Home / Romance / Married to the Runaway Bride / Chapter 2 - Let's Get Married

Share

Chapter 2 - Let's Get Married

Author: aiwrites
last update Huling Na-update: 2022-02-12 00:56:41

Flashback. Ang mga Pangyayari sa Nagdaang Gabi

Tahimik na naglalakad sa tabing-dagat si Mikel. Pinagmamasdan ang mga naghuhurumentado na alon. Kagaya nang nararamdaman niya ngayon ay naghuhurumentado rin ang puso niya.

Hindi niya alam kung paano muli na pupulutin ang sarili matapos ang katotohanan na sumambulat sa kan’ya. Isang linggo na. Isang linggo na ng walang pasabi na umalis siya ng Maynila at pumunta rito sa sikreto niya na bahay sa Mindoro. 

Tanging siya at si Stan, na matalik na kaibigan niya lamang ang nakakaalam ng tungkol sa pagbili ng bahay na ito. Isa sana ito sa ireregalo niya para kay Janine, ang babae na nakatakda niya na pakasalan. Mahilig ang babae na magpunta sa dagat kaya alam ni Mikel na magugustuhan ng nobya niya ang bahay na iyon.

Ngunit hindi na niya ito makikita. Isang linggo na buhat nang magunaw ang mundo ni Mikel sa labis na sakit na nararamdaman niya dahil sa babae na inalayan niya ng buong puso na pagmamahal.

"Mikel! Yoohoo, Mikel! Sinasabi ko na nga ba at dito kita matatagpuan. What the fuck, man?!" sigaw nang tumatakbo na si Stan papalapit sa kaibigan. Ngiting-ngiti siya habang iiling-iling na inalis pa ang suot-suot na shades upang direkta na tingnan ang tumakas na si Mikel.

"Ano ang ginagawa mo rito?" inis na tanong ni Mikel.

"I’m your best friend, bro. Pinagbigyan na kita ng isang linggo, kaya tama na ang pagmumukmok mo na mag-isa. Kailangan mo na ng isang kaibigan. At ako iyon, kaya narito na ako at your service."

Naiiling na lamang si Mikel at patuloy na naglakad. "I want to be alone, Stan. Kaya ako nagpunta rito dahil gusto ko na mapag-isa at makapag-isip."

"Sa isang linggo mo rito na buhay monghe ay hindi ka pa nakapag-isip? Tama na, tapos na. Ang nangyari ay nangyari na, kaya you have to move forward. And this calls for a celebration!"

Napataas ang kilay niya. "Celebration? Kung upakan kaya kita riyan, gusto mo? Nakita mo nang lugmok na lugmok ako, tapos gugustuhin mo na magdiwang tayo?"

“Oo, celebration dahil nalaman mo na ang totoo bago pa kayo ikasal. Atleast, walang problema, you walk away freely. Wala ka nang aalalahanin pa na magiging problema sa pakikipaghiwalay dahil hindi ka pa naitali sa babae na iyon. Hindi ba nga at sinabi mo na kapag naikasal ka ay sisiguraduhin mo na walang makapaghihiwalay sa inyo ng babae na pinakasalan mo? Kaya isipin mo na lang na kung naikasal na kayo bago mo pa nalaman ang katotohanan ay sa tingin mo ba ay makakaalis ka pa sa relasyon na iyon? Kilala kita, bro, alam ko na magiging mahirap iyon sa’yo. Kaya ang mga nangyari ay mas nakabuti pa para sa iyo."

"Whatever, Stan."

Muli na naglakad si Mikel pero humabol na naman ang makulit na kaibigan. Umakbay pa sa kan’ya saka muli na nagsalita. "We’ll get drunk and live freely tonight, Mikel. Sa wakas, nakakawala na si Mikel sa babaeng talipandas!"

"Gago!" sigaw niya rito saka niya itinulak at naglakad siya papalayo.

---

Kagaya nang inaasahan ni Mikel ay hindi na naman siya tinigilan ng kaibigan na si Stan. Binuntutan siya nito maghapon hangga’t sa wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan nito. Kaya heto ngayon ang magkaibigan, sa isang bar sa beachside para raw magpakalasing.

"Siguraduhin mo lamang na hindi ka sa bahay ko uuwi at matutulog mamaya." banta ni Mikel rito.

"Grabe ka, Mikel, kung ipagtabuyan mo ang iyong matalik na kaibigan. Pero huwag ka mag-alala dahil nagsabi na ako kina tito judge na roon ako sa kanila ngayon."

