Share

Marry Me Or I Will Marry You
Marry Me Or I Will Marry You
Author: corasv

Chapter 1

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-02-25 14:19:44

"What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Franki. Napatayo ito sa kinauupuang silya, kasalukuyan na nag hahapunan sila ng buo niyang pamilya.

"Maupo ka!" Utos ng ama niya.

Nanatiling nakatayo si Franki at masama ang loob na tumingin sa mukha ng ama.

"Hindi ako papayag sa gusto niyo dad!" buo ang loob na sabi niya. "Paano ako mag papakasal sa isang lalaki na never ko pa nakilala o nakita man lang."

"Kaya nga pag uusapan natin ngayon. Dahil bukas, pupunta sila dito para mag kakilala kayo ng magiging asawa mo!"

Napasimangot si Franki sa narinig na sinabi ng kanyang ama. Umabot nga siya sa edad na twenty three na never pa nag ka nobyo dahil sa sobrang higpit ng mga magulang nila, tapus ngayon ang gusto ay ipakasal na agad siya. Aba, hindi talaga siya makakapayag! Ang gusto niya ay maranasan ang totoong pag ibig sa lalaking mamahalin niya, gusto niyang maranasan ang totoong romance of love. Hindi iyong kukuha lang ng kung sino na puncho pilato sa kung saan ang kanyang ama.

"Pero dad, ano naman ang alam ko sa pag aasawa. Hindi ba puwedeng ma experience ko muna ang mag karoon ng totoong nobyo? hindi 'yong pinangungunahan mo po ang magiging lovelife ko!" Medyo napalakas 'ata ang boses niya ng mag salita dahil marahas na ipinukpok ng kanyang ama ang kamao nito sa ibabaw ng lamesa.

Napaigtad naman sa gulat ang kanyang ina at ate dahil sa ginawang iyon ng kanyang ama. Tahimik lamang ang mga ito habang silang mag ama ay nag babangayan.

"Gusto mo ng boyfriend? Iyong mapapangasawa mo, siya na ang boyfriend mo at lalaking makakasama mo habang buhay!"

Napahampas naman sa ibabaw ng lamesa ang dalaga.

"Dad, paano ko magiging boyfriend ang lalaking napili mo na never ko pa ngang nakita, tsaka mag papakasal lang ako sa lalaking totoong mahal ko at hindi sa kung sino-sino!" Iyon lang at patakbong lumabas ng kusina si Franki.

"Franki!" Malakas na sigaw ni Frederico para pigilan ang umalis na anak.

Napahawak sa kanyang noo si Frederico. Nasundan na lamang ng tingin nito ang umaakyat sa hagdan na bunsong anak.

"Kakausapin ko mamaya ang anak natin," malumanay na sabi ni Mabel. Ipinagpatuloy nito ang pagkain ng hapunan kahit na nga puno na ng tensyon sa hapag kainan.

Si Mabel Avella ang butihin na asawa ni Frederico.

"Dad, huwag mo na lang po kasi pilitin si Franki sa gusto mo, hindi naman sagot sa pagkalugi ng ating kompanya ang pag papakasal ng kapatid ko sa anak ng kumpare mo." Sabad ni Francine. Nakakatandang anak ng mag asawang Avella.

"Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makaahon tayo sa pagka lugi ng ating negosyo. Kung hindi natin mapapapayag na mag pakasal ang kapatid mo, wala tayong choice kundi ipasara ang kompanya. At anong mangyayari saatin ha? pag tatawanan tayo ng mga tao lalo na ng mga kakilala natin." Mahabang turan ni Frederico na may galit sa boses.

Marahas na tumayo si Frederico.

"Saan ka pupunta? hindi ka pa tapus kumain." Sita ni Mabel sa kanyang asawa.

"Nawalan na ako ng ganang kumain!" sagot nito at nakapamulsang lumabas ng kusina.

