"What’s wrong with you, Mikel? At bakit ba hindi ka mapakali riyan? At bakit mo ba ako pinapunta pa rito?" Hindi malaman ni Stan kung ano ang dahilan ng kaibigan niya at pinapunta siya nito sa bahay nila. Kanina sa opisina ay mainit na ang ulo nito at hindi nga niya alam ang rason kung bakit bigla na lamang na umuwi si Mikel at pinasunod pa siya. Palakad-lakad si Mikel sa harapan ni Stan. Naiinis siya at nagngingitngit na naman siya kay Tamara. "Teka, huwag mo sabihin sa akin na may LQ agad kayo ng asawa mo? Kakakasal ninyo pa lang ulit noon isang linggo, hindi ba dapat ay nasa honeymoon stage pa kayo? Nakapag-honeymoon na nga ba ulit kayo?" tanong pa muli ni Stan. Mikel doesn’t know how to admit to his friend the truth. Hindi rin siya sigurado kung tama lamang ba na aminin na niya na ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Tamara ay isang pagkukunyari lamang. Ayaw man niya sana pero nais nang sumabog ng puso niya, kaya alam niya na kailangan na niya na sabihin kay Stan ang totoo. He n
Gulat na gulat ako nang pag-uwi ko ay maabutan ko si Mikel sa may sala at may ilang bote ng alak na kaharap. Maaga ako na lumabas ng opisina kanina dahil may mga inasikaso kami ni Wyatt para sa joint project ng kumpanya nila ni Mikel. Dumating din ang ina ni Mikel at naisama pa ako sa meeting kasama ang ama ni Wyatt. Hindi nakasama si Mikel dahil naging abala siya kanina sa opisina. "Bu, you’re here. Kanina pa kita hinihintay." Tumingala siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Namumungay na ang mga mata ni Mikel kaya hindi ko alam kung lasing na ba siya. "Kumain ka na ba, Mikel? May problema ka ba? Bakit ka ba nag-iinom?" Sunod-sunod na pagtatanong ko. Hindi ko maiwasan na mag-alala kung mayro’n ba siya na matinding problema na naman. Hindi naman kasi madalas na umiinom si Mikel, kaya nasisiguro ko na may problema siya. "Wow! Ikaw ba ‘yan, bu? Talaga ba na nag-aalala ka para sa akin?" "Masyado ka naman na advance mag-isip, Mikel. Tinanong ko lang kung bakit ka umiinom, nag-aala
Mahimbing na mahimbing pa ang tulog ng mag-asawa. Magkayakap pa sila habang may parehong ngiti sa kanilang labi. What happened last night was not part of Mikel’s plan. Ang nais niya lamang ay malaman ang katotohanan sa nararamdaman ng kan’yang asawa para sa kan'ya. But everything happened so fast and they suddenly become one. Bahagya na kumilos si Mikel nang makaramdam ng ngalay sa kan’yang braso. Idinilat ang isang mata at pilit na inaaninag ang paligid niya. Sumilay ang ngiti sa kan’yang labi at tuluyan na idinilat ang mga mata nang masulyapan ang asawa na nakayakap sa kan’yang dibdib at nababalot lamang ng kumot ang katawan nito. No words were exchange between them, pero ramdam ni Mikel ang katotohanan sa nangyari sa nagdaang gabi. She gave him her most prized possession, herself. And she gave it to him with no qualms and inhibitions. And he couldn't be any happier being her first. Hindi mawala-wala ang kan’yang ngiti habang dahan-dahan na hinihimas ang ulo ni Tamara. Alam niya
Stupid! Ito ang tanging salita na naiisip ni Tamara patungkol sa sarili niya. She gave herself to her contracted husband, not just once but many, many times in a span of several hours. And what’s worst? She liked it. She liked every moment they shared. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na lumulukob sa pagkatao niya. Alam niya na mali ang lahat. Isang pagkakamali at katangahan na bunsod ng kalasingan at makamundong pagnanasa. Pero nang ulitin nila ni Mikel ang mga ginawa nila ng sumunod na umaga ay hindi na siya lasing. Hindi na siya lasing, pero animo siya isang lasing na naging sunod-sunuran sa tawag ng pagnanasa. Lust. Everything that happened is just pure lust, and she knows that. But there is a feeling of passion in between those kisses at hindi maikakaila iyon ni Tamara. Ngayon ay hindi niya maharap ang kan’yang asawa. Nahihiya siya kung paano pakikitunguhan ang lalaki pagkatapos ng mga namagitan sa kanilang dalawa. It was wild, it was hot and it was definitely mind-shatte