Isa sa mga dahilan kung bakit nakabili ng bahay rito sa Mindoro si Mikel ay dahil sa tiyuhin ni Stan na isang hukom. Siya ang tumulong sa kan’ya upang mapabilis ang proseso sa nabili na lupa at pagpapatayo ng bahay rito.

"Mabuti naman, dahil gusto ko na matahimik at malayo sa’yo kahit sandali."

"Ngayon gabi lang kita papayagan, pero bukas ay pupunta ako sa bahay mo. Hindi ka makakaligtas sa akin."

"Whatever, Stan."

"And now, we enjoy. Ang daming chikas dito at sigurado ako na bukas ay limot mo na si Janine." Natatawa pa na sabi niya at saka itinungga ang bote ng alak na hawak-hawak.

Napailing na lamang si Mikel at tumungga rin sa bote ng alak na hawak niya. Pinagmasdan niya ang buong paligid niya. Karamihan sa mga naririto ay nagkakasiyahan. Kung hindi kasama ang kasintahan, ay kasama ang mga kabarkada. Lahat sila ay masaya at tangi na siya lamang yata ang luhaan sa mga oras na ito.

"Ang sabi ko, Mikel, mag-enjoy tayo. Magsasaya at hindi ang mukha na nalugi. Walanghiya naman, paano tayo makakatawag pansin ng mga magaganda at sexy na babae kung lukot na lukot ang pagmumukha mo riyan."

"Tigilan mo nga ako. Sinabi ko naman kasi sa’yo na wala akong balak na mag-inom."

"Walang aayaw. Tara! Cheers and bottoms-up!"

At iyon na nga ang nangyari sa maka-ilang bottoms-up nila na magkaibigan na hindi lamang beer kung hindi pati shot ng hard drinks. Lasing na lasing si Mikel makalipas ang ilang oras. Hindi niya alam kung sinadya ba ni Stan na lasingin siya sa mga oras na iyon dahil mukhang wala masyado na epekto ang kanilang nainom sa kaibigan niya.

May tama na siya sa rami ng alak na nainom nila. Nang hanapin niya si Stan ay nakita niya na may kausap na siya na babae at mukhang sinusubukan nito na maka-iskor. Napailing na lamang siya tsaka tumayo. Maglalakad-lakad muna siya para kahit papaano ay mabawasan ang tama ng alak sa sistema niya.

"Stan, maglalakad-lakad lang ako." sigaw ni Mikel at isinenyas pa ang direksyon ng dalampasigan. Tumango lamang sa kan'ya ang kaibigan na halata na ayaw magpa-istorbo sa ginagawa. 

Sa pasuray-suray na lakad ay narating ni Mikel ang tabing-dagat. Naglakad-lakad siya at dinarama ang dampi ng hangin sa kan’yang mukha. Nang makakita ng parte na medyo walang tao ay umupo siya at pinagmasdan ang alon. Nangangalit ang lakas ng hampas ng mga alon, dinadamayan ang kan’yang nararamdaman.

Napatigil siya nang makarinig ng sunod-sunod na paghikbi. Dahil sa medyo sumasakit na ang ulo niya ay hindi niya maaninag kung may tao ba na malapit sa kan’ya. Muli siya na nakiramdam sa patuloy na paglakas ng mga hikbi.

"Ang kapal mo! Ang kapal mo talaga! Bakit mo iyon ginawa!?"

Pinilit ni Mikel na tumayo nang marinig ang sigaw na iyon ng isang babae. Ano ba ang nangyayari? Nasa panganib ba ang babae? Kahit hindi siya sigurado kung makakatulong siya sa estado niya ngayon ay pilit niya na hinanap ang pinanggagalingan ng boses at ng mga paghikbi na iyon.

Pasuray-suray ang lakad at hilong-hilo siya kaya hindi niya malaman kung saan parte niya naririnig ang boses. Baka sa likuran ng mga bato, naisip ni Mikel. Napapapikit ang mata niya sa hilo na nararamdaman, pero ang kagustuhan na makatulong ang nagbibigay sa kan’ya ng lakas para hanapin ang boses na iyon. Patuloy siya na naglakad kahit walang eksaktong direksyon na patutunguhan.

"Aray!"

Napadilat ng mga mata si Mikel na nasa buhanginan na siya at may mga mata na nakatunghay rin sa kan’ya ng diretso. Nagtataka siya kung bakit may mga mata na galit na galit na nakatingin sa kan’ya.

"Umalis ka nga riyan at ang bigat mo! Ano ba ang ginagawa mo?" muli na sabi ng boses.

Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto na ang boses na narinig niya ay nanggaling sa babae na kaharap niya. Mali! Sa babae na dinadaganan niya ngayon.

"So-Sorry. Hindi ko sinasadya, nakaharang ka kasi." Agad siya na umalis sa ibabaw ng babae. Nang pagmasdan niya ay nakita niya na umiinom din ang babae na mag-isa. “Mag-isa ka lang?"

"May nakikita ka ba na kasama ko? Hindi ba, wala? Kaya mag-isa lang ako." Pilosopo na sagot pa nito kay Mikel habang umaayos sa pagkaka-upo sa buhanginan.

"Ikaw ba 'yon nagsisisigaw?" tanong niya rito.

Bigla na naman na bumunghalit ng iyak ang babae, tsaka muli na kinuha ang bote ng alak at itinungga iyon. "Gusto mo?" Alok niya kay Mikel. Umupo naman siya sa tabi ng babae sa buhanginan. "Maganda ito para makalimot sa lahat ng sama ng loob at problema."

"Pareho pala tayo na gusto na makalimot sa problema at sa sama ng loob." Inabot ni Mikel ang isang bote na ipinasa ng babae sa kan’ya. Ang tindi ng babae dahil hard drinks ang itinutungga. Mukhang malalim talaga ang problema niya, naisip na lang ni Mikel.

Tahimik lamang sila na nakatunghay sa malalakas na alon sa dagat. Walang salita na namamagitan at parehas nila na dinadama ang katahimikan. Hindi nila namalayan kung naka-ilang oras sila roon at ilang bote ng alak ang naubos nila, basta ang alam ni Mikel ay hilong-hilo at lasing na siya.

"Huys, pogi, may girlfriend ka ba?" makulit na tanong ng babae. Malamang ay lasing na rin siya.

"Wala. Bakit? Type mo ako?" Ganti na biro rito ni Mikel. Dahil sa tama ng alak ay lumalakas ang loob niya.

"Bakit, kung type kita? Ano, pakakasalan mo ba ako?" sagot naman nito.

"Kasal lang pala. Sagutin mo muna, ano, type mo ba ako?"

"Oo. Kaya paano na, pakakasalan mo ako? Sige na, pakasalan mo na ako. Kailangan ko nang maikasal."

"O sige, tutal ay wala na ang babae na pakakasalan ko. Tara, 'yon tito ng kaibigan ko ay judge, siya ang magsasakal, ay magkakasal sa atin." 

Hinila siya patayo ni Mikel at marahil dala ng hilo ay napayakap siya sa beywang ng lalaki. Agad naman na napangiti si Mikel nang maamoy ang ulo nito. Hmm mabango, muli na naisip niya.

Pasuray-suray na naglakad ang dalawa upang hanapin si Stan. Sa 'di kalayuan ay nakita nila na nakikipaghalikan na si Stan sa babae na kausap nito kanina.

"Stan! Stan!" tawag ni Mikel.

Paglingon ni Stan sa kanila ay nakita ng kaibigan niya ang pagkakayakap sa beywang ni Mikel ng babae, kaya lumapad lalo ang ngiti nito.

"Sabi sa’yo, Mikel, makakalimot ka at iyan na nga." Masaya na sabi pa nito habang palipat-lipat ang tingin sa kaibigan at sa babae na kasama nito.

"Stan, puntahan natin si tito judge." sabi ni Mikel agad.

"Ha, bakit?" nagtataka na tanong niya.

"Magpapakasal na kami.  Ipakasal mo ako sa kan’ya. Sino ka nga ba? Ah, basta, kung sino man siya, basta ipakasal mo kami kay tito judge. Magbabayad ako kahit magkano. Kailangan matuloy ang kasal ngayon."

"You’re drunk!"

"I know! I know, I’m drunk. That’s why I want to get married! And this is the best time to get married. I’m free, free as a bird!"

"Sigurado ka ba riyan, Mikel? Lasing ka lang at itulog ninyo iyan tama ninyo at bukas ay pasasalamatan mo pa ako dahil pinigilan kita sa plano mo."

"No! Kailangan mo kami na ipakasal kay tito ngayon din. It’s the first time that I’ll be impulsive. At napakasarap sa pakiramdam na magawa ang gusto ko. Wala ito sa plano ko at mas mabuti iyon dahil kapag pinaplano ko ay hindi natutuloy. Kaya ito ang mas mabuti, ang biglaan, para may thrill!"