Naiwan naman ang mag ina na nag palitan ng tingin. Parehong nakaramdam ng awa ang mga ito sa dalaga na si Franki, dahil ang haligi ng tahanan ang laging nasusunod at sila ay sunod-sunudan naman kahit na nga kung minsan ay labag na sa kanilang kalooban ang mga plano nito  para sa kanilang pamilya.

TUMULOY sa kanyang silid si Franki. Padapa siyang nahiga sa kanyang kama, isinubsob ang mukha sa malambot na unan at doon nag iiiyak para ibuhos ang kanyang sama ng loob sa mga magulang.

Sa buong buhay niya, naging sunod-sunudan siya sa kanyang ama. Lahat naman ginawa niya upang maging mabuting anak sa mga ito. Nag aral siya ng mabuti at nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Business Management. Iyon ay dahil na din sa kagustuhan ng kanyang ama, kahit na nga ang gusto niyang kurso ay Hotel Restaurant Management or HRM.

Tapus ngayon pati ba naman ang love life niya pang hihimasukan pa ng kanyang ama, paano na lang pala kung masamang tao ang pakakasalan niya. Mapanakit na lalaki! Hindi din magiging maganda ang magiging pag sasama nila ng hilaw niyang asawa kung maikasal sila dahil walang love na namamagitan sa kanilang dalawa.

Tumihaya siya ng higa at wala sa loob na napatingin sa kanyang closet.

Paano kaya kung mag layas na lang siya? wala sa loob na tanong ni Franki sa sarili. Napabuntong hininga ang dalaga at naupo sa ibabaw ng kama.

Tama! kung mag lalayas siya, siguradong hindi matutuloy ang pinaplano na kasal ng kanyang ama. Pero saan naman siya pupunta? Haist!

Biglang nag liwanag ang mukha ni Franki nang maalala ang kaibigan na si Angela. Doon muna siya pupunta habang nag hahanap ng matutuluyan.

Hindi na nag isip pa ang dalaga, mabilis nitong kinuha ang kanyang bagpack at nag lagay ng ilang pares na damit at mga undies niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table, mabilis na hinanap sa kanyang contact list ang numero ng kaibigan.

Kringggg...! kringg...! Kring...! Nag ring lang ang cellphone ng kaibigan niya pero walang nasagot.

"Oh please, pick up your phone, Angela!" Dasal niya.

"Hello," sagot sa kabilang linya. "Gabi na, napatawag ka?"

"I really badly need your help!" Ito agad ang sagot ni Franki.

"What?" parang gulat ang boses ng kaibigan niya. "Where are you, what happened?" sunod-sunod ng tanong ng kanyang kausap.

"Ssssshhhh... I'm in the house!" pabulong niyang sagot. Narinig niya ang pag buga ng hangin ng kaibigan.

"Hoy, Franki! tinakot mo ako. Akala ko naman kong napaano kana, tapus ang boses mo sobrang hina pa!"

"Can you pick me up, please?" Mabilis niyang sabi.

"Ano ba kasi ang problema, alam ko may dahilan kaya ka nag papasundo." Sabi ni Angela.

"Sasabihin ko sayo mamaya, basta sunduin mo na ako." Hindi pa man sumasagot ng 'oo' ang kaibigan ay pasimple na niyang binuksan ang bintana ng kanyang kuwarto.

"Madam lang kung makapag-utos!" reklamo ng kaibigan niya. "Okay i'll be there in a minute!"

Natuwa si Franki sa narinig na sinabi ng kaibigan, alam naman niyang hindi siya nito matitiis. Since elementary hanggang maka graduate sila ng college ay mag bestfriend na sila.

"Hihintayin kita doon sa kanto!" sagot niya.

"Huwag na doon baka may masamang tao ang mapadaan at gawan ka pa ng masama, hintayin mo na lang ako sa tapat ng gate ng bahay ninyo, mag memessage ako kapag malapit na ako."

"Okay, okay, okay! see you then!" Iyon lang at ine-off na niya ang kanyang cellphone.

Sumilip muna ang dalaga sa bintana, tinatantiya niya kung mataas ba ang babagsakan niya kung tatalon siya. Nasa second floor lang naman ang kanyang kuwarto at may bubong naman sa tapat ng kuwarto niya, iyon yong entrance ng bahay nila.

