Share

Chapter 2.1

CHAPTER 2.1

HINDI na alam ni Charlaine kung ano na ang nangyayari sa labas ng kanilang salas. Ngunit kahit nasa loob lang siya ng kuwarto, naririnig niya na may dumating na dalawang kotse. Puno ng galit ang kaniyang puso. Galit siya sa kaniyang sarili at ganoon na rin sa mga magulang niya.

“Hindi talaga ako maikasal sa kahit na sinong lalaki!” giit niya habang patuloy na umiiyak.

Ilang oras na siyang nag-iiyak pero hindi pa rin nauubos ang kaniyang luha. Charlaine could not be like this for a long hour. Alam niyang ang labis na pag-iiyak ay nakakasama ng pakiramdam.

“Argh!” ungol niya. Nangigil na talaga siya. Hinagis niya pa sa sahig ang kaniyang unan. Hinagis niya din ang cell phone nang biglang nag-text sa kaniya ang mama. Kahit hindi pa man niya nabasa iyon, mabilis niyang inihagis.

“Kahit pa i-blockmail niyo ako ay hinding-hindi ako papayag!” giit niya ulit.

Tumihaya siya. Kinatitigan niya ang kisame. Walang ibang inisip si Charlaine sa mga oras na iyon kung paano niya malalampasan ang dagok ng buhay na ito. Gusto niyang magrebelde.

“Masiyado naman na yata akong matanda para magrebelde pa!” inis niyang sabi sa sarili.

Wala siyang ibang maiisip kung paano niya matatakasan ang mga magulang niya. Sandali pa ang lumipas ay tumayo siya. Pinunasan niya ang kaniyang luha. Tumungo siya sa malaki niyang bintana. Dumungaw rin siya sa baba kaso lang ay walang safe na mala-land-ingan si Charlaine. Gusto niyang umalis na lamang ng kanilang bahay.

Bumaling ang kaniyang paningin sa buong silid. “Wala namang makuwenta ang mga gamit ko rito!” inis niyang sabi ulit.

Nang dumako ang kaniyang paningin sa mahaba at makapal niyang kumot ay agad na may pumasok na ideya sa kaniyang isipan. “Kung gagawa sila ng paraan para sirain ang buhay ko, gagawin din ako ng paraan para hindi iyon matuloy!” natutuwa niyang sambit sa sarili.

Mabilis niyang kinuha ang kumot. Ngunit hindi pa man niya ito nakuha ay biglang may kumatok ng malakas sa pintuan.

“Charlaine, huwag kang matigas ang ulo! Lumabas ka rito para makilala mo na ang lalaking ikakasal sa ‘yo! Bilis mo!” hiyaw ng kaniyang mama sa labas.

Natahimik si Charlaine. Napatitig na lamang siya sa kumot.

“H-Hindi nga ako magpapakasal!” sigaw na tugon niy.

Ilang segudo pa ay muli niyang narinig ang tugon ng mama niya. “Huwag mo kaming ipahiya sa ibang tao, Charlaine. Lalo na sa pamilya ng mga Jerkins! Kung ako sa ‘yo, lumabas ka na riyan!” giit nito na nahahalata na talaga ang galit sa boses.

Umikot ang kaniyang mga mata. Muling namutawi sa kaniyang damdamin ang galit. Padabog siyang umupo sa kama.

“Ayaw ko nga, ma! May sarili na akong desisyon sa buhay. I have to follow my own decision. Hindi pa ba iyon maliwanag sa inyo?” tugon naman niya.

Tumitig siya saglit sa pintuan. Nang sabihin niya iyon ay hindi agad sumagot ang kaniyang mama. Napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha. Ilang segundo lang don ay muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha.

This is not the real life, Charlaine! Gumising ka! Giit niya sa kaniyang sarili.

“Baka isang panaginip lang ito! Tama, paggising ko, wala naman talagang problemang ganito!” saad niya sa kaniyang sarili.

Kapagkuwan ay sinampal-sampal ni Charlaine ang kaniyang sariling pisngi. Inisip niyang baka sakali ay magising siya galing sa napakamasamang panaginpip.

“Charlaine, I am warn you, dear! Kung hindi ka pa lalabas ng kuwarto mo ay mapipilitan akong sirain ang pintuan na ito. Lalo mo lang pinapatagal ang lahat at lalo mo lang itong pinagulo!” galit nitong hiyaw sa kaniya.

Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Gusto niyang saksakin ng kutsilyo ang mama niya pero hindi naman niya kayang gawin iyon. Hindi rin naman isang killer si Charlaine.

“Charlaine!” sigaw ng kaniyang mama. Nang dahil din sa sigaw na iyon ay napatayo siya.

May inisip na ideya si Charlaine. She had to do it.

“Kung gusto nila, ibibigay ko na lamang! Wala na itong atrasan. I have to take this risk! Kaya mo ito, Charlaine! At all of this, ang sarili mo naman ang uunahin mo!” sabi niya sa kaniyang sarili.

Tumulo na naman ang kaniyang mga luha na para bang bukas ay wala na dapat itira. Pinunasan niya ito kahit hindi naman talaga tumitigil. Dahan-dahan na siyang lumapit sa pintuan.

“I am defeated,” mahinang sabi niya nang nasa malapit na siya.

Dahan-dahang lumapit ang kaniyang kamay sa door knob. Nanginginig ang kamay niya at nagdadalawang-isip pa rin.

“I know labis ka naming pinapahirapan, Charlaine, but you have to do this for us,” sambit ng mama niya.

