Share

Chapter 4: The Power Play

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2025-02-17 18:12:43

Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.

Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.

Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.

Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?

Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakayanig ng mundo ang halik na binibigay ni Kristoff sa kanya. Tila hinihigop nito ang kanyang kaluluwa kaya't ganoon na lamang ang kanyang hingal at pagkahilo. Nakakulong siya sa matigas na mga bisig nito, at pakiramdam niya ay isa siyang bulaklak na yakap-yakap nito sa gitna ng malakas na unos na karapat-dapat na protektahan. Ngunit nang humupa ang kanyang pagkabigla, ay siya namang pagsambulat ng kanyang galit.

Sa loob ng maraming taon, tiniis niya ang kahihiyan, at ang pagbagsak niya mula sa r***k ay nagtulak sa kanya sa pinakamadilim na kailaliman. Ngunit kailanma'y hindi nakasama sa kanyang pagpipilian ang pagsuko; palagi niyang pinaghahandaan ang paghihiganti. Kaya't likas lamang na tumanggi siya sa pagkatalo.

Kaya naman, walang pag-aalinlangang iniyakap niya ang kanyang mga bisig sa leeg ni Kristoff, at ibinalik niya rito ang halik nang may kaparehong intensidad.

Pagkatapos ng lahat, anong pinsala ba ang maidudulot ng isang halik sa kanya? At ang lalaking kasalo niya sa halik ay hindi lang napakagwapo, kundi may mataas ding katayuan sa lipunan. Kaya't anu't-anuman, walang mawawala sa kanya.

Nilabanan niya ang marubdob na halik nito sa pamamagitan ng kanyang dila. Hindi niya hinayaang lubos na manaig ang lalaki sa kanya. Sa halip na umurong, hinarap niya ito ng buong tapang at siya mismo ang kumontrol.

Ang isang halik na nagsimula bilang isang panig lamang, ay mabilis na naging isang laban.Isang paghahamunan, isang palitan ng lakas sa gitna ng matinding pagnanasa.

Naging matindi ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Bumalot iyon sa kanilang dalawa, at bawat segundo'y lalong umiinit hanggang sa kapwa sila naghahabol na ng mga hininga.

Nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi, parehong namamaga iyon at bahagyang may bakas ng dugo. Isang patunay iyon kung gaano kapusok ang sandaling iyon.

Binitiwan ni Kristoff si Irene, at kaswal na hinaplos ang sulok ng kanyang bibig kung saan naroon ang marka ng mga ngipin nito. Matalim ang kanyang mga mata habang nakatutok sa babae ang kanyang paningin, tila sinusuri niya ito nang buong lalim.

Sa kabilang banda, ay matatag namang tinitigan pabalik ni Irene si Kristoff. Wala siyang bahid ng takot o alinlangan. Ang tapang niyang ito ang nakakuha ng respeto mula sa mga taong nanonood sa kanila. Ngayon, malinaw na sa lahat kung bakit agad na nahumaling si Kristoff sa kanya.

Si Irene ay matapang, isang uri ng lakas na hindi kayang balewalain. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na kagatin ang labi ni Kristoff, hindi siya nagkaroon ng takot sa anumang maaaring maging kapalit nito.

Patuloy na pinagmamasdan ni Kristoff si Irene, at sa kanyang kaloob-looban, ay may kasiyahang unti-unting sumibol doon. Ang hapdi sa kanyang labi ay nagsisilbing matinding paalala ng kung ano ang naganap. Ang babaeng nasa harapan niya, sa kabila ng mala-anghel nitong kagandahan, ay hindi isang marupok na bulaklak. Isa itong rosas na may tinik, at kung sinumang magkamaling maliitin ito ay tiyak na pagbabayarin nito.

Iyon mismo ang nagbigay kay Irene ng kakaibang alindog. Ang panganib na bumabalot sa kanyang kagandahan ang siyang lalong nagpapadala kay Kristoff sa kanya.

