Pinagtatawanan ako ni Wyatt habang madaling-madali ako na naglalakad pabalik sa opisina ni Mikel. Kanina nang sagutin ko ang tawag at marinig ang nanggigigil niya na naman na boses ay naiirita na naman ako sa asawa ko. Makapagtanong kung nasaan ako, hindi man lamang inisip kung anong oras na at baka nagugutom na ang asawa niya. Pero kanina iyon. Ngayon na pabalik na kami ni Wyatt ay dumadagundong ang puso ko sa kaba. First day na first day ko ay sermon yata ang aabutin ko sa amo ko na asawa ko. "Hey, bagalan mo nga at baka madapa ka. Hindi ko akalain na sa pagiging mukhang amasona mo na iyan sa katarayan ay takot na takot ka pala sa asawa mo." Mabilis ako na huminto sa paglalakad at humarap sa kan’ya, kaya naman kamuntikan pa niya ako na mabunggo kung hindi niya lang ako agad na nakapitan sa mga braso. Lapit na lapit kami sa isa’t-isa kaya naman nanlaki at namilog ang mga mata ko. "Hoy!" sigaw ko. Itinulak ko pa siya sa kan’yang dibdib upang makaatras ako ng bahagya at mabigyan kam
"Saan ka nanggaling, Tamara, at hindi mo man lamang naisipan na mag-text o mag-iwan ng mensahe kay Diane?" Kung inaakala ko na nakaligtas na ako sa sermon ng asawa ko ay nagkakamali ako. Habang nagmamaneho siya pauwi ay ito na nga at nagsimula na naman ang kan’yang machine gun na pagratrat sa akin. "Paulit-ulit tayo, Mikel. Hindi ba at nabanggit ko na kanina, nasabi na rin ni Diane, kumain lamang kami ng tanghalian sa katabing building ni Wyatt." "Sinabihan ko si Diane na bumili ng pagkain natin dahil inaasahan ko na sabay tayo na kakain. And guess what? Pagbalik ko sa opisina ay walang asawa na naghihintay sa akin. And you know what else? Kumain ako na mag-isa dahil ang asawa ko na dapat ay kasabay ko ay mas pinili na sumabay sa iba." Nakokonsensya rin ako lalo na at nalaman ko buhat kay Diane na kaya rin nagalit si Mikel ay dahil inaasahan niya na sabay kami na magtatanghalian. Pero hindi ko naman alam ang balak niya, at isa pa ay nagutom na ako. "I said I’m sorry. Hindi ko nama
"Tamara, tell me the truth! Tama ba ang mga narinig ko na sinabi mo? Ang ama ko ba at ang matanda na bilyonaryo na sinasabi mo na bumili sa iyo sa pamilya mo ay iisa? Sagutin mo ako!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Mikel kaya naman ay naestatwa na lamang ako sa kintatayuan ko at nanatili na nakatanghod lamang sa kan'ya. Paano ko nga ba aaminin ang mga bagay na kahit ako mismo ay hindi ko mapaniwalaan? Paano ko ba sasabihin sa isang anak ang mga mali na ginagawa ng kan'yang ama na hindi masisira ang ano man magandang imahe nito para sa ama? Pero mayro'n pa nga ba na natitira na magandang imahe si Mikel sa tatay niya? "Kinakausap kita, Tamara! Ano ang totoo? Tama ba ako? Iisa ba ang tao na tinutukoy natin? Fuck it! Sagot!" At sa mga oras na ito ay lubha ako na natatakot sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Mikel. Ito ang unang beses na nakitaan ko siya ng ganito katindi na emosyon. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya na nakokontrol pa ang sarili niya. Mas matindi ang ga
"Ano ang sinabi mo, Mikel? Tama ba ang narinig ko? Ibig mo na sabihin ay umariba na naman ang babaero mo na ama at ngayon ang target naman niya ay ang mismo na asawa mo?" Hindi makapaniwala si Stan sa mga narinig buhat sa kan’yang kaibigan na si Mikel. Pinatawag ni Mikel ang matalik na kaibigan na si Stan at nasa meeting room sila ngayon upang pag-usapan ang tungkol sa kan’yang ama. Alam ni Mikel na kakailanganin niya ang tulong ni Stan upang masiguro na mailalayo si Tamara sa ama niya na loko-loko at nababaliw na yata talaga. Napasandal si Mikel sa kan’yang kinauupuan habang patuloy na hinihimas ang noo. "Yeah, iyon na nga. My asshole of a father wants my wife, at kilala mo ang hayop na iyon, wala siyang hindi gagawin makuha lang ang gusto niya. At kaya kita tinawag dito ay upang masiguro natin na hindi makakalapit ang walanghiyang ama ko sa asawa ko. Ayaw ko nang bigyan pa si Tamara ng rason upang patuloy na matakot at mag-alala para sa kapakanan niya. Kailangan ko na protektahan a