Palakad-lakad sa kan’yang mansyon si Leonardo Lucero. Salubong ang kilay at magkasalikop ang mga palad habang mataman na nag-iisip. Hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon na ang babae na nais niya na buntisin at maging kabit niya ay ang asawa na ng anak niya na si Mikel. He saw her first, at iyan ang paninindigan niya. Nabayaran na niya si Tamara Ilustre, kung kaya’t sisiguraduhin niya na siya ang magpupunla sa sinapupunan nito at hindi ang kan’yang anak. He is lusting over his daughter-in-law, at gagawin niya ang lahat upang ang babae ang maging susunod na asawa niya. Leonardo Lucero, at sixty-three years old, still possesses the charm and the appeal that a woman who has financial needs can easily be attracted to. His money enables him to have whatever he desires, including women, particularly young women who are old enough to be his own daughters. And whatever he likes, he is sure to get it. He never once thought of being serious with one woman, even his ex-wife or the many w
Hawak-kamay ang mag-asawa na sina Mikel at Tamara nang dumating sa opisina ng umaga na iyon. Muli na napatingin sa kanila ang ilan sa mga empleyado na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na ang napangasawa ng kanilang CEO ay ang kagaya ni Tamara, isang babae na malayong-malayo sa ex-girlfriend nito na mukhang modelo na si Janine. Habang si Tamara ay hindi mapakali sa mga nakukuha na tingin at pagbubulungan ng mga empleyado, si Mikel naman ay hindi maiwasan na pasimple na mapangiti. He is happy about the attention that they are getting from his employees. He is stating his claim on his wife. Ilang araw na rin niya na naririnig ang mga bali-balita patungkol sa pinsan niya na si Wyatt at sa asawa na si Tamara, at hindi niya nagugustuhan lalo na at naikokompara sila ni Wyatt. Ang mas lalo na hindi niya nagugustuhan ay kapag naririnig niya na sinasabi ng kan’yang mga empleyado na mas bagay na nagkatuluyan sina Wyatt at Tamara dahil pareho raw ang dalawa na palangiti at makulit.
"Hoy, peaches, alam ko na sisimulan mo na naman ang pang-aaway mo, pero puwede ba, huwag mo na nga ako na bungangaan? Huwag mo sasabihin na tumawag ka pa talaga para lang sigaw-sigawan ako sa telopono. Dinalahan na nga kita ng almusal ay nagagalit ka pa?" Hindi pa man ako nakakapagsalita sa totoo na rason sa pagtawag ko kay Wyatt ay inunahan na niya agad ako. "Why are you doing what you are doing, Wyatt? Don’t use me, kung ang plano mo lang ay galitin at inisin si Mikel. I thought you’re my friend, but you’re not being a friend to me at this moment." Nanggigigil na sagot ko sa kan’ya. "Ouch! That hurts, babe. You’re being too judgemental of me again. Pero in fairness, ang galing mo talaga magsalita ng Ingles, peaches ko. You sound so sophisticated when you talked to me in English, baby." "Stop! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo ngayon, kaya tumigil ka nga at huwag mo ibahin ang pinag-uusapan natin." Inis na inis na ako na sa kabila ng galit ko ay nakukuha pa ni Wyatt na gawin biro ang
Napasulyap ako sa relo sa aking silid, it’s five in the morning. And I have been awake since around four. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako na nakaramdam ng takot at pagkabalisa. It seems that something is going to happen, pero hindi ko naman masabi kung ano iyon. Sinulyapan ko ang aking telepono, iniisip ko kung may text message ba si Chad, pero wala naman. He hasn’t been calling me, at hindi ko alam kung matutuwa ako, o lalo ako na matatakot na hindi siya nanggugulo ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka muli na bumangon sa kama. I have been like this since I woke-up. Babangon, hihiga, pupunta sa banyo, hihiga at muli na babangon. I am scared, at may parte ko na gusto na kumatok sa silid ni Mikel pero hindi ko magawa. Ano naman ang sasabihin ko sa kan'ya kung bakit ko siya iistorbohin? Isa pa, baka mas lalo lamang na gumulo ang nararamdaman ko kapag nagkaharap na naman kami. Mikel has been acting strangely the last few days, technically, nang may mangyari sa amin