"Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak."
Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito.
Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin.
At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko.
Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at mukhang galit na galit sa mundo? Napakasungit at sobra ang pagka-mainitin ng ulo sa mga simple na bagay. Pero wala na ako na iba pa na pagpipilian. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, dapat ko na ituloy ang plano na naisip ko.
Mabilis ako na naligo at mabuti na lamang dahil parang hotel itong bahay ng masungit na asawa ko, kung kaya’t may mga bagong stock ng tuwalya at mga sabon, isama mo pa ang toothbrush. Ganito ba talaga ang buhay mayaman? Lagi nang may nakahanda na mga gamit?
Nang makapagbihis ako ay lumabas ako ng kuwarto, ngunit wala na rito ang magaling ko na asawa. Malamang ay nakalabas na. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa gilid ng kama at pilit ko na pinapakalma ang sarili ko. Mayro’n ako na isang misyon para sa araw na ito, at kailangan ko iyon na maipasa at mapagtagumpayan.
Inayos ko pa muna ang aming hinigaan dahil nakakahiya naman kung aasta ako na mayaman na akala mo ay may-ari ng bahay rito. Nang masiguro na maayos na ang kuwarto ay lumabas na ako ng silid.
Nang makalabas ng kuwarto ay agad na hinanap ng mata ko si Mikel. Tahimik na tahimik ang paligid kaya nagdiretso na lamang ako sa may sala at doon ay naupo. Saan ba nagsuot ang lalaki na iyon?
Ilang minuto pa ang lumipas ng maya-maya ay dumating na si Mikel na nanggaling sa labasan. May bitbit siya na plastic at agad ako na hinarap. "Baka gutom ka na, halika at kumain ka muna."
Tumayo ako at sumunod sa kan’ya sa may hapag-kainan at pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Sabi ng matalik na kaibigan niya ay milyonaryo raw si Mikel, pero nakapagtataka na parang sanay na sanay siya sa mga gawain bahay.
"Ano na naman ang tinitingin-tingin mo riyan?" masungit na tanong niya sa akin.
Hindi ko namalayan na natitigan ko na pala siya dahil manghang-mangha ako sa mga ikinikilos niya. Kahit simple lang ang ginawa niya na paghahanda ng pagkain ay parang sanay siya na hindi nag-uutos.
Umupo siya at inabot sa akin ang isang styro ng pagkain. "Pasensya ka na at wala akong stock ng pagkain dito, kaya madalas na bumibili lamang ako sa may resort."
Nagkibit-balikat na lamang ako at agad na sinimulan ang pagkain. Aarte pa ba ako eh kanina pa talaga ako nagugutom.
Pagkabukas ko ng styro ay napangiti ako dahil sa nakita na kanin at ulam ang laman nito. Buti na lamang dahil kagabi pa ako hindi nakakakain at gutom na gutom na talaga ako. Big breakfast talaga ang nais ko.
"Gutom ka lang?" tanong niya habang sumusubo rin sa kan’yang pagkain.
"Oo. Gutom talaga ako. Wala akong kiber kung ma-turn off ka man sa akin dahil ang mahalaga ay malamanan ang sikmura ko na naghuhurumentado na kagabi pa."
"Simula pa lang nang ibuka mo ang bibig mo kanina na paggising natin ay turn-off na talaga ako sa’yo. Kaya hindi mo na kailangan sabihin ang bagay na iyon." Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya.
Buwisit talaga ang lalaki na ito! Pero kailangan ko siya ngayon sa aking mga plano, kaya kailangan ko na magpakabait sa kan’ya. Tumikhim ako kaya muli siya na napasulyap sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang mga sasabihin ko sa kan’ya. "Mikel."
Napataas ang kilay niya nang tawagin ko ang pangalan niya. "Hmm?" ungol niya lamang habang patuloy sa pagkain.
"I changed my mind."
"Hmm?"
"Gusto mo ba na tagalugin ko? Ang sabi ko ay nagbago na ang isip ko. Ayaw ko nang makipaghiwalay sa iyo at gusto ko nang manatili tayo na kasal na dalawa."
"What?!" Dumagundong ang malakas na boses niya sa apat na sulok ng bahay na ito. Matatalim ang mata na hinarap niya ako, at kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang sa malamang na kanina pa ako bumulagta rito. "What the hell?! Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at matapang din na sinalubong ang mga tingin niya. "Sa ikatlong beses ay uulitin ko, kaya pakinggan mo ng mabuti ang sasabihin ko. Ang sabi ko ay ayaw ko nang makipaghiwalay sa'yo. I want to stay married to you!"
"Ano?! Baliw ka ba talaga na babae ka? Huwag mo nga ako idamay sa kakulangan mo ng turnilyo riyan sa utak mo. Ano ba ang kailangan mo? Pera? Fine. Kung iyon lang ang gusto mo, bibigyan kita. Kahit magkano ang kailangan mo at kahit ngayon din ay ibibigay ko sa'yo. Just let me walk away freely from this marriage bullshit!" Galit na galit na salita niya sa akin habang nakakuyom pa ang mga kamao.
