NAG mamadaling inayos ng mag kaibigan ang mga dadalhin na gamit ni Franki. Muling nag yakap ng mahigpit ang mag kaibigan bago tuluyan na lumabas ng kuwarto ni Angela.
"FRANKI ANAK!" Sigaw ni Mabel. Lakad-takbo na inaakyat nito ang mahabang hagdan.
Nakabuntot sa likuran bahagi ni Mabel ang panganay na anak.
"Franki anak!" muling tawag ni Mabel sa pangalan ng anak ng makarating na ito sa tapat ng pinto ng kuwarto.
Agad na binuksan ni Mabel ang pinto at mabilis na pumasok ng kuwarto. Dinampot nito ang puting kumot na nakatakip sa inaakalang katawan ng anak.
Nanlaki ang mga mata ni Mabel nang makita na mga unan lang pala ang nasa ilalim ng kumot. Nanlulumong napaupo ito sa gilid ng kama ng anak.
"Mom!" tawag pansin ni Francine sa ina. Lumapit ang dalaga sa ina na nakaupo na sa gilid ng kama ng kanyang kapatid.
"Ang kapatid mo," garalgal ang boses na sabi ni Mabel. Niyakap nito ang kumot ng anak.
Hindi nag salita si Francine pero nag simula itong hanapin sa loob ng kuwarto ang kapatid. Una nitong sinilip ang banyo ng kapatid, sa labas ng bintana at maging sa ilalim ng kama nito. Huling tinignan ng dalaga ang dresser ng kapatid. Wala din doon ang kapatid pero may napansin ang dalaga. Medyo nag kalat ang loob ng dresser at nawawala ang paborito nitong bag na kung saan ginagamit nito kapag nag out of town silang mag kapatid.
Kung hindi siya nag kakamali nag layas ang kapatid niyang si Franki. Nawawala din kasi ang ilang mga damit nito, maging ang family picture nila na kuha sa boracay na idinikit nito sa salamin na nasa loob ng dresser ay nawawala din.
Malungkot na muling lumapit si Francine sa umiiyak na ina, mahigpit pa din na yakap nito ang kumot ng kanyang kapatid.
"Anak, nag layas ang kapatid mo. At dahil iyon sa amin ng dad mo!" Ani Mabel na inaamoy ang kumot ng anak. Kahit man lang sa paraang iyon ay maamoy niya ang anak. "Kasalanan ko anak, dahil hindi ko man lang siya nagawang ipag tanggol sa makasarili ninyong ama."
Niyakap ni Francine ang ina.
"Ssssshhhh... Huwag mo po sisihin ang sarili mo mom." Pang- aalo ni Francine sa ina, hinalikan niya ito sa noo.
"Kasalanan ko..." Nangilid na ang luha sa mga mata ni Mabel.
"Mom, baka may pinuntahan lang si Franki. Para mag palamig. Nabigla lang 'yon sa mga disisyon ni dad, pero alam ko na babalik siya dito sa bahay." Positibong sabi ni Francine, kilala niya ang kanyang kapatid sobrang malapit ito sa kanilang ina. Hindi ito makakatiis na hindi sila nito makita.
"Nag aalala ako para sa kapatid mo, lalo na at nag kalat na ang mga masasamang tao ngayon. Kapag may masamang nangyari sa kapatid mo baka ikamatay ko pa!"
"Mom naman!" saway ni Francine sa ina. Kinilabutan siya sa sinabi nito. "Hahanapin po natin si Franki. Baka nakituloy muna siya doon sa bestfriend niyang si Angela."
Tila nabuhayan naman ng loob na napatitig si Mabel sa mga mata ng anak.
"Sana nga anak."
"After breakfast, puntahan po natin ang bahay nina Angela. malamang naandoon ang kapatid ko." Mungkahi ng dalaga.
