“Pero ang kuripot ng tito mo. Iniisip niya ba kaya niya tayong bilhin gamit ng isang ice cream cone?”Nang narinig ni Zuko ang salitang “ice cream cone”, tumingala siya sa ama niya gamit ng mga bilugang mata niya. May tunaw na ice cream sa mukha niya at para siyang isang kuting. Inisip niyang gusto ng tatay niya, kaya iniabot niya sa kanya ang apa nang nakangiti. Nabigla si Zephyr bago natunaw ang puso niya. Sinong nagsabing mas malapit ang mga anak na lalaki sa mga nanay nila? Nagpapakita rin ng lambing ang anak niya sa kanya!Kahit si Cordelia ay parang nagselos nang sinabi niyang, “Hay! Mukhang mas mahalaga si Daddy para sa'yo, ha? Binigyan mo ng insekto si Mommy tapos naisip mo si Daddy ngayong merong kang masarap na pagkain!”“Bakit? Nagseselos ka ba na iniisip ako ng anak natin?” Nalunod na naman sa tuwa si Zephyr. Tumingin si Cordelia sa kanya nang walang sinasabi. Nanatiling nakataas ang matabang kamay ni Zuko. Hawak niya ang ice cream habang kumurap ang mga bilugang m
Naging maayos ang lahat para kina Aurelia at Neil. Sinasabing nagpunta si Noah sa palasyo nang may dalang mga regalo para mag-propose ng kasal nila kinabukasan. Malapit si Alexander sa mga Harris sa umpisa pa lang kaya buong puso niyang sinang-ayunan ang kasal. Wala pa rin sa tamang pag-iisip si Helene, pero hindi na siya masyadong galit kay Neil ngayon. Nang pinag-usapan ng lahat ang detalye ng kasal sa hall, tahimik siyang umupo sa tabi dala ang unan niya. Pinapanood silang lahat ng malalalim na mata niya nang may interes ngunit may pananahimik. Hindi nagtagal, mahina siyang nagdagdag, “Wag mong saktan ang baby ko. Hindi mo siya pwedeng saktan!”Nabigla si Neil nang napansin niyang nakatitig si Helene sa kanya. Bigla na lang, isang kumplikadong pakiramdam ang bumugso sa puso niya. “Tita, wag kang mag-alala.” Lumapit si Alexander at binigyan siya ng malumanay na yakap. “Napakabuting tao ni Neil. Nangangako akong magiging tapat siya kay Aurelia.”Para bang naunawaan ni Hele
Pagkalipas ng limang taon…Isa na ngayong estudyante ng elementarya si Zuko. Hindi na siya mataba kagaya noong mas bata pa siya. Mas matangkad siya kumpara sa mga kaedad niya at mas aktibo rin siya kumpara sa pangkaraniwang bata. Hindi lang ang pisikal na kakayahan niya ang nangunguna, mabilis din ang utak niya. Nagpakita siya ng matinding talento sa lohika at memorya sa murang edad. Strikto niya ring sinundan ang study plan ng academic prodigy niyang tita at lumaki rin siyang kinilala bilang may pinakamataas na marka sa paaralan. Siya ang karangalan nina Cordelia at Zephyr at ang susunod na pag-asa ng mga Hamerton. Higit pa roon, hinahangaan siya ng mas batang Zuko na si Toph Hamerton nang parang isang idolo. Oo, tama… Isang mas batang Zuko. Limang taon ang nakaraan, inisip ni Zuko na magkakaroon siya ng nakababatang kapatid na babae. Pero nang nagmadali sa ospital ang mga matatanda isang araw at naiwan sila ni Helen sa bahay, nakita niya siyang misteryosong naglalaro ng ta
Medyo malamig ang ere sa pagitan ng ama at ng dalawa niyang anak… Hindi napigilan ni Toph na mabahing. Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, nagsalita si Zephyr nang may mahinang boses, “Magpalit kayo ng damit. Aalis tayo mamaya.”“Huh?” Nagulat si Zuko. “Papa, may extra tutoring pa ako…”“Sinabihan ko na ang guro mo na di ka makakapasok.”Medyo nagtaka ang maliit na bata. “Ano bang mas mahalaga kaysa pumasok sa klase?”“Zuko Hamerton!” Tinaas ni Zephyr ang boses niya. “Gawin mo ang pinapagawa ko sa'yo. Saan nanggaling ang kalokohang yan!?”“Oh…” Tahimik na nanliit si Zuko.Nilagay ni Zephyr ang mga kamay niya sa likuran niya at naglakad palagi pagkatapos silang bigyan ng striktong tingin. Pagkatapos makalayo ni Zephyr ay doon lang sumikip palabas si Toph at tinanong ang kuya niya nang pabulong, “Anong problema ni papa?”“Hay.” Umiling si Zuko. “Baka naiinis siya sa pocket money niya!”“May punto ka.” Sumang-ayon si Toph sa sinabi niya. “Mas maraming binibigay sa'ting
