MULA sa kuwarto ni Argel ay tanaw niya ang kanyang maliit na garden. Wala naman siyang hilig sa pag aalaga ng mga halaman o bulaklak, ang kanyang ina ang may ideya niyon para daw magkaroon ng kulay ang kanyang bahay.
Nakita niya ang kasambahay, nakatalikod ito sa kanya. Nakatapat ito sa mga bulaklak na rosas, hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Malamang nakikipag usap ito sa mga bulaklak. Umalis siya sa bintana, lumapit naman siya sa kanyang closet upang mamili ng kanyang isusuot.
Simpleng t-shirt lang ang napili niya na kulay white at isang jag pant na fit sa kanyang mga hita. Paborito niya talaga ang kulay white dahil mukhang malinis at maaliwalas sa mga mata. Mabilis siyang nag bihis at inayos naman ang kanyang buhok. Nag lagay lang siya ng kaunting gel, marami siyang pabango pero pinili niya ang Dolce & Gabanna dahil hindi iyon masakit sa ilong.
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin, pinatikas niya ang kanyang dibdib at ngumiti. Pinaprak
"SINO ka?" Nakatulalang tanong ni Franki sa lalaking kaharap. Mataman itong nakatitig sa kanyang mga mata."Kaibigan ako ni Argel," sagot nito.May bisita pala ang amo niya. Ang sarap nga siguro ng kanyang tulog, dahil hindi niya namalayan na may dumating palang panauhin ang kanyang amo."My name is Akie," pakilala nito sa kanya sabay lahad ng isang kamay."Ah eh-- F-fancy po, ako ang bagong kasambahay dito ni Sir Argel." Pakilala niya sa sarili, tinanggap niya ang kamay nito para makipag shake hands. Wow, ang soft! sa isip-isip niya sabay bawi ng kanyang kamay."Ah, ikaw pala ang tinutukoy ni Argel. Nice to meet you!"Nakita niya ang pasimple nitong ngiti. Napakunot-noo siya. Ano kaya ang tsinismis ng amo niya sa lalaking kaharap niya?"You have beautiful eyes, bakit hindi mo subukan gumamit ng contact lense kaysa naman diyan sa hawak mo na salamin?" Suhestiyon ni Akie sa dalaga.Hindi sumagot si Franki, pero napatitig siya sa mukha n
"Anak, sobrang nag aalala na ako sayo. Iniisip ko, kung kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw. Kung maayos ba ang ang lagay mo, sa tinutuluyan mo ngayon kung nasaan ka man. Kung safe ka ba. Anak, kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo. Halos hindi na ako makakain kaiisip sayo, kaya please naman anak umuwi ka na." Mahabang sabi ng kanyang ina na sinasabayan na ng pag-iyak.Pakiramdam ni Franki, nadudurog ang puso niya sa bawat iyak ng kanyang ina. Pero kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya, hindi siya uuwi hanggat hindi niya nalalaman na wala ng arrange marriage na mangyayari."Mom, pakiusap huwag na kayong umiyak. Promise, araw-araw akong mag te-text sa'yo, para ipaalam na ayos lang po ako. Hayaan niyo na lang po muna akong mamuhay na mag isa, para mag mature na ako. Babalik naman po ako ng bahay, pero hindi na po muna ngayon. Lagi niyo tatandaan na mahal na mahal kita kayo ni dad at ate.""Sige, pag bibigyan kita anak. Basta ipanga
DADATING din ang araw na kapag nag karoon siya ng sariling pamilya, magiging obligado na siyang mag trabaho sa kusina. Pangarap niya kayang ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang magiging asawa at magiging mga anak."Haist!" Piksi niya. Maghuhugas na nga lang siya, kung anu - ano pa ang naiisip niya.Nag simula na nga siyang mag hugas ng mga ginamit na utensils, isusunod na lang niya mamaya ang paglilinis ng sahig dahil nag kalat doon ang mga harina at icing na ginamit niya."AAAHHHHH!!!!" Nag-inat si Franki ng mga bisig pagkatapos na mag linis ng kusina. Naalala niya ang bilin sa kanya ng amo. Mag luto lang daw siya ng pagkain na para lang sa kanya mamayang hapunan, dahil marami siyang na baked na cupcakes iyon na lang ang kakainin niya mamaya."Maka idlip na nga muna, masakit na ang panga ko kakahikab," pabagsak na inihiga niya ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Dala siguro ng pagod, kaya agad naman siyang nakatulog.
