Kung natetensyon ako kanina ay mas triple na ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa kaalaman na narito na naman ang mga kontrabida ng buhay ko. Buhay ko lang talaga dahil sigurado naman ako na ako ang pupuntiryahin nila lalo na ng Janine na iyon upang mabalikan niya si Mikel. Sabihin na ng lahat na feelingera talaga ako, pero iyan ang alam ko na mangyayari. Alam na alam ko ang galawan ng mga kontrabida. At ang mga madidilim na titig pa lamang na ibinigay sa akin ni Janine noon unang beses na magkaharap kami ay alam ko na sa sarili ko na magiging isa siyang tinik sa buhay ko. At kahit ayaw ko ay wala akong magagawa, dahil bilang asawa ni Mikel sa loob ng dalawang taon ay kailangan ko na harapin ang buwisit na babae na iyon. Patuloy ko tuloy na naitatanong sa isip ko kung bakit ang mga ex ay ex na nga ay hindi pa manatili na lamang sa nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila na magmulto sa kasalukuyan at guluhin ang mga nananahimik na buhay ng iba. "Everything is
Ako ay isa talaga na loka-loka para pumayag sa deal na iyon ni Wyatt. Parang nahipnotismo ako sa lalaking ito at walang pagdadalawang-isip na umayon sa kan'ya. Kaya heto kami ngayon, palabas at papunta sa parkingan upang alamin kung totoo ang sinasabi niya. Nanggigigil din ako kay Mikel na bigla na lamang din nawala sa loob. Dahil kung hindi dahil sa kan’ya ay hindi ko kinakailangan na gawin ito. At oras na mapatunayan ko talaga na tama ang sinasabi ni Wyatt ay humanda talaga siya sa akin. "Paano ba ‘yan? Talo ka na sa deal natin." Nakaturo ang kamay niya sa dalawang tao na nag-uusap malapit sa kotse ni Mikel. At sigurado na sigurado ako na ang asawa ko iyon base sa postura at damit na suot nito. "Gusto mo ba na puntahan pa natin para marinig mo ang pinag-uusapan nila?" Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Nagngingitngit talaga ako sa Mikel na ito na makasabi pa na bawal na makipagrelasyon sa iba at putulin ang ano man na ugnayan na mayro'n hangga't nasa kontrata pa
I made it. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko na patatagin ang sarili ko sa harap ng kaalaman na ang tatay ni Mikel at ang matanda na bilyonaryo na bumili sa akin kay Chad ay iisa lamang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang muli kami na magkaharap. Nang ipakilala siya sa akin na hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya ay hindi ko talaga kinaya ang mga paraan ng pagtitig niya sa akin. Kaya sa sobrang takot na bumalot sa akin ay agad-agad ako na nag-empake at lumayas sa amin. Ngayon ang tinataguan ko ay unti-unti na bumabalik, at ang nakaraan na pilit ko na tinatakasan ay muli na nabubuhay upang guluhin ako. Napakamalas ko lang ba talaga na sa dami ng tao sa mundo ay naikasal pa ako sa anak ng lalaki na bumili sa akin? Nakahinga ako ng maluwag nang agad din na nagpaalam si Chad at ang ama ni Mikel. Mabuti na rin lamang talaga na nakaramdam si Chad na hindi siya talaga welcome sa pagtitipon na ito. Malaki rin ang pasasalamat ko sa ina ni Mikel na nang maabutan at
Kagaya nang napagdesisyunan namin, mabilis na nagpaalam si Mikel sa kan'yang ina upang makauwi na kami. Hindi naman tumutol si Marlene sa kagustuhan ng kan'yang anak. Nang makauwi kami sa bahay ni Mikel ay hindi pa man ako tuluyan na nakakapasok sa pintuan ay hinarap na agad ako ng asawa ko. "Stay in the living room. We need to talk." Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at dumiretso sa sala at pasalampak na naupo roon. Kung ano man ang pag-uusapan namin ay sigurado ako na hindi ko ito magugustuhan. "I didn’t know that your brother and my father are friends. Masyado na malayo ang agwat ng edad nila upang magkasundo sila at maging magkaibigan. Kilala ko ang ama ko na hindi basta-basta na nakikisama sa kung sino lamang, and don’t get me wrong, Tamara." Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ungkatin na niya ang tungkol kay Chad at sa ama niya. Alam ko na kailangan ko na sabihin sa kan’ya ang totoo, ngunit paano? Ayaw ko na ako pa ang dumagdag sa hidwaan na mayro’n sila ng k