"Hoy, hindi lang ako ang nabaliw kagabi. Tayong dalawa iyon, kaya dalawa tayong may kasalanan dito. Makapaghisterikal ka, akala mo naman ano ang ginawa sa'yo!"
"Kaya nga! Dalawa tayo na may mali. Kaya nga itinatama ko na ang mga pagkakamali na iyon. Ngayon sabihin mo, magkano ang kailangan mo para pumayag ka na maputol ang kasal na ito? Sigurado naman ako na pera-pera lang ang pag-uusapan natin dito."
"Hoy! Sumusobra ka na talaga! Oo, tama ka! Kailangan ko ng pera, pero wala akong balak na gamitin at humingi ng pera mo. Saksak mo iyan mga yaman mo sa lahat ng singit na mayro'n ka. Kaya ko na pagtrabahuhan ang pera na kailangan ko. Ibang tulong ang kailangan ko mula sa’yo, kaya puwede ba, bago ka maghurumentado riyan at mag-akusa sa akin ng kung ano-ano ay pakinggan mo muna ang sasabihin ko."
"The answer is no! Hindi ko na kailangan pa na pakinggan ka dahil iisa lang ang magiging sagot ko. No! Hindi ako papayag na ipagpatuloy natin ang kasal na ito."
Naiinis na ako sa pagkamakitid ng utak ng lalaki na ito na kaharap ko. Hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag ay sobra na ang pagtanggi niya. Puwes, hindi kita susukuan. Lalo na at kailangan ko ang bagay na ito. Kailangan ko na manatili na kasal sa kan'ya, sa ayaw niya at sa gusto niya.
"Kailangan ko ng tulong mo, Mikel. Wala akong balak na isahan ka dahil milyonaryo ka. Hindi ko kailangan at lalo na wala ako na interes sa yaman mo. Kailangan ko lang talaga na manatili na kasal sa iyo."
"Manatili na kasal sa akin? Bakit?" Naguguluhan na tanong niya sa mababang boses.
"Mahabang istorya. Pero mayroon ako na proposisyon para sa’yo."
"Proposisyon? Ano na naman iyon?"
"Let’s stay married for convenience."
"Ano?"
"Ano ba iyan, kailangan lagi na uulitin sa'yo ang lahat? Hay naku, kailangan ko na manatili na kasal, kaya magkaroon tayo ng kontrata na mananatili tayo na kasal pero may kondisyon ang lahat para hindi mo naman isipin na iniisahan kita at ginagamit ko lang ang pagiging mayaman at milyonaryo mo."
"Bakit mo kailangan na manatili na kasal sa akin?"
Hindi ko na sinagot ang kan’yang tanong at sa halip ay muli na ipinaliwanag ang proposisyon ko sa kan’ya. "Contract marriage, Mikel. Ang kasunduan natin ay base sa kontrata lamang. Mananatili tayo na kasal hanggang sa papel lamang, at iyon lamang ang tangi na mag-uugnay sa atin. Puwede tayo na gumawa ng kasunduan para masiguro na wala sa atin ang matatali sa kasal na ito. Kailangan ko lamang na manatili na kasal habang inaayos ko pa ang ilan problema sa buhay ko."
Hindi sumagot si Mikel at nanatili lamang ang blangko na ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali na hindi siya pumayag sa nais ko. Kapag nangyari iyon, ay wala na ako na ibang pagpipilian pa kung hindi ang huwag pumirma sa balak niya na paghihiwalay namin.
Magalit man siya sa akin ay isasapalaran ko na ang lahat, makaligtas lamang ako sa ginawa ni Chad sa akin. Nakapagpasiya na ako. Hindi ko hahayaan na kuhanin sa akin ni Chad ang natitira na saya sa pagkatao ko. Nakakunot ang noo niya kaya nakahanda na ako na sumalungat at makipag-debate dahil sigurado ako na "hindi" ang magiging tugon niya sa akin.
"Okay. Pumapayag na ako sa nais mo. Let’s draft the contract then."
"Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari. "Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this." "Sige, payag ako. Game na?!" Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?" "Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat." "Kumain ka muna." utos niya pa sa akin. "Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan." "I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko
"Ay, teka bago mo pala sabihin ang mga kondisyon mo, puwede ba na magtanong muna ako?" Kita agad ang kan’yang iritasyon sa pagpuputol ko agad sa tangka niya na pagsisimula na magbahagi ng kan'yang mga kondisyones. Tumango lamang si Mikel sa akin ng pilit kaya ipinagpatuloy ko na ang itatanong ko. "Wala ka bang sabit?" Tumaas ang kilay niya sa akin at halata ang pigil na inis niya. "Sabit?" Nakaarko pa ang kilay niya sa akin nang magtanong siya. "Sabit. Like asawa, o kaya ay jowa? Gusto ko lang masiguro na hindi kabit ang labas ko sa lahat ng ito. Aba, wala akong balak na maging number two." "Sa tingin mo ba ikakasal tayo ng tiyuhin ni Stan kung may asawa na ako?" "May point ka naman do’n. Jowa. Baka mayro’n ka na naiwan sa Maynila?" "Wala. Wala na." Hindi ko sigurado, pero may bahid ng kalungkutan ang pagtugon niya ng wala na. Ano kaya ang nangyari sa love story niya? "Ngayon, puwede na ba tayo na magsimula?" Itinaas baba ko naman ang ulo ko bilang sagot sa kan’ya. "Simple lang
"Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano" Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman
Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko? "Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila. "Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din." "Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine." Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalit
Mabilis na naipaayos ni Mikel sa kan’yang mga abogado ang kasunduan namin dalawa. Dalawang araw lamang buhat nang mapag-usapan namin ang mga kondisyon ay nakapirma na kami at naipanotaryo na rin ito. Bilib na rin talaga ako kay Mikel dahil wala siyang sinasayang na oras at sandali. Ilang araw na rin ako na rito sa bahay niya tumutuloy simula noong araw na umalis ako sa pension house. Malaki rin naman ang bahay ni Mikel kaya nakabukod din naman ako ng silid sa kan’ya. Maayos naman ang ilang araw na pagsasama namin, huwag lamang ibibilang ang mga oras at sandali na sobra ang pagkasarkastiko niya at ang minu-minuto na halata na pagka-inis niya sa akin. Hindi na rin muli na tumawag pa si Chad pagkatapos ng araw na iyon at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Alam ko na gaya nang sinabi niya, kaya ako na ipahanap ni Chad, kaya natatakot ako dahil ilang araw na lamang ang nalalabi sa palugit na ibinigay niya sa akin. Wala pa kami na napag-uusapan ni Mikel kung kailan kami babalik sa May
Sakto na isang linggo sa ibinigay ni Chad na taning ay bumiyahe kami pabalik sa Maynila. Wala sa hinagap ko ang katotohanan sa sinabi ni Stan na milyonaryo ang asawa ko. Bukod kasi sa mga hindi praktikal na paggastos na ginagawa ni Mikel ay hindi mo siya kababakasan na parang tulad sa mga nakasanayan ko na mayayaman. Marunong siya sa mga gawain sa bahay at hindi parati na nakaasa sa mga utusan. Kahit na malimit ang pagdirekta niya ng mga gawain kay Stan patungkol sa kanilang business ay hindi mo siya kababakasan ng mga nakagawian ng mga mapang-mataas na mayayaman na akala mo lahat ay nabibili ng kanilang pera. Sakay kami ngayon ng pribado na yate ni Mikel at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha rito. Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa ganito. Ang dami ko yata na bucket list na magagawa at makokompleto sa dalawang taon na pagsasama namin ni Mikel kapag nagkataon. "Misis ni Mikel." Pang-uurat na naman sa akin ni Stan kaya agad na napasimangot ako nang harapin siya. "Wala k
Pagtunog muli ng telepono ko ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ni Mikel. Kasalukuyan kami na nasa kan’yang mamahalin na kotse na nakaabang na sa amin sa daungan kanina. Naghiwalay na kami ni Stan na mayroon din sarili na kotse na minamaneho. Ganito yata talaga ang mga mayayaman, hindi sanay sa carpooling na tinatawag. "Answer the phone, bu." Bahagya ako na nilingon ni Mikel upang ipasagot ang aking telepono na kanina pa sa pagtunog at pagkatapos ay itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. Gaya nang inaasahan ko, si Chad na naman ang muli na tumatawag. "Bakit ba ayaw mo na sagutin? Is that your boyfriend?" "Hindi ah." agap ko na sagot. "Then answer the damn phone." Iritable na naman niya na baling sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Nasaan ka na, Tamara? Isang linggo na ngayon, ano ang gusto mo? Ang ipahanap na kita at kaladkarin pauwi?" Malakas na boses ni Chad ang umalingangaw sa telepono ko hindi pa man ako nakakas
“Tamara, handa ka na ba?” Pagtawag sa akin ni Mikel mula sa pintuan. Narito ako sa aking kuwarto at nag-aayos para sa lakad namin ng asawa ko. Naguguluhan na ako sa bagong mundo na ginagalawan ko. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ko rito kaysa sa buhay na nakagisnan ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makabalik kami rito sa Maynila. Laking pasasalamat ko rin na hindi na muli na tumawag pa si Chad matapos ang araw na iyon. Marahil ay nagawan na iyon ng paraan ni Mikel. Ang proproblemahin ko na lamang ay ang magiging paghaharap namin kapag nagkataon. "Tamara! Naririnig mo ba ako?" Muli ay pagsigaw sa akin ni Mikel. "Palabas na ako." sigaw ko pabalik. Paano ko naman makakalimutan na ang asawa ko ay walang pasensya sa paghihintay? Lagi na lang ako na binubungangaan kapag nahuhuli ako sa pag-aayos at daig pa ang babae sa dami parati nang sinasabi. Napasimangot ako at tiningnan muli ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa laki ng pagbabag