"Ayon! nakikita ko na si Franki." Wika ni Angela. "Mang Isko paki-start na po 'yong sasakyan."
Sumunod naman si Mang Isko sabay start na nga ng kotse.
Natanaw ni Franki ang kotse nang kuya ni Angela. Ito ang malimit gamitin ng kaibigan niya noong nag aaral pa sila sa kolehiyo.
Patakbong sinalubong ni Franki ang papalapit na kotse, pero nasa gilid naman siya ng kalsada.
"Franki!" tawag ni Angela sa kanya. Sumilip ito sa may bintana ng kotse.
Mabilis naman na binuksan ni Franki ang pinto ng sasakyan sa may likuran at agad na sumakay. Bumaba naman si Angela para lumipat ng puwesto at tumabi ito sa kanya.
"Thank you so much!" Wika ni Franki. Sabay yakap at h***k niya sa pisngi ng kaibigan. "You are always my savior!"
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Angela sa kanya. Kumawala ito sa yakap niya.
"Angela, baka naman puwedeng sainyo muna ako mag palipas ng gabi kahit ngayon lang?" Aniya sa kaibigan sa pinalungkot na mukha.
Binatukan naman ni Angela ang kaibigan.
"Aray naman!" reklamo ni Franki sabay kamot sa tinamaan ng batok ng kaibigan.
"Sanay na ako sa ganyang gesture mo noh, paawa effect ka pa diyan." Tila sermon nito sa kanya. "Kahit naman hindi mo itanong saakin yan, your always welcome naman sa bahay. Tamang-tama out of town parents ko, kami lang ni kuya ang nasa bahay."
"Thank you talaga. Mamaya, sasabihin ko sayo ang problema ko pagdating natin sa bahay ninyo."
"Okay sige," sagot ni Angela. "Tara na Mang Isko bumalik na po tayo ng bahay."
Sumunod naman ang matanda. Mabilis na pinasibad na nito ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
PAGDATING sa bahay na pag mamay-ari ng pamilya ni Angela, dumiretso na agad sila sa kuwarto ng kaibigan.
"Dito ka muna sa kuwarto ko, kukuha lang ako ng makakain natin." Paalam ni Angela kay Franki.
"Angela, baka puwede huwag mo mabanggit sa kuya mo na naandito ako ngayon sa inyo." Pakiusap niya sa kaibigan.
"Bakit naman?" takang tanong ni Angela sa kanya.
Napatayo si Franki mula sa kinauupuan na kama ng kaibigan.
"Kapag nalaman ng parents ko na wala ako sa bahay panigurado dito sila unang pupunta sa bahay ninyo para hanapin ako." Paliwanag niya sa kaibigan.
"O sige." Sang-ayon ni Angela. "Kukuha lang ako ng pagkain natin, tapus sabihin mo sakin ang dahilan mo kung bakit ka nag layas."
Tumango si Franki bilang tugon sa sinabi ng kaibigan. Tumalikod na nga si Angela at lumabas na ng kuwarto.
Naiwan naman si Franki na nakatayo malapit sa may bintana, nakatingala habang pinag mamasdan ang mga bituin na kumikislap sa langit.
Napabungtong hininga ang dalaga, kailangan na niyang makapag isip ng susunod niyang gagawin para hindi siya makita ng mga magulang niya. Kailangan niya ng ibang matutuluyan dahil hindi siya puwedeng mag stay sa bahay ng kaibigan. Nakakahiya naman kung pati ang bestfriend niya ay madamay pa sa problemang kinakaharap niya.
Kailangan niyang makahanap ng mapapasukan na trabaho kahit na ano, basta malayo sa mga magulang niya. Paninindigan niya ang paglalayas, huwag lang siyang maikasal sa lalaking hindi niya mahal, over her dead body!