"Hmp! Kaya ko ito, mababa lang naman ang babagsakan ko!" Aniya.

Bumalik siya sa kanyang kama inayos niya ang mga unan, pinagmukha niyang taong natutulog. Tinakpan niya ng kumot para hindi halatang mga unan lang ang nasa ibabaw ng kama, ine-off na din niya ang ilaw at iniwang bukas ang lamp shade na hindi naman masyadong maliwanag. Hindi na siya mag iiwan ng sulat ng pamamaalam, tatawag na lang siya sa ate niya kapag nakaalis na siya ng bahay nila.

MAINGAT na lumabas ng bintana si Franki. Habol ang kanyang paghinga, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya na baka mahuli siya ng isa sa kanyang pamilya. Kagat labi na inihakbang niya ang mga paa sa bubong.

"Meowww!" galit  na hiyaw ng pusa.

"Oh my gosh!" Nagulat si Franki sa hiyaw ng pusa. Mabilis din naman niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. "Pst! Ikaw na kuting ka, ipapahamak mo pa ako."

Hindi naman niya sinasadyang maapakan ang dulo ng buntot ng pusa, medyo may kadiliman sa inaapakan niyang bubong kaya hindi niya ito nakita. Mabilis na tumakbo palayo ang pusa na tingin niya ay naliligaw dahil ngayon lang niya iyon nakita. Dahil sa ginawa nitong pag takbo dinig ang ingay nito sa bubong.

Kasalukuyan na naninigarilyo si Frederico sa may tapat ng pinto ng bahay nila. May narinig itong kaluskos mula sa bubong. Itinapon nito sa semento ang upos ng sigarilyo at inapakan. Umalis ito sa kinaroroonan at muling bumalik sa kusina upang kunin ang flashlight.

"Ano ang gagawin mo, bakit may dala kang flashlight?" Tanong ni Mabel sa nakasalubong na asawa. Galing kasi sa sala si Mabel upang ma - check kung naisarado na ba ng kasambahay ang mga bintana sa sala.

"May sisilipin lang ako," tipid na sagot ni Frederico. Mabilis na lumabas ito ng kusina.

Nasundan na lamang ni Mabel ng tingin ang nag lalakad na asawa na papalabas ng kanilang bahay.

Nanlaki ang mga mata ni Franki nang makita ang maliit na liwanag na nag mumula sa flashlight. Nag mamadaling muling pumasok ng bintana ang dalaga sa takot na makita siya sa bubong ng kanyang ama. Sigurado siya na ang ama niya ang may dala ng flashlight, ugali na kasi iyon ng ama kapag nakarinig ng kalabog sa bubong o kahit sa labas ng bahay ay inuusisa nito.

Sa pagmamadali na muling makapasok sa loob ng kuwarto niya si Franki mula sa bintana, hindi sinasadyang nauntog ang bumbunan ng ulo niya.

"Aray ko!!!" daing ng dalaga habang hinihimas ang bumbunan ng ulo nito.

Narinig ni Franki ang tunog ng kanyang cellphone, mabilis na dinukot niya iyon sa bulsa ng suot niyang maong pants. Si Angela ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Malapit na kami ni Mang Isko sa house ninyo," tukoy ni Angela sa family driver ng mga ito.

"Okay! basta hintayin ninyo ako sa labas. Kumukuha lang ako ng tiyempo!" Aniya habang pasilip-silip sa bintana ng kanyang kuwarto.

"Ano ba kasing kalokohan ang binabalak mo?" tanong ni Angela sa kabilang linya.

"Malalaman mo din mamaya, basta hintayin ninyo ako huwag kayong mag park sa tapat ng gate dahil nasa labas si dad." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaibigan ine-off na niya ang kanyang cellphone at muling isinuksok sa bulsa ng suot na pantalon.