"Ano na, Tamara? Halika na at sumama ka na sa akin para kumain. Nakakalungkot kaya ang mag-isa. Bakit ba kasi ayaw mo? Huwag mo sabihin sa akin na natatakot ka na sa asawa mo?" Nananahimik ang buhay ko rito sa opisina ni Mikel nang dumating na naman ang makulit na pinsan niya na si Wyatt. At simula kanina pa, pagkapasok pa lang niya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang yayain ako na lumabas at kumain. Pinipigilan na nga siya kanina ni Diane na pumasok dito dahil alam nito na magwawala na naman ang amo kapag naabutan si Wyatt dito, pero dahil sa katigasan ng ulo ng lalaki na ito ay wala na lamang nagawa ang sekretarya ng asawa ko. "Bakit ka ba kasi narito na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa kakapunta rito o napapagod man lang?" "Bakit naman ako magsasawa at mapapagod? Narito ka kaya at hindi ako magsasawa na makasama ka." "Puwes, ako ay nagsasawa na makita ka!" Pa-ismid ko na sagot sa kan’ya saka itinuon muli ang atensyon ko sa mga dokumento na nasa harapan ko. "Huwag ka na kas
Marami ang mga naging pagbabago sa mga nakalipas na linggo. Kagaya ng mga pangako ni Mikel sa akin ay nanatili ako na ligtas mula sa kan’yang ama sa piling niya. Hindi na muli na nagkrus ang landas namin ni Leonardo Lucero matapos ang araw na iyon na nagkita kami sa pagtitipon at malaki ang pasasalamat ko kay Mikel dahil doon. Naging maayos din ang lagay ko sa opisina sa kabila ng halos wala rin naman ako na ginagawa rito. Kadalasan nga ay ginugulo ko na lamang si Diane kapag buryong na buryong na ako na mag-isa sa opisina ni Mikel. Sa kabila noon ay wala naman ako na mahihiling pa. Bukod sa pinapasuweldo naman niya ako rito kahit na madalas ay petiks naman ako, ay may libre pa ako na pagkain sa araw-araw. Kaya ano pa ba ang kakailanganin ko? Wala na, dahil naibigay na sa akin ang lahat bago ko pa man iyon hilingin. "Peaches, let’s go?" Pagyaya sa akin ni Wyatt habang nakaupo ako sa tabi ni Diane rito sa may lamesa niya. Sabay pa kami na nag-angat ng ulo ni Diane nang marinig ang b
Hindi mapigilan ang mga ngiti sa labi ni Wyatt. Simula nang ihatid niya si Tamara pabalik sa opisina ng pinsan niya na si Mikel ay wala silang ginawa ng babae kung hindi ang mag-asaran at magbiruan. At masaya siya sa pagkakaibigan na iyon na nabubuo sa pagitan nilang dalawa. Ibang-iba si Tamara sa mga babae na nakasanayan niya. Ibang-iba kay Janine na kinahumalingan din niya. Pero sa kabila nito, ay hindi maipaliwanag ang tuwa niya kapag nakikita at nakakasama niya ang babae na asawa na ngayon ng kan'yang pinsan. But he lied to her. And he is still lying to her. Dahil hindi totoo ang sinabi niya rito na hindi siya ang tipo niya. Maaari na tama na hindi ang tipo ni Tamara ang type niya sa isang babae, pero sa kabila noon ay iba ang nararamdaman niya para rito. Ang katotohanan ay gusto niya ang babae. Gustong-gusto niya ang asawa ng pinsan niya. And this time, it is for real. Wyatt likes Tamara for who she is. Hindi kagaya ni Janine na ginusto lamang niya dahil sa pisikal na katangian
"Who are you texting? At bakit pangiti-ngiti ka pa riyan habang nakatutok sa telepono mo? Are you crazy?" Ito ang iritang-irita na tanong ni Mikel sa asawa, sa kunyari na asawa na si Tamara. Naiinis siya dahil simula nang bumiyahe sila papauwi ay wala nang ginawa si Tamara kung hindi ang dumutdot sa telepono niya at may kasama pa na pag ngiti-ngiti. Alam ni Mikel na mayro’n na ka-text ang asawa niya dahil kanina pa ang pagtunog ng telepono kahit na pilit na hinihinaan ang tunog nito. Ang nais niya na malaman ay kung sino ang kausap ng asawa niya at nangingiti pa si Tamara kahit na mag-isa. "Tamara, I am asking you. Bakit hindi ka sumasagot?" Salubong na ang kilay ni Mikel habang patuloy na nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho. "Masama ba na ngumiti? At isa pa, hindi naman siguro masama ang mag-text dito sa kotse mo, diba?" May pagkapilosopa pa na sagot ni Tamara sa kan’ya. Napakapit na lamang si Mikel ng mahigpit sa manibela upang mapigilan ang nagbabadya na inis at galit na nai