Napalingon si Franki sa bandang likuran niya nang marinig ang langitngit ng pinto. Iniluwa niyon si Angela na may dalang isang malaking tray, nasa likod naman nito ang isang kasambahay na may dala din na isang tray.
"Sabel, wala kang nakita ha? Kunwari hindi mo nakita sa kuwarto ko ang kaibigan ko na si Franki. Kapag may nag tanong sayo, sabihin mo wala kang alam o wala kang nakita." Bilin ni Angela sa kasambahay na mas mukhang bata sa kanya at bago pa lang namamasukan sa bahay nila.
"Yes po Mam," magalang nitong sagot. Inilapag sa side table ang dala nitong tray.
"Sige, iwan muna kami. Tatawagin na lang kita mamaya kung may iuutos pa ako sayo." Ani Angela.
Tumalikod na ang kasambahay, hawak na nito ang door knob ng muli itong tawagin ni Angela. "Sandali lang Sabel!"
"Bakit po Mam?"
"Kapag dumating si kuya Arth, huwag mo mabanggit na may magandang bisita ako. Pakisabihan mo na din ang mga kasama mo. Salamat." Muling bilin dito ni Angela.
"Opo Mam," muling sagot ng kasambahay at tuluyan na itong lumabas ng kuwarto.
Humakbang si Franki palapit sa kama kung saan naandoon ang kaibigan na si Angela. Inaayos nito ang mga pagkain na dala nito.
"Andami mo naman dinalang pagkain, para na tayo nitong bibitayin." Natatawang puna niya, naupo siya sa tabi nito.
May maliit na sofa bed sa loob ng kuwarto ni Angela. Doon sila pumuwesto para kainin ang mga dala nitong pagkain.
"Matagal na din nating hindi ginagawa ang ganito. Noong nag aaral pa tayo, wala pa nga sa kalahati ng pagkain na dala ko ang kinakain natin." Sagot ni Angela.
Natawa si Franki sa sinabi ng kaibigan. Tama naman ito, food is life nga ang motto nilang dalawa dahil kapag lagi silang mag kasama hindi nawawalan ng pagkain ang mga bibig nila.
"Here's your spoon and fork."
"Thanks," sagot niya sabay abot sa kutsara at tinidor na bigay nito. "Ang sarap ng foods, tamang-tama nabitin ako kanina sa hapunan namin sa bahay."
Menudo, chopsuey at rice ang nakahain sa harapan nilang mag kaibigan, tapus may dalawang slice pa ng chocolate cake at dalawang can ng soda.
"Kumain na muna tayo," ani Angela.
"Mabuti pa nga, dahil kapag nauna ang kuwento ko baka mawalan ako ng ganang kumain." Sagot ni Franki at sumandok na ng menudo at inilagay sa ibabaw ng kanin na nasa plato niya.
Pinagsaluhan nga ng mag kaibigan ang dalang pagkain ni Angela. Pilit naman na iwinaksi muna ni Franki ang kanyang problema, gusto niyang eenjoy ang pagkain na kasama ang matalik na kaibigan.
Napaka suwerte niya talaga sa kaibigan na si Angela, lagi niya itong naasahan. Lagi itong handang tumulong sa kanya at ganoon din naman siya dito. Kung titignan ang kaibigan niya, iisipin ng kahit sino na maarte at mataray ito dahil na din sa klase ng pananamit at pananalita nito. Pero kung alam lang ng lahat ang totoong ugali nito tiyak na maraming maiinggit sa kanya, dahil siya ang best friend nito. Mayaman, sosyalera pero down to earth naman ito.
PAGKATAPOS kumain nang magkaibigan ay nag simula ng mag tanong si Angela kay Franki.
"Ngayon, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nag layas?"
Bumuntong hininga si Franki bago mag salita. "Si Dad kasi,"
"Ano naman si tito?" usisa ni Angela.
"Gusto niya ng arrange marriage. Ako at anak daw ng ka kumpare nito." Kuwento niya.
