prefer ko na ang second male lead ng mundo ito ang papakasalan ko. Siguradong mamahalin na ako at pro-protektahan pa!
Sigurado na gwapo rin ang Young Duke ng Earlford Duchy. Hindi ko pa alam kung ano ang itsura ng second male lead dahil simula nang mag-reincarnated ako dito ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam kung um-attend din ito ngayon sa coming of age celebration ng Crowned Prince.
Nagitla ako nang marinig ang sunod-sunod na putok na mula sa isang fireworks hudyat na nagsisimula na ang sayawan.
Buti nalang talaga ay nandito na ako bago mag-umpisa ang sayawan para hindi ako ang yayayain ng Crowned Prince na makasayaw.
Hindi naman sa iniiwasan ko siya ay kailangan masunod pa rin ang plot ng story na ito na si Araneiah ang mamahalin ng Crowned Prince.
“Ayos ka lang ba, My Lady?”
Napasinghap ako sa boses na narinig ko kaya mabilis kong ginala ang mga mata ko kung saan ito nanggaling.
I saw a man standing in front of me. Parang ang ganda lang tingnan na habang may nakatayong lalaki sa harapan ko ay may fireworks display naman sa kanyang likuran.
“Hmm?!”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya may pagtataka na tiningnan ko lang siya.
Ano ba ang greetings ng mga noble lady sa taong hindi nila kilala? Parang narinig ko na iyon sa isa sa mga cast ng nag-practice kami. Pero hindi ko matandaan kung ano iyon. Hindi nga rin ako nakapagbigay ng greetings kanina sa Crowned Prince.
Disrespecting na ba sa Royal Family ang ginawa ko na iyon kanina kaya tinawag ako ni Kuya Ashulet?
“Naliligaw ka ba or nasaktan ka?” tanong sa akin ng lalaki na inilahad pa ang kamay sa akin para alalayan akong makatayo mula sa pagkakasalampak ko sa damuhan.
Tinanggap ko ang kamay niya kahit alam kong medyo madumi ang kamay ko dahil sa pagmasahe ng paa ko. Pero nakakahiya rin kasing tanggihan ang kamay niya na nakalahad. Ayokong maging rude ngayon kahit pa sa hindi ko kilala.
“Salamat, Ginoo. Pero nasa maayos naman akong kalagayan, nais ko lang naman maupo at magpahinga rito.” tugon ko kahit alam kong medyo hindi convincing 'yung dahilan ko dahil sino ba namang tao ang maiisip na umupo sa damuhan at nasa pagitan pa ng dalawang halaman?
“Talaga? Naabala ba kita?” tanong muli niya na napatingin sa paa ko dahil nakayapak ako.
“Uh, oo, pero hindi mo naman ako naabala. Gusto mo bang maupo rin dito?” alok ko na muli na namang umupo sa damuhan. Parang naging useless lang din 'yung pag-akay niya sa akin patayo dahil umupo na naman ako.
Tumingin siya muna sa mga mata ko bago umupo. Maliwanag ang paligid dahil sa poste ng ilaw na malapit lang sa amin.
Nahihiyang isinuot kong muli ang aking sandals kahit na gusto ko pang ipagpatuloy ang ginagawa kong pagmasahe pero nakakahiya rin sa kanya kung gagawin ko pa rin ito habang nasa tabi ko siya.
Bakit kaya ang gaan ng loob ko sa taong ito? Normally kapag may na meet kang stranger dapat na matakot ka at iwasan mo siya. Pero bakit nagawa ko pang alukin siyang umupo rin sa damuhan?
“Mukhang galing ka sa loob, hindi mo ba nais na pumasok muli? Nagsisimula na ang sayawan at may pagkakataon ka rin na maisayaw ka ng Crowned Prince.” aniya na may kakaibang tono ng boses. Parang may kung anong tono ito na disgusto sa sinabi niya.
Hindi ba niya gusto ang party ngayon kaya nandito rin siya kagaya ko? Pero..
Palihim kong pinagmasdan ang mukha niya habang abala siya sa pagtingin sa fireworks display na patuloy pa rin na nagpapamalas ng magandang fireworks.
Matangos ang kanyang ilong at may magandang hubog ng jawline na talagang kakainggitan ng mga kalalakihan dahil nakakadagdag ito sa kagwapuhan. Medyo mahaba ang kanyang pilikmata at ang labi niya ay medyo may kanipisan. Pero maganda ang kanyang ngiti na pwedeng maging model ng toothpaste.
Bumaling na rin ako sa kawalan at tiningnan ang fireworks na unti-unti ng nawawala senyales na tapos na ang pagpapalipad ng mga fireworks.
“Uh, bago ang lahat nakalimutan ko palang magpakilala. Ako nga pala si Rineah Arise Norweinz ng Norweinz Duchy.” pagpapakilala ko ng bumaling sa katabi ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na hindi man lang yumuko sa kanya bilang respeto at paggalang.
“Norweinz Duchy? Kung gayon ay ikaw ang anak ng pinakamagaling na Duke na hinahangaan ng imperyo. Ikinagagalak kong makilala ang kanyang anak, ikinagagalak kitang makilala, Lady Norweinz.” aniya na kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan ito.