"Frank--" hindi na natapus ni Angela ang sasabihin sa kaibigan ng marinig niya ang tunog na 'tot! tot!' ng cellphone na hawak niya. "Pambihira naman, lagi na lang ako pinapatayan ng cellphone ng babae na iyon!"

Naiiling ang ulo na muling ibinalik ni Angela sa loob ng kanyang bag ang hawak niyang aparato.

"Angie, saan ako mag pa park?" Tanong ni Mang Isko sa dalaga.

'Angie' ang tawag sa kanya ng kanilang family driver na si Mang Isko short for Angela. Hindi pa sila naipapanganak ng kanyang kuya ay ito na ang family driver ng parents nila. Pamilya na kung ituring nila ang matanda.

"Bahala po kayo Mang Isko, basta huwag masyadong malapit sa gate." Sagot ni Angela.

Tumalima naman si Mang Isko. Inihinto nga nito ang minamanehong kotse sa hindi naman kalayuan sa bahay na pag mamay-ari ng pamilya Avella. Doon na nga nag hintay ang dalaga sa kaibigan nitong si Franki.

MAINGAT na lumabas nang kanilang gate si Franki habang bitbit nito sa isang kamay ang tsenilas. Pikit matang isinara niya ang gate na huwag makalikha ng kahit konteng ingay. Pero bago siya tuluyan lumayo sa gate, isang malungkot na tingin muna ang ginawa niya sa kanilang bahay.

Mamimis niya ang kanyang mga magulang. Ang ate Francine niya at ang kanyang kuwarto. S'yempre, doon siya madalas nag mumokmok kapag masama ang loob niya sa kanilang ama. Pero, kahit naman madalas na napapagalitan siya ng kanilang ama ay mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi lang talaga niya maatim na kaya siya nitong ipag katiwala sa ibang lalaki upang kanyang maging asawa.

"Sana mapatawad ninyo ako sa ginawa kong ito." Bulong sa hangin ng dalaga.

Labag sa kanyang kalooban ang paglalayas niya. Pero, iyon lamang ang naiisip niyang paraan para matakasan ang ginawang kapalaran ng kanyang ama para sa kanya. Ang ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal.

Babalik din naman siya, pero hindi niya masabi kung kailan. Basta, nais muna niyang makalayo.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Peanut
Miss A-buti Nakita kita sa goodnovel. Nabasa ko stories kapatid ni Zeus. Nandon din SinaFranki at argel.
goodnovel comment avatar
Cora Vargas
Thank you bhe... Sana matapos mo, deleted ko na kasi ito sa ibang site
goodnovel comment avatar
Aileen Ramos Cojo
Te Cora, talented ka pala mg sulat ng Novel, Tatapusin ko to sa Rd ko 🙂
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 2

    "Ayon! nakikita ko na si Franki." Wika ni Angela. "Mang Isko paki-start na po 'yong sasakyan."Sumunod naman si Mang Isko sabay start na nga ng kotse.Natanaw ni Franki ang kotse nang kuya ni Angela. Ito ang malimit gamitin ng kaibigan niya noong nag aaral pa sila sa kolehiyo.Patakbong sinalubong ni Franki ang papalapit na kotse, pero nasa gilid naman siya ng kalsada."Franki!" tawag ni Angela sa kanya. Sumilip ito sa may bintana ng kotse.Mabilis naman na binuksan ni Franki ang pinto ng sasakyan sa may likuran at agad na sumakay. Bumaba naman si Angela para lumipat ng puwesto at tumabi ito sa kanya."Thank you so much!" Wika ni Franki. Sabay yakap at h***k niya sa pisngi ng kaibigan. "You are always my savior!""Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Angela sa kanya. Kumawala ito sa yakap niya."Angela, baka naman puwedeng sainyo muna ako mag palipas ng gabi kahit ngayon lang?" Aniya sa kaibigan sa pinalungkot na mukha.

