Share

Chapter 3: A Deal With The Devil

Author: inKca
last update Last Updated: 2025-02-17 18:11:38

Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.

Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.

Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.

Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

Napangiti si Kristoff, at sa kanyang mga mata ay kumislap ang isang banta.

"At kung ako nga?"

Nanlaki ang mga mata ni Irene na halos maging kasing laki ng platito.

Kristoff Montecillo-- ang pangalang iyon ay may bigat ng isang alamat.

Dati, ay isa lamang itong miyembro ng sangay ng pamilyang Montecillo bago ito naglaho sa loob ng sampung taon. Ngunit nang ito ay bumalik, mag-isa nitong sinakop at pinamunuan ang buong underworld ng bansa, at ginawang isang hari na walang katapat.

Sa katunayan, napakalakas nito na maging ang pangulo mismo ng bansa ay nag-iingat sa pakikitungo rito.

Ang dating kasintahan ni Irene na si Dave ay isang miyembro ng pamilyang Montecillo-- isang angkang dating walang pangalan ngunit makapangyarihan dahil lamang kay Kristoff. 

Sa dugo, pamangkin ni Kristoff si Dave.

At kung natuloy ang kasal ni Irene kay Dave, si Kristoff sana ang magiging tiyuhin niya sa asawa.

Si Sandra, ang stepsister ni Dave, ang nagtulak kay Irene upang ialok ang sarili kay Rigor Buenaflor.

Bagama't may impluwensya si Rigor sa lungsod, wala itong laban sa kapangyarihan ni Kristoff sa underworld. Para silang pinaghambing na leon at daga.

Nang sumagi sa isip ni Irene ang mga ideyang 'yon, ay isang munting pag-asa ang sumilay sa puso niya.

Kung makukuha niya ang suporta ni Kristoff, maaaring makaligtas siya sa sapilitang pagsasakripisyo at maliligtas din ang buhay ng kanyang ina.

Kaya naman pinatatag niya ang kanyang loob, ngunit may bahagyang pag-aalinlangan nang siya'y magtanong, "Dahil tinulungan kita, maaari ba akong humingi ng pabor?"

Tumalim ang tingin ni Kristoff, at kumislap ang interes sa mga mata nito. Sa unang pagkakataon, isang babae ang humarap sa kanya nang may ganitong katatagan-- lalo na nang matapos niyang pumatay ng napakaraming tao. Natuwa siya sa hamon kaya't marahan siyang lumapit kay Irene. Tamad siyang naglakad ngunit tiyak ang kumpyansa.

Hinawakan ni Kristoff ang baba ni Irene gamit ang kanyang mahahabang daliri, iniangat ito upang mapilitan itong tumingin sa kanya.

Sa pagitan ng kanilang pagtititigan, ay pinag-aralan ni Kristoff ang babae habang may bahagyang aliw sa kanyang mga mata. Bumaba ang kanyang tinig-- malalim, mayaman, at may hatid na lamig sa hangin.

"Alam mo ba kung sino ang kinakausap mo? Hindi ka ba natatakot na patayin kita?"

Mabilis na dumaloy ang kilabot sa puso ni Irene. Ang presensya ni Kristoff ay nakakasakal, tulad ng isang bagyong dahan-dahang bumabalot sa kanya.

Mapanganib ang lalaki-- ang simpleng pakikipag-usap rito ay tila paglalaro ng apoy.

Ngunit wala na siyang malalapitan, at si Kristoff na lamang ang natitira niyang pag-asa.

"May background ako sa chemistry at marunong akong mag-formulate ng mga beauty products. Kung tutulungan mo ako, mapagkakakitaan mo rin 'to." sabi niya, matatag ang kanyang tinig ngunit may bahid ng desperasyon.

Umiling si Kristoff, at isang bahagyang ngiti ang sumilay mula sa mga labi nito. "Pera?" anito, habang dumadampi ang mga daliri nito sa kanyang pisngi. "Mukha ba akong kinakapos sa pera?"

May bahagyang bakas ng dugo sa balat ni Kristoff, at nagbibigay ito ng malamig na pakiramdam kay Irene kahit nananatili ito sa banayad na kilos. Kaya naman, agad siyang naging alerto, nanigas ang kanyang katawan sa ilalim ng pagkakahawak ng lalaki.

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Irene nang may pag-iingat. "Kung kaya kong ibigay, handa akong makipagpalitan."

May kakaibang ningning na sumilay sa mga mata ni Kristoff, isang bagay na hindi mabasa ni Irene.

Pinagala ng lalaki ang tingin sa kanya, waring pinag-iisipan ang kanyang alok.

"Kahit anong bagay ba? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sa isang iglap, ay nagpakawala ng isang malakas na tawa si Kristoff. "Kung ganoon, ito ang gusto ko."

Sa isang mabilis na pagkilos, ay iniyakap ni Kristoff ang kanyang mga braso sa maliit na beywang ni Irene. Hinila niya ang dalaga palapit sa matipuno niyang katawan.

At doon, sa harapan ng maraming tauhan ng lalaki, ay harap-harapan nitong ginawaran ng isang malalim na halik ang mga labi ni Irene.

Related chapters

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

    Last Updated : 2025-02-17

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status