“Meron pa siyang ilang kamag-anak,” mahinang sabi ni Linda. “Minata lang nila siya noong mga taong nasa gang siya at iniwasan nila siya. “Ngayong nakita nilang yumaman siya at naging matagumpay nilang boss ng isang entertainment company, gustong-gusto nilang sumipsip sa kanya!”Sumimangot si Linda. Bumisita ang lahat ng mga Thompson sa bahay nila nitong mga nagdaang taon. Iyon ay para manghiram ng pera ngayon, maghanap ng trabaho kinabukasan, makiusap na sumali sa board of directors sa susunod na araw, at manghingi ng shares pagkatapos. Kapag tumanggi si Nicholas, kinokonsensya nila siya gamit ng pangalan ng pamilya niya, pagkatapos ay pinagbabantaan siyang ibubuking nilang dati siyang miyembro ng gang. Palaging nadadamay sa usap-usapan at iskandalo ang Sol Entertainment dahil sa ginagawa ng mga kamag-anak niyang wala sa katwiran. Marami nang naranasan sa buhay si Nicholas at di siya natinag sa mga ginagawa nila. Matibay at buo rin ang pamamaraan niya kaya marami siyang nagalit
“Hamerton! Hindi ko hahayaang ikasal ang magiging daughter-in-law mo sa pamilya mo kung ipagpapatuloy mo to!”Tinitigan nang masama ni si Zephyr si Nicholas at umasta ang dalawang matatanda na parang mga nag-aaway na bata. Sa kabilang banda, kumilos si Zuko na parang matanda. Lumapit siya kay Nicholas at seryosong tumingin sa kanya. “Wag kang mag-alala, Tito Nicholas. Aalagaan ko siya nang maayos sa hinaharap at di ko siya hahayaang malungkot!”Naningkit ang mga mata ni Nicholas at lumingon siya kay Zephyr nang may malokong ngiti sa labi niya. Siniko niya si Zephyr sa dibdib. “Hoy, ang galing ng anak mo, mas magaling kaysa sa'yo!”Ngumiti si Zephyr at binuka ang bibig niya para magsabi ng “bw*sit ka” nang walang boses. “Tito Nicholas, anong pangalan niya?” Malinaw ang boses ni Zuko. “Ang pangalan niya ay…” Huminto ang utak ni Nicholas. “Sweetheart, ano ulit pangalan niya?”Ilang beses na umirap si Linda at kumuha ng tao para dalhin ang lalaki sa ibang kwarto para mahimasmas
Lumipas ang isang linggo at wala pa ring balita tungkol kay Pamela. Bata pa si Toph at nakalimutan niya kaagad ang tungkol dito, pero nanatiling nanlulumo si Zuko nitong mga nakaraang araw kasama ng mga magulang niya. Hindi siya makapokus sa klase sa unang pagkakataon at di niya masagot ang mga guro niya. Dahil dito, may ilang mga pasaway na nang-asar sa kanya. Gusto niyang tanungin ang mga magulang niya kung nasaan si Pammy, pero nilunok niya ang mga salita niya nang nakita niya silang nakangiwi. Sa bawat isang beses na kinausap ng nanay niya si Linda sa phone, umiiyak siya. Namomroblema ng tatay niya at palaging dumadating at umaalis nang nagmamadali si Robert. Kahit si Helen ay palaging bumuntong-hininga at hindi na ganoon kasarap ang pagkaing niluluto niya. Tahimik na pumasok si Zuko sa study niya. Mayroon siyang sariling maliit na study na kayang sariling pribadong espasyo. Binuksan niya ang drawer ng writing desk niya kung saan nakatago sa loob ang larawan niyang hawak
Minsan, pupunta si Zuko sa dagat nang mag-isa pagkatapos ng klase. Uupo siya tabi ng pampang at tutulala sa walang katapusang karagatan habang iniisip kung talagang natutulog si Pammy sa dagat. Nabasa niya ang tungkol sa The Little Mermaid at naisip niya ang isang eksena kung saan nahanap siya ng hari ng karagatan at ginawa siyang isang mermaid princess. Gayunpaman, mabilis na naglaho ang ngiti niya at isang sandali ng kalungkutan ang lumitaw sa inosente niyang mukha. Binalak niyang dalhin si Pammy sa Southeast Aciatic para sa kaarawan niya. Bakit siya nauwing natulog sa ilalim ng dagat? Giniginaw ba siya? Natatakot ba siya?Naaalala niya pa kaya ang isang kaibigang kagaya niya?Tumingin siya sa baba at isang malinaw na luha ang tumulo sa pisngi niya. Nawala ito sa ere habang umihip ang hangin. …Lumipas ang maraming taon. Ang batang nasa dagat noon ay isa nang ganap na lalaki ngayon, pero hindi niya binago ang nakagawian niyang tumitig sa dagat. “Gabi na, sir. Umuwi na