    Last Updated : 2021-02-25
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 3

    "BAKIT hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto?" ito ang ang bungad kay Angela ng bagong dating na si Arth. "Parang narinig ko na may kausap ka dito sa loob ng kuwarto mo, may itinatago ka ba?" seryoso ang mukhang sabi ng binata nakapamulsa ito."Ako, may tinatago?" Ani Angela na sinabayan ng pekeng tawa. "May kausap nga ako kuya ang kaibigan ko, pero sa cellphone lang kami nag usap. Kita mo naman mag isa lang ako dito sa kuwarto ko?" Menuwestra pa ng dalaga ang loob ng kanyang kuwarto.Pagak na tumawa ang binata, nagpalakad-lakad ito sa loob ng kuwarto ng dalaga at inililibot ang paningin."Sigurado ka?" dudang tanong ni Arth sa kapatid."Oo naman!" mabilis na sagot ni Angela.Humakbang ang dalaga palapit sa kanyang kama at naupo, kung saan ay nakadapang nag tatago sa ilalim nito si Franki.Nakita ni Angela na may dinukot sa bulsa sa suot nitong bl

    Last Updated : 2021-02-25
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 4

    "Mom. I think, this is not the right time para kausapin si Franki. Masama ang loob ng kapatid ko, kaya mas mabuti pa po na bukas mo na lang siya kausapin. " Mahabang turan ni Francine.Napabuntong hininga si Mabel."Sige," tipid na sagot na lamang nito."Tara na mom, ihatid ko na kayo sa kuwarto niyo ni dad.""Hindi na anak, " tanggi ni Mabel. Maingat na muling isinara ni Mabel ang pinto ng kuwarto ng anak."Sige po mom, punta na ako sa kuwarto ko." Paalam ng dalaga sa ina. "Goodnight mom!""Sige anak. Goodnight!"Humalik muna si Francine sa pisngi ng ina bago ito nag simulang humakbang patungo sa kuwarto nito.Tinapunan ng malungkot na tingin ni Mabel, ang nakasarang pinto ng kuwarto ng bunsong anak. Kung may magagawa nga lang siya para pigilan ang kanyang asawa sa plano nito para sa kanilang anak. Ngunit kilala niya ang kanyang asawa, ayaw

    Last Updated : 2021-02-25
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 5

    NAG mamadaling inayos ng mag kaibigan ang mga dadalhin na gamit ni Franki. Muling nag yakap ng mahigpit ang mag kaibigan bago tuluyan na lumabas ng kuwarto ni Angela."FRANKI ANAK!" Sigaw ni Mabel. Lakad-takbo na inaakyat nito ang mahabang hagdan.Nakabuntot sa likuran bahagi ni Mabel ang panganay na anak."Franki anak!" muling tawag ni Mabel sa pangalan ng anak ng makarating na ito sa tapat ng pinto ng kuwarto.Agad na binuksan ni Mabel ang pinto at mabilis na pumasok ng kuwarto. Dinampot nito ang puting kumot na nakatakip sa inaakalang katawan ng anak.Nanlaki ang mga mata ni Mabel nang makita na mga unan lang pala ang nasa ilalim ng kumot. Nanlulumong napaupo ito sa gilid ng kama ng anak."Mom!" tawag pansin ni Francine sa ina. Lumapit ang dalaga sa ina na nakaupo na sa gilid ng kama ng kanyang kapatid."Ang kapatid mo," garalgal ang boses na sabi n

    Last Updated : 2021-02-25
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 6

    NASUNDAN nang tingin ni Arth ang paalis na kotse. Ibig sabihin, may kaya sa buhay ang pamilya ng babaeng nakausap niya. Dahil hindi biro ang presyo ng sasakyan. Pero sa klase ng pananamit ng dalaga mukhang napaka simple lang nitong babae. Hindi kagaya ng ibang nakilala niyang babae, nag ka kotse lang akala mo kung sino na.Napangiti ng simple ang binata, mukhang nag kakainterest yata siya sa babaeng ngayon lang niya nakilala. Dalawang beses na mahina niyang sinampal ang kanyang magkabilang pisngi bago nag simulang humakbang upang bumalik ng bahay."Anong sabi ng nakausap mo?" Agad na tanong ni Mabel sa anak na nakaupo na ngayon sa driver seat."Wala daw po sa kanila si Franki." Sagot ni Francine.Naipag-daop ni Mabel ang dalawang palad. "Kung ganoon, saan naman pupunta ang kapatid mo?""Baka naman may kilala ka pa na mga kaibigan ng kapatid mo, tara na at puntahan na natin." Si Frederico