"What?" Parang gulat na bulalas ni Angela. "Totoo ba ang sinasabi mo friend?"
"Mukha ba akong nag sisinungaling?" Tinuro niya ang sarili. "Tatalon ba ako mula sa bintana ng kuwarto ko, makatakas lang ako ng bahay?"
"P-pero bakit naman gagawin ni tito 'yon, may dahilan ba siya?"
"Hindi ko alam, wala siyang sinabi. Basta ang gusto niya mag pakasal ako sa anak ng kumpare niya, ayoko ng ideyang ikakasal ako sa lalaking hindi ko pa nga nakikita, nakikilala at nakakausap." Mahabang sabi niya.
Tumayo sa pagkakaupo si Angela at nag pabalik-balik ito ng lakad sa harapan niya. Mukhang ito pa yata ang ikakasal dahil sa ikinikilos nito.
"Baka naman dahil sa business?" pang huhula ni Angela.
"Maupo ka nga, nahihilo ako sayo." Sita niya sa kaibigan.
Umupo sa tabi niya si Angela, kasalukuyan na nasa kama na sila.
"Alam ba ni tita at ng ate mo ang plano ng dad mo?"
"Yes!" Mabilis niyang sagot. "Wala din naman silang magagawa, dahil si dad ang ang nasusunod sa bahay. Siya ang batas. Kaya nga nakakainis, alam mo iyong parang si dad na ang nag papatakbo ng mga buhay namin."
"Kawawa ka naman pala friend. Kung gusto mo, dito kana muna tumira sa bahay. Matatagalan pa bago makabalik ng pilipinas parents namin. Si kuya Arth naman, busy sa kompanya. Laging gabi na kung umuwi." Alok na tulong sa kanya ni Angela.
Nakakatuksong tanggapin niya ang alok na tulong ng kaibigan, pero hindi siya puwedeng manatili sa bahay ng mga ito dahil panigurado na susunduin siya ng pamilya niya para maiuwi.
"Hindi puwede friend," tanggi niya sa alok nito. "Ang kailangan ko ay trabaho."
"Tamang-tama, fresh graduate ka. Kailangan ni kuya ng secretary sa company namin." Muling alok nito.
"Hindi puwede friend," muling tanggi niya sa kaibigan.
"Pambihira ka naman, ikaw na nga ang tinutulungan tinatanggihan mo pa." Sermon nito sa kanya.
"Kasi nga kapag nalaman ng dad ko na naandito ako sa bahay ninyo o kaya ay nag tatrabaho ako sa kompanya ninyo, tiyak na pipilitin niya akong bumalik ng bahay." Paliwanag niya sa kaibigan. "Gusto kong tanggapin ang inaalok mo na tulong, pero mas kailangan ko ang trabaho na malayo sa pamilya ko 'yong hindi nila ako makikita."
Nakita niya ang pag taasan ng mga kilay ng kaibigan.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Angela.
Kumibit - balikat si Franki.
"Akala mo ba, madali lang mag hanap ng trabaho lalo na at wala ka pang experience sa work." Gagad ni Angela. "Ayaw mo, na makita ka ng pamilya mo. Anong gusto mong trabaho, kasambahay?" Biro lang naman iyon para kay Angela pero nagustuhan ni Franki ang sinabi ng kaibigan.
"Tama!" tila nag liwanag ang mukha ni Franki. "Puwede na ang kasambahay saakin."
"What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Angela. Napatayo ito mula sa kinauupuan na kama. "Hindi ka lang siguro nasisiraan ng ulo, nababaliw ka na! Despirada lang?"
Hinatak niya ang mga kamay ng kaibigan at muling pinaupo sa gilid ng kama sa tapat niya.
"Friend, kapag pumasok ako na kasambahay ibig sabihin lagi lang ako nasa bahay. Imposibleng mahanap pa ako ni dad!"
