"Ano ang sinabi mo, Mikel? Tama ba ang narinig ko? Ibig mo na sabihin ay umariba na naman ang babaero mo na ama at ngayon ang target naman niya ay ang mismo na asawa mo?" Hindi makapaniwala si Stan sa mga narinig buhat sa kan’yang kaibigan na si Mikel. Pinatawag ni Mikel ang matalik na kaibigan na si Stan at nasa meeting room sila ngayon upang pag-usapan ang tungkol sa kan’yang ama. Alam ni Mikel na kakailanganin niya ang tulong ni Stan upang masiguro na mailalayo si Tamara sa ama niya na loko-loko at nababaliw na yata talaga. Napasandal si Mikel sa kan’yang kinauupuan habang patuloy na hinihimas ang noo. "Yeah, iyon na nga. My asshole of a father wants my wife, at kilala mo ang hayop na iyon, wala siyang hindi gagawin makuha lang ang gusto niya. At kaya kita tinawag dito ay upang masiguro natin na hindi makakalapit ang walanghiyang ama ko sa asawa ko. Ayaw ko nang bigyan pa si Tamara ng rason upang patuloy na matakot at mag-alala para sa kapakanan niya. Kailangan ko na protektahan a
"Ano na, Tamara? Halika na at sumama ka na sa akin para kumain. Nakakalungkot kaya ang mag-isa. Bakit ba kasi ayaw mo? Huwag mo sabihin sa akin na natatakot ka na sa asawa mo?" Nananahimik ang buhay ko rito sa opisina ni Mikel nang dumating na naman ang makulit na pinsan niya na si Wyatt. At simula kanina pa, pagkapasok pa lang niya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang yayain ako na lumabas at kumain. Pinipigilan na nga siya kanina ni Diane na pumasok dito dahil alam nito na magwawala na naman ang amo kapag naabutan si Wyatt dito, pero dahil sa katigasan ng ulo ng lalaki na ito ay wala na lamang nagawa ang sekretarya ng asawa ko. "Bakit ka ba kasi narito na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa kakapunta rito o napapagod man lang?" "Bakit naman ako magsasawa at mapapagod? Narito ka kaya at hindi ako magsasawa na makasama ka." "Puwes, ako ay nagsasawa na makita ka!" Pa-ismid ko na sagot sa kan’ya saka itinuon muli ang atensyon ko sa mga dokumento na nasa harapan ko. "Huwag ka na kas
Marami ang mga naging pagbabago sa mga nakalipas na linggo. Kagaya ng mga pangako ni Mikel sa akin ay nanatili ako na ligtas mula sa kan’yang ama sa piling niya. Hindi na muli na nagkrus ang landas namin ni Leonardo Lucero matapos ang araw na iyon na nagkita kami sa pagtitipon at malaki ang pasasalamat ko kay Mikel dahil doon. Naging maayos din ang lagay ko sa opisina sa kabila ng halos wala rin naman ako na ginagawa rito. Kadalasan nga ay ginugulo ko na lamang si Diane kapag buryong na buryong na ako na mag-isa sa opisina ni Mikel. Sa kabila noon ay wala naman ako na mahihiling pa. Bukod sa pinapasuweldo naman niya ako rito kahit na madalas ay petiks naman ako, ay may libre pa ako na pagkain sa araw-araw. Kaya ano pa ba ang kakailanganin ko? Wala na, dahil naibigay na sa akin ang lahat bago ko pa man iyon hilingin. "Peaches, let’s go?" Pagyaya sa akin ni Wyatt habang nakaupo ako sa tabi ni Diane rito sa may lamesa niya. Sabay pa kami na nag-angat ng ulo ni Diane nang marinig ang b
Hindi mapigilan ang mga ngiti sa labi ni Wyatt. Simula nang ihatid niya si Tamara pabalik sa opisina ng pinsan niya na si Mikel ay wala silang ginawa ng babae kung hindi ang mag-asaran at magbiruan. At masaya siya sa pagkakaibigan na iyon na nabubuo sa pagitan nilang dalawa. Ibang-iba si Tamara sa mga babae na nakasanayan niya. Ibang-iba kay Janine na kinahumalingan din niya. Pero sa kabila nito, ay hindi maipaliwanag ang tuwa niya kapag nakikita at nakakasama niya ang babae na asawa na ngayon ng kan'yang pinsan. But he lied to her. And he is still lying to her. Dahil hindi totoo ang sinabi niya rito na hindi siya ang tipo niya. Maaari na tama na hindi ang tipo ni Tamara ang type niya sa isang babae, pero sa kabila noon ay iba ang nararamdaman niya para rito. Ang katotohanan ay gusto niya ang babae. Gustong-gusto niya ang asawa ng pinsan niya. And this time, it is for real. Wyatt likes Tamara for who she is. Hindi kagaya ni Janine na ginusto lamang niya dahil sa pisikal na katangian
