Hanggang ngayon ay pareho kami na tulala ng babae na asawa ko na raw ngayon, na nagngangalang Tamara. Pagkatapos namin marinig ang mga paliwanag ni Stan sa mga nangyari kagabi ay pareho kami na walang maapuhap na salita. Habang ikinukuwento ni Stan ang bagay na iyon ay unti-unti ko rin naaalala nang pahapyaw ang ilan bahagi ng mga pinaggagagawa ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Kung bakit ko nagawa na magpakasal sa isang babae na hindi ko kilala at wala ako na kahit na ano na pagkakakilanlan ay hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mataas na pagpapahalaga ko sa salitang kasal ay nagawa ko na magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal.
Isa pa sa gumugulo sa akin ngayon ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi kailanman makikipaghiwalay kapag ako ay nakasal na. Ang pangako ko na pipilitin ko na ayusin ano man ang problema kaysa sa humanap ng kaligayan sa iba. Ngunit sa estado ngayon, paano na hindi ako makikipaghiwalay?
Ayaw ko man isambulat, pero tama si Stan. Paano ko ngayon malulusutan ang pinasok ko na ito? Paano ako makakawala sa kasal na ito?
Lalo lamang na sumasakit ang ulo ko nang malaman ko ang mga katarantaduhan na pinaggagagawa ko. How can I be that impulsive? Pinag-uusapan lamang namin ni Stan kahapon na wala akong responsibilidad kay Janine nang talikuran ko siya at takasan, pero ito ako ngayon at may responsibilidad na sa isang babae na hindi ko kilala.
"Ano ngayon, mga newlyweds, nahimasmasan na kayo sa mga kalokohan ninyo? Tsk, mukha kayong nalugi na dalawa. Hindi ganyan ang itsura ng bagong kasal. Ano, pinagsisisihan ninyo na ba? Kung magsisisihan kayo, labas ako riyan. Pinapaalala ko lamang sa inyo, na kagabi ay ilang ulit ko kayo na pinigilan sa mga pinaggagagawa ninyo. Pero parehas kayo na ayaw magpapigil, kaya ito ang nangyari, paggising ninyo, voila, kasal na kayo!" Iiling-iling pa siya habang pinipigilan ang mga ngiti sa labi niya na nais kumawala.
Lalo naman ako na naiinis sa mga ngiti na nakikita sa mukha ni Stan. Lintik lang talaga! Ano ba ang katangahan na pumasok sa isip ko?
"Malas nga lang at parehas kayo na lasing na lasing kaya hindi natuloy sa honeymoon ang kasalan. Pero okay lang, marami pa naman kayong araw na pagsasamahan bilang mag-asawa. Hindi ba, Mikel?"
Nagsalubong ang kilay ko at madilim na tingin ang ipinukol ko kay Stan. Alam ko na pinatutungkulan ako ng gago na kaibigan ko, dahil alam niya ang pangako ko sa sarili ko patungkol sa kasal. At ngayon pa niya talaga naisipan na buwisitin ako at ipaalala ang bagay na iyon.
"Ka-kasal kami? Sigurado ka ba na lehitimo ang kasalan na iyon? Pumirma ba ako roon? Baka wala akong pirma kaya hindi totoo ang kasal." Sa kauna-unahan na pagkakataon matapos maikuwento ni Stan ang mga pangyayari, ay ngayon lamang muli nagsalita si Tamara, ang babae na madaldal.
"Legit na legit, misis ni Mikel. Hukom ang tiyuhin ko rito, kaya talagang wala kayong kawala sa pinasok ninyo na kalokohan at pirmadong-pirmado ang mga dokumento kagabi. Biruin mo, nakapirma ka pa bago ang kiss the bride. Parang gustong-gusto mo talaga na maikasal sa kaibigan ko na pogi." biro pa ni Stan. Agad na pinamulahanan ng mukha ang babae sa pang-aasar ng kaibigan ko.