"Graduate ka nga ng college pero kung mag isip ka ga -munggo!" Prangkang sabi ni Angela sa kanya. Hndi naman siya nainis sa sinabi nito. "Gusto mo maging kasambahay, samantalang ikaw ang pinag sisilbihan ng kasambahay sa inyo. Ano naman ang alam mo sa bahay aber?"
"Marunong naman ako mag luto at alam mo 'yan!" Tila pagyayabang pa niyang sagot. Isang mabilis na irap naman ang binigay sa kanya ng kaibigan. "Iyong pag lilinis madali lang 'yon, walis-walis lang naman."
"Akala mo siguro madali lang ang trabahong katulong, sa hitsura mo na 'yan tingin mo may tatanggap sayo? baka nga magmukha ka pa na amo sa bahay na papasukan mo."
Sinipat siya ng kaibigan mula ulo hanggang paa.
"Grabe ka naman friend, hindi ba ako katanggap-tanggap?"
"Hindi naman sa ganun. Pero, sa ganda mo na yan at kutis porcelana tingin mo ba may maniniwala sayo na katulong ang aaplayan mo?" Sabi pa nito na tinapik-tapik ang kanang pisngi ni Franki. "Tsaka tingin mo ba, hindi ka matutunton nina tito kapag pinakalat na nila ang mga picture mo. May nakasulat pa na missing person Franki Avella blah! blah! blah!"
"Eh di mag di-disguise ako!" Wala sa loob na sagot niya.
"Tsk! Kapag kalokohan napaka brilliant mo mag isip!" disgusto pa din sa plano niya si Angela.
Knock! knock! knock! katok mula sa labas ng kuwarto ni Angela.
"Angie!" boses ng kuya nito ang narinig nila.
Nagkatinginan silang mag kaibigan. Taranta na agad na nag hanap ang dalawa ng matataguan ni Franki.
"Under my bed," pabulong na sabi ni Angela sa kanya.
"Bak---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng takpan ni Angela ang kanyang bibig.
"Malinis ang ilalim ng kama ko. Sige na mag tago kana, kung ayaw mo na maabutan ni kuya dito sa loob ng kuwarto ko." Muling bulong nito sa kanya.
"Okay!" Mariin niyang sagot at nag simula na nga siyang gumapang pailalim sa kama ng kaibigan.
Saktong nakapasok siya sa ilalim ng kama ng bigla naman bumukas ang pinto ng kuwarto ni Angela.
Parang tumatahip ang d****b ni Franki sa kaba sa takot na baka makita siya ng kuya ni Angela. Nangangamba din siya na baka may makita siyang insekto sa ilalim ng kama, lalo na kung ipis o butiki dahil takot siya sa mga ito.
Nag kunwari naman si Angela na nag aayos siya ng kama.
"Kanina pa ako kumakatok sa labas ng pinto, hindi mo ba naririnig?"
"Ikaw pala kuya!" Bati ni Angela.