"Who are you texting? At bakit pangiti-ngiti ka pa riyan habang nakatutok sa telepono mo? Are you crazy?" Ito ang iritang-irita na tanong ni Mikel sa asawa, sa kunyari na asawa na si Tamara. Naiinis siya dahil simula nang bumiyahe sila papauwi ay wala nang ginawa si Tamara kung hindi ang dumutdot sa telepono niya at may kasama pa na pag ngiti-ngiti. Alam ni Mikel na mayro’n na ka-text ang asawa niya dahil kanina pa ang pagtunog ng telepono kahit na pilit na hinihinaan ang tunog nito. Ang nais niya na malaman ay kung sino ang kausap ng asawa niya at nangingiti pa si Tamara kahit na mag-isa. "Tamara, I am asking you. Bakit hindi ka sumasagot?" Salubong na ang kilay ni Mikel habang patuloy na nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho. "Masama ba na ngumiti? At isa pa, hindi naman siguro masama ang mag-text dito sa kotse mo, diba?" May pagkapilosopa pa na sagot ni Tamara sa kan’ya. Napakapit na lamang si Mikel ng mahigpit sa manibela upang mapigilan ang nagbabadya na inis at galit na nai
Hindi ko man na inaasahan, pero mas nagiging maayos ang pagsasama namin ni Mikel. Pilit niya na ginagampanan ang kan'yang papel bilang butihin na asawa ko. At totoo naman na napakasuwerte ko, hindi lamang sa mga bagay na naibibigay niya para sa pamilya ko, kung hindi sa patuloy na pagbabantay sa seguridad ko laban sa ama niya. Mikel's actions made me realize how good of a person he is. At sa bawat oras na nakakasama ko siya ay hindi ko rin maiwasan na unti-unti na magkaroon siya ng puwang sa puso ko. Ayaw ko man, pero iyon ang katotohanan. Masyado na mabait si Mikel at walang babae ang hindi mahuhulog sa kabaitan niya na iyon. Pero patuloy ko na sinusubukan na lagyan ng dibisyon ang tratuhan namin bilang mag-asawa. Kailangan ko na lagi ipaalala sa sarili ko na ang lahat ng ito ay isang kasunduan lamang. At kasama roon ang pinaka-importante na kondsiyon niya, ang bawal ako na mahulog sa kan'ya. Sa kabila ng maayos namin na pagsasama ay hindi pa rin naman nawawala ang paminsan-minsan
Confusion would be the right word to describe what I am feeling right now. At sigurado ako na hindi lang ako ang nakakaramdam ng confusion na ito na sinasabi ko. Ilang araw na ako na naguguluhan sa mga inaakto ni Mikel sa akin, at sa totoo lang ay pati ang nararamdaman ko ay litong-lito na rin. Hindi ko maiwasan ang mag-expect na may mga ibig sabihin at nais ipakahulugan ang mga pagbabago na ipinapakita niya sa akin. Sabihin nang assumera ako at assumptionista, pero iyan ang nararamdaman ko. At hindi ko maiwasan na bigyan ng konti na pag-asa ang sarili ko na baka nga sakali ay may tsansa na mahulog din siya sa akin. Kasi kung ako ang tatanungin, ang totoo ay unti-unti ko na rin na nararamdaman ang pagbabago ng nararamdaman ko para sa kan’ya. Alam ko na mali iyon, dahil sa umpisa pa lamang ay malinaw na sa kontrata namin na hindi puwede na ma-in love, pero maari ko ba na pigilan ang sarili ko? I can’t help but feel something for him slowly, lalo na at nakikita ko ang kabutihan ng pus
As I slowly walked down the aisle towards Mikel, ay hindi ko sigurado ang mararamdaman ko sa lahat ng ito. This is our wedding day. Again. The intimate wedding that I and Mikel’s mother agreed upon. Pero sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung gusto ko pa ba na ituloy ito at maglakad hanggang sa maabot ko si Mikel na nakangiti na naghihintay sa akin sa may altar. He is really a good actor and a great pretender. Napakagaling niya na magpanggap, kaya kahit ako ay kamuntikan na rin na mapapaniwala. Hindi pala muntikan, dahil naniwala na talaga ako. I assumed that he is feeling something for me, at iyon ang rason kung bakit ko tinanong sa kan’ya ang bagay na ‘yon. And maybe, I shouldn’t have asked, dahil kung hindi ako nagtanong ay hindi sana ako masasaktan ng ganito sa ngayon. Hindi sana magkakaro'n ng ibang pakahulugan ang kunya-kunyarian na kasal na ito sa pagitan namin. His hand is reaching out for me nang makaabot ako sa kan’ya. At kahit na gusto ko na i-plaster ang tunay na ngiti