Share

Chapter 5: A Proposal Of Power

Author: inKca
last update Last Updated: 2025-02-17 18:15:07

"Ahh!"

Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot.

"Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!"

"Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?"

Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri.

"Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon."

Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo.

"Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!"

Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marinig niya ang pangalan ni Kristoff ay biglang nabahag ang kanyang buntot. Wala na siyang lakas ng loob para mawalan ng galang sa kaharap.

Alam ng lahat ang mga kwento tungkol kay Kristoff. Noong siya pa ang naghahari sa underworld, kahit sinumang malakas na tao na nagpahayag ng kahit kaunting pagtutol sa kanya ay agad pinaparusahan. Walang pag-aalinlangan niyang binabaril ang mga ito sa harap ng lahat. Sa isang iglap lang ay buburahin niya sa mundo ang puwersa ng taong iyon.

Si Kristoff ay isang dalisay na puwersa ng kasamaan; sinumang lumaban sa kanya ay tiyak na hahantong sa isang madilim na wakas.

Nanatiling walang kibo si Kristoff, hindi mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

At nang makita iyon ni Rigor, ay nagngalit ang kanyang mga ngipin. Sa kabila ng mga dugong mantsa sa kanyang damit, pilit niyang iniangat ang sarili at nagpakumbabang humingi ng tawad kay Irene.

"Ms. Casareo, hindi ko alam kung sino ka. Pakiusap, patawarin mo ako!" Kitang-kita ang desperasyon ni Rigor habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad, sa kabila ng matindi niyang mga sugat.

Pinagmasdan naman ni Irene ang nakakaawang kalagayan ni Rigor, habang lalo niyang nauunawaan ang nakakatakot na impluwensya ni Kristoff.

Si Rigor, na minsang lumaban at naghari sa underworld, ay nagkamit ng bansag na 'Viper'. Ngunit ngayon, mistula na lang siyang isang takot na kuneho na nanginginig sa harapan ni Kristoff.

Mas matindi pala si Kristoff kaysa sa inaakala ni Irene. Habang binabalikan niya sa kanyang isip ang pabigla-biglang kilos niya kanina, ay isang malamig na pawis ang bumalong sa kanyang likod.

Alam niyang wala siyang karapatang makialam sa paraan ng pagtrato ni Kristoff kay Rigor. Bagama't siguradong mag-aalala ang pamilya ng matanda kung mamamatay ito rito, ay pinili na lang niyang manahimik.

Napansin naman agad ni Kristoff ang pananahimik niyang iyon. Bahagyang tumagilid ang ulo nito, at agad na may lumapit upang gamutin ang mga sugat ni Rigor.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rigor nang mapagtantong hindi siya papatayin. Mabilis siyang nagpasalamat kina Irene at Kristoff.

"Ayokong may makaalam ng koneksyon niya sa akin. Alam mo na kung ano ang dapat mong sabihin, hindi ba?" malamig na utos ni Kristoff.

Agad na tumango si Rigor, puno ng paggalang. "Siyempre. Walang makakaalam. At kung sakaling mangailangan si Ms. Casareo, huwag siyang mag-aatubiling lumapit sa akin."

Wala na ang tikas ng isang pinuno ng sindikato; sa halip, isa na lang siyang taong nakayuko at nagmamakaawa.

Naalala tuloy ni Irene kung paano siyang ipinahamak ni Sandra sa isang napakasamang sitwasyon kasama si Rigor-- isang banta na matagal niyang kinatatakutan ngunit nawala sa isang iglap lamang dahil sa isang utos ni Kristoff.

Dahil doon, ay napabuntong-hininga siya. Naisip niyang sa mundong ito, kapangyarihan talaga ang naghahari.

"Parang ang lalim ng iniisip mo."

Lumapit sa kanya si Kristoff, ang matikas nitong mukha ay halos dumikit na sa kanya, sapat para maramdaman niya ang init ng hininga nito.

Nagtagpo ang kanilang mga mata sa isang matinding titigan. Doon lang napagtanto ni Irene na silang dalawa na lang pala ang nasa loob ng silid. Dahil doon ay nanikip ang kanyang dibdib sa sobrang kaba.

Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili, saka buong tapang na sinalubong muli ang titig ni Kristoff.

"Mr. Montecillo, dahil tinulungan mo ako, pakiramdam ko ay kailangan kitang gantihan."

Kumislot ang isang kilay ni Kristoff, at nagkaroon ng bahagyang dilim sa tingin nito, tila naiintriga.

"At sa paanong paraan ka naman gaganti?"

Inipon ni Irene ang lahat ng natitira niyang tapang at inilapat niya ang kanyang mga labi sa lalaki. At sa sandaling naghinang ang mga iyon, isang hindi inaasahang kilabot ang dumaloy sa buo niyang katawan, dahilan para saglit siyang matigilan.

Sumirit ang takot sa kanyang dibdib, at tila gusto niyang umatras. Ngunit nang maalala niya ang dahilan ng kanyang ginagawa, ay pilit niyang pinagpatuloy iyon, kahit na nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo ni Kristoff.

Taglay ng lalaki ang isang hindi maikakailang alindog.

Gumalaw ang dibdib ni Irene nang hindi pantay ang paghinga, ngunit hindi siya pwedeng umatras. Wala na itong balikan.

Samantalang si Kristoff, ay nananatiling payapa at walang bahid ng pagkabigla. Sa halip, kumislap ang mga mata nito sa aliw at kitang-kita roon ang tuwang nadarama dahil sa ginagawa ni Irene.

"Interesting. Sa ganitong paraan mo ba ako balak bayaran?"

Napaatras si Irene, habang kinakabahang kinagat ang kanyang labi. "Iniligtas mo 'ko. Wala akong ibang maisip na paraan para masuklian ka kundi ang ialay ang sarili ko." Nagbaba siya ng tingin, hindi niya kayang tignan ang reaksyon ni Kristoff habang mabilis ang pintig ng kanyang puso. Kinailangan niyang ipunin ang buong lakas niya upang sabihin ang mga salitang iyon.

Nangningning naman ang mga mata ni Kristoff sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, at ilang segundong katahimikan ang bumalot sa kanila.

Lumipas ang isang segundo... dalawa... tatlo...

Hanggang sa biglang tumawa nang mahina si Kristoff.

"Paano kaya kung gawin na lang kitang fiancee ko?"

Related chapters

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

    Last Updated : 2025-02-17

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status