"Paano ako makakakain, kung laman ng isip ko ang kapatid mo." Sagot ni Mabel sa anak. "Bumaba kana muna anak, samahan mo sa kusina ang ama mo. Dito na muna ako sa kuwarto ng kapatid mo, puntahan mo na lamang ako kapag paalis na tayo."
"Pero mom, kailangan mo din po kumain ka-"
"Busog ako anak." Putol ni Mabel sa mga sasabihin pa ng anak. "Sige na, iwan mo na muna ako, basta pagkatapus mo mag almusal puntahan na natin ang bahay ng kaibigan ng kapatid mo."
Napabungtong hininga si Francine bago tumayo. Hindi na siya nakipag talo sa ina, nag paalam siya dito na bababa na para kumain ng almusal. Dahil kapag walang nakasabay ang ama niya sa hapag kainan panigurado mag - iingay na naman ang bibig nito.
"Sige po mom, mabilis lang po ako." Paalam ni Francine sa ina.
Isang tango lamang ang isinagot ni Mabel sa anak. Muli nitong niyakap ang kumot ng bunsong anak at muling napaiyak.
MULING bumalik sa kusina si Francine upang samahan sa pag aalmusal ang ama.
"O, bakit ikaw lang ang nandito. Nasaan na sila?" tanong ni Frederico sa anak, nag simula na itong mag lagay ng kanin sa plato.
Hindi sumagot si Francine sa tanong ng ama. Nag lagay ng pan cake sa kanyang plato ang dalaga, iyon na lamang ang kakainin niya sa almusal.
"Teresa, can you please make me a cup of coffee?" utos ng dalaga sa kasambahay na nag titimpla ng orange juice sa isang pitcher.
"Yes po Mam," magalang na sagot ni Teresa.
"Iyong brewed coffe ha," paalala ng dalaga sa kasambahay.
"Tinatanong kita, nasaan ang mommy mo at kapatid mo?"
Tumigil sa pag subo ng hiniwang pan cake ang dalaga.
"Ito na po ang coffee niyo mam," inilapag ni Teresa ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa sa harap ng dalaga.
"Thank you, Teresa." Ngiting pasasalamat ng dalaga.
Dinampot ni Francine ang tasa ng kape. Hinipan muna nito ang usok ng kape bago ito humigop.
"Ano ba, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?!" Iretadong muling tanong ni Frederico sa anak na kanina pa siya hindi tinatapunan ng tingin.
"Si mom, nasa kuwarto ni Franki." Tipid na sagot ng dalaga na muling ipinag patuloy ang pagkain.
"Bakit hindi pa sila bumababa para makapag almusal na?"
"Nag layas po si Franki!"
"Ano?!" napahampas ang isang kamao ni Frederico sa ibabaw ng lamesa na hindi na ikinagulat ng dalaga. "Bakit ngayon mo lang sinabi."
"Sorry dad," hinging paumanhin ni Francine sa ama. "Aalis kami ni mom, pupuntahan namin si Franki sa bahay ng kaibigan niya. Baka nag papalamig lang ang kapatid ko dahil masama ang loob niya saiyo!" Pinag diinan pa ng dalaga ang huli niyang sinabi sa ama.
Hindi agad nakapag salita si Frederico dahil sa sinabi ng anak. Marahas itong tumayo.
"Bilisan mo kumain diyan, sasama ako sa inyo ng mommy mo."
"Pero dad, 'diba pupunta kayo ng company ngayon?" Maang na tanong ni Francine sa ama.
"It's saturday, kahit mamayang hapon na ako pumunta ng kompanya. Bilisan mo na diyan, pupuntahan ko ang mommy mo."
"S-sige po dad," maang na sagot ng dalaga.
Nasundan ng tingin ni Francine ang ama na papalabas ng kusina, himala sa lahat ng himala hindi yata nag humirintado ang kanyang ama. Siguro, aminado ito sa sarili na kasalanan nito kung bakit nag layas ang kanyang kapatid.