Pagtunog sa aking telepono ang gumising sa mahimbing na tulog ko. Sa mga nakapikit na mata ko ay pilit ko na inabot iyon mula sa lamesa sa gilid ng aking kama. Mabagal ang kilos ko dahil pakiramdam ko ay sobrang aga pa para may tumawag sa akin. "Hello." antok na antok na sagot ko sa tawag. "Tamara." Bigla ako na napadilat at namilog agad ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses na iyon sa kabilang linya. "Mukhang tulog na tulog ka pa ha. Sobrang sarap na ba ng buhay mo ngayon at prenteng-prente ka na lamang diyan sa mansyon ninyo? Prinsesa na ba ang pamumuhay mo ngayon kaya hindi ka na nakakaalala? Baka nakakalimutan mo na may responsibilidad ka pa sa pamilya na ito. Pinapaalala ko lang sa'yo na kahit kasal ka na at may asawa ka na ay parte pa rin kami ng buhay mo." "Ano ang kailangan mo, Chad? Ang aga-aga nagsisimula ka na naman.”" "Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan sa pagtawag ko sa'yo? Ubos na ang huling naipadala mo at kailangan na dagdagan mo at dalasan ang pagpapada
"Fine! Ayaw mo sabihin sa akin ang halaga na kailangan niya, it’s your choice then." Inilabas niya ang telepono niya at nakita ko na lamang nang idinial niya iyon. Makalipas lamang ang ilang segundo ay muli siya na nagsalita nang marahil ay may sumagot na sa kabilang linya. "Diane, send fifty thousand pesos to my wife’s brother today. Same details as before." "Mikel!" sigaw ko sa kanya. Halos mahulog pa ako sa kama sa pagmamadali ko na maabot siya at mapigilan ang tawag. "No!" sigaw ko ulit. Nang akala ko ay lalagapak na ako sa sahig dahil nga sa pagpipilit ko na mapigilan siya sa utos niya na iyon ay napapikit ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak sa sahig, ngunit hindi dumating ang inaasahan ko na paghulog dahil sa halip na sa sahig ako tumama ay sa mga bisig ako ni Mikel muli na nahulog. Naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng mga braso niya sa akin habang napamura pa siya ng mahina sa nangyari sa akin. "Fuck." "What the hell, Tamara! Ayos ka lang ba?" May bahid na pa
Lunes na Lunes pero busangot na busangot ang pagmumukha ko ngayon. Paano ba naman na hindi, wala na akong nagawa at kahit na ano pa ang naging pagtanggi ko ay ito ako ngayon at kasabay ni Mikel na papasok sa kanyang opisina. Ngayon ang unang araw ko raw sa pagtatrabaho bilang sekretarya niya. Paano naman mangyayari iyon kung may sekretarya na siya? Baka naman ako ang sekretarya ng sekretarya niya? Ay ewan sa kan'ya! Naiinis ako dahil lagi na lamang ako na natatalo sa kan'ya. Wala rin akong nagawa nang sapilitan siya na magpadala ng fifty thousand kay Chad. Ayaw ko na patuloy na masanay ang pamilya ko na ginagawa ako na gatasan, kaya naman hindi ko sana iyon pagbibigyan sa nais nila na halaga, ngunit sa uulitin ay nangialam si Mikel. Mas mabuti na raw iyon upang hindi na ako patuloy na kulitin pa ni Chad at baka ano pa raw ang maisipan na gawin sa akin ng kapatid ko. Nakalusot na siya sa bagay na iyon, kaya inilista ko na lamang ang ipinadala niya na halaga bilang utang ko sa kanya.
Kung kanina ay ako ang busangot na busangot, ngayon naman ay nagkapalit na kami ng asawa ko. Simula nang malaman niya ang pagpunta ni Wyatt dito ay hindi na maipinta pa ang pagmumukha ni Mikel. Hanggang sa tawagin siya ng kan’yang sekretarya upang harapin ang mga bisita na dumating ay mainit pa rin ang ulo niya. Sa totoo lang ay naguguluhan din ako kung alam ba ng ina ni Mikel ang nangyari sa pagitan nina Wyatt at Janine. Hindi naman na rin kasi ako nagtanong pa kay Mikel ng tungkol sa ex-fiancee niya maliban sa kung ano ang mga narinig ko na pinagtalunan nilang tatlo no’n kaharap nila ako. Kasi kung alam iyon ng ina ni Mikel, dapat ay hindi na niya ipinaglalapit pa ang dalawa na mukhang lagi na lang na magsasabong kapag nagkakaharap. Humugot ako ng malalim na hininga habang ang aking mga mata ay inililibot ko sa opisina ni Mikel. Wala rin naman ito na ipinagbago sa sitwasyon ko sa bahay. Mukhang mapapanisan pa rin ako ng laway rito, ang kaibahan nga lamang ay ibang gamit naman ang m