Share

Kabanata 918

Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Neil!

“Ikaw…”

Tampulan siya ng atensyon at minamahal ng lahat mula noong bata pa siya. Sa unang beses sa buhay niya, may pumitik sa ulo niya? Hindi iyon maaari!

Gayunpaman, nang lumingon siya at nakita niyang tumatawa ang babae, natunaw ang puso niya na parang cotton candy sa ilalim ng araw.

“Hindi ko inasahang napakalakas ng kamay mo ngayong ang payat-payat mo!” Ngumiti si Neil.

Tinaas ni Aurelia ang noo niya at matagumpay na tumingin sa kanya.

Pumalapit si Neil sa bawat isa niyang hakbang, maloko at mapaglaro ang makarismang mukha niya. Pinilit niya si Aurelia sa isang sulok.

Kagaya noong nakaraan, tinanday niya ang isang kamay niya sa pader at bahagyang yumuko. Ang babae lang ang lahat ng nakikita sa mga mata niya.

Uminit ang mukha ni Aurelia. Tahimik na tahimik ang malaking hall at ang naririnig niya lang ay ang kumakabog na dibdib niya.

“Ikaw… Anong ginagawa mo?” Ginamit niya ang katayuan niya bilang prinsesa. “Ang lakas ng loob mon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status