"BAKIT hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto?" ito ang ang bungad kay Angela ng bagong dating na si Arth. "Parang narinig ko na may kausap ka dito sa loob ng kuwarto mo, may itinatago ka ba?" seryoso ang mukhang sabi ng binata nakapamulsa ito."Ako, may tinatago?" Ani Angela na sinabayan ng pekeng tawa. "May kausap nga ako kuya ang kaibigan ko, pero sa cellphone lang kami nag usap. Kita mo naman mag isa lang ako dito sa kuwarto ko?" Menuwestra pa ng dalaga ang loob ng kanyang kuwarto.Pagak na tumawa ang binata, nagpalakad-lakad ito sa loob ng kuwarto ng dalaga at inililibot ang paningin."Sigurado ka?" dudang tanong ni Arth sa kapatid."Oo naman!" mabilis na sagot ni Angela.Humakbang ang dalaga palapit sa kanyang kama at naupo, kung saan ay nakadapang nag tatago sa ilalim nito si Franki.Nakita ni Angela na may dinukot sa bulsa sa suot nitong bl
"Mom. I think, this is not the right time para kausapin si Franki. Masama ang loob ng kapatid ko, kaya mas mabuti pa po na bukas mo na lang siya kausapin. " Mahabang turan ni Francine.Napabuntong hininga si Mabel."Sige," tipid na sagot na lamang nito."Tara na mom, ihatid ko na kayo sa kuwarto niyo ni dad.""Hindi na anak, " tanggi ni Mabel. Maingat na muling isinara ni Mabel ang pinto ng kuwarto ng anak."Sige po mom, punta na ako sa kuwarto ko." Paalam ng dalaga sa ina. "Goodnight mom!""Sige anak. Goodnight!"Humalik muna si Francine sa pisngi ng ina bago ito nag simulang humakbang patungo sa kuwarto nito.Tinapunan ng malungkot na tingin ni Mabel, ang nakasarang pinto ng kuwarto ng bunsong anak. Kung may magagawa nga lang siya para pigilan ang kanyang asawa sa plano nito para sa kanilang anak. Ngunit kilala niya ang kanyang asawa, ayaw
NAG mamadaling inayos ng mag kaibigan ang mga dadalhin na gamit ni Franki. Muling nag yakap ng mahigpit ang mag kaibigan bago tuluyan na lumabas ng kuwarto ni Angela."FRANKI ANAK!" Sigaw ni Mabel. Lakad-takbo na inaakyat nito ang mahabang hagdan.Nakabuntot sa likuran bahagi ni Mabel ang panganay na anak."Franki anak!" muling tawag ni Mabel sa pangalan ng anak ng makarating na ito sa tapat ng pinto ng kuwarto.Agad na binuksan ni Mabel ang pinto at mabilis na pumasok ng kuwarto. Dinampot nito ang puting kumot na nakatakip sa inaakalang katawan ng anak.Nanlaki ang mga mata ni Mabel nang makita na mga unan lang pala ang nasa ilalim ng kumot. Nanlulumong napaupo ito sa gilid ng kama ng anak."Mom!" tawag pansin ni Francine sa ina. Lumapit ang dalaga sa ina na nakaupo na sa gilid ng kama ng kanyang kapatid."Ang kapatid mo," garalgal ang boses na sabi n
NASUNDAN nang tingin ni Arth ang paalis na kotse. Ibig sabihin, may kaya sa buhay ang pamilya ng babaeng nakausap niya. Dahil hindi biro ang presyo ng sasakyan. Pero sa klase ng pananamit ng dalaga mukhang napaka simple lang nitong babae. Hindi kagaya ng ibang nakilala niyang babae, nag ka kotse lang akala mo kung sino na.Napangiti ng simple ang binata, mukhang nag kakainterest yata siya sa babaeng ngayon lang niya nakilala. Dalawang beses na mahina niyang sinampal ang kanyang magkabilang pisngi bago nag simulang humakbang upang bumalik ng bahay."Anong sabi ng nakausap mo?" Agad na tanong ni Mabel sa anak na nakaupo na ngayon sa driver seat."Wala daw po sa kanila si Franki." Sagot ni Francine.Naipag-daop ni Mabel ang dalawang palad. "Kung ganoon, saan naman pupunta ang kapatid mo?""Baka naman may kilala ka pa na mga kaibigan ng kapatid mo, tara na at puntahan na natin." Si Frederico
NAPALUNOK nang sariling laway si Franki, ganito kalaking bahay ang lilinisin niya? Hindi pa nga siya nakakasimula parang pagod na siya. Tapos, nakakabingi pa ang katahimikan baka malungkot lang siya."Have a sit," paanyaya ni Argel sa dalawang dalaga. "You want something, water, juice or anything ?""No thanks!" Panabay na sagot ng dalawang dalaga."Are you living alone in this house?" tanong ni Angela sa binata."Yes," tipid na sagot ng Argel. "Excuse me ladies, kukuha lang ako ng damit."Huwag na! bulong ni Franki sa sarili. Muli niyang pinagmasdan ang matipunong katawan ng binata, mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Malinis at mukhang mabango. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Muli siyang napalunok ng laway, agad din naman niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi pa nga siya nag kaka nobyo pero ang laswa na niyang mag isip.
