Dumating ang araw ng pagsasalo-salo na inihanda ni Mikel para ipakilala ako bilang asawa niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, dahil bukod sa pamilya niya ay inimbitahan niya rin ang aking pamilya. At ito ang unang pagkakataon na malalaman nila ang tungkol sa pagpapakasal ko. At ito rin ang magiging muli na paghaharap namin matapos ang naging paglalayas ko. Oo at ilang linggo rin na natahimik si Chad dahil sa sustento na ipinapadala ni Mikel, pero sigurdo ako na hindi pa rin siya lubusan na natatahimik ukol sa pagbebenta niya sa akin sa matanda na bilyonaryo na iyon. Kilalang-kilala ko si Chad, hindi niya gano'n na lamang na susukuan ang mga bagay na nais niya na mangyari. Kabadong-kabado ako habang naghahanda. Kahit na maayos ang pakikitungo sa akin ng ina ni Mikel ay hindi ako sigurado sa iba nila na kapamilya. Ang sabi ni Mikel, bukod sa kamag-anak ng kan'yang ina ay may ilan din siya na bisita mula sa partido ng ama na malamang ay darating. Matatanggap ba nila ako kapag nalam
Kung natetensyon ako kanina ay mas triple na ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa kaalaman na narito na naman ang mga kontrabida ng buhay ko. Buhay ko lang talaga dahil sigurado naman ako na ako ang pupuntiryahin nila lalo na ng Janine na iyon upang mabalikan niya si Mikel. Sabihin na ng lahat na feelingera talaga ako, pero iyan ang alam ko na mangyayari. Alam na alam ko ang galawan ng mga kontrabida. At ang mga madidilim na titig pa lamang na ibinigay sa akin ni Janine noon unang beses na magkaharap kami ay alam ko na sa sarili ko na magiging isa siyang tinik sa buhay ko. At kahit ayaw ko ay wala akong magagawa, dahil bilang asawa ni Mikel sa loob ng dalawang taon ay kailangan ko na harapin ang buwisit na babae na iyon. Patuloy ko tuloy na naitatanong sa isip ko kung bakit ang mga ex ay ex na nga ay hindi pa manatili na lamang sa nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila na magmulto sa kasalukuyan at guluhin ang mga nananahimik na buhay ng iba. "Everything is
Ako ay isa talaga na loka-loka para pumayag sa deal na iyon ni Wyatt. Parang nahipnotismo ako sa lalaking ito at walang pagdadalawang-isip na umayon sa kan'ya. Kaya heto kami ngayon, palabas at papunta sa parkingan upang alamin kung totoo ang sinasabi niya. Nanggigigil din ako kay Mikel na bigla na lamang din nawala sa loob. Dahil kung hindi dahil sa kan’ya ay hindi ko kinakailangan na gawin ito. At oras na mapatunayan ko talaga na tama ang sinasabi ni Wyatt ay humanda talaga siya sa akin. "Paano ba ‘yan? Talo ka na sa deal natin." Nakaturo ang kamay niya sa dalawang tao na nag-uusap malapit sa kotse ni Mikel. At sigurado na sigurado ako na ang asawa ko iyon base sa postura at damit na suot nito. "Gusto mo ba na puntahan pa natin para marinig mo ang pinag-uusapan nila?" Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Nagngingitngit talaga ako sa Mikel na ito na makasabi pa na bawal na makipagrelasyon sa iba at putulin ang ano man na ugnayan na mayro'n hangga't nasa kontrata pa
I made it. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko na patatagin ang sarili ko sa harap ng kaalaman na ang tatay ni Mikel at ang matanda na bilyonaryo na bumili sa akin kay Chad ay iisa lamang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang muli kami na magkaharap. Nang ipakilala siya sa akin na hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya ay hindi ko talaga kinaya ang mga paraan ng pagtitig niya sa akin. Kaya sa sobrang takot na bumalot sa akin ay agad-agad ako na nag-empake at lumayas sa amin. Ngayon ang tinataguan ko ay unti-unti na bumabalik, at ang nakaraan na pilit ko na tinatakasan ay muli na nabubuhay upang guluhin ako. Napakamalas ko lang ba talaga na sa dami ng tao sa mundo ay naikasal pa ako sa anak ng lalaki na bumili sa akin? Nakahinga ako ng maluwag nang agad din na nagpaalam si Chad at ang ama ni Mikel. Mabuti na rin lamang talaga na nakaramdam si Chad na hindi siya talaga welcome sa pagtitipon na ito. Malaki rin ang pasasalamat ko sa ina ni Mikel na nang maabutan at
