Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
“Ahh! Ang sakit ng ulo ko, shit!” Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko magawa na maidilat ang mga mata ko. Nalasing yata ako ng sobra-sobra kagabi. Walanghiya talaga ang Stan na iyon, sinabi ko na ayaw ko na mag-inom at gusto ko lamang na makapag-isip kaya ako nagpunta rito sa Mindoro, pero sumunod pa ang loko at nilasing ako. Mamaya na lamang ako babangon at itutulog ko na lamang muli ang hung-over ko. Kinapa ko ang unan sa tabi ko, pero iba ang nakapa ko. Braso? Bakit may braso? Argh! Buwiset na Stan at nakitulog pa rito. Kahit kailan talaga ay pang-asar ang lalaki na ito. Bakit ko ba ito naging kaibigan? "Stan! Arghh." sigaw ko sa kan'ya sabay itinulak ko siya. "Araaaay!" Nagulantang ang sistema ko sa kakaibang tili na narinig ko. Kanino ang boses na iyon? Hindi boses ni Stan iyon. Agad ako na napabalikwas sa pagkakahiga at napasilip sa kabilang gilid ng kama kung saan ko inaakala na nahulog si Stan. Laking gulat ko nang pagsilip ko ay mukha ng isang babae na salubong na sal
Flashback. Ang mga Pangyayari sa Nagdaang Gabi Tahimik na naglalakad sa tabing-dagat si Mikel. Pinagmamasdan ang mga naghuhurumentado na alon. Kagaya nang nararamdaman niya ngayon ay naghuhurumentado rin ang puso niya. Hindi niya alam kung paano muli na pupulutin ang sarili matapos ang katotohanan na sumambulat sa kan’ya. Isang linggo na. Isang linggo na ng walang pasabi na umalis siya ng Maynila at pumunta rito sa sikreto niya na bahay sa Mindoro. Tanging siya at si Stan, na matalik na kaibigan niya lamang ang nakakaalam ng tungkol sa pagbili ng bahay na ito. Isa sana ito sa ireregalo niya para kay Janine, ang babae na nakatakda niya na pakasalan. Mahilig ang babae na magpunta sa dagat kaya alam ni Mikel na magugustuhan ng nobya niya ang bahay na iyon. Ngunit hindi na niya ito makikita. Isang linggo na buhat nang magunaw ang mundo ni Mikel sa labis na sakit na nararamdaman niya dahil sa babae na inalayan niya ng buong puso na pagmamahal. "Mikel! Yoohoo, Mikel! Sinasabi ko na nga
Hanggang ngayon ay pareho kami na tulala ng babae na asawa ko na raw ngayon, na nagngangalang Tamara. Pagkatapos namin marinig ang mga paliwanag ni Stan sa mga nangyari kagabi ay pareho kami na walang maapuhap na salita. Habang ikinukuwento ni Stan ang bagay na iyon ay unti-unti ko rin naaalala nang pahapyaw ang ilan bahagi ng mga pinaggagagawa ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Kung bakit ko nagawa na magpakasal sa isang babae na hindi ko kilala at wala ako na kahit na ano na pagkakakilanlan ay hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mataas na pagpapahalaga ko sa salitang kasal ay nagawa ko na magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal. Isa pa sa gumugulo sa akin ngayon ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi kailanman makikipaghiwalay kapag ako ay nakasal na. Ang pangako ko na pipilitin ko na ayusin ano man ang problema kaysa sa humanap ng kaligayan sa iba. Ngunit sa estado ngayon, paano na hindi ako m
Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag si Tamara sa suhestiyon ko na kailangan namin na tapusin at itama ang nagawa namin na pagkakamali. Hindi na namin dapat pa na dagdagan ang mga problema sa pareho namin na magulong buhay. Nanatili si Tamara sa pagkakaupo sa kama at animo ay may sarili siya na mundo. Hindi na siya muli na nagsalita pa pagkatapos sa naging pagpayag niya kanina. Alam ko na may matindi na bumabagabag sa isipan niya ngayon. At sigurado ako na ito ang nabanggit niya na naging pagtakas niya sa kasal. May parte ko na nais malaman ang totoo na istorya ng buhay niya, lalo na at nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha niya ang kaguluhan at takot. Tiyak ako na mas mabigat ang kinakaharap niya na problema kaysa ang sa akin na naloko ng nobya. "Ayos ka lang ba, Tamara?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang babae na ito na paiba-iba ang emosyon bawat minuto. Hindi siya sumagot at sa halip ay pagtango lamang ng kan’yang
"Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak." Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin. At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko. Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at muk
"Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari. "Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this." "Sige, payag ako. Game na?!" Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?" "Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat." "Kumain ka muna." utos niya pa sa akin. "Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan." "I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko