Pagtunog muli ng telepono ko ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ni Mikel. Kasalukuyan kami na nasa kan’yang mamahalin na kotse na nakaabang na sa amin sa daungan kanina. Naghiwalay na kami ni Stan na mayroon din sarili na kotse na minamaneho. Ganito yata talaga ang mga mayayaman, hindi sanay sa carpooling na tinatawag. "Answer the phone, bu." Bahagya ako na nilingon ni Mikel upang ipasagot ang aking telepono na kanina pa sa pagtunog at pagkatapos ay itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. Gaya nang inaasahan ko, si Chad na naman ang muli na tumatawag. "Bakit ba ayaw mo na sagutin? Is that your boyfriend?" "Hindi ah." agap ko na sagot. "Then answer the damn phone." Iritable na naman niya na baling sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Nasaan ka na, Tamara? Isang linggo na ngayon, ano ang gusto mo? Ang ipahanap na kita at kaladkarin pauwi?" Malakas na boses ni Chad ang umalingangaw sa telepono ko hindi pa man ako nakakas
“Tamara, handa ka na ba?” Pagtawag sa akin ni Mikel mula sa pintuan. Narito ako sa aking kuwarto at nag-aayos para sa lakad namin ng asawa ko. Naguguluhan na ako sa bagong mundo na ginagalawan ko. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ko rito kaysa sa buhay na nakagisnan ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makabalik kami rito sa Maynila. Laking pasasalamat ko rin na hindi na muli na tumawag pa si Chad matapos ang araw na iyon. Marahil ay nagawan na iyon ng paraan ni Mikel. Ang proproblemahin ko na lamang ay ang magiging paghaharap namin kapag nagkataon. "Tamara! Naririnig mo ba ako?" Muli ay pagsigaw sa akin ni Mikel. "Palabas na ako." sigaw ko pabalik. Paano ko naman makakalimutan na ang asawa ko ay walang pasensya sa paghihintay? Lagi na lang ako na binubungangaan kapag nahuhuli ako sa pag-aayos at daig pa ang babae sa dami parati nang sinasabi. Napasimangot ako at tiningnan muli ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa laki ng pagbabag
Tinawag na Janine ni Mikel ang babae na kaharap namin. Kung gano'n, ang babae na ito na matatalim ang titig na ibinibigay sa akin ay ang ex-girlfriend niya. Siya ang babae sa nakaraan ng asawa ko na nagbigay sa kan’ya ng matindi na sakit. Pero sino ang lalaki na halos kahawig ni Mikel? "What’s the meaning of this, Mikel? Ano itong mga nababalitaan ko? Ilang linggo ka na nawala, tapos pagbalik mo ay isang balita ang sasabog sa akin? Are you doing this to hurt me?" "Bakit ka naman masasaktan? At hindi ko kailangan na magpaliwanag sa'yo. Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang kasagutan sa tanong mo." "No." mataray na sagot ng babae. Nakita ko pa nang sulyapan niya ang daliri ko kung saan nakasuot ang wedding ring namin ni Mikel. Napatingin din ako sa kamay ni Mikel kung suot ba ng asawa ko ang singsing niya, at nakahinga ako ng matiwasay dahil hindi naman niya iyon nakaligtaan. "So it’s true? You really are married!" "Bakit naman hindi magiging totoo? Nakarating na pala sa’yo ang bal
The main kontrabida is not really the kontrabida. Ito ang napagtanto ko nang makilala ko ang ina ni Mikel sa ikalawang pagkakataon. Sa una na paghaharap namin ay tumatak talaga sa aking isipan na isa siya sa magpapahirap at maggagawa na miserable ang dalawang taon na kasal ko kay Mikel. Pero nagkamali ako. Mali ako na hinusgahan ko siya kaagad. Simula kanina ay parang halos ako pa ang anak niya kaysa kay Mikel. At hindi umubra sa nanay niya ang sabi-sabi niya na ayaw niya nang nag-uusap kapag kumakain. Sa sobra na daldal at masayahin ng ina ni Mikel ay napapa-isip ako kung kanino siya nagmana. Malamang, kung hindi sa ina ay sa ama niya. Ngunit nasaan ang kan’yang ama? Ilang araw na rin kami na magkasama, pero hindi ko man lang narinig na nabanggit niya ang kan’yang ama. Tangi na ang ina niya lamang ang malimit na nasasama sa mga mumunti na usapan namin dalawa. Deads na ba iyon? Pero wala rin ako na nakita na mga litrato nito nang magpunta kami sa bahay ng ina niya. "Tamara, iha, aya
Ilang araw na rin kami na abala muli ni Mikel upang isaayos ang simple na kasal na napag-usapan namin ng kan’yang ina. Hindi man ito ang talaga na nais ko, pero napagkasunduan na namin ito ni Tita Marlene. Oo, 'yan pa rin ang tawag ko sa ina ni Mikel kapag hindi siya kaharap. Ayaw ko naman na umarte na totoo ang lahat kahit na alam ko naman na isang pagbabalat-kayo lamang ito. Unti-unti na rin ako na nasasanay sa nagiging pag-arte namin kapag nasa labas kami ni Mikel at nakaharap sa ibang tao. Awtomatiko na nagiging isang mabuti na asawa ang dating ko kapag gano'n. Para kami na isang tunay na mag-asawa na mahal na mahal ang isa’t-isa kapag kami ay wala sa apat na sulok ng bahay niya. Pero oras na makapasok kami rito, at maiwan na kami na lamang dalawa, ay nag-iiba na ang ihip ng hangin. Pareho na kami na bumabalik sa sariling mundo na ginagalawan namin. Hindi naman na masyado na nagsusungit si Mikel sa akin dahil hindi naman din niya ako masyado na kinakausap kapag nasa bahay kami.