Kagaya nang napagdesisyunan namin, mabilis na nagpaalam si Mikel sa kan'yang ina upang makauwi na kami. Hindi naman tumutol si Marlene sa kagustuhan ng kan'yang anak. Nang makauwi kami sa bahay ni Mikel ay hindi pa man ako tuluyan na nakakapasok sa pintuan ay hinarap na agad ako ng asawa ko. "Stay in the living room. We need to talk." Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at dumiretso sa sala at pasalampak na naupo roon. Kung ano man ang pag-uusapan namin ay sigurado ako na hindi ko ito magugustuhan. "I didn’t know that your brother and my father are friends. Masyado na malayo ang agwat ng edad nila upang magkasundo sila at maging magkaibigan. Kilala ko ang ama ko na hindi basta-basta na nakikisama sa kung sino lamang, and don’t get me wrong, Tamara." Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ungkatin na niya ang tungkol kay Chad at sa ama niya. Alam ko na kailangan ko na sabihin sa kan’ya ang totoo, ngunit paano? Ayaw ko na ako pa ang dumagdag sa hidwaan na mayro’n sila ng k
Pagtunog sa aking telepono ang gumising sa mahimbing na tulog ko. Sa mga nakapikit na mata ko ay pilit ko na inabot iyon mula sa lamesa sa gilid ng aking kama. Mabagal ang kilos ko dahil pakiramdam ko ay sobrang aga pa para may tumawag sa akin. "Hello." antok na antok na sagot ko sa tawag. "Tamara." Bigla ako na napadilat at namilog agad ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses na iyon sa kabilang linya. "Mukhang tulog na tulog ka pa ha. Sobrang sarap na ba ng buhay mo ngayon at prenteng-prente ka na lamang diyan sa mansyon ninyo? Prinsesa na ba ang pamumuhay mo ngayon kaya hindi ka na nakakaalala? Baka nakakalimutan mo na may responsibilidad ka pa sa pamilya na ito. Pinapaalala ko lang sa'yo na kahit kasal ka na at may asawa ka na ay parte pa rin kami ng buhay mo." "Ano ang kailangan mo, Chad? Ang aga-aga nagsisimula ka na naman.”" "Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan sa pagtawag ko sa'yo? Ubos na ang huling naipadala mo at kailangan na dagdagan mo at dalasan ang pagpapada
"Fine! Ayaw mo sabihin sa akin ang halaga na kailangan niya, it’s your choice then." Inilabas niya ang telepono niya at nakita ko na lamang nang idinial niya iyon. Makalipas lamang ang ilang segundo ay muli siya na nagsalita nang marahil ay may sumagot na sa kabilang linya. "Diane, send fifty thousand pesos to my wife’s brother today. Same details as before." "Mikel!" sigaw ko sa kanya. Halos mahulog pa ako sa kama sa pagmamadali ko na maabot siya at mapigilan ang tawag. "No!" sigaw ko ulit. Nang akala ko ay lalagapak na ako sa sahig dahil nga sa pagpipilit ko na mapigilan siya sa utos niya na iyon ay napapikit ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak sa sahig, ngunit hindi dumating ang inaasahan ko na paghulog dahil sa halip na sa sahig ako tumama ay sa mga bisig ako ni Mikel muli na nahulog. Naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng mga braso niya sa akin habang napamura pa siya ng mahina sa nangyari sa akin. "Fuck." "What the hell, Tamara! Ayos ka lang ba?" May bahid na pa
Lunes na Lunes pero busangot na busangot ang pagmumukha ko ngayon. Paano ba naman na hindi, wala na akong nagawa at kahit na ano pa ang naging pagtanggi ko ay ito ako ngayon at kasabay ni Mikel na papasok sa kanyang opisina. Ngayon ang unang araw ko raw sa pagtatrabaho bilang sekretarya niya. Paano naman mangyayari iyon kung may sekretarya na siya? Baka naman ako ang sekretarya ng sekretarya niya? Ay ewan sa kan'ya! Naiinis ako dahil lagi na lamang ako na natatalo sa kan'ya. Wala rin akong nagawa nang sapilitan siya na magpadala ng fifty thousand kay Chad. Ayaw ko na patuloy na masanay ang pamilya ko na ginagawa ako na gatasan, kaya naman hindi ko sana iyon pagbibigyan sa nais nila na halaga, ngunit sa uulitin ay nangialam si Mikel. Mas mabuti na raw iyon upang hindi na ako patuloy na kulitin pa ni Chad at baka ano pa raw ang maisipan na gawin sa akin ng kapatid ko. Nakalusot na siya sa bagay na iyon, kaya inilista ko na lamang ang ipinadala niya na halaga bilang utang ko sa kanya.
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin