"Who are you texting? At bakit pangiti-ngiti ka pa riyan habang nakatutok sa telepono mo? Are you crazy?" Ito ang iritang-irita na tanong ni Mikel sa asawa, sa kunyari na asawa na si Tamara. Naiinis siya dahil simula nang bumiyahe sila papauwi ay wala nang ginawa si Tamara kung hindi ang dumutdot sa telepono niya at may kasama pa na pag ngiti-ngiti. Alam ni Mikel na mayro’n na ka-text ang asawa niya dahil kanina pa ang pagtunog ng telepono kahit na pilit na hinihinaan ang tunog nito. Ang nais niya na malaman ay kung sino ang kausap ng asawa niya at nangingiti pa si Tamara kahit na mag-isa. "Tamara, I am asking you. Bakit hindi ka sumasagot?" Salubong na ang kilay ni Mikel habang patuloy na nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho. "Masama ba na ngumiti? At isa pa, hindi naman siguro masama ang mag-text dito sa kotse mo, diba?" May pagkapilosopa pa na sagot ni Tamara sa kan’ya. Napakapit na lamang si Mikel ng mahigpit sa manibela upang mapigilan ang nagbabadya na inis at galit na nai
Hindi ko man na inaasahan, pero mas nagiging maayos ang pagsasama namin ni Mikel. Pilit niya na ginagampanan ang kan'yang papel bilang butihin na asawa ko. At totoo naman na napakasuwerte ko, hindi lamang sa mga bagay na naibibigay niya para sa pamilya ko, kung hindi sa patuloy na pagbabantay sa seguridad ko laban sa ama niya. Mikel's actions made me realize how good of a person he is. At sa bawat oras na nakakasama ko siya ay hindi ko rin maiwasan na unti-unti na magkaroon siya ng puwang sa puso ko. Ayaw ko man, pero iyon ang katotohanan. Masyado na mabait si Mikel at walang babae ang hindi mahuhulog sa kabaitan niya na iyon. Pero patuloy ko na sinusubukan na lagyan ng dibisyon ang tratuhan namin bilang mag-asawa. Kailangan ko na lagi ipaalala sa sarili ko na ang lahat ng ito ay isang kasunduan lamang. At kasama roon ang pinaka-importante na kondsiyon niya, ang bawal ako na mahulog sa kan'ya. Sa kabila ng maayos namin na pagsasama ay hindi pa rin naman nawawala ang paminsan-minsan
Confusion would be the right word to describe what I am feeling right now. At sigurado ako na hindi lang ako ang nakakaramdam ng confusion na ito na sinasabi ko. Ilang araw na ako na naguguluhan sa mga inaakto ni Mikel sa akin, at sa totoo lang ay pati ang nararamdaman ko ay litong-lito na rin. Hindi ko maiwasan ang mag-expect na may mga ibig sabihin at nais ipakahulugan ang mga pagbabago na ipinapakita niya sa akin. Sabihin nang assumera ako at assumptionista, pero iyan ang nararamdaman ko. At hindi ko maiwasan na bigyan ng konti na pag-asa ang sarili ko na baka nga sakali ay may tsansa na mahulog din siya sa akin. Kasi kung ako ang tatanungin, ang totoo ay unti-unti ko na rin na nararamdaman ang pagbabago ng nararamdaman ko para sa kan’ya. Alam ko na mali iyon, dahil sa umpisa pa lamang ay malinaw na sa kontrata namin na hindi puwede na ma-in love, pero maari ko ba na pigilan ang sarili ko? I can’t help but feel something for him slowly, lalo na at nakikita ko ang kabutihan ng pus
As I slowly walked down the aisle towards Mikel, ay hindi ko sigurado ang mararamdaman ko sa lahat ng ito. This is our wedding day. Again. The intimate wedding that I and Mikel’s mother agreed upon. Pero sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung gusto ko pa ba na ituloy ito at maglakad hanggang sa maabot ko si Mikel na nakangiti na naghihintay sa akin sa may altar. He is really a good actor and a great pretender. Napakagaling niya na magpanggap, kaya kahit ako ay kamuntikan na rin na mapapaniwala. Hindi pala muntikan, dahil naniwala na talaga ako. I assumed that he is feeling something for me, at iyon ang rason kung bakit ko tinanong sa kan’ya ang bagay na ‘yon. And maybe, I shouldn’t have asked, dahil kung hindi ako nagtanong ay hindi sana ako masasaktan ng ganito sa ngayon. Hindi sana magkakaro'n ng ibang pakahulugan ang kunya-kunyarian na kasal na ito sa pagitan namin. His hand is reaching out for me nang makaabot ako sa kan’ya. At kahit na gusto ko na i-plaster ang tunay na ngiti
"What’s wrong with you, Mikel? At bakit ba hindi ka mapakali riyan? At bakit mo ba ako pinapunta pa rito?" Hindi malaman ni Stan kung ano ang dahilan ng kaibigan niya at pinapunta siya nito sa bahay nila. Kanina sa opisina ay mainit na ang ulo nito at hindi nga niya alam ang rason kung bakit bigla na lamang na umuwi si Mikel at pinasunod pa siya. Palakad-lakad si Mikel sa harapan ni Stan. Naiinis siya at nagngingitngit na naman siya kay Tamara. "Teka, huwag mo sabihin sa akin na may LQ agad kayo ng asawa mo? Kakakasal ninyo pa lang ulit noon isang linggo, hindi ba dapat ay nasa honeymoon stage pa kayo? Nakapag-honeymoon na nga ba ulit kayo?" tanong pa muli ni Stan. Mikel doesn’t know how to admit to his friend the truth. Hindi rin siya sigurado kung tama lamang ba na aminin na niya na ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Tamara ay isang pagkukunyari lamang. Ayaw man niya sana pero nais nang sumabog ng puso niya, kaya alam niya na kailangan na niya na sabihin kay Stan ang totoo. He n
Gulat na gulat ako nang pag-uwi ko ay maabutan ko si Mikel sa may sala at may ilang bote ng alak na kaharap. Maaga ako na lumabas ng opisina kanina dahil may mga inasikaso kami ni Wyatt para sa joint project ng kumpanya nila ni Mikel. Dumating din ang ina ni Mikel at naisama pa ako sa meeting kasama ang ama ni Wyatt. Hindi nakasama si Mikel dahil naging abala siya kanina sa opisina. "Bu, you’re here. Kanina pa kita hinihintay." Tumingala siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Namumungay na ang mga mata ni Mikel kaya hindi ko alam kung lasing na ba siya. "Kumain ka na ba, Mikel? May problema ka ba? Bakit ka ba nag-iinom?" Sunod-sunod na pagtatanong ko. Hindi ko maiwasan na mag-alala kung mayro’n ba siya na matinding problema na naman. Hindi naman kasi madalas na umiinom si Mikel, kaya nasisiguro ko na may problema siya. "Wow! Ikaw ba ‘yan, bu? Talaga ba na nag-aalala ka para sa akin?" "Masyado ka naman na advance mag-isip, Mikel. Tinanong ko lang kung bakit ka umiinom, nag-aala
Mahimbing na mahimbing pa ang tulog ng mag-asawa. Magkayakap pa sila habang may parehong ngiti sa kanilang labi. What happened last night was not part of Mikel’s plan. Ang nais niya lamang ay malaman ang katotohanan sa nararamdaman ng kan’yang asawa para sa kan'ya. But everything happened so fast and they suddenly become one. Bahagya na kumilos si Mikel nang makaramdam ng ngalay sa kan’yang braso. Idinilat ang isang mata at pilit na inaaninag ang paligid niya. Sumilay ang ngiti sa kan’yang labi at tuluyan na idinilat ang mga mata nang masulyapan ang asawa na nakayakap sa kan’yang dibdib at nababalot lamang ng kumot ang katawan nito. No words were exchange between them, pero ramdam ni Mikel ang katotohanan sa nangyari sa nagdaang gabi. She gave him her most prized possession, herself. And she gave it to him with no qualms and inhibitions. And he couldn't be any happier being her first. Hindi mawala-wala ang kan’yang ngiti habang dahan-dahan na hinihimas ang ulo ni Tamara. Alam niya
Stupid! Ito ang tanging salita na naiisip ni Tamara patungkol sa sarili niya. She gave herself to her contracted husband, not just once but many, many times in a span of several hours. And what’s worst? She liked it. She liked every moment they shared. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na lumulukob sa pagkatao niya. Alam niya na mali ang lahat. Isang pagkakamali at katangahan na bunsod ng kalasingan at makamundong pagnanasa. Pero nang ulitin nila ni Mikel ang mga ginawa nila ng sumunod na umaga ay hindi na siya lasing. Hindi na siya lasing, pero animo siya isang lasing na naging sunod-sunuran sa tawag ng pagnanasa. Lust. Everything that happened is just pure lust, and she knows that. But there is a feeling of passion in between those kisses at hindi maikakaila iyon ni Tamara. Ngayon ay hindi niya maharap ang kan’yang asawa. Nahihiya siya kung paano pakikitunguhan ang lalaki pagkatapos ng mga namagitan sa kanilang dalawa. It was wild, it was hot and it was definitely mind-shatte