Share

Kabanata 938

Bakit di na naman siya kumilos ayon sa script?

“Magsalita ka. Anong gusto mong ipaliwanag?”

Huminga siya nang malalim.

“Magaling!” Tumawa si Aurelia sa galit at ibinato ang magkapares na singsing sa kanya habang nagsalita siya nang nagngingitngit ang ngipin, “Sinungaling!”

“Aurelia, hindi ako nagsinungaling! Naging… madrama lang ako.”

“Tapos ngayon nakikipagtalo ka!”

“G-Gusto ko lang na mag-alala ka nang kaunti! Di ko inasahang tatagal to nang ganito. Tignan mo ang chat archive ko kay Carter kung di ka naniniwala sa'kin!”

Nanlaki ang mga mata ni Aurelia. Mayroon siyang archive na pwede niyang tignan!

Nagreklamo si Neil sa puso niya. Bakit siya nawalan ng filter ngayong nataranta siya?

Ngumisi si Aurelia at tinignan ang archive. Pinakinggan niya ang lahat ng voice messages noon ni Carter.

Mukhang nanlumo si Neil at bumagsak sa kama na para bang nawalan siya ng kaluluwa.

“Wag ka nang magpanggap.” Tumingin si Aurelia sa kanya. “Kahit na totoong nasasaktan ka, di na kita papa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status