SA bahay nang pamilya ni Angela. Palabas na silang mag kaibigan sa pinto nang marinig nila ang boses ng kuya ni Angela. Pababa ang binata ng hagdan.
"Angie!" Tawag nito sa palayaw ni Angela. Tuluyan na itong nakababa ng hagdan.
Natigil sa pag hakbang ang magkaibigan. Hindi sila humarap sa binata.
"Siya na ba iyong kasambahay na mamamasukan sa kaibigan ko?" tanong ni Arth sa kapatid. Tumigil sa pag hakbang ang binata.
"Ahhh eh e o- opo k- kuya," pikit matang sagot ni Angela. Unti-unti itong lumingon sa likuran bahagi na kung saan nakatayo ang kanyang kuya.
"Baka naman puwede ipakilala mo--"
"Nag mamadali po kami kuya, may lakad pa kasi ako mamaya!" Mabilis na sagot ni Angela, hinawakan nito ang isang kamay ni Franki at pahilang lumabas ng bahay.
"Sandali lang!" Pigil ni Arth sa dalawang dalaga. Pero isang malakas na kalabog ng pinto ang narinig ng binata. "Pambihirang babae yon!" kakamot - kamot sa batok na ipinag patuloy ni Arthur ang pag hakbang papuntang kusina para mag almusal.
KALALABAS lang nang isang kotse sa malaking gate na kung saan ay sakay ang mag kaibigan na Franki at Angela. Isang Maserati GranTurismo na sasakyan naman ang biglang tumigil sa hindi kalayuan.
"Ako na lang po ang bababa." Sabi ni Francine sa mga magulang at binuksan na ang pinto sa gilid nito.
"Sige anak, sana nga nandiyan sa bahay na 'yan ang kapatid mo." Malungkot na sagot ni Mabel. Umaasang makikita at maiuuwi nila ang bunsong anak.
Bumaba na nga ng sasakyan si Francine. Nag lakad ito palapit sa malaking gate. Agad na pinindot ng dalaga ang door bell na nasa gilid ng gate.
Ding dong! ding dong! Maririnig ang tunog ng doorbell sa loob ng malaking bahay.
Natigil sa pag timpla ng kape si Arth. Napakunot-noo ito. Wala naman silang inaasahan na bisita lalo na nga at alas nuebe pa lang ng umaga. Mula sa sulok ng mga mata ng binata, nakita niya ang pagtayo ng bago nilang kasambahay na si Sabel.
"Ako na Sabel!" Pigil ni Arth sa dalaga. "Ituloy mo ang pagkain ng almusal."
"S-sige po Sir," sagot ni Sabel at muling naupo para ipag patuloy ang pagkain.
Muling umalingawngaw ang tunog ng door bell.
Naiiling ang ulo na lumabas ng kusina si Arth. Mukhang may lakad yata ang tao sa labas ng gate, dahil sunod-sunod na ang ginawa nitong pag pindot ng door bell at masakit na iyon sa tenga niya.
"Nandiyan na!" Pasigaw na sabi ni Arth.
Lakad-takbo ang ginawa ng binata upang makalapit sa gate, may nakita siyang isang babaeng nakatalikod. Pinag masdan niya ito mula ulo hanggang paa kahit na nga nakatalikod ito. Simpleng pambahay lang ang suot ng babae.
"Eheeem ! sino po sil-" naputol ang sasabihin ni Arth ng biglang humarap sa kanya ang babae. Para iyong nag slow motion sa kanyang paningin.
"Hello, good morning!" Nakangiting bati ni Francine sa binata na nag bukas ng gate. Lumakad siya palapit dito. "Ako pala si Francine!" Pag papakilala ng dalaga sa sarili.
Hindi agad nakahuma si Arth. Pinagmasdan ng binata ang magandang mukha ng babae.
"Ehem!" Tikhim ni Francine upang kunin ang pansin ng nakatulalang binata.