Napasinghap ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan ang gano'n na tagpo.
Teka lang, ito ba ang greeting o pagpapakilala dito? Pero kasi, ano, nakakailang.
Kahit na hindi ako manalamin ay alam kong namumula ang aking mukha sa pagkailang na nararamdaman ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng hiya na hindi ko alam kung bakit.
“Ako nga pala si Brix.” pagpapatuloy na sabi niya.
“Brix?” patanong na banggit ko sa pangalan niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit Brix lang ang pagpapakilala niya sa akin at wala ang surname niya.
Ang alam ko sa ganitong lugar ang wala lang surname ay mga alipin. Pero hindi naman siya mukhang alipin at isa pa, parang mula siya sa prominent family dahil sa kanyang tindig at pananalita.
“Ano iyon, Lady Norweinz?” tugon niya sa akin na nakangiti.
Napakurap ako dahil parang may kung anong liwanag sa ngiti niya na nakita ko.
What was that?
“Medyo naiilang ako habang tinatawag mo akong Lady Norweinz, pwede mo naman akong tawagin na Rineah.” sabi ko na hindi makatingin sa kanya.
“Pe-pero hindi ba iyon nakakawalang respeto sa 'yo na tawagin ka sa pangalan mo?” parang nanginig ang kanyang boses. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig.
“Huh? Hindi naman, ah, saka tinatawag din naman ako sa pangalan ko ng Kuya Ashulet ko at Ate Araneiah.” sabi ko na bahagyang napanguso pa dahil wala naman masama kung tawagin ako sa pangalan ko. Bakit ba pakiramdam ko ay big deal ito dito?
“Pe-pero iba pa rin iyon dahil kapatid at pamilya mo sila. Pero kapag sa ibang tao ay hindi, maliban na lang kung ito ay iyong kasintahan.” aniya na bigla na lang nahiya. Parang may kung ano itong nasabi na hindi naman dapat.
“Ah——” magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
“Rineah!” tawag muli ng isang tao sa pangalan ko.
Mabilis akong tumayo ng makita ko ang Crowned Prince at nasa tabi nito si Kuya Ashulet.
“Kuya Ashulet?!” tawag ko sa pangalan niya na medyo nagtataka kung talaga bang siya ang nakikita ko ngayon.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Brix pero hindi ko siya magawang tingnan ngayon.
“Mauna na ako sa 'yo, Lady Norweinz. Nagagalak akong makilala ka.” sabi ni Brix na mabilis umalis at iniwan ako kasama si Kuya Ashulet at ang prinsipe.
Tututol sana ako sa pag-alis niya pero wala naman akong masasabing dahilan para pigilan ito sa pag-alis. Lalo na't hindi talaga kami literal o matagal na magkakilala.
“Kanina pa kita hinahanap, Rineah, nandito ka lang pala.” bakas sa boses ni Kuya Ashulet ang pag-aalala. Ipinatong pa niya sa balikat ko ang suot niyang coat.
Napansin ba nila na may kausap ako or what?
“Paumanhin, Kuya Ashulet, gusto ko lang magpahangin at mamasyal dito sa garden ng palasyo.” sabi ko. Hindi ko alam kung convincing 'yung reason ko na iyon sa kanila.
Tumingin ako sa Crowned Prince na bakas sa mukha na nag-aalala ito pero kita rin ang saya sa mukha niya.
“Mabuti na lang nasa maayos ka na lagay ngayon dahil kanina pa nag-aalala si Ashulet.” aniya na ngumiti ng matamis sa akin. Bakas sa mukha nito na masaya siyang makita ako.
“Greeting to the Crowned Prince of Aeron Empire.” mabilis na sabi ko na yumuko habang hawak ang magkabilang side dress ko na medyo inangat ko bilang pagbibigay galang.
Ngumiti ito sa akin. “Ikinagagalak kitang makilala, My Princess.” aniya na inabot at hinalikan ang kanan kong kamay.
Napasinghap ako sa pagkagulat at pagdaloy ng kuryente mula sa kamay kong hinalikan niya.
Two men kissed my right hand tonight.
