Share

Chapter 7

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-02-26 13:11:46

NAPALUNOK nang sariling laway si Franki, ganito kalaking bahay ang lilinisin niya? Hindi pa nga siya nakakasimula parang pagod na siya. Tapos, nakakabingi pa ang katahimikan baka malungkot lang siya.

"Have a sit," paanyaya ni Argel sa dalawang dalaga. "You want something, water, juice or anything ?"

"No thanks!" Panabay na sagot ng dalawang dalaga.

"Are you living alone in this house?" tanong ni Angela sa binata.

"Yes," tipid na sagot ng Argel. "Excuse me ladies, kukuha lang ako ng damit."

Huwag na! bulong ni Franki sa sarili. Muli niyang pinagmasdan ang matipunong katawan ng binata, mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Malinis at mukhang mabango. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Muli siyang napalunok ng laway, agad din naman niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi pa nga siya nag kaka nobyo pero ang laswa na niyang mag isip.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Divine Cardinal
I think is.pls po paki unblock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 8

    "AYOKO mapunta si Franki sa kung sinong lalaki na wala naman kakayahan na buhayin ang kapatid mo." Dagdag pa ni Frederico."Dad?!" Gulat si Francine sa kanyang narinig mula sa ama."Bata pa lang ang kapatid mo naipagkasundo na namin nang kumpare ko na pag dating ng tamang panahon, ikakasal ang kapatid mo sa nag iisa niyang anak.""Bakit si Franki, bakit hindi ako dad? Total ako naman ang panganay!""Dahil magkaiba kayo ng kapatid mo, ikaw may napatunayan ka na sa sarili mo. Kaya mo mabuhay ng hindi umaasa saamin ng ina mo, pero ang kapatid mo parang walang pangarap.""My god dad! naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Padabog na tumalikod si Francince. "Wala na ibang mahalaga sayo kundi pera, kaya tama lang na ikaw ang sisihin ni mom sa pag lalayas ni Franki. Hindi muna pinahahalagahan ang damdamin namin na pamilya mo, dahil makasarili ka dad!""Watch your mouth! anak lang kita, wala kang karapatan na sumbatan ako ng ganyan!" Nag panting ang teng

    Last Updated : 2021-02-26
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 9

    NATUTOP ni Franki ang bibig. Bakit ba naitanong pa niya iyon."Kahit na nakasalamin ka pa," tipid nitong sagot. "Third. Ayoko ng malikot ang mga kamay, in short magnanakaw.""Uy ha, hindi ko ugali yon!" Depensa ni Franki sa sarili.Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, muli nitong ipinag patuloy ang pag babasa. "Kapag nandito ako sa bahay, dapat seven in the morning gising kana para makapag simula nang mag linis ng bahay. Madalas nagigising ako ng alas diyes ng umaga, kaya dapat bago ako magising malinis na ang pool." Mahaba nitong sabi."Hindi po ba kayo nag aalmusal?" Tanong ni Franki."Isinasabay ko na sa lunch, kaya dapat bago mag alas onse naka pag luto kana.""Yon lang po ba Sir, ang rules na dapat kung tatandaan? Ang konte naman pala.""Meron pa." Sagot nito. "Ayokong nag dadala ka ng kung sino-sino dito sa bahay ko lalo na kung nobyo mo.""Dont worry Sir, wala naman po akong boyfriend." Pagyayabang na sagot nang

    Last Updated : 2021-02-27
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 10

    SIGURO naman hindi siya mahihirapan sa pag lilinis ng pool dahil may sarili din silang pool sa bahay, kung minsan ay siya ang naglilinis dahil mas madalas na siya ang gumagamit dahil ang pag swi-swimming ay isa sa mga gawain niya para mapanatiling fit and sexy ang body niya.PAGKATAPOS makuha ang lahat ng kailangan niyang kagamitan ay agad na din siyang lumabas ng maliit na bahay na iyon, tumuloy naman siya sa may harden na hindi naman masyadong kalakihan may iilan lang na halaman na may mga bulaklak na naroon, katapat lang iyon ng pool na kanyang lilinisin."Oh my gosh! " Manghang bulalas ni Franki ng tuluyan na ngang makalapit sa pool.Ang laki nang pool at ang ganda ng pagkakagawa. Sa dulong bahagi ng pool naroon ang may kataasan na slide na kulay sky blue habang ang gilid ng slide ay may mga nakatayong pigura na mga dolphin na may lumalabas na tubig sa bibig ng mga ito, para itong fountain. Meron pa siyang

    Last Updated : 2021-03-01
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 11

    MULA sa kuwarto ni Argel ay tanaw niya ang kanyang maliit na garden. Wala naman siyang hilig sa pag aalaga ng mga halaman o bulaklak, ang kanyang ina ang may ideya niyon para daw magkaroon ng kulay ang kanyang bahay.Nakita niya ang kasambahay, nakatalikod ito sa kanya. Nakatapat ito sa mga bulaklak na rosas, hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Malamang nakikipag usap ito sa mga bulaklak. Umalis siya sa bintana, lumapit naman siya sa kanyang closet upang mamili ng kanyang isusuot.Simpleng t-shirt lang ang napili niya na kulay white at isang jag pant na fit sa kanyang mga hita. Paborito niya talaga ang kulay white dahil mukhang malinis at maaliwalas sa mga mata. Mabilis siyang nag bihis at inayos naman ang kanyang buhok. Nag lagay lang siya ng kaunting gel, marami siyang pabango pero pinili niya ang Dolce & Gabanna dahil hindi iyon masakit sa ilong.Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin, pinatikas niya ang kanyang dibdib at ngumiti. Pinaprak

