"Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano" Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman
Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko? "Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila. "Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din." "Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine." Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalit
Mabilis na naipaayos ni Mikel sa kan’yang mga abogado ang kasunduan namin dalawa. Dalawang araw lamang buhat nang mapag-usapan namin ang mga kondisyon ay nakapirma na kami at naipanotaryo na rin ito. Bilib na rin talaga ako kay Mikel dahil wala siyang sinasayang na oras at sandali. Ilang araw na rin ako na rito sa bahay niya tumutuloy simula noong araw na umalis ako sa pension house. Malaki rin naman ang bahay ni Mikel kaya nakabukod din naman ako ng silid sa kan’ya. Maayos naman ang ilang araw na pagsasama namin, huwag lamang ibibilang ang mga oras at sandali na sobra ang pagkasarkastiko niya at ang minu-minuto na halata na pagka-inis niya sa akin. Hindi na rin muli na tumawag pa si Chad pagkatapos ng araw na iyon at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Alam ko na gaya nang sinabi niya, kaya ako na ipahanap ni Chad, kaya natatakot ako dahil ilang araw na lamang ang nalalabi sa palugit na ibinigay niya sa akin. Wala pa kami na napag-uusapan ni Mikel kung kailan kami babalik sa May
Sakto na isang linggo sa ibinigay ni Chad na taning ay bumiyahe kami pabalik sa Maynila. Wala sa hinagap ko ang katotohanan sa sinabi ni Stan na milyonaryo ang asawa ko. Bukod kasi sa mga hindi praktikal na paggastos na ginagawa ni Mikel ay hindi mo siya kababakasan na parang tulad sa mga nakasanayan ko na mayayaman. Marunong siya sa mga gawain sa bahay at hindi parati na nakaasa sa mga utusan. Kahit na malimit ang pagdirekta niya ng mga gawain kay Stan patungkol sa kanilang business ay hindi mo siya kababakasan ng mga nakagawian ng mga mapang-mataas na mayayaman na akala mo lahat ay nabibili ng kanilang pera. Sakay kami ngayon ng pribado na yate ni Mikel at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha rito. Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa ganito. Ang dami ko yata na bucket list na magagawa at makokompleto sa dalawang taon na pagsasama namin ni Mikel kapag nagkataon. "Misis ni Mikel." Pang-uurat na naman sa akin ni Stan kaya agad na napasimangot ako nang harapin siya. "Wala k
Pagtunog muli ng telepono ko ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ni Mikel. Kasalukuyan kami na nasa kan’yang mamahalin na kotse na nakaabang na sa amin sa daungan kanina. Naghiwalay na kami ni Stan na mayroon din sarili na kotse na minamaneho. Ganito yata talaga ang mga mayayaman, hindi sanay sa carpooling na tinatawag. "Answer the phone, bu." Bahagya ako na nilingon ni Mikel upang ipasagot ang aking telepono na kanina pa sa pagtunog at pagkatapos ay itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. Gaya nang inaasahan ko, si Chad na naman ang muli na tumatawag. "Bakit ba ayaw mo na sagutin? Is that your boyfriend?" "Hindi ah." agap ko na sagot. "Then answer the damn phone." Iritable na naman niya na baling sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Nasaan ka na, Tamara? Isang linggo na ngayon, ano ang gusto mo? Ang ipahanap na kita at kaladkarin pauwi?" Malakas na boses ni Chad ang umalingangaw sa telepono ko hindi pa man ako nakakas
“Tamara, handa ka na ba?” Pagtawag sa akin ni Mikel mula sa pintuan. Narito ako sa aking kuwarto at nag-aayos para sa lakad namin ng asawa ko. Naguguluhan na ako sa bagong mundo na ginagalawan ko. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ko rito kaysa sa buhay na nakagisnan ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makabalik kami rito sa Maynila. Laking pasasalamat ko rin na hindi na muli na tumawag pa si Chad matapos ang araw na iyon. Marahil ay nagawan na iyon ng paraan ni Mikel. Ang proproblemahin ko na lamang ay ang magiging paghaharap namin kapag nagkataon. "Tamara! Naririnig mo ba ako?" Muli ay pagsigaw sa akin ni Mikel. "Palabas na ako." sigaw ko pabalik. Paano ko naman makakalimutan na ang asawa ko ay walang pasensya sa paghihintay? Lagi na lang ako na binubungangaan kapag nahuhuli ako sa pag-aayos at daig pa ang babae sa dami parati nang sinasabi. Napasimangot ako at tiningnan muli ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa laki ng pagbabag
Tinawag na Janine ni Mikel ang babae na kaharap namin. Kung gano'n, ang babae na ito na matatalim ang titig na ibinibigay sa akin ay ang ex-girlfriend niya. Siya ang babae sa nakaraan ng asawa ko na nagbigay sa kan’ya ng matindi na sakit. Pero sino ang lalaki na halos kahawig ni Mikel? "What’s the meaning of this, Mikel? Ano itong mga nababalitaan ko? Ilang linggo ka na nawala, tapos pagbalik mo ay isang balita ang sasabog sa akin? Are you doing this to hurt me?" "Bakit ka naman masasaktan? At hindi ko kailangan na magpaliwanag sa'yo. Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang kasagutan sa tanong mo." "No." mataray na sagot ng babae. Nakita ko pa nang sulyapan niya ang daliri ko kung saan nakasuot ang wedding ring namin ni Mikel. Napatingin din ako sa kamay ni Mikel kung suot ba ng asawa ko ang singsing niya, at nakahinga ako ng matiwasay dahil hindi naman niya iyon nakaligtaan. "So it’s true? You really are married!" "Bakit naman hindi magiging totoo? Nakarating na pala sa’yo ang bal
The main kontrabida is not really the kontrabida. Ito ang napagtanto ko nang makilala ko ang ina ni Mikel sa ikalawang pagkakataon. Sa una na paghaharap namin ay tumatak talaga sa aking isipan na isa siya sa magpapahirap at maggagawa na miserable ang dalawang taon na kasal ko kay Mikel. Pero nagkamali ako. Mali ako na hinusgahan ko siya kaagad. Simula kanina ay parang halos ako pa ang anak niya kaysa kay Mikel. At hindi umubra sa nanay niya ang sabi-sabi niya na ayaw niya nang nag-uusap kapag kumakain. Sa sobra na daldal at masayahin ng ina ni Mikel ay napapa-isip ako kung kanino siya nagmana. Malamang, kung hindi sa ina ay sa ama niya. Ngunit nasaan ang kan’yang ama? Ilang araw na rin kami na magkasama, pero hindi ko man lang narinig na nabanggit niya ang kan’yang ama. Tangi na ang ina niya lamang ang malimit na nasasama sa mga mumunti na usapan namin dalawa. Deads na ba iyon? Pero wala rin ako na nakita na mga litrato nito nang magpunta kami sa bahay ng ina niya. "Tamara, iha, aya