Share

Chapter 1.2

CHAPTER 1.2

NAGISING si Charlaine na para bang pasan niya ang buong mundo. Sumasakit ang kaniyang pagkababae at ganoon na rin ang kaniyang ulo.

“Nasaan ba ako!” giit niya. Hindi pa man siya nakaupo sa kama ay agad niyang inilibot ang mga mata. “This is not my room,” patuloy pa niya.

Nangunot ang kaniyang noo. Tiningnan ni Charlaine ang kaniyang hubo at hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Noon lang niya naalala na naglasing pala siya. Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama.

“God, patay ako ng mga magulang ko!” saad niya sa sarili habang nakahawak na siya sa kaniyang sintido. Inaalala rin niya kung paano siya napunta sa lugar na ito at tila may isang pangyayari sa buhay niya ang pagsisihan niya.

Pinilit niyang igalaw ang kaniyang katawan pero sumakit lang ang kaniyang pagkababae. “God, bakit pa ako nandito?” naisip niya agad na may nakatalik siyang isang lalaki.

Noon lang din nag-pop up sa kaniyang utak na ganoon nga. Pero hindi detalyado ang lahat. Mismong ang mukha ng lalaking nakatalik niya ay hindi na niya natandaan.

“I lost my virginity!” nalulungkot niyang sabi sa sarili. Napatitig siya saglit sa kumot na may dugo at tila nagsisisi na may naka-one-night-stand siyang isang estranghero.

“Mom, dad, I am so sorry,” sambit niya. Pilit niyang inaalala ang lahat pero wala talaga. Naalala niyang pumunta siya sa Tempt Me Bar. Nalasing siya at may lalaking lumapit sa kaniya. Hanggang doon lang ang naalala niya.

Napatitig ulit siya sa dugong nasa kumot. “I really lost it,” nagsisising sambit niya. Naalala niya ulit kung ano ang dahilan ng lahat. She got drunk, she got wild, and she lost her virginity. Dahil iyon sa isang problema ng kanilang pamilya. Sino ba naman ang hindi magkakaganoon kung isang iglap lang ay nagbago na agad ang buhay mo?

Unti-unti na lamang tumulo ang mga luha ni Charlaine nang maisip ang lahat nang iyon. Nasasaktan siya para sa kaniyang mga magulang. Nasasaktan siya dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi niya ginusto ang lahat na ito.

“I am such a big disappointment!” singhal niya sa kaniyang sarili. Niyakap ni Charlaine ang sarili at habang patuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha ay hinintay niyang may lalabas sa banyo na lalaki o kahit man lang babalik na lalaking papasok mula sa labas ng room.

Nasa ganoong posisyon pa rin siya. Ngunit makaraan lang ang ilang minuto, walang estrangherong lalaki ang nagpakita sa kaniya.

“I don’t have to expect,” malungkot niyang sabi sa kaniyang sarili. Bukod sa nagsisisi siya, nag-alala rin siya para sa kaniyang kalusugan. Na baka ang katalik niya kagabi ay may sakit. Kung maari man ay baka isa na naman iyong malaking problema.

“Charlaine, what happened to you?” tanong niya sa sarili. Yakap-yakap ang sariling hindi makapaniwala lahat na nangyari sa kaniya. Sa isang gabi lang, naging chaotic ang buhay niya. At ngayon, hindi niya alam kung paano niya i-redeem ang sarili. She liked, she lost everything, every pieces of her whole-being.

Sa muling pagkakataon ay inilibot ni Charlaine ang mga mata sa buong paligid. Noon lang din niya nakita na nakapatong lang pala sa study table ang cell phone niya. Malapit lang ito sa kama kaya inabot niya ito.

Nang makuha na ni Charlaine ang cell phone ay maraming messages at missed calls na pala ang natanggap niya. Lahat nang iyon ay galing sa kaniyang mama. Habang ini-scroll niya ang messages ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang isang mensahe ng kaniyang papa. At kasunod ng mensaheng iyon ay galing naman ng kaniyang mama na parehas lamang ang tinutukoy.

“N-No!” hindi makapaniwalang sambit ni Charlaine.

Nanginginig ang kaniyang kamay nang nabasa ang mga iyon. Her body became numb. Tila nawala ang hapdi na nararamdaman ng kaniyang pagkababae at ang sakit ng kaniyang ulo. Napalitan ang lahat nang iyon ng pag-alala at galit para sa kaniyang mga magulang. Hindi niya lubos maisip na kaya ng mga itong gawin ang bagay na ayaw niya para lamang sa kapakanan ng kaniyang kompanya. Akala niya sa teleserye lamang nangyayari ang ganoong bagay. She gripped the blanket.

Dahil mas nangingibabaw sa kaniyang katawan ang galit ay hindi na niya ininda ang sakit ng ulo at ng kaniyang pagkababae.

“H-Hindi ito maaari!” nanginginig pa rin ang kaniyang kamay.

Nakaupo na siya ngayon sa paanan ng kama. Pinulot niya ang mga damit na nakalatag sa sahig, unti-unti niyang sinuot ang mga iyon. Nang matapos din ay doon na siya tumayo. Pero hindi siya agad lumabas ng room. Lumapit siya sa isang salamin. She looked herself.

“You can’t be married to stranger!” saad niya. Galit ang nakita niyang repleksiyon sa sarili.

Charlaine did not want what her parents wants.

“Charlaine, I know this is not what you wanted at all but we made a decision, you will be arranged marriage with someone else. A man who will save our company, a man that you can’t compare to any other man, and a man that you never know somehow.” Iyon ang mensaheng nagpatigas ng kaniyang damdamin.

Galing iyon sa kaniyang mama. Marami pa siyang nabasang mensaheng tungkol lang din sa bagay na iyon. She would be there.

“Hindi ako makipagkasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal. It would never happened. Maikasal lang ako sa taong mahal ko,” giit niya. Nakatingin pa rin siya sa kaniyang sarili sa salamin.

Natahimik siya saglit. Tumulo ulit ang kaniyang luha. Ang bilis ng mga pangyayari para kay Charlaine. Sa isang malaking problema lang, biglang naapektuhan na ang kagustuhan niya.

“Hindi ako papayag!” giit pa ni Charlaine. Mahigpit niyang hinawakan ang sariling cell phone.

Sandali pa ang lumipas ay lumayo siya sa salamin. Puot ang namayani sa kaniyang katawan dahil maraming problema ang pumasok sa buhay niya. Literal na nasa kaniya na ang problemang hindi pa niya naranasan noon.

Muli siyang umupo sa paanan ng kama. She capped her face with her bare hands.

Mayamaya pa ay sumigaw si Charlaine. “Aaah!”

Gusto niyang basagin ang lahat na nasa loob ng room. Mabuti na lang talaga ay naisip pa niyang wala siyang ibabayad kung sakaling pababayarin siya ng hotel.

“Aaah!” sigaw niya ulit. Kinuha na lamang niya ang isang makapal na unan at sinuntok niya iyon.

Ilang minutong sinuntok ni Charlaine ang unan. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagpapalabas ng galit ay may bigla siyang naiisip.

“Something is wrong with this!” giit niya.

Naisip niyang ang lalaking nakatalik niya kagabi at ang lalaking makaka-arrange marriage niya ay iisa lang. Ngunit naisip niya ding ang bilis naman kung ganoon. Inisip na lamang niyang ang mga magulang talaga ni Charlaine ang may dahilan ng arrange marriage at ang lalaking nakatalik niya kagabi ay isang estranghero lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status