"Ako pala si Arth." Pakilala ng binata sa sarili at inilahad ang isang kamay sa babaeng kaharap.
"Francine!" muling pakilala ng dalaga na inabot ang kamay ng binata.
Saglit lang nag shake hands ang dalawa.
"Do i know you?" tanong ni Arth sa dalaga.
"Ako ang big sister ni Franki. Ang bestfriend ni Angela." Sagot ng dalaga.
"Pamilyar sakin ang pangalan na Franki, pero hindi ko matandaan ang mukha. Ako ang kuya ni Angela." Nakita ni Arth ang pag lungkot ng mukha ng kaharap na dalaga.
"Nag layas kasi ang kapatid ko, itatanong ko sana kung naandito ba siya."
"Nag layas?" ulit ni Arth.
"Yes. Hindi namin alam kung kagabi pa siya umalis o ngayong umaga lang."
"Pasok ka na muna," yakag ni Arth sa dalaga.
"Hindi, huwag na!" tanggi ni Francine. "Kasama ko kasi parents ko. Itatanong ko lang sana kung nandito ba siya si Franki?"
"Sorry miss, pero wala dito ang hinahanap mo. Actually, kaaalis lang ng kapatid ko para ihatid ang bagong kasambahay para doon sa kaibigan ko." Mahabang sabi ni Arth.
"Ganun ba," malungkot na sabi ni Francine. "Wait lang, may ipapakita ako sayo na picture ng kapatid ko." May dinukot sa kanyang bulsa na suot na maong pants ang dalaga.
"Mamaya tatanungin ko si Angela kapag nakabalik na siya ng bahay." Ani Arth, hindi mapalis ang tingin nito sa magandang mukha ng kaharap.
"Ito pala picture ng kapatid ko." Inabot ni Francine ang isang solo shoot na picture ng kanyang kapatid.
Inabot ni Arth ang picture na hawak ng dalaga, pinag masdan iyon ng mabuti. Infairness maganda din ang kapatid nito, katulad ng babaeng kaharap niya ngayon. Hindi niya maalala ang mukha ng babae sa picture mas madalas kasi na nasa opisina siya kaya hindi niya nakikita ang mga kaibigan ng kapatid.
"Kung okay lang sana saiyo, hiramin ko na muna ang picture na ito para maipakita ko sa mga kasambahay at ng matanong kung nakita ba nila ang kapatid mo dito sa bahay."
"Ah sige, salamat ha. Alis na ako." Paalam ng dalaga sa binata.
Pipigilan pa sana ni Arth ang dalaga pero tumalikod na ito. Nasundan na lang ng tingin ng binata ang nag lalakad na dalaga, nakita niya itong pumasok sa isang magarang sasakyan na naka park sa hindi kalayuan.
Isang Maserati GranTurismo na kotse ang nakita ni Arthur. Hindi biro ang presyo ng kotseng 'yon.
NASUNDAN nang tingin ni Arth ang paalis na kotse. Ibig sabihin, may kaya sa buhay ang pamilya ng babaeng nakausap niya. Dahil hindi biro ang presyo ng sasakyan. Pero sa klase ng pananamit ng dalaga mukhang napaka simple lang nitong babae. Hindi kagaya ng ibang nakilala niyang babae, nag ka kotse lang akala mo kung sino na.Napangiti ng simple ang binata, mukhang nag kakainterest yata siya sa babaeng ngayon lang niya nakilala. Dalawang beses na mahina niyang sinampal ang kanyang magkabilang pisngi bago nag simulang humakbang upang bumalik ng bahay."Anong sabi ng nakausap mo?" Agad na tanong ni Mabel sa anak na nakaupo na ngayon sa driver seat."Wala daw po sa kanila si Franki." Sagot ni Francine.Naipag-daop ni Mabel ang dalawang palad. "Kung ganoon, saan naman pupunta ang kapatid mo?""Baka naman may kilala ka pa na mga kaibigan ng kapatid mo, tara na at puntahan na natin." Si Frederico
NAPALUNOK nang sariling laway si Franki, ganito kalaking bahay ang lilinisin niya? Hindi pa nga siya nakakasimula parang pagod na siya. Tapos, nakakabingi pa ang katahimikan baka malungkot lang siya."Have a sit," paanyaya ni Argel sa dalawang dalaga. "You want something, water, juice or anything ?""No thanks!" Panabay na sagot ng dalawang dalaga."Are you living alone in this house?" tanong ni Angela sa binata."Yes," tipid na sagot ng Argel. "Excuse me ladies, kukuha lang ako ng damit."Huwag na! bulong ni Franki sa sarili. Muli niyang pinagmasdan ang matipunong katawan ng binata, mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Malinis at mukhang mabango. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Muli siyang napalunok ng laway, agad din naman niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi pa nga siya nag kaka nobyo pero ang laswa na niyang mag isip.
"AYOKO mapunta si Franki sa kung sinong lalaki na wala naman kakayahan na buhayin ang kapatid mo." Dagdag pa ni Frederico."Dad?!" Gulat si Francine sa kanyang narinig mula sa ama."Bata pa lang ang kapatid mo naipagkasundo na namin nang kumpare ko na pag dating ng tamang panahon, ikakasal ang kapatid mo sa nag iisa niyang anak.""Bakit si Franki, bakit hindi ako dad? Total ako naman ang panganay!""Dahil magkaiba kayo ng kapatid mo, ikaw may napatunayan ka na sa sarili mo. Kaya mo mabuhay ng hindi umaasa saamin ng ina mo, pero ang kapatid mo parang walang pangarap.""My god dad! naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Padabog na tumalikod si Francince. "Wala na ibang mahalaga sayo kundi pera, kaya tama lang na ikaw ang sisihin ni mom sa pag lalayas ni Franki. Hindi muna pinahahalagahan ang damdamin namin na pamilya mo, dahil makasarili ka dad!""Watch your mouth! anak lang kita, wala kang karapatan na sumbatan ako ng ganyan!" Nag panting ang teng
NATUTOP ni Franki ang bibig. Bakit ba naitanong pa niya iyon."Kahit na nakasalamin ka pa," tipid nitong sagot. "Third. Ayoko ng malikot ang mga kamay, in short magnanakaw.""Uy ha, hindi ko ugali yon!" Depensa ni Franki sa sarili.Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, muli nitong ipinag patuloy ang pag babasa. "Kapag nandito ako sa bahay, dapat seven in the morning gising kana para makapag simula nang mag linis ng bahay. Madalas nagigising ako ng alas diyes ng umaga, kaya dapat bago ako magising malinis na ang pool." Mahaba nitong sabi."Hindi po ba kayo nag aalmusal?" Tanong ni Franki."Isinasabay ko na sa lunch, kaya dapat bago mag alas onse naka pag luto kana.""Yon lang po ba Sir, ang rules na dapat kung tatandaan? Ang konte naman pala.""Meron pa." Sagot nito. "Ayokong nag dadala ka ng kung sino-sino dito sa bahay ko lalo na kung nobyo mo.""Dont worry Sir, wala naman po akong boyfriend." Pagyayabang na sagot nang
SIGURO naman hindi siya mahihirapan sa pag lilinis ng pool dahil may sarili din silang pool sa bahay, kung minsan ay siya ang naglilinis dahil mas madalas na siya ang gumagamit dahil ang pag swi-swimming ay isa sa mga gawain niya para mapanatiling fit and sexy ang body niya.PAGKATAPOS makuha ang lahat ng kailangan niyang kagamitan ay agad na din siyang lumabas ng maliit na bahay na iyon, tumuloy naman siya sa may harden na hindi naman masyadong kalakihan may iilan lang na halaman na may mga bulaklak na naroon, katapat lang iyon ng pool na kanyang lilinisin."Oh my gosh! " Manghang bulalas ni Franki ng tuluyan na ngang makalapit sa pool.Ang laki nang pool at ang ganda ng pagkakagawa. Sa dulong bahagi ng pool naroon ang may kataasan na slide na kulay sky blue habang ang gilid ng slide ay may mga nakatayong pigura na mga dolphin na may lumalabas na tubig sa bibig ng mga ito, para itong fountain. Meron pa siyang
MULA sa kuwarto ni Argel ay tanaw niya ang kanyang maliit na garden. Wala naman siyang hilig sa pag aalaga ng mga halaman o bulaklak, ang kanyang ina ang may ideya niyon para daw magkaroon ng kulay ang kanyang bahay.Nakita niya ang kasambahay, nakatalikod ito sa kanya. Nakatapat ito sa mga bulaklak na rosas, hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Malamang nakikipag usap ito sa mga bulaklak. Umalis siya sa bintana, lumapit naman siya sa kanyang closet upang mamili ng kanyang isusuot.Simpleng t-shirt lang ang napili niya na kulay white at isang jag pant na fit sa kanyang mga hita. Paborito niya talaga ang kulay white dahil mukhang malinis at maaliwalas sa mga mata. Mabilis siyang nag bihis at inayos naman ang kanyang buhok. Nag lagay lang siya ng kaunting gel, marami siyang pabango pero pinili niya ang Dolce & Gabanna dahil hindi iyon masakit sa ilong.Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin, pinatikas niya ang kanyang dibdib at ngumiti. Pinaprak
"SINO ka?" Nakatulalang tanong ni Franki sa lalaking kaharap. Mataman itong nakatitig sa kanyang mga mata."Kaibigan ako ni Argel," sagot nito.May bisita pala ang amo niya. Ang sarap nga siguro ng kanyang tulog, dahil hindi niya namalayan na may dumating palang panauhin ang kanyang amo."My name is Akie," pakilala nito sa kanya sabay lahad ng isang kamay."Ah eh-- F-fancy po, ako ang bagong kasambahay dito ni Sir Argel." Pakilala niya sa sarili, tinanggap niya ang kamay nito para makipag shake hands. Wow, ang soft! sa isip-isip niya sabay bawi ng kanyang kamay."Ah, ikaw pala ang tinutukoy ni Argel. Nice to meet you!"Nakita niya ang pasimple nitong ngiti. Napakunot-noo siya. Ano kaya ang tsinismis ng amo niya sa lalaking kaharap niya?"You have beautiful eyes, bakit hindi mo subukan gumamit ng contact lense kaysa naman diyan sa hawak mo na salamin?" Suhestiyon ni Akie sa dalaga.Hindi sumagot si Franki, pero napatitig siya sa mukha n
"Anak, sobrang nag aalala na ako sayo. Iniisip ko, kung kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw. Kung maayos ba ang ang lagay mo, sa tinutuluyan mo ngayon kung nasaan ka man. Kung safe ka ba. Anak, kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo. Halos hindi na ako makakain kaiisip sayo, kaya please naman anak umuwi ka na." Mahabang sabi ng kanyang ina na sinasabayan na ng pag-iyak.Pakiramdam ni Franki, nadudurog ang puso niya sa bawat iyak ng kanyang ina. Pero kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya, hindi siya uuwi hanggat hindi niya nalalaman na wala ng arrange marriage na mangyayari."Mom, pakiusap huwag na kayong umiyak. Promise, araw-araw akong mag te-text sa'yo, para ipaalam na ayos lang po ako. Hayaan niyo na lang po muna akong mamuhay na mag isa, para mag mature na ako. Babalik naman po ako ng bahay, pero hindi na po muna ngayon. Lagi niyo tatandaan na mahal na mahal kita kayo ni dad at ate.""Sige, pag bibigyan kita anak. Basta ipanga
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b
MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m
ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank
"HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.
HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m
"YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m
"HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m