"Nagustuhan mo ba, Mr. Montecillo?" tanong ni Irene, binasag ang katahimikan.

"Oo. Tara na," nakangiti namang sagot ni Kristoff. "Ngayon aayusin na natin 'yang munting problema mo."

Makalipas ang tatlumpung minuto, ay dinala ni Kristoff si Irene sa pinakamagarbong hotel suite sa lugar na iyon.

"Boss."

Pagpasok nila, ay agad na pumwesto ang mga lalaking nakasuot ng itim na suit, at sabay-sabay na bumati kay Kristoff nang buong paggalang at may intimidasyon. Bawat isa sa kanila ay mahuhusay at batikang mandirigma, ngunit lahat sila ay nagpapakita ng pinakamataas na respeto sa lalaki.

Tumango si Kristoff, umupo sa sofa, at itinuro kay Irene ang pwesto sa tabi niya.

Sa kabila ng mapanuri, mausisa, at walang pakialam na mga tingin ng nasa paligid, ay kalmadong umupo si Irene sa tabi ni Kristoff. Dahil naisip niyang nasa delikadong sitwasyon na siya, ay wala nang dahilan para mag-alinlangan pa siya.

Si Kristoff naman ay napangiti sa nakitang pananahimik ni Irene. May bahagyang aliw na sumilay sa kanyang mga mata.

"Roland, dalhin siya rito," utos ni Kristoff. Naroon ang katatagan sa kanyang boses, at ang marangal na presensya niya ay nagparamdam sa lahat ng kanilang kaliitan kumpara sa kanya.

Ilang saglit pa, isang lalaking may salamin at mukhang mahinhin ang kumumpas ng kamay, at pagkatapos ay may naghatak ng isang malaking sako papasok sa silid.

Nang matanggal ang tali at bumukas iyon, lumitaw ang isang gusgusing lalaking mahigpit na nakagapos sa mga lubid. Gusot ang abuhing buhok nito, at ang maruming damit nito ay may bakas ng sapatos-- patunay ng matinding pambubugbog.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Irene sa pagkagulat nang makita kung sino iyon. Ito'y walang iba kundi si Rigor, ang kilalang hari ng krimen sa kanilang lugar.

Sa loob ng tatlumpung taon, pinamunuan ng pamilya Rosendahl ang lungsod, kontrolado ang mga bars at nightclubs habang nagpapatakbo ng internasyunal na kalakalan ng armas. Kahit ang makapangyarihang pamilya ng Montecillo ay nag-iingat sa kanila.

Inakala ni Irene na makikipagkasundo si Kristoff kay Rigor. Dahil sa impluwensya ni Kristoff, inisip niyang mapipilitan si Rigor na magpakumbaba rito. 

Ngunit hindi niya inasahan na basta na lang kikidnapin ni Kristoff si Rigor. Ipinakita lang nito ang isang bagay-- wala ni katiting na halaga ang pamilya Rosendahl sa paningin ni Kristoff.

Nang ihagis si Rigor sa sahig, agad itong nagpakawala ng galit na sigaw.

"Sino ka sa akala mo para dalhin ako rito nang ganito? Pakawalan n'yo ako ngayon din, kundi ay hahanapin kayo ng mga tauhan ko para durugin kayong isa-isa!"

Pagkatapos na pagkatapos ng pagwawala ni Rigor, ay agad na nag-utos si Kristoff, "Lumpuhin n'yo 'yan."

Sa isang iglap, kinuha ng lalaking may salamin ang isang baril na may silencer, at ipinutok sa mga kamay at paa ni Rigor.

Apat na sunod-sunod na putok, at eksaktong tinamaan ang mga litid ni Rigor.

At sa isang kisap-mata, nawala ang kakayahan nitong lumaban at tuluyan nang naging inutil magpakailanman

Kaugnay na kabanata

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

    Huling Na-update : 2025-02-17

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status