Muli niyang pinunasan ang kaniyang luha. Nang mabuksan niya pintuan ay bumungad sa kaniyang ang mama na ngayon ay titig na titig sa kaniya. Halata pa rin ang galit nito. Ibinaling ni Charlaine ang kaniyang paningin sa ibang direksyon.

“I did this not because for you and the company. Ginawa ko ito para sa sarili ko,” saad niya.

Iyon lamang ang naisip niya sa mga oras na iyon.

“Kailangan mong magtiis, Charlaine. Kung gusto nila, ibigay mo hanggang sa hindi nila malalaman na unti-unti ka na pa lang nanalo,” saad ni Charlaine sa kaniyang sarili.

“Whatever is your reason, you have to act normal, Charlaine. Kagaya ng sinabi ko, pagsisihan mo kung hindi ka susunod sa aming gusto. This is for us!” sambit nito na bawat bitiw ng salita ay may diin.

Pinunasan na lamang ni Charlaine ang luhang hindi huminto sa pagtulo. Nang hindi siya sumagot ay mabilis na siyang tinalikuran ng kaniyang mama. Pero hindi pa ito humakbang kaya alam niyang may sasabihin pa ito.

“Makilala mo na ngayon ang lalaking ka-arrange marriage mo. You shall act normal. You shall act like you agreed upon this. Wala kang dapat gawin na ikakahiya ng ating apelyido, Charlaine. Ilagay mo iyan sa kukute mo. Kahit hindi mo ito gusto, you have to!” huling sabi nito.

Tumatak iyon sa kaniyang isipan. Ang kagustuhan ng mga magulang ni Charlaine para sa kompanya nila ay ang tanging iniisip lang ng mga magulang niya kahit sobra na siyang naiipit at nasasaktan.

“Ang gulo na ng buhay mo, Charlaine!” sabi niya sa kaniyang sarili. Nanag wala na rin sa paningin niya ang mama niya ay bumalik siya sa loob ng kuwarto.

Muli na namang tumulo ang kaniyang luha. Pinunasan niya ang mga iyon pero may tutulo na naman.

“Kaya mo ito, Charlaine! Kahit sabay-sabay ang problema mo ay kakayanin mo ang lahat. You have to be strong woman!” pagbibigay motibasyon ni Charlaine sa kaniyang sarili.

Kumuha siya ng damit sa kabinet niya. Nagsuot lang siya ng casual attire. Maging presentable lang ay ayos lang sa kaniya. Humarap na muna si Charlaine sa malaking salamin.

“Ang ganda mo sana kung hindi ka lang umiiyak,” sabi niya sa sariling repleksyon.

Nakikita ni Charlaine ang sariling sout ang paborito niyang casual attire. But with the situation she was in, she could not appreciate the way she appreciated it before. Habang sinusuot niya ang kuwentas na bigay ng kaniyang mama, tumulo na naman ang kaniyang luha. Sa puntong iyon, hindi na niya pinunasan ang kaniyang luha. Ang gusto na lamang niya ay mailabas na niya ang lahat na luhang naipon sa kaniyang mata para wala na siyang mailuluha.

“Someday, you will be on your own, Charlaine. This is just a chaotic problem. Ikaw ang magwawagi sa buhay. Tandaan mo ‘yan! Huwag kang mawalan ng pag-asa!” pampapalakas ng loob ni Charlain sa kaniyang sarili ang kausapi niya ang sarili sa harapan ng malaking salamin.

Ngumiti si Charlaine habang tumutulo ang kaniyang luha. Noon, lumuluha lang siya dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya ngayon, para na sa problemang hindi niya alam kung kailan niya matatakasan o kailan niya mabibitiwan.

“Huwag kang umiyak, Charlaine! Compose yourself. Stop crying and just pretend that everything is alright!” sabi niya ulit sa sarili.

Muli na namang tumulo ang kaniyang luha. Pinunasan niya iyon. Naglabas siya ng mabigat na hininga. Sandali pa ang lumipas ay nilisan na niya agad ang kaniyang kuwarto.

Nang nasa labas na siya ng kuwarto at masirado na niya ang pintuan, huminto muna siya. Naririnig niya ang iilang mahinag tawanan sa salas. Naririnig din niya na may dalawang lalaking nag-uusap tungkol sa mga bagay na lalaki lang ang dapat na mag-usap.

“Inhale, exhale!” sabi niya habang nag-inhale at exhale.

Sandali pa ang lumipas ay dahan-dahan na siyang humakbang. Nang nasa hagdanan na siya ay umagaw ng atensiyon ang ingay ng kaniyang bawat hakbang. Hindi siya makatingin sa salas. Kinagat din ni Charlain ang kaniyang ibabang labi para pigilan niya ang maiyak. Huminto siya saglit sa paghakbang. Naramdaman kasi niyang tutulo ang kaniyang luha. Naglabas siya ng mabigat na hangin. Nang matapos ay muli siyang humakbang.

“Here! Mrs. and Mr. Jenkins, my darling daughter!” masayang sambit ng kaniyang mama.

Hindi talaga siya makatingin. Hindi alam kung ano na ang reaksyon ng mga ito. Nang wala na siya sa hagdan ay doon na siya unti-unting bumaling sa taong nasa salas.

“My daughter, Charlaine R. Hidalgo, my heir and smart woman,” nagagalak na pakilala nito sa mga bisita.

Nang makatingin na siya sa mga ito, hindi niya talaga napigilang ang kaniyang luha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status