Share

Chapter 2.2

CHAPTER 2.2

WALANG ibang naisipsi Charlaine sa puntong iyon kundi ang takasan niya ang mga ito. Gayunpaman, nasa harapan na ni Charlaine ang lalaking kahit hindi niya gusto ay papakasalan niya.

At ang luhang pinipigilan ni Charlaine ay mabilis niyang pinunasan nang marinig niyang nagsalita ang isang babaeng may hawak na malaking paypay.

“I like her. Gusto ko ang anak mo Martha para sa anak ko,” masaya ang tono ng boses ng babae.

Ang atensiyon ni Charlaine ay dumako sa tahimik na lalaking katabi ang mga magulang. Noon lang napansin ni Charlaine na nakatingin na pala ito sa kaniya. At ang titig ng lalaki ay para bang huhubaran si Charlaine. Hindi rin namalayan ni Charlaine na napakagat na pala siya ng kaniyang sariling labi. Noon lang din napansin ni Charlaine na biglang ngumisi ang lalaki.

I think he is a pervert! Galit ang namutawi sa buong katawan ni Charlaine.

“So… I think we should make it official, Mrs Jenkins. Your son is going to married my daughter Charlaine. Ang bawat isa sa atin ay may mahahalagang gampanin sa kanila. In all of that we need to merge our business,” sabi ni Mrs Martha Hidalgo.

Nang dahil din sa sinabi nito ay nabaling ang paningin ni Charlaine sa kaniyang mama. Gusto pa sana ni Charlaine na ikutan ng mata ang lalaki ay mas pinili niyang tingnan ang kaniyang mama.

“As what we have agreed, Mrs Hidalgo. Hindi na natin kailangang patagalin ang lahat nang ito. My son Harris V. Jenkis is going to marry your beautiful daughter,” sabi ni Mrs Jenkins na para bang ang mga sinabi nito ay isang simpleng impormasyon lang. Mahinahon ang boses ni Mrs Jenkins. Tumingin din ito kay Charlaine na may paghanga sa kaniya.

Sandali pa ang lumipas ay bumaling ang mata ni Mrs Jenkins sa katabi nito, si Harris V. Jenkins. Muli ring ibinaling ni Charlaine ang kaniyang mga mata sa lalaki. Gayunpaman, hindi pa rin nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha na para bang hindi ito kumikibo kahit sino man ang kakausap nito.

“Harris,” tawag ni Mrs Jenkins kay Harris.

Agad na tumingin si Harris kay Mrs Jenkins habang nakataas ang isang kilay.

“Anything you would like to say?” Iyon ang tanong ni Mrs Jenkins.

Hindi sumagot agad si Harris. Tumingin pa ito kay Charlaine na para bang siya dapat ang magsasalita. Pero ang ginawa ni Charlaine ay ang bumaling sa kaniyang mama at papa na ngayon ay todo ang ngiting ipinapakita sa mga bisita.

Bumalik na naman sa isip ni Charlaine na para lamang siyang binibinta ng sariling pamilya. Sa mga naririnig ni Charlaine, kung tatakbo siya ngayon, mas pinapalaki pa rin niya ang problema. Wala nang takas si Charlaine kundi ang harapin na lamang ang kaniyang tanhana na maging isang asawa.

“I just want to end this thing. Kung ayos na ang lahat, maari na ninyong asikasuhin ang kasal namin,” sabi ni Harris.

Dahil sa pagsasalita ni Harris ay napatitig talaga si Charlaine na para bang isa itong Diyos. Hindi naramdaman ni Charlaine ang pagkadisgusto nito sa mga desisyon ng mga magulang. Sa isip ni Charlaine, siya lamang itong hindi ginusto ang lahat? At inisip din ni Charlaine na alam na ni Harris ang lahat na mga plano ng mga magulang nito.

Hindi niya lubos matanggap na tanging siya lamang itong hindi gusto ang lahat. At saka, naisip din ni Charlaine na para bang matagal nang pinalano ng kaniyang lahat nang ito. Dahil doon ay nanakit ang utak ni Charlaine.

“Ahm, Ikaw, darling Charlaine? Anything you would like to say?”