Itinaas ko ang aking kanan na kamay na parang inaabot ko ang ulap na gumagalaw pa kanan. Natatakpan ng ulap ang araw kaya naman hindi masyadong tirik ang araw ngayon kahit na tanghaling tapat na.Hindi dahil sa ulap kaya nakataas ang aking kanan na kamay. May pagtataka ko itong pinagmamasdan dahil simula kagabi pag-uwi namin galing Aeron Empire ay ramdam ko pa rin ang labing dumampi sa kanan kong kamay.The soft lips of the male lead of the novel, Crowned Prince Ishid Aeron.“Hindi ko rin masisisi kung bakit marami ang nagkakagusto sa male lead. Pero, hanggang ngayon ba ay may feelings pa rin ba sa kanya ang totoong Rineah?” tanong ko sa hangin.Minsan ay iniisip ko na baka isang araw ay hindi na ako magising pa, na baka bumalik ang totoong Rineah. Minsan natatakot ako matulog baka sa ibang lugar na ako mapunta. Pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong manatili sa mundong ito. I wan
“Ugh!” Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Unti-unting iminulat ko ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang kulay gintong kisame na may kakaibang disenyo na ngayon ko lang nakita. Maganda ang disenyong nasa kisame na para bang pinaglaanan ito ng maraming pera dahil parang totoong ginto ang naroon. Parang isang bulaklak ang disenyo na hindi mo maintindihan dahil may kung ano pang hugis ang nasa paligid nito. Napabalikwas ako ng bangon na mabilis ko rin na pinagsisihan. Dahil sa gumuhit na sakit sa ulo ko na para bang tinutusok ito. “Geez! Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ko habang sapo ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko na epekto siguro ng pananakit ng ulo ko. Parang nayanig ang buong mundo ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko na parang turumpo. Hilong-hilo ako ngayon habang pumipintig ang sentido ko. Nakarinig ako na may bumagsak na bagay kaya napatingin ako sa kung saan habang iniinda ko ang pagkahilo na nararamdaman
Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o epekto lang ng car accident ko? Pero, kahit anong gawin ko ay nandito pa rin ako.I even hurt myself by jumping on the lake where I almost died. Luckily, Elder Brother Ashulet saved me from drowning myself.Napatingin ako sa paligid ko habang nakalumbaba ako. Kitang-kita ko ang tense sa mga mata ng pitong knights na nasa paligid ko. They were assigned by my Elder Brother to look after me while he was in the palace. He has a meeting with the Emperor as the General of a Royal Knights who fought in a war.Maganda na sana ang paligid ko dito sa garden kaya lang panira sa view ang mga knights. Daig pa nila ang mga bodyguards ko na binigyan ako ng space to be alone with myself. Pero sila kulang na lang ay maging human CCTV.I know they didn't like to look after me. After all, they trained themselves to fight in a war not to be like a bodyguard. Medyo nakakahiya ng kaunt
“Kuya Ashulet!” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papalapit sa akin. I was in the garden and having my tea time again with the seven knights around me while my personal maid was currently serving me a cake. Tumayo ako sa upuan at tumakbo palapit sa kanya. Para akong bata na sumalubong sa kanyang kuya. Mabilis akong yumakap sa kanya nang mahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa pagkagulat dahil sa ginawa ko. Pero ginantihan naman niya ako ng yakap. “Naging malambing ang kapatid ko, ah!” Natatawang sabi niya matapos kumawala sa yakap ko. “Eh, ilang araw ka rin na hindi umuwi.” nakangusong sabi ko. Tatlong araw na hindi umuwi si Kuya Ashulet dahil may mga inasikaso pa siya after the meeting with the Emperor. “Sigh. Rineah, hindi ko namalayan na lumalaki ka na. Parang kailan lang pasan pa kita sa balikat ko.” sabi ni Kuya Ashulet
Mayroon kaming bisita ngayon na mensahero mula sa Aeron Empire na kausap ngayon ng mga magulang ko sa drawing room. Hindi ko alam kung bakit ito nandito ngayon. At wala rin naman akong balak na alamin ang dahilan ng pagpunta nito sa Norweinz Duchy.Lumabas ako at pumunta sa malawak na hardin. Nasa aking likuran si Maria na tahimik lang na sinusundan ako. Wala na 'yung seven knights na laging nakabuntot sa akin dahil busy na rin ito sa kanilang training. Nalalapit na ang war na pinangungunahan ni Kuya Ashulet kaya kailangan ko ng maibigay sa kanya ang amulet na pinabili ko.Nilibot ko ang aking tingin at buong paghanga kong tinitingnan ang paligid na punong-puno ng mga bulaklak. Para itong isang paraiso na hindi ko akalain na personal kong makikita ng dalawang mata ko. Higit na mas maganda ito kaysa sa mga napuntahan kong pasyalan sa South Korea.Napahinto ako sa paglalakad at pumitas ng isang puting rosas. Masaya ko iton

“Anong ginagawa mo riyan sa likuran ko, Rineah?” puna ni Kuya Ashulet sa akin ng magtago ako sa likuran niya dahil sa nakita kong pagsulyap at pagngiti sa akin ng Crowned Prince. Magkakilala na ba sina Rineah at Crowned Prince bago pa man ako mag-reincarnated sa mundong ito? Parang wala naman sa scripts na binasa ko at kahit noong nagpalitan kami ng mga lines ng casts ay wala naman nabanggit na nagkita na sila. Kahit noong namatay si Rineah ay hindi naman nasabi na nagkita na sila dati. Basta ang natatandaan ko ay palihim na nag-aaral si Rineah na maging qualified na Crowned Princess. 'Yung tipong perfect niya na ang Royal Etiquette. Kaya nga niya nakilala ang kanyang kababata na isa sa mga assassins na pumatay sa kanya. Shen Dan ang name ng commoner na naging friend niya and assassin at the same time. "Saklap naman pala ng story na ito. 'Yung tinuring mong kaibigan ang siyang papatay pala sa 'yo?" pabulong kong sa