Maya-maya ay bigla na nanlaki ang mga mata niya at agad na napatakip sa kan’yang bibig bago nagtitili. "Kasal na ako! Kasal ako?! Sigurado ba kayo?! I-itong singsing na ito, saan galing ito?" Sunod-sunod na tanong niya sa sobrang lakas na boses niya.
Naningkit naman ang mata ko dahil muli na naman nagising ang pagiging bungangera niya. "Aba, oo sinabi. Kasal na nga kayo at tunay ang singsing na iyan. Sa kakulitan ninyo kagabi, buti na lamang ay may kakilala iyon babae na kasama ko na nagtitinda ng alahas, eh ‘di solve ang problema ninyo sa singsing. Hindi kayo parehas matigil sa kakakulit sa akin na maghanap ng singsing."
"Na-nasasanla ba ito?" tanong pa ni Tamara.
"Oo nga. Legit, puwede isanla. Huwag ka mag-alala sa pambayad niyan, sagot ng mayaman mo na asawa ang lahat. Milyonaryo kaya ‘yan."
"Mi-milyonaryo?"
"Sus! Naman ang hirap mo kausap, asawa ni Mikel. Paulit-ulit ka, may tama ka pa ba? Lasing ka pa yata. Itulog ninyo nga ‘yan nang mawala ang hung-over ninyo pareho."
"Tamara. Tamara ang pangalan ko at hindi asawa ni Mikel." pasimangot na sagot naman niya.
"O siya, Tamara kung Tamara. Tama-ra na ang kakulitan mo, misis-"
"Misis ni Mikel. Ikaw ang mahirap kausap, Stanford." Pagpuputol ni Tamara sa sasabihin ni Stan.
"Stan lang ang pangalan ko, hindi Stanford."
"Walang pakialaman, Stanford. Ikaw nga, ang tawag mo sa akin ay misis ni Mikel." Napailing na lamang ako sa dalawang kaharap ko. Hindi naman mga bata, pero parang mga bata kung magkikilos.
Ito ba ang pinakasalan ko? Baka maaga ako na tumanda nito sa konsumisyon sa babae na ito na hindi ko malaman kung may pagka-isip bata o ano. Parang mas bagay sila ni Stan na magsama.
"Bahala ka na nga. O siya, congrats newlyweds! Dumaan lang ako para siguraduhin na magkakilala na kayo ngayon at hindi kayo nagpapatayan na dalawa." Kumindat pa siya saka dinugtungan ang sinasabi niya. "Patayan sa sarap."
Agad ko na nahawakan ang unan at ibinato iyon kay Stan, at saktong-sakto ang tama noon sa mukha niya.
"The fuck, Mikel!"
"Iyan ang napapala ng matabil na dila mo. Bumalik ka rito mamaya at mag-uusap tayo pagkatapos namin mag-usap ng babae na ito."
"Hoy, mister ko! May pangalan ako ha. Te-teka, nasaan ang palda ko?" Namumula na tanong pa niya na nakaharap kay Stan.
"Hinubad mo pagpasok na pagpasok mo ng kuwarto nang maalimpungatan ka. Akala ko nga ay ready ka na sa honeymoon. Kaso pagkatanggal ng palda, bigla ka na naman hinimatay sa mga bisig ng asawa mo. Hobby mo yata ang magpanggap na hinihimatay para saluhin ka ni Mikel. Ngayon mo kaya subukan na mahimatay at tingnan natin kung saluhin ka pa niyan. Diyan na nga kayo" Pagkasabi no'n ay agad na siya na lumabas ng kuwarto at naiwan kami ni Tamara na tulala pa rin.
Binalot ng katahimikan ang buong kuwarto pagkaalis ni Stan. At laking pasasalamat ko na hindi nagsasalita ang babae na maingay at pinili rin na manahimik muna ngayon. Kailangan ko talaga ng katahimikan upang lubos na makapag-isip kung paano ang gagawin namin dalawa.
