Share

Chapter 2: A Dangerous Encounter

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2025-02-17 18:10:32

Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.

Bang!

Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.

Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.

Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.

Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.

Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.

Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang ulo. Sinusubukan niyang intindihin ang mga pangyayari. At mula sa basag na bintana, ay nakita niya ang kumikislap na apoy sa may di-kalayuan.

"Diyos ko!"

Huli na nang napagtanto niyang nasa gitna sila ng nakamamatay na barilan. Malamang, isang rambol ito sa pagitan ng dalawang nag-aaway na gang.

Pinatatag ni Irene ang kanyang sarili. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at yumuko, gumapang siya papalapit sa gilid ng kalsada.

Ngunit bago pa siya makagalaw nang higit pa, isang pigura ang lumitaw mula sa dilim. Matangkad at matipuno, mabilis itong kumikilos. Kahit na natatakpan ng maskara ang halos kalahati ng mukha nito, ay kitang-kita pa rin ni Irene ang matatalim nitong mata at ang matangos na ilong nito. May malaking marka ng dugo ang kumalat sa tagiliran ng damit nito. Hinihingal at pasuray-suray itong lumapit sa kanya, bago bumagsak at nawalan ng malay sa kanyang paanan.

Sakto namang sumulpot mula sa dilim ang isa pang grupo ng mga lalaki na pawang mga armado rin. Nakaukit sa mukha ng mga ito ang mabagsik na determinasyon, at bawat isa'y mayroong tattoo sa kamay.

"Magaling! Napatumba rin natin siya. Tsugihin na natin 'yan!"

Ang pinuno ng grupo, kalbo at may mga matang nanlilisik, ay nagtaas ng baril at itinutok sa lalaking nakahandusay. Ngunit bigla ay napadako ang mga mata nito kay Irene.

Nakabihis siya nang napakaelegante dahil dapat sana'y ipanreregalo siya para kay Rigor Buenaflor ngayong gabi. Nakasuot siya ng pulang bestida na lalong nagpatingkad sa kanyang hubog, at bumagay iyon sa mala-porselana niyang kutis. Ang makintab na buhok naman niya ay malayang nakabagsak sa kanyang balikat, hinuhulma niyon ang kanyang mala-manikang mukha na may malalaking inosenteng mga mata.

Sa madaling salita ay mukha siyang pangitain mula sa isang panaginip, o isang tukso na nagkatawang-tao.

Lumapad ang ngisi ng kalbong lalaki, at kuminang ang mga mata nito sa malaswang hangarin. Mukhang hindi pa ito nakakakita ng babaeng kasing ganda ni Irene, kaya't wala itong balak na palagpasin ang pagkakataong ito.

"Habang nililigpit n'yo ang isang 'yan, magpapakasasa muna ako sa magandang babaeng ito."

Sumugod ang lalaki at tinulak si Irene pabalik sa sasakyan. Idiniin nito ang buong bigat sa dalaga.

"Huwag, maawa ka!" pakiusap ni Irene. Nanginginig ang tinig niya habang nagpupumiglas siyang makawala. "Huwag n'yo po akong saktan, pakiusap!"

"Bakit ko naman sasaktan ang isang magandang katulad mo?" panunukso ng lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ni Irene, habang unti-unting inilalapit ang mukha. Ramdam na ramdam tuloy ng dalaga ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balat.

Sa may bandang likuran, ay naghahalakhakan naman ang mga kasamahan nito. Lalong binubuyo ang lider ng grupo, at tila libang na libang sila sa panonood.

Ngunit hindi nila napansin ang mahinang paggalaw ng kamay ni Irene. Dahan-dahan iyong sumuot sa kanyang maliit na bag. At sa isang mabilis at desperadong galaw, ay mahigpit niyang hinawakan ang isang ballpen at buong lakas na tinarak sa leeg ng lalaki.

Biglang nanlaki ang mga mata ng kalbo. Hindi ito makapaniwala habang pumupuslit ang masaganang dugo mula sa kanyang sugat. Lumuwag ang pagkakahawak nito kay Irene.

Nawala na ang itsura ng isang dalagang takot na takot at walang kalaban-laban. Ang mga mata niyang kanina'y punong-puno ng pangamba, ngayo'y kumikislap sa malamig na determinasyon.

Ang dating marupok at mala-anghel na kagandahan, ay naging isang duguang rosas na madilim at mapanganib.

"G*go, eh 'di nakita mo ang hinahanap mo."

Sandaling natigilan ang mga tauhan, ngunit agad silang nilamon ng galit at sabay-sabay na sumugod kay Irene. Handa nilang patayin ang dalaga.

Bumusina ang kanyang tinig sa gitna ng kaguluhan nang may talim at awtoridad.

"Huwag kayong gagalaw, kundi ay huhugutin ko ang ballpen. Magdurugo siya rito hanggang sa siya'y mamatay.

Agad na napatigil ang mga lalaki. Walang sinuman sa mga ito ang naglakas-loob na gumalaw.

Sa sandaling iyon, biglang kumilos ang lalaking nakahandusay, hawak ang baril, at pinaulanan ng bala ang mga natigilang goons. Napakabilis ng kilos niya na halatang pekeng sugatan lang siya.

Maging ang kalbong lalaking may hawak kay Irene ay bumagsak sa lupa. Naliligo ito sa sariling dugo dahil sa isang balang tumagos sa bungo nito.

At bago pa man matalsikan ng dugo, ay mabilis na iniwas ni Irene ang ulo niya. Ngunit ang kanyang damit at binti ay hindi nakaligtas, at pinuno iyon ng mainit at malagkit na dugo.

"Ugh!"

Sumalubong sa kanya ang nakakasukang amoy ng dugo na amoy malansang bakal. Sumama ang kanyang pakiramdam, at hindi niya napigilan ang pagduduwal. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at napabagsak siya sa gilid.

Ngunit bago pa man siya tuluyang bumagsak, isang bisig ang pumalibot sa kanyang beywang, at itinayo siya pabalik.

Matibay ang hawak ng lalaki, at sa mga mata nito ay naroon ang nanunuksong kinang.

"Ang tapang mo kanina, ah. Anong nangyari?"

Mabilis na napaatras si Irene at itinulak palayo ang lalaki habang tinitignan ito nang masama.

"Bitiwan mo 'ko!" 

Ngunit bago pa siya makapagsalitang muli, ay may lumitaw na mga lalaking nakaitim mula sa dilim. matitigas ang mga mukha nito at malalamig ang mga mata.

Maging sa buong paligid, ay may anino ng mga armadong lalaki na hawak ang lahat ng sniper points. Mapanganib ang mga kilos nito, at sa unang tingin pa lang ay masasabi na ni Irene na sanay ang mga itong pumatay ng tao. Para bang karaniwang gamit lang sa mga ito ang malalakas na baril at rocket launcher. Sa madaling salita, para silang mga elite strike force na sanay sa laban, walang takot, at nakakakilabot.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ay isa-isang lumuhod ang mga ito. Marami sila, at sabay-sabay na yumuko ang mga ulo na tila yumuyuko sa isang hari.

"Naghihintay lang kami ng utos mo, Mr. Montecillo." buong galang na tanong ng kanilang pinuno.

Napasinghap si Irene dahil sa narinig.

"I-Ikaw ba si Kristoff Montecillo?"

Kaugnay na kabanata

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

    Huling Na-update : 2025-02-17

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status