Dumadagundong ang puso ko sa tanong na iyon ni Mikel. Lumakad siya papalapit sa akin at sumandal pa sa kitchen counter, kaya naman lalo na nadepina ang kan’yang pangangatawan. At hindi ko maiwasan na pasadahan siya ng tingin, kahit na ang puso ko ay nagsisirko na sa mga naging tanong niya. "I asked you a question, Tamara. I need answers at hindi ang pagtitig mo na naman sa akin." Teka nga, bakit ba napunta na rito ang usapan, gano'n ang pinagtatalunan lang naman namin ay ang pagtitig niya sa akin at gano'n din ako sa kan’ya kanina? "Bakit napunta riyan ang usapan?" naguguluhan na tanong ko. "I wanted to know. We’ve been living together for several weeks, lagpas isang buwan na nga yata, pero wala pa akong alam tungkol sa’yo maliban sa may tinakasan ka na kasal." "Ba-bakit kailangan mo pa malaman? Problema ko na iyon at labas ka na ro’n. At isa pa, wala sa kontrata natin ang alamin ang tungkol sa buhay ng bawat isa." "I need to know so I can protect you." Lalo ang kaguluhan ko nang
Dumating ang araw ng pagsasalo-salo na inihanda ni Mikel para ipakilala ako bilang asawa niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, dahil bukod sa pamilya niya ay inimbitahan niya rin ang aking pamilya. At ito ang unang pagkakataon na malalaman nila ang tungkol sa pagpapakasal ko. At ito rin ang magiging muli na paghaharap namin matapos ang naging paglalayas ko. Oo at ilang linggo rin na natahimik si Chad dahil sa sustento na ipinapadala ni Mikel, pero sigurdo ako na hindi pa rin siya lubusan na natatahimik ukol sa pagbebenta niya sa akin sa matanda na bilyonaryo na iyon. Kilalang-kilala ko si Chad, hindi niya gano'n na lamang na susukuan ang mga bagay na nais niya na mangyari. Kabadong-kabado ako habang naghahanda. Kahit na maayos ang pakikitungo sa akin ng ina ni Mikel ay hindi ako sigurado sa iba nila na kapamilya. Ang sabi ni Mikel, bukod sa kamag-anak ng kan'yang ina ay may ilan din siya na bisita mula sa partido ng ama na malamang ay darating. Matatanggap ba nila ako kapag nalam
Kung natetensyon ako kanina ay mas triple na ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa kaalaman na narito na naman ang mga kontrabida ng buhay ko. Buhay ko lang talaga dahil sigurado naman ako na ako ang pupuntiryahin nila lalo na ng Janine na iyon upang mabalikan niya si Mikel. Sabihin na ng lahat na feelingera talaga ako, pero iyan ang alam ko na mangyayari. Alam na alam ko ang galawan ng mga kontrabida. At ang mga madidilim na titig pa lamang na ibinigay sa akin ni Janine noon unang beses na magkaharap kami ay alam ko na sa sarili ko na magiging isa siyang tinik sa buhay ko. At kahit ayaw ko ay wala akong magagawa, dahil bilang asawa ni Mikel sa loob ng dalawang taon ay kailangan ko na harapin ang buwisit na babae na iyon. Patuloy ko tuloy na naitatanong sa isip ko kung bakit ang mga ex ay ex na nga ay hindi pa manatili na lamang sa nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila na magmulto sa kasalukuyan at guluhin ang mga nananahimik na buhay ng iba. "Everything is