"Miks, baka nakakalimutan mo ang pangako mo sa sarili mo? Hindi ba nga ang sabi mo na kapag ikinasal ka ay hinding-hindi ka mag-iisip na makipaghiwalay sa babae na pakakasalan mo?"

"Ang daldal ng kaibigan mo, beb." Pareho na napatingin sina Mikel at Stan sa babae na nagsalita.

Napangiti na lamang lalo si Mikel nang tawagin siya nito na beb. Hindi man siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ng salita na iyon ay nagustuhan niya iyon sa kan'yang pandinig. Ano ba ang beb? Bebe ko? Baby? Babe?

"Stan, tawagan mo na si tito at ihanap mo kami ng singsing. Dali na at kahit na magkano ang magastos ay walang problema, basta dapat legal kami na maikasal ngayon."

"Mikel, kapag bukas ay nahimasmasan ka, huwag na huwag mo ako sisisihin sa katarantaduhan na pinaggagagawa mo ngayon."

"Huwag ka na nga magsalita nang magsalita. Ang dami mo na sinasabi. Basta ako na ang bahala. Desisyon ko ito. Desisyon namin ito. Kailangan natin na humanap ng singsing ngayon din at magpapakasal kami."

"Sigurado ka ba talaga?" Nag-aalala na tanong pa ni Stan.

"Siguradong-sigurado ako. Ito ang pinakasigurado na desisyon na gagawin ko sa buhay ko."

Napabuntong-hininga ang kaibigan niya. "Bahala ka. Walang sisihan. Ikaw, miss, sigurado ka ba?" muli ay tanong nito sa babae na kasama ni Mikel.

Tumango naman ang babae at muli na yumakap ng mahigpit kay Mikel at isinandal pa niya ang ulo sa may dibdib ng lalaki. "Sure na sure na! Pero bilisan natin dahil inaantok na ako. Baka hindi ko na maabot ang kiss the bride sa sobrang antok ko."

Naiiling na lamang si Stan na humarap sa babae na kahalikan niya kanina, "Halika, ikaw ang witness ko sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Sigurado ako na bukas kapag nahimasmasan siya sa mga kalokohan niya ngayon ay magwawala iyan."

"Huwag ka na magdaldal pa. Ibili mo kami ng singsing, Stan."

"Saan ako hahanap ng singsing sa oras na ito?"

"Basta, maghanap ka, dali." Naiiling na lamang si Stan na umalis kasama ang babae na kahalikan.

Hindi alam ni Mikel kung paano nakahanap ng singsing si Stan at kung ano ang nangyari sa kasal na iyon. Wala sila pareho na maintindihan ng babae sa mga nagaganap dahil sa patuloy ang pag-ikot ng paningin nila sa sobrang kalasingan.

Natandaan na lamang nila nang sabihin ng tiyuhin ni Stan na hukom na kasal na sila at may pinapirmahan sa kanila na mga dokumento. Pagkapirma ay roon nito binanggit habang nakangiti ang mga salita na, "You may kiss the bride."

Pero bago pa man mahalikan ni Mikel ang babae na asawa na niya ay hinimatay na sa mga bisig niya ang misis niya dala ng sobra na kalasingan nito.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
kalurkey nmn ang love story nl
goodnovel comment avatar
Eun Lorna Clarissa Peralta
hahaha, laughtrip ka Mikel,............
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 3 - The First Fight

    Hanggang ngayon ay pareho kami na tulala ng babae na asawa ko na raw ngayon, na nagngangalang Tamara. Pagkatapos namin marinig ang mga paliwanag ni Stan sa mga nangyari kagabi ay pareho kami na walang maapuhap na salita. Habang ikinukuwento ni Stan ang bagay na iyon ay unti-unti ko rin naaalala nang pahapyaw ang ilan bahagi ng mga pinaggagagawa ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Kung bakit ko nagawa na magpakasal sa isang babae na hindi ko kilala at wala ako na kahit na ano na pagkakakilanlan ay hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mataas na pagpapahalaga ko sa salitang kasal ay nagawa ko na magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal. Isa pa sa gumugulo sa akin ngayon ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi kailanman makikipaghiwalay kapag ako ay nakasal na. Ang pangako ko na pipilitin ko na ayusin ano man ang problema kaysa sa humanap ng kaligayan sa iba. Ngunit sa estado ngayon, paano na hindi ako m

