Share

Chapter 10.1 - When Past meets the Present cont.

Kung natetensyon ako kanina ay mas triple na ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa kaalaman na narito na naman ang mga kontrabida ng buhay ko. Buhay ko lang talaga dahil sigurado naman ako na ako ang pupuntiryahin nila lalo na ng Janine na iyon upang mabalikan niya si Mikel. Sabihin na ng lahat na feelingera talaga ako, pero iyan ang alam ko na mangyayari.

Alam na alam ko ang galawan ng mga kontrabida. At ang mga madidilim na titig pa lamang na ibinigay sa akin ni Janine noon unang beses na magkaharap kami ay alam ko na sa sarili ko na magiging isa siyang tinik sa buhay ko. At kahit ayaw ko ay wala akong magagawa, dahil bilang asawa ni Mikel sa loob ng dalawang taon ay kailangan ko na harapin ang buwisit na babae na iyon.

Patuloy ko tuloy na naitatanong sa isip ko kung bakit ang mga ex ay ex na nga ay hindi pa manatili na lamang sa nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila na magmulto sa kasalukuyan at guluhin ang mga nananahimik na buhay ng iba.

"Everything is
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status