Nagtatalo ang isip ko sa mga hakbang na gagawin ko, lalo pa at ayaw ko masira ang pangako ko sa aking sarili. Pero hindi naman kami maaari na manatili na mag-asawa dahil hindi namin kilala ang isa’t-isa. Bukod pa ro’n ay hindi ko naman siya mahal, kaya paano ako mananatili na kasal sa kan’ya? Mas malaking kasalanan ang gagawin ko kung patuloy ko na lolokohin ang sarili ko na makisama sa kan’ya kahit wala akong damdamin para sa kan’ya sa kagustuhan ko lamang na magkaro’n ng katuparan ang pangako na gusto ko tuparin sa aking sarili.
"Kasalanan mo ito eh!" Agad ako na napalingon sa babae nang magsalita siya na may kalakasan ang boses.
"Ano? At paano ko naging kasalanan?" inis na tanong ko.
"Nananahimik naman kasi ako na nakaupo ro’n sa buhanginan kung hindi ka lang nanggulo at umeksena eh ‘di sana pareho tayo na walang problema ngayon."
"Kung hindi ka kasi umatungal do’n na pagkalakas-lakas habang malalim ako na nag-iisip hindi sana kita pupuntahan. Malay ko ba kung ano ang nangyayari sa’yo. Kung makasigaw at iyak ka parang may nanghaharas sa iyo, tapos ngayon, kasalanan ko?" Inis na inis ako sa babae na ito para isisi sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi.
"Paano ngayon ang gagawin natin, ha? Bakit naman kasi sa dinami-rami ng lugar, do’n mo pa naisipan na pumunta? Ang laki-laki naman ng tabing-dagat, pero pinili mo pa talaga ro’n sa malapit sa akin."
Napahimas na lang ako sa ulo ko. Pinipigilan ko ang galit na nais kumawala sa akin dahil sa babaeng ito. "Hoy, Miss.-"
Agad niya na pinutol ang sasabihin ko kasabay na may kasama pa na pagduro ng mga daliri niya sa akin. "Hoy! Mister ko, Tamara ang pangalan ko. Hindi hoy at hindi miss. Misis. Misis mo na ako."
"Alam mo sumasakit ang ulo ko sa’yo lalo. Ganito ka ba talaga kahirap kausap ha?"
"Mas lalo na sumasakit ang ulo ko sa’yo. Nagpunta ako rito sa Mindoro para tumakas sa isang kasal hindi para magpakasal."
Napasulyap ako sa kan’ya sa mga sinabi niya. Tumakas siya sa isang kasal? Ibig sabihin ay nakatakda na rin siya na magpakasal?
"Naku naman, ano ba itong gulo na napasok ko? Hindi ko pa nga alam kung paano masosolusyunan ang pagtakas ko, ngayon ay ibang problema naman. Ang galing mo talaga, Tamara. Kotang-kota ka na sa pagsalo ng mga problema sa mundo." Dire-diretso na sabi pa niya habang kausap ang sarili niya. Ngayon ay halata na ang pamomroblema niya sa mga nangyari sa amin.
"Maghiwalay tayo." tipid na sabi ko sa kan’ya.
Mabilis siya na lumingon sa direksyon ko, mas lalo ang gulat na rumehistro sa mata niya. "Agad-agad hiwalay? Gano’n lang iyon?" mataray na sagot niya.
"Oo. Lagay naman na manatili tayo na kasal? Mas lalo na hindi puwede iyon. Hindi tayo puwede na patuloy na maging mag-asawa. Hindi nga natin kilala ang isa’t-isa."
"Hoy, mister ko. Hindi man ako kasing yaman mo, may talino naman ako. Hindi ko nga lang nagamit ang utak ko kagabi nang pumayag ako na makasal sa iyo dahil lasing ako. Pero para sabihin ko sa’yo, unang-una walang divorce rito sa Pilipinas. Annulment lang ang mayroon, at isa pa, wala akong pera para roon. Pangalawa, para magkaroon ng annulment kailangan ng sapat na grounds o rason kung bakit gugustuhin ng mag-asawa na maghiwalay. Puwes, ano ang magiging grounds natin?" mahabang litanya pa niya sa akin.