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 4 - Change of Mind

    Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag si Tamara sa suhestiyon ko na kailangan namin na tapusin at itama ang nagawa namin na pagkakamali. Hindi na namin dapat pa na dagdagan ang mga problema sa pareho namin na magulong buhay. Nanatili si Tamara sa pagkakaupo sa kama at animo ay may sarili siya na mundo. Hindi na siya muli na nagsalita pa pagkatapos sa naging pagpayag niya kanina. Alam ko na may matindi na bumabagabag sa isipan niya ngayon. At sigurado ako na ito ang nabanggit niya na naging pagtakas niya sa kasal. May parte ko na nais malaman ang totoo na istorya ng buhay niya, lalo na at nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha niya ang kaguluhan at takot. Tiyak ako na mas mabigat ang kinakaharap niya na problema kaysa ang sa akin na naloko ng nobya. "Ayos ka lang ba, Tamara?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang babae na ito na paiba-iba ang emosyon bawat minuto. Hindi siya sumagot at sa halip ay pagtango lamang ng kan’yang

    Huling Na-update : 2022-03-12
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 4.1 - Change of Mind cont.

    "Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak." Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin. At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko. Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at muk

    Huling Na-update : 2022-03-12
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 5 - The Agreement

    "Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari. "Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this." "Sige, payag ako. Game na?!" Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?" "Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat." "Kumain ka muna." utos niya pa sa akin. "Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan." "I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko

    Huling Na-update : 2022-03-13
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 5.1 - The Agreement cont.

    "Ay, teka bago mo pala sabihin ang mga kondisyon mo, puwede ba na magtanong muna ako?" Kita agad ang kan’yang iritasyon sa pagpuputol ko agad sa tangka niya na pagsisimula na magbahagi ng kan'yang mga kondisyones. Tumango lamang si Mikel sa akin ng pilit kaya ipinagpatuloy ko na ang itatanong ko. "Wala ka bang sabit?" Tumaas ang kilay niya sa akin at halata ang pigil na inis niya. "Sabit?" Nakaarko pa ang kilay niya sa akin nang magtanong siya. "Sabit. Like asawa, o kaya ay jowa? Gusto ko lang masiguro na hindi kabit ang labas ko sa lahat ng ito. Aba, wala akong balak na maging number two." "Sa tingin mo ba ikakasal tayo ng tiyuhin ni Stan kung may asawa na ako?" "May point ka naman do’n. Jowa. Baka mayro’n ka na naiwan sa Maynila?" "Wala. Wala na." Hindi ko sigurado, pero may bahid ng kalungkutan ang pagtugon niya ng wala na. Ano kaya ang nangyari sa love story niya? "Ngayon, puwede na ba tayo na magsimula?" Itinaas baba ko naman ang ulo ko bilang sagot sa kan’ya. "Simple lang

    Huling Na-update : 2022-03-13
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 6 - Role Play

    "Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano" Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman

    Huling Na-update : 2022-03-14
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 6.1 - Role Play cont.

    Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko? "Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila. "Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din." "Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine." Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalit

    Huling Na-update : 2022-03-14
  • Married to the Runaway Bride   Chapter 7 - The Contract Marriage

    Mabilis na naipaayos ni Mikel sa kan’yang mga abogado ang kasunduan namin dalawa. Dalawang araw lamang buhat nang mapag-usapan namin ang mga kondisyon ay nakapirma na kami at naipanotaryo na rin ito. Bilib na rin talaga ako kay Mikel dahil wala siyang sinasayang na oras at sandali. Ilang araw na rin ako na rito sa bahay niya tumutuloy simula noong araw na umalis ako sa pension house. Malaki rin naman ang bahay ni Mikel kaya nakabukod din naman ako ng silid sa kan’ya. Maayos naman ang ilang araw na pagsasama namin, huwag lamang ibibilang ang mga oras at sandali na sobra ang pagkasarkastiko niya at ang minu-minuto na halata na pagka-inis niya sa akin. Hindi na rin muli na tumawag pa si Chad pagkatapos ng araw na iyon at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Alam ko na gaya nang sinabi niya, kaya ako na ipahanap ni Chad, kaya natatakot ako dahil ilang araw na lamang ang nalalabi sa palugit na ibinigay niya sa akin. Wala pa kami na napag-uusapan ni Mikel kung kailan kami babalik sa May

    Huling Na-update : 2022-03-15

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Runaway Bride   Thank You

    Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 100 - Married to the Ex-Runaway Bride

    Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 99 - The Lucero's

    The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 98 - Forgiveness

    "Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 97 - The Princess is Here

    Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 96 - She's Coming

    Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 95 - Surprise Talk

    Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 94 - Starting Over

    Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya

  • Married to the Runaway Bride   Chapter 93 - The End of Leonardo

    "Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin

DMCA.com Protection Status