TANAW na ni Akie ang gate nang sabdivision. Mabuti nalang at malapit na sila. Gusto niyang mag kape dahil pakiramdam niya sinisikmura siya.PAGKATAPOS maligo, agad na nag bihis ng pantulog si Franki. Terno iyon at medyo makapal. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa wall, quarter to ten na ng gabi pero wala pa din ang amo niya. Siguro wala ng balak umuwi kaya hanggang ngayon wala pa ito.Hindi na niya muling isinuot ang mga ginagamit niyang pang- disguise, mukhang hindi naman uuwi sa bahay nito ang kanyang amo. Sinuklay niya ang mahabang buhok, nag lagay ng night cream sa mukha at nag pahid na din ng lotion, ugali na talaga niya iyon bago siya matulog.Nag pasya siyang bumaba na muna ng sala, upang muling siguraduhin na naka lock ang lahat ng bintana kahit na nga alam niyang naka locked na ang mga ito kanina. mag double check lang siya. Pati na din ang pinto sisiguraduhin niyang naka lock ito, bago siya matulog."PARE gising! Na'ndito na tayo sa tapat
HINDI malaman ni Franki kung sasagot ba siya ng 'OO' sa nagtatanong na binata. Basta ang alam lang niya kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Nagkatinginan pa silang dalawa nang biglang alisin ng lasing na si Argel ang braso nito na nakaakbay kay Akie."Eeeeeehhhh!" Napasigaw si Franki sa gulat ng biglang mag lambitin sa leeg niya ang mga braso ng kanyang amo. Ang bigat pa naman nito, feel na feel pa ang pagkakayapos sa leeg niya."Wraaaaaaak...!" Sumuka pa ang binata."Eeewwww!!!" Bigla niyang nailayo ang kanyang mukha ng biglang sumuka sa leeg niya ang amo. Ramdam niya ang init ng likido na isinuka nito. "Kadiri ka talaga Sir!"Hindi niya alam kong maiinis ba siya o maaawa sa amo."Steffie, my love. Hindi mo ba alam, kung gaano mo ako nasaktan ng sobra?" Halos pabulong na sambit ng binata at ipinilig nito ang ulo sa kanyang balikat. Napakunot- noo si Franki sa narinig.Agad naman na hinawakan ni Akie ang kaibigan na nakayapos sa leeg ng
"ANO ang tungkol sa father mo?" Usisa ni Akie.Tumikhim muna si Franki. "Gusto ng father ko, na ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya.""You mean, arrange marriage?" Parang gulat ang mukha ng binata ng mag tanong sa kanya.Tumango si Franki."Uso pa pala 'yon, akala ko panahon pa ng kupong-kupong 'yon.""Sa father ko uso pa," ani Franki na humihigop ng kape. "Ayoko mag pakasal sa lalaking hindi ko pa nakikilala at higit sa lahat sa taong hindi ko naman mahal.""Paano ka napunta dito sa bahay ng kaibigan ko?" Tanong ulit ni Akie."The day na nalaman ko ang plano ng father ko tungkol sa arrange marriage, lumayas ako. Saktong nag hahanap ng bagong kasambahay si Sir Argel, kaya nag apply ako.""Pero bakit kailangan mo mag disguise?"Para itong imbestigador kung makapagtanong."Biglaan nga po kase ang paglalayas ko, para maiwasan ang father ko kaya naisip ko na mag disguise. Kaya pati kay Sir Argel, tinago ko ang totoong mukha k
KAHIT late na si Franki nakatulog kagabi, ay nagawa pa din niyang magising ng maaga pa sa alas siyete. Bumangon siya sa kinahihigaang kama at mabilis na inayos ang mga unan at tinupi ang ginamit na kumot.Dating gawi, nag stretching exercise siya mga twenty minutes lang siguro. Lumapit siya sa kanyang closet at kumuha ng maluwang na t-shirt at long pants.Humihikab na pumasok ng banyo ang dalaga para maligo.Naunang nagising si Argel. Pag dilat niya ng mga mata ang kisame ang una niyang nakita. Masakit ang kanyang ulo, napasobra yata ang inom niya ng alak kagabi.May naramdaman siyang mabigat na bagay na nasa ibabaw ng kanyang dibdib, napakunot noo siya.Biglang kinabahan si Argel, nanlalaki ang mga mata. Unang pumasok sa kanyang isip na baka ang kanyang kasambahay ang kanyang katabi. Nasa ilalim ng comforter ang kanyang katabi.Hindi kaya inakit siya ng kasambahay kagabi?Tapus dahil sa sobrang kalasingan niya ay nag padala naman siya at hi
TUMANGO si Akie. "Sige na nga kung ayaw mo papilit," ani Akie. "Dude, try mo itong cupcake ni Fancy, masarap.""Kumain na ako ng cookies eh," tanggi ni Argel."Tikman mo lang, baka hanap-hanapin mo kapag nasarapan ka.""Itulad mo naman ako saiyo," sagot ni Argel pero dumampot naman ng isang cupcake."Kung anong ganda niya, ganun din ka sarap ang cupcake niya." Puri ni Aki sa dalaga.Nabulunan si Argel sa kinain na cupcake dahil sa sinabi ng kaibigan, inabot niya ang tasa nito na may kape at uminom. "Nagagandahan ka kay Fancy?""Oo. Nakakaakit ang kagandahan niyang taglay." Napapangiti pa na sagot ni Akie. Hinagilap nito ang tasa na may kape. "Akin na nga 'yang kape ko!"Ibinigay ni Argel sa kaibigan ang tasa na may kape. "Alam mo dude, tingin ko mas malabo pa ang mga mata mo kaysa kay Fancy. Pa check up ka mamaya sa opta." Suhistiyon niya."Malinaw ang mga mata ko, maganda sa paningin ko si Fancy." Deretsahang sagot ni Ak
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b
MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m
ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank
"HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.
HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m
"YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m
"HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m