Agad ako na napaisip sa mga sinabi niya. May punto siya. Kailangan namin makaisip ng dahilan para ipa-annul ang kasal namin. Hmm, may talino naman nga siya na taglay. Sana nga lang ay ginamit niya iyon kagabi para hindi kami pareho na nakompromiso ngayon.
"Eh kung sabihin natin na parehas tayo na lasing nang magpakasal tayo?" tanong ko sa kan'ya.
"Kusang-loob ka na pumirma sa marriage contract, hindi ba? Sa tingin mo, papayag ang hukom na ipawalang-bisa ang kasal dahil sa sinasabi mo na lasing ka? Kahit lasing ka hindi ka naman pinilit na pumirma."
Hindi ko alam kung paano ito lulusutan. Bakit naman sa dami ng pagkakataon na puwede ako maging impulsive, ay sa pagpapakasal ko pa ginawa iyon? Wala na rin ako na maisip na iba pa na paraan ngayon kung hindi ang bayaran ang tiyuhin ni Stan upang ipawalang-bisa ang kasal namin. At iyon ay kung mapapapayag ko siya.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin." Muli na naman siya na natahimik. Nang lingunin ko ay pinaiikot-ikot lamang niya ang singsing na nakasuot pa rin sa kan’yang mga daliri.
Mataman ko lamang siya na pinagmamasdan. Ano pa kaya ang mabigat na problema na tinakasan ni Tamara bukod sa ang ayaw niya na maikasal sa lalaki na hindi niya gusto? Naisip ko na kung tutuusin ay mas mabigat ang problema na kinakaharap niya kung ang tinakasan niya ay ang kasunduan ng pagpapakasal.
Nakakatawa isipin na siya ay pumunta rito upang takasan ang kasunduan ng kasal. Ako naman ay napadpad rito upang takasan ang sakit na idinulot sa akin ng babae na nakatakda ko na pakasalan. Pareho kami na may tinakasan, pero kami pa ang naisipan na pagtagpuin ng tadhana.
"Tamara, makinig ka. Hindi natin puwede na ipagpatuloy ito. Alam natin pareho na mali ang ginawa natin kagabi. Hindi ko alam kung paano tayo umabot sa punto na iyon nang pagpapakasal, pero hindi tayo maaari na manatili na kasal."
Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko at patuloy lamang siya na nakatingin sa singsing. Hindi ko alam ano ang mayroon sa singsing na iyon at lagi na naro’n ang kan’yang atensyon.
"Bakit ba kasi nalasing ako? Bakit ba kasi napunta sa kasalan ang inuman? Sinasabi ko na nga ba eh. Mali talaga. Maling-mali ang ginawa ko na pag-alis. Pero kung hindi ko iyon ginawa, mas lalo akong magkakaproblema." Patuloy lamang niya na kinakausap ang kan’yang sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay humarap siya sa akin, bumuntong-hininga at muli na nagsalita. "Sige, maghiwalay tayo. Tapusin na natin ang kasal na ito."
Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag si Tamara sa suhestiyon ko na kailangan namin na tapusin at itama ang nagawa namin na pagkakamali. Hindi na namin dapat pa na dagdagan ang mga problema sa pareho namin na magulong buhay. Nanatili si Tamara sa pagkakaupo sa kama at animo ay may sarili siya na mundo. Hindi na siya muli na nagsalita pa pagkatapos sa naging pagpayag niya kanina. Alam ko na may matindi na bumabagabag sa isipan niya ngayon. At sigurado ako na ito ang nabanggit niya na naging pagtakas niya sa kasal. May parte ko na nais malaman ang totoo na istorya ng buhay niya, lalo na at nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha niya ang kaguluhan at takot. Tiyak ako na mas mabigat ang kinakaharap niya na problema kaysa ang sa akin na naloko ng nobya. "Ayos ka lang ba, Tamara?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang babae na ito na paiba-iba ang emosyon bawat minuto. Hindi siya sumagot at sa halip ay pagtango lamang ng kan’yang
"Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak." Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin. At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko. Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at muk
"Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari. "Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this." "Sige, payag ako. Game na?!" Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?" "Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat." "Kumain ka muna." utos niya pa sa akin. "Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan." "I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko
"Ay, teka bago mo pala sabihin ang mga kondisyon mo, puwede ba na magtanong muna ako?" Kita agad ang kan’yang iritasyon sa pagpuputol ko agad sa tangka niya na pagsisimula na magbahagi ng kan'yang mga kondisyones. Tumango lamang si Mikel sa akin ng pilit kaya ipinagpatuloy ko na ang itatanong ko. "Wala ka bang sabit?" Tumaas ang kilay niya sa akin at halata ang pigil na inis niya. "Sabit?" Nakaarko pa ang kilay niya sa akin nang magtanong siya. "Sabit. Like asawa, o kaya ay jowa? Gusto ko lang masiguro na hindi kabit ang labas ko sa lahat ng ito. Aba, wala akong balak na maging number two." "Sa tingin mo ba ikakasal tayo ng tiyuhin ni Stan kung may asawa na ako?" "May point ka naman do’n. Jowa. Baka mayro’n ka na naiwan sa Maynila?" "Wala. Wala na." Hindi ko sigurado, pero may bahid ng kalungkutan ang pagtugon niya ng wala na. Ano kaya ang nangyari sa love story niya? "Ngayon, puwede na ba tayo na magsimula?" Itinaas baba ko naman ang ulo ko bilang sagot sa kan’ya. "Simple lang
"Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano" Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman
Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko? "Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila. "Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din." "Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine." Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalit
Mabilis na naipaayos ni Mikel sa kan’yang mga abogado ang kasunduan namin dalawa. Dalawang araw lamang buhat nang mapag-usapan namin ang mga kondisyon ay nakapirma na kami at naipanotaryo na rin ito. Bilib na rin talaga ako kay Mikel dahil wala siyang sinasayang na oras at sandali. Ilang araw na rin ako na rito sa bahay niya tumutuloy simula noong araw na umalis ako sa pension house. Malaki rin naman ang bahay ni Mikel kaya nakabukod din naman ako ng silid sa kan’ya. Maayos naman ang ilang araw na pagsasama namin, huwag lamang ibibilang ang mga oras at sandali na sobra ang pagkasarkastiko niya at ang minu-minuto na halata na pagka-inis niya sa akin. Hindi na rin muli na tumawag pa si Chad pagkatapos ng araw na iyon at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Alam ko na gaya nang sinabi niya, kaya ako na ipahanap ni Chad, kaya natatakot ako dahil ilang araw na lamang ang nalalabi sa palugit na ibinigay niya sa akin. Wala pa kami na napag-uusapan ni Mikel kung kailan kami babalik sa May
Sakto na isang linggo sa ibinigay ni Chad na taning ay bumiyahe kami pabalik sa Maynila. Wala sa hinagap ko ang katotohanan sa sinabi ni Stan na milyonaryo ang asawa ko. Bukod kasi sa mga hindi praktikal na paggastos na ginagawa ni Mikel ay hindi mo siya kababakasan na parang tulad sa mga nakasanayan ko na mayayaman. Marunong siya sa mga gawain sa bahay at hindi parati na nakaasa sa mga utusan. Kahit na malimit ang pagdirekta niya ng mga gawain kay Stan patungkol sa kanilang business ay hindi mo siya kababakasan ng mga nakagawian ng mga mapang-mataas na mayayaman na akala mo lahat ay nabibili ng kanilang pera. Sakay kami ngayon ng pribado na yate ni Mikel at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha rito. Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa ganito. Ang dami ko yata na bucket list na magagawa at makokompleto sa dalawang taon na pagsasama namin ni Mikel kapag nagkataon. "Misis ni Mikel." Pang-uurat na naman sa akin ni Stan kaya agad na napasimangot ako nang harapin siya. "Wala k