Share

Chapter 41

Pumasok naman na kaagad si Hector sa loob ng bar na 'yon pagdating niya doon. Hindi na niya tinawagan si Camilla. Pumasok na lang siya. Hahanapin na lang niya si Camilla kasama ang kaibigan niya sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ni Hector sa loob ng bar na 'yon ay hinanap kaagad niya si Camilla kasama ang kaibigan nito. Hindi naman nga siya nahirapan dahil nahanap naman niya kaagad ito.

Nang makita niya ang kinaroroonan nito kasama ang babaeng kaibigan nito ay kaagad niya na nilapitan ito. Nabigla nga si Camilla nang biglang lumapit sa kanya si Hector na akala niya ay wala pa ito. Akala niya ay kung sino na ang biglang kumalabit sa kanya. Si Hector lang naman pala.

Pinakilala kaagad ni Camilla kay Hector ang kaibigan niya na si Mika na hindi makapaniwala na nagkaharap at nagkausap na silang dalawa ni Hector. Nahihiya pa nga ito kay Hector ngunit habang tumatagal ay nawawala naman na 'yon. Hector is happy to know nd meet her in person. Um-order si Hector ng iinumin niya at umupo ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status