    Last Updated : 2021-03-01
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 12

    "SINO ka?" Nakatulalang tanong ni Franki sa lalaking kaharap. Mataman itong nakatitig sa kanyang mga mata."Kaibigan ako ni Argel," sagot nito.May bisita pala ang amo niya. Ang sarap nga siguro ng kanyang tulog, dahil hindi niya namalayan na may dumating palang panauhin ang kanyang amo."My name is Akie," pakilala nito sa kanya sabay lahad ng isang kamay."Ah eh-- F-fancy po, ako ang bagong kasambahay dito ni Sir Argel." Pakilala niya sa sarili, tinanggap niya ang kamay nito para makipag shake hands. Wow, ang soft! sa isip-isip niya sabay bawi ng kanyang kamay."Ah, ikaw pala ang tinutukoy ni Argel. Nice to meet you!"Nakita niya ang pasimple nitong ngiti. Napakunot-noo siya. Ano kaya ang tsinismis ng amo niya sa lalaking kaharap niya?"You have beautiful eyes, bakit hindi mo subukan gumamit ng contact lense kaysa naman diyan sa hawak mo na salamin?" Suhestiyon ni Akie sa dalaga.Hindi sumagot si Franki, pero napatitig siya sa mukha n

    Last Updated : 2021-03-02
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 13

    "Anak, sobrang nag aalala na ako sayo. Iniisip ko, kung kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw. Kung maayos ba ang ang lagay mo, sa tinutuluyan mo ngayon kung nasaan ka man. Kung safe ka ba. Anak, kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo. Halos hindi na ako makakain kaiisip sayo, kaya please naman anak umuwi ka na." Mahabang sabi ng kanyang ina na sinasabayan na ng pag-iyak.Pakiramdam ni Franki, nadudurog ang puso niya sa bawat iyak ng kanyang ina. Pero kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya, hindi siya uuwi hanggat hindi niya nalalaman na wala ng arrange marriage na mangyayari."Mom, pakiusap huwag na kayong umiyak. Promise, araw-araw akong mag te-text sa'yo, para ipaalam na ayos lang po ako. Hayaan niyo na lang po muna akong mamuhay na mag isa, para mag mature na ako. Babalik naman po ako ng bahay, pero hindi na po muna ngayon. Lagi niyo tatandaan na mahal na mahal kita kayo ni dad at ate.""Sige, pag bibigyan kita anak. Basta ipanga

    Last Updated : 2021-03-02
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 14

    DADATING din ang araw na kapag nag karoon siya ng sariling pamilya, magiging obligado na siyang mag trabaho sa kusina. Pangarap niya kayang ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang magiging asawa at magiging mga anak."Haist!" Piksi niya. Maghuhugas na nga lang siya, kung anu - ano pa ang naiisip niya.Nag simula na nga siyang mag hugas ng mga ginamit na utensils, isusunod na lang niya mamaya ang paglilinis ng sahig dahil nag kalat doon ang mga harina at icing na ginamit niya."AAAHHHHH!!!!" Nag-inat si Franki ng mga bisig pagkatapos na mag linis ng kusina. Naalala niya ang bilin sa kanya ng amo. Mag luto lang daw siya ng pagkain na para lang sa kanya mamayang hapunan, dahil marami siyang na baked na cupcakes iyon na lang ang kakainin niya mamaya."Maka idlip na nga muna, masakit na ang panga ko kakahikab," pabagsak na inihiga niya ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Dala siguro ng pagod, kaya agad naman siyang nakatulog.

    Last Updated : 2021-03-04
  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 15

    TANAW na ni Akie ang gate nang sabdivision. Mabuti nalang at malapit na sila. Gusto niyang mag kape dahil pakiramdam niya sinisikmura siya.PAGKATAPOS maligo, agad na nag bihis ng pantulog si Franki. Terno iyon at medyo makapal. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa wall, quarter to ten na ng gabi pero wala pa din ang amo niya. Siguro wala ng balak umuwi kaya hanggang ngayon wala pa ito.Hindi na niya muling isinuot ang mga ginagamit niyang pang- disguise, mukhang hindi naman uuwi sa bahay nito ang kanyang amo. Sinuklay niya ang mahabang buhok, nag lagay ng night cream sa mukha at nag pahid na din ng lotion, ugali na talaga niya iyon bago siya matulog.Nag pasya siyang bumaba na muna ng sala, upang muling siguraduhin na naka lock ang lahat ng bintana kahit na nga alam niyang naka locked na ang mga ito kanina. mag double check lang siya. Pati na din ang pinto sisiguraduhin niyang naka lock ito, bago siya matulog."PARE gising! Na'ndito na tayo sa tapat

    Last Updated : 2021-03-04

Latest chapter

  • Marry Me Or I Will Marry You   EPILOGUE

    SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 68

    BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 67

    MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 66

    ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 65

    "HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 64

    PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 63

    HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 62

    "YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m

  • Marry Me Or I Will Marry You   Chapter 61

    "HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m

DMCA.com Protection Status