    Last Updated : 2021-02-26
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 7

    NAPALUNOK nang sariling laway si Franki, ganito kalaking bahay ang lilinisin niya? Hindi pa nga siya nakakasimula parang pagod na siya. Tapos, nakakabingi pa ang katahimikan baka malungkot lang siya."Have a sit," paanyaya ni Argel sa dalawang dalaga. "You want something, water, juice or anything ?""No thanks!" Panabay na sagot ng dalawang dalaga."Are you living alone in this house?" tanong ni Angela sa binata."Yes," tipid na sagot ng Argel. "Excuse me ladies, kukuha lang ako ng damit."Huwag na! bulong ni Franki sa sarili. Muli niyang pinagmasdan ang matipunong katawan ng binata, mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Malinis at mukhang mabango. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Muli siyang napalunok ng laway, agad din naman niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi pa nga siya nag kaka nobyo pero ang laswa na niyang mag isip.

    Last Updated : 2021-02-26
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 8

    "AYOKO mapunta si Franki sa kung sinong lalaki na wala naman kakayahan na buhayin ang kapatid mo." Dagdag pa ni Frederico."Dad?!" Gulat si Francine sa kanyang narinig mula sa ama."Bata pa lang ang kapatid mo naipagkasundo na namin nang kumpare ko na pag dating ng tamang panahon, ikakasal ang kapatid mo sa nag iisa niyang anak.""Bakit si Franki, bakit hindi ako dad? Total ako naman ang panganay!""Dahil magkaiba kayo ng kapatid mo, ikaw may napatunayan ka na sa sarili mo. Kaya mo mabuhay ng hindi umaasa saamin ng ina mo, pero ang kapatid mo parang walang pangarap.""My god dad! naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Padabog na tumalikod si Francince. "Wala na ibang mahalaga sayo kundi pera, kaya tama lang na ikaw ang sisihin ni mom sa pag lalayas ni Franki. Hindi muna pinahahalagahan ang damdamin namin na pamilya mo, dahil makasarili ka dad!""Watch your mouth! anak lang kita, wala kang karapatan na sumbatan ako ng ganyan!" Nag panting ang teng

    Last Updated : 2021-02-26
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 9

    NATUTOP ni Franki ang bibig. Bakit ba naitanong pa niya iyon."Kahit na nakasalamin ka pa," tipid nitong sagot. "Third. Ayoko ng malikot ang mga kamay, in short magnanakaw.""Uy ha, hindi ko ugali yon!" Depensa ni Franki sa sarili.Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, muli nitong ipinag patuloy ang pag babasa. "Kapag nandito ako sa bahay, dapat seven in the morning gising kana para makapag simula nang mag linis ng bahay. Madalas nagigising ako ng alas diyes ng umaga, kaya dapat bago ako magising malinis na ang pool." Mahaba nitong sabi."Hindi po ba kayo nag aalmusal?" Tanong ni Franki."Isinasabay ko na sa lunch, kaya dapat bago mag alas onse naka pag luto kana.""Yon lang po ba Sir, ang rules na dapat kung tatandaan? Ang konte naman pala.""Meron pa." Sagot nito. "Ayokong nag dadala ka ng kung sino-sino dito sa bahay ko lalo na kung nobyo mo.""Dont worry Sir, wala naman po akong boyfriend." Pagyayabang na sagot nang

    Last Updated : 2021-02-27

Latest chapter

  • Marry Me Or I Will Marry You   EPILOGUE

    SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 68

    BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 67

    MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 66

    ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 65

    "HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 64

    PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 63

    HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 62

    "YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 61

    "HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m

DMCA.com Protection Status