Share

Chapter 46

Dahan-dahan lang si Camilla na naglalakad sa loob ng bahay nila pagkapasok niya. Tahimik sa loob ngunit nakabukas ang mga ikaw doon. Hindi siya puwedeng magkamali na nandito na ang papa niya. Wala namang gagawa ng mga 'yon kundi ang papa niya lamang at wala nang iba pa. Kung magnanakaw ang pumasok sa bahay nila ay hindi na gagawin nito na buksan pa ang ilaw. Hindi lang naman nakabukas ang ilaw kundi ang isang electric fan nila sa baba ay bukas rin at sigurado siyang bumalik na ang papa niya.

Tumaas siya sa hagdanan at tumungo sa kuwarto niya. Papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang marinig niya na bumukas ang pinto ng kuwarto ng papa niya. Hindi muna siya pumasok sa loob ng kuwarto niya. Hinintay niya na lumabas ang kung sino man ang nasa loob nito at hindi nga siya nagkamali sa inaakala niya dahil lumabas ang kanyang papa doon sa loob ng kuwarto nito.

Namilog ang kanyang mga mata at ganoon rin ang kanyang papa pagkakita sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa na mag-ama sa is
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status