"AYOKO mapunta si Franki sa kung sinong lalaki na wala naman kakayahan na buhayin ang kapatid mo." Dagdag pa ni Frederico."Dad?!" Gulat si Francine sa kanyang narinig mula sa ama."Bata pa lang ang kapatid mo naipagkasundo na namin nang kumpare ko na pag dating ng tamang panahon, ikakasal ang kapatid mo sa nag iisa niyang anak.""Bakit si Franki, bakit hindi ako dad? Total ako naman ang panganay!""Dahil magkaiba kayo ng kapatid mo, ikaw may napatunayan ka na sa sarili mo. Kaya mo mabuhay ng hindi umaasa saamin ng ina mo, pero ang kapatid mo parang walang pangarap.""My god dad! naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Padabog na tumalikod si Francince. "Wala na ibang mahalaga sayo kundi pera, kaya tama lang na ikaw ang sisihin ni mom sa pag lalayas ni Franki. Hindi muna pinahahalagahan ang damdamin namin na pamilya mo, dahil makasarili ka dad!""Watch your mouth! anak lang kita, wala kang karapatan na sumbatan ako ng ganyan!" Nag panting ang teng
NATUTOP ni Franki ang bibig. Bakit ba naitanong pa niya iyon."Kahit na nakasalamin ka pa," tipid nitong sagot. "Third. Ayoko ng malikot ang mga kamay, in short magnanakaw.""Uy ha, hindi ko ugali yon!" Depensa ni Franki sa sarili.Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, muli nitong ipinag patuloy ang pag babasa. "Kapag nandito ako sa bahay, dapat seven in the morning gising kana para makapag simula nang mag linis ng bahay. Madalas nagigising ako ng alas diyes ng umaga, kaya dapat bago ako magising malinis na ang pool." Mahaba nitong sabi."Hindi po ba kayo nag aalmusal?" Tanong ni Franki."Isinasabay ko na sa lunch, kaya dapat bago mag alas onse naka pag luto kana.""Yon lang po ba Sir, ang rules na dapat kung tatandaan? Ang konte naman pala.""Meron pa." Sagot nito. "Ayokong nag dadala ka ng kung sino-sino dito sa bahay ko lalo na kung nobyo mo.""Dont worry Sir, wala naman po akong boyfriend." Pagyayabang na sagot nang
SIGURO naman hindi siya mahihirapan sa pag lilinis ng pool dahil may sarili din silang pool sa bahay, kung minsan ay siya ang naglilinis dahil mas madalas na siya ang gumagamit dahil ang pag swi-swimming ay isa sa mga gawain niya para mapanatiling fit and sexy ang body niya.PAGKATAPOS makuha ang lahat ng kailangan niyang kagamitan ay agad na din siyang lumabas ng maliit na bahay na iyon, tumuloy naman siya sa may harden na hindi naman masyadong kalakihan may iilan lang na halaman na may mga bulaklak na naroon, katapat lang iyon ng pool na kanyang lilinisin."Oh my gosh! " Manghang bulalas ni Franki ng tuluyan na ngang makalapit sa pool.Ang laki nang pool at ang ganda ng pagkakagawa. Sa dulong bahagi ng pool naroon ang may kataasan na slide na kulay sky blue habang ang gilid ng slide ay may mga nakatayong pigura na mga dolphin na may lumalabas na tubig sa bibig ng mga ito, para itong fountain. Meron pa siyang
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b
MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m
ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank
"HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.
HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m
"YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m
"HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m