Natatami si Charlaine nang marinig niya ang sinabi ni Mrs Jenkins. She had to keep her mouth shut from the thing she really wants to say. Magsisinungaling si Charlaine. Bagaman lumingon muna si Charlaine sa kaniya mama at papa. Kapagkuwan ay muli siyang tumingin kay Mrs Jenkins.

“I-I d-don’t have anything to say so far,” nauutal na sagot ni Charlaine.

Titig na titig pa rin kay Charlaine si Harris. Bumaling ang kaniyang paningin kay Harris. Malay ba niya, gustong malaman ni Charlaine kung ano ang tunay na naramdaman ni Harris sa naging desisyon ng kanilang mga magulang. Naramdaman kasi ni Charlaine na may mali sa ekspresiyon ng mukha ni Harris.

“Well, I guess everything is okay now. Bukas na bukas din ay pupunta tayo ng Voltemort Beach Resort para doon natin pag-usapan ang tungkol sa kasal. I think padadaliin natin ang lahat nang ito, di ba, Mrs Hidalgo?”

Umalis ang tingin ni Charlaine kay Harris. Pero naramdaman pa rin niya na nakatitig sa kaniya si Harris. Napaisip nga si Charlaine kung bakit ganoon na lang talaga si Harris makatingin sa kaniya.

“Everything is fine, Mrs. Jenkins. Expect our presence at the Voltemort Beach Resort,” tugon naman ni Mrs Hidalgo.

Nagngitian ang mga magulang nina Charlaine at Harris. Nakatayo lang siya habang ptuloy na nakipagkamay ang mama ni Charlaine sa mga magulang ni Harris. Sa puntong iyon, gusto na lamang ni Charlaine na umalis na ang mga bisita kasi nais niyang mailabas ang lahat na gusto niyang sabihin sa mga magulang.

Ilang minuto pa ang lumipas ay namalayan na lamang ni Charlaine na napaupo na siya sa sofa. Bumuka ang bibig ni Charlaine nang sandali ring nagngitian ang kaniyang mga magulang sa isa’t isa.

“I can’t believe you just give me out to that family!” buyaw ni Charlaine.

Napatitig naman kay Charlaine ang mama niya. “Everything is fine, Charlaine. Kung bawat galaw ni Mrs Jenkins ay sinubaybayan mo, mahinuha mo talagang hindi siya tutol sa arrange marriage. Mismong ang anak din ni Mrs Jenkins ay kagustuhan din ang maikasal kayong dalawa,” paliwanag nito.

Damang-dama ni Charlaine ang kasiyahan sa boses nito. Ngunit hindi kayang magsaya ni Charlaine. Siya ang naiipit sa naging desisyon ng mga ito.

“Hind ako gusto ng anak ni Mrs Jenkins, mom! Kitang-kita ko iyon sa kaniyang mukha. Nagtitigan kami, nagbasahan ng ekspresyon, at alam ko na parehas lang kaming naramdaman sa isa’t isa. Hindi namin gusto ang arrange marriage na ito. We can stop all of this nonsense! Habang maaga pa!” mahabang paliwanag ni Charlaine.

Dahil sa sinabi ni Charlaine ay muling napatayo ang mama niya. Galit na naman ang namutawi sa mukha ni Mrs Hidalgo.

“Everything is fine now, Charlaine! Huwag mo nang pasakitin ang ulo namin. Baka hindi mo alam kung ano ang proseso ng arrange marriage? Gusto mo man o hindi ang maikasal o ang lalaking ipapakasal sa ‘yo, you’ve been cornered. Wala ka nang matakasan pa kasi naka-arrange na ang lahat nang ito!” bulyaw ni Mrs Hidalgo.

Pagkatapos sabihin ng mama ni Charlaine ang lahat nang iyon ay naiwan si Charlaine sa sofa na magkahalo ang galit na naramdaman. She gripped her hair. Sandali rin ay napapunas siya ng kaniyang mukha dahil sa nalilito at nagagalit na talaga.

“Wala akong magagawa!” giit ni Charlaine kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.

Ang bigat na ng kaniyang damdamin. Sandali rin